We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
mga sis, sa 300+ na photos, parang 10 or less lang nagustuhan ko. Sobrang frustrating. Ewan ko, edited na daw yun eh.
Ako lang ba hindi super happy sa outcome ng prenup? Ako lang na medyo nagsisisi? dito kasi kami sa Doha nag prenup, walang stylist, walang HMUA. Kami lang talaga. Akala namin okay na mga suot namin pero paglabas ng output, gusto kong maiyak sa pagkadismayado. Parang nakulangan ako sa effort ng photographer namin. Ewan ko. Di manlang nya sinabi na ang taba pala namin sa ganitong post. Na bakat na bakat pala mga tyan namin. Na gulo na pala ang buhok? Ewan ko. Alam ko naman na kasalanan din namin dahil wala ngang HMUA at stylist, pero ewan ko, ang dami kong nababasa na reviews na yung mga photographer nila e nagsilbing stylist at assistant nadin on the day of the shoot. Ewan ko, after ko matingnan ang output, nasabi ko nalang, yun na yun? Sa pagkatagal tagal kong na-excite, wala, ni hindi ko na tiningnan ulit. Ni wala akong planong iupload sa totoo lang. Nasayangan lang ako sa oras at pera, pero what to do? Hindi naman talaga kami kagandahan at kagwapuhan at mas lalong hindi kapayatan so sino ba naman kami para mag-expect? Wala lang, gusto ko lang mailabas to. Baka sakaling meron ding ganito pakiramdam.
^ If this happens to me, magpapalit na siguro ako ng photog sa wedding. Have you paid them in full na ba? Baka pwede pa i-cancel? Sorry pero parang hindi ko na kayang pagkatiwalaan sa wedding ko yun kung hindi ako masaya sa kuha nila during prenup pa lang.