watch now

Author Topic: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2  (Read 64082 times)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #520 on: October 05, 2015, 11:04:33 pm »
Mas bagay kase talaga kay Maine yung peach or pink lips, mas fresh. Pag naka red lipstick sya puro bibig nakikita ko sa kanya.

tischarmedlife

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #521 on: October 06, 2015, 12:27:03 am »
ako naman I find her pretty pa rin kahit red lipstick nya.  ;D Di ko napanood episode kanina, team replay ako  :(

bb

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #522 on: October 06, 2015, 07:28:27 am »
ako din di ko masyado gusto ang red na red lipstick ni maine. kaya yung m cdo commercial nya parang nakakapalan ako sa make up nya. siguro kasi sanay ako yung make up nya sa kalye hehe. mas pretty talaga sya pag sobrang simple lang yung make up kagaya yun kahapon na episode sa broadway. ang ganda ganda nya kahapon.

joiego

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #523 on: October 06, 2015, 07:36:00 am »
kilig na kilig ako nung nagtanggal si alden ng shades. pati si maine nahuli sa cam ang laki ng ngiti haha

Mrs.R0515

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #524 on: October 06, 2015, 09:56:26 am »
true mga sis. wala atang episode na hindi mo uulitin lalo na yung mga episode near sa Date at Akyat Ligaw ang sarap ulit ulitin. haaaaay. nakakain love talaga sila..

twelvth_goddess

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #525 on: October 06, 2015, 10:48:56 am »
Ang fresh and blooming nya sa broadway kahapon.

Leven

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #526 on: October 06, 2015, 10:52:17 am »
ang galing talaga ng EB hindi maubusan ng gimik, unlike sa iba :P

tapos kahit pawisan si alden parang bagong ligo lang, fresh na fresh  ;D

si joey ang init ng ulo, sunod sunod ang tweets  ;D

hahaha...natawa ako sa gimik nila sis, ayan tuloy pinagkiss na si Vice Ganda kay Karylle, desperado na talaga..haha..lumambitin na yung bakla..sa susunod..kakain na yan ng apoy sa anniversary nila..haha

MisCalculus

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #527 on: October 06, 2015, 11:39:09 am »
Last night ko lang napanood yung episode yesterday. Grabe naman, ang guapo ni Alden. Makalaglag pa---- panga.lol!  ;D  Mas muka syang governor kesa bodyguard. And si Maine, she's super blooming. Ang ganda ganda nya kahapon, hindi kasi ngarag unlike pag nasa baranggay sila.

Kilig sa kin na Maine reminded Alden na magpahinga 2x. Once during their fs, and again dun sa message sa wall. Then she tweeted pa na "take good care of your health self". It may be just a simple message for anybody, but for me it was another indirect message for her ka-tandem... Kahit sino siguro maaawa sa hectic sched ni Alden, baka ma-burn out yan just like what happened dati to Angel Locsin.

« Last Edit: October 06, 2015, 12:39:43 pm by MisCalculus »

hayne22

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #528 on: October 06, 2015, 05:47:21 pm »
Si Alden nag papamiss hahah. Nasa Naga pala sya ngayon.. d kumpleto pag wala sya..not so happy si Maine..

SnowBall

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #529 on: October 06, 2015, 06:26:03 pm »
Sobrang gwapo niya doon sa rogelio outfit. Mukha siyang CEO ng company na korean pop haha.

Lalo na nung nagtanggal ng shade.. nabuhay ang lahat ng parte ng katawan ko pati ang aking patay na buhok hahahaha!!

Kiligggg mga sis!!!!

Nakakainis lang kanina.. bakit ganun.. nasa naga pala si bae alden pero hindi na incorporate sa storya ng kalye serye?

Dati naman nung pupunta siyang bicol din kasama sa kwento.. kunwari bibili siya ng pili at bicol products.

Tapos may video greetings pa siya kay maine dati.

Kanina.. very sad ako.. hindi na nga nasama sa kwento.. wala pang video greetings man lang..

Nalaman lang na nasa Naga siya dahil sa post ni kris bernal sa IG niya na magkasama sila ni alden kaya ayun na bash ng ibang fans lol.

Nakakainis lang. Ang balita ko pa wala siya ulit bukas o thursday kasi nasa zamboanga ba yun. Then sa saturday daw nasa japan!!!

Waaahhhhh.. ilang araw na walang kiliggg.. huhuhuhuhuh..

twelvth_goddess

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #530 on: October 06, 2015, 06:31:52 pm »
^Naku weeksary ah. Yung sa Japan alam ko Sunday pa yon.

Mrs.R0515

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #531 on: October 06, 2015, 06:35:00 pm »
^its okay sis.. hindi naman sya mawawala babalik naman sya...nagpapa miss lang sya ng sobra di lang sa atin pati din kay Meng.. hehe..

falls_mc141

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #532 on: October 06, 2015, 06:50:26 pm »
Sobrang gwapo niya doon sa rogelio outfit. Mukha siyang CEO ng company na korean pop haha.

Lalo na nung nagtanggal ng shade.. nabuhay ang lahat ng parte ng katawan ko pati ang aking patay na buhok hahahaha!!

Kiligggg mga sis!!!!




super gwapo nga niya sa rogelio outfit, napatili ako nung makita ko siya!
natawa ako sa "patay na buhok" hehe

dealwithcharm

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #533 on: October 06, 2015, 07:04:19 pm »
ay mas bet ko nga na hindi muna sila magkita para may konting mystery sa kalyeserye

para makita  din natin kung hanggang saan ang pasensya ni maine pag wala si alden,kung makakapaghintay siya ng tamang panahon.same with alden din also.

mas bet ko ngang matagal silang hindi magkikita para may konting excitement sa kanilang dalawa pati na rin sa fans nila..

i'm sure pag nangyari yun sabog na naman ang twitter...

itcha123

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #534 on: October 06, 2015, 07:22:36 pm »
Agree with you sis, medyo malungkot lang ang kalye serye kasi wala si alden kanina, pero di ba sila-sila din lang naman ang magkakasama nung wala pa ang aldub. And in reality may time naman talaga na hindi kayo palagi magkasama ng lovi-dovi mo. Paniguradong pagbalik ni alden makikita natin ang tunay na feeling nina yayadub at alden sa isa't-isa. Baka boom panes ang twitter...😂

joiego

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #535 on: October 06, 2015, 08:53:49 pm »
Sobrang nakaka miss si Alden bakit ganon. Ready pa naman na ang katawan ko kanina na makitang naka Rogelio outfit siya haha

twelvth_goddess

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #536 on: October 06, 2015, 10:19:02 pm »
Wasn't going to watch the replay sana but I did pa din, natuwa naman ako kay Baste, saksakan ng cute yung batang yon. Sorry pero hinde ako natutuwa kay Ryzza..

Nasa Zamboanga nga si Alden on Thursday. May tweet si Maine just now na it's going to take some getting used to. Daming shows ni Alden, wala talagang awa tong GMA. Mabuti na lang under TAPE si Maine, kungdi malamang ganon din gawin sa kanya.

Oh well, tama nga, siguro dapat nga may time apart naman din muna so they can both realize kung talagang may space sila in each other's minds. Sigurl nasanay lang talaga ko na nakikita ko sila palage.

qmoonlight

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #537 on: October 06, 2015, 11:06:17 pm »
Accdg to an insider sa gma yang mga out of town ni Alden matagal na raw yan naka line up prior to kalyeserye pa. Eh sino ba naman ang mag expect na in a span of 3 months ganon sya ka busy. I'm sure Alden also love what he is doing. But i agree i miss him too sa episode today. Parang you are getting used to see him with maine everyday na nagbibigay kilig. Parang iba rin aura ni Meng kanina, she's not as glowing kesa andyan si Alden. But well, okay na rin yon kasi mas exciting ang mga sumusunod. 

twelvth_goddess

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #538 on: October 06, 2015, 11:09:47 pm »
Sana naman may proper spacing pa din para naman may rest pa din yung tao. Imagine 7 days a week na ang shows nya, may shoots, pictorials and guestings pa. Pag lumabas lalo yung album nya and he starts promoting baka sa kalye na sya lage matulog nya. Wawa naman, even at a young age mahirap pa din abusuhin katawan.

Sabe ni Nate Gonzaga, nasa EB si Alden tomorrow. Pero malamang yan wala sa Thursday kase 3pm show nya sa Zamboanga.

hayne22

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #539 on: October 06, 2015, 11:56:16 pm »
bakit ganto, parang hindi kumpleto araw ko ng hindi ko nakikita si alden at yaya together hahaha ang korni ko lang..pero alam nyo yung parang may kulang? hahaha. paano kung wala si alden ng saturday sa eb? e diba finals na nila maine dun sa eb pa more chenes..nakakalungkot naman yun :(

medyo nakakaawa na nga si alden kasi everyday talaga ang trabaho nya, tawag nga nila reeza sa kanya team_kayod..grabe tong batang to, swerte ng mapapangasawa nya hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close