watch now

Author Topic: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2  (Read 63896 times)

mama7

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #20 on: September 17, 2015, 07:42:56 pm »
Yun nga yon sis, walang parinig yung kabila sa Aldub Kalyeserye kaya parang naawa ako sa kanila haha! Kasi diba parang naging fan din sila nung Aldub ginagaya pa yung pabebe wave ni yaya. Kaya naasar ako kay Joey imbis na tahimik na lang. Pag nagkapikonan yan naku ihahanda ko na popcorn ko sa mga comments ng fans na mag aaway away sa fb hahaha!

gorgeous_me

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #21 on: September 17, 2015, 07:52:41 pm »
@happyfemme: parang sabay nga silang humandusay sa sahig, haha..dati si Maine lang ang kilig na kilig, simulan nung nagkita sila, iba na talaga yung reaction ni Alden...cute nila talaga, hehe

@mama7: naku, hayaan mo na silang mag-away away, oras lang nila masasayang, lol

ngayon lang ako post ng post dito sa thread ng loveteam.
ngayon lang ako naging fan ng loveteam, haha..nakakaloka, ang saya kasi ng loveteam nila, walang keme keme..hindi nakakainis...iba pa yung ngiti nila..kaya parang may something talaga (o may something na talaga, hehe)

like ng Jadine, gusto ko sila, pero hindi ko sila pinapanood, hindi kasi ako fan ng mga teleserye, kalyeserye lang, haha

may comment pa akong nabasa, sana daw magkatuluyan ang MaiDen, sa kanila na daw sana mangyari yung wish nya kina John Lloyd at Bea...nyahahaha


mama7

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #22 on: September 17, 2015, 08:02:38 pm »
MaiDen -Made In Heaven tee hee!

Infairness maganda ang background ni Maine, at ang Beauty niya exotic. Mala Angelina Jolie ang lips.

gorgeous_me

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #23 on: September 17, 2015, 08:21:03 pm »
^oo nga, kasi yung mga dubsmash dati, pa corny ng pa corny yung mga gumagawa..tapos nung may nagpost nung sa kanya, natawa ako, galing kasi e..saka ang ganda nya tapos biglang nagdubsmash :D

mommynin8

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #24 on: September 17, 2015, 08:27:38 pm »
nahawa na si alden kay maine sa pagka kenkoy.  :-)

zanabee

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #25 on: September 17, 2015, 08:57:15 pm »
kakakilig naman si papa alden!!!! gumaganda si yaya no? si allan k... o.a, kung makasigaw!!!!! hehe!!!

MisCalculus

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #26 on: September 17, 2015, 09:07:23 pm »
Hayaan nyo na si JDL ganun lang talaga sya, sabi nya nga (mag)tino na lang mga fans, sya na lang ang naughty... On the other hand, i heard he has friends sa dos, so sanay na sila sa kanya. In fact, nagsign up ata ang tvj w/ star music; the famous trio entrust their song to star music. Business as usual.lol!

--
Naka block na po ang saturday ko starting sept. 19 hanggang tamang panahon which i heard is malapit na malapit na. Minamadali na becoz of that mmff movie kaya need na nila magkaron ng interaction. Yay!  :-*

#whatissociallife

--

I salute VG.lol!
Seriously, he's really trying his damn best to keep IS. A for effort talaga.
But i would prefer sana IS to just stick to what they are good at - gumawa ng mga segments / contests that showcase extraordinary talents of ordinary people. Yun lang :D
« Last Edit: September 17, 2015, 09:11:49 pm by MisCalculus »

Reynamargallo

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #27 on: September 17, 2015, 09:18:42 pm »
I saw it here ata or sa pinoyexchange na its showtime were given 2 months to improve their ratings or else mag reformat ang buong show.

Laking challenge ito for them. A for effort talaga kay vice. pero sana wag medyo hawig sa aldub ang ginagawa nila. Hmmm.. ano ba ang segmet nila dati ang patok na original? Hmmm.... wait... lemme recall.... patok na original.... sige, research muna ako ng sagot. I'll be back!  :D



MisCalculus

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #28 on: September 17, 2015, 09:21:32 pm »
^haha! Di ko na din marecall yung tawag pero meron isa yung dance contest nila na buwis buhay ang stunts, tapos pag grand finals na lahat ng naging judges nandun din. Basta yun na yun :D :D



parang ako kahapon, wala akong pasok kaya napanood ko ng live yong Kalyeserye, e di iyak at tawa ako (parang baliw lang) sa kakiligan, hahaha.  Then sa gabi, kunyari na lang di ko napanood nong nireplay na ni hubby.  pero kilig pa rin ako. 

^no problem sis, magrereply na sana kasi ako biglang locked na pala.  sayang naman yong mahaba kong post, hehe

Sis, ang lakas lang maka bagets di ba.hehe!
Wala akong lovelife kaya nakiki lovelife na lang ako sa kanila wahhh :D

Napahaba din yung last post ko sa old thread.
Sa aldub threads (here and pex) lang ako nagpupunta. I'm too happy and stress-free to entertain bad news / bad vibes ng kabila about aldub. Sorry, certified fangirl na kasi ako hehe!

« Last Edit: September 17, 2015, 09:25:05 pm by MisCalculus »

gorgeous_me

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #29 on: September 17, 2015, 09:47:40 pm »
@MisCalculus: gusto ko yan, nakiki-lovelife, I can relate, haha

kaya ata kilig na kilig ako e, pero plus point na conservative si Alden, bibihira na lang yun, LOL
gusto ko  yung theme kasi, pahirapan..sabi nga ni Lola Nidora, "ano yan rubber shoes, inaarbor lang" hehe

halos wala ng ganyan ngayon e..
sana magluto naman si Maine para kay Alden... (culinary arts e :D), baka ma-inlove ng tuluyan si Alden :P

twelvth_goddess

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #30 on: September 17, 2015, 09:51:22 pm »
^True. Aside talaga from the kilig part, I like the values that they impart.

I'm trying to come to terms with the fact na hinde ko mapapanood ng real time sa Saturday ang first date nila, my daughter has a school event at 1pm, eh yun ang start ng [textspeak!] pag Saturday.


septembernine

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #31 on: September 17, 2015, 09:55:27 pm »
ano yung fansign ni alden na ready na siya? ready na siya mag ka gf?

Reynamargallo

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #32 on: September 17, 2015, 10:00:22 pm »
hi sis!
Kanina during the ATM with the Bae segment, Alden mentioned na "ready na ako" daw means ready na daw siya maghintay sa tamang panahon. :D

I think alden is still playing it safe.

Pero sana magkatuluyan talaga sila ni Maine!!!

gorgeous_me

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #33 on: September 17, 2015, 10:09:24 pm »
^tama, eh kasi hindi pa talaga sila nag-uusap, haha
kaya hindi pa talaga nila nakikilala yung isa't isa.

maisingit lang, natawa ako don sa matching game, ang tagal sumagot ni Alden, nagddrawing pa siya..sabi tuloy sa broadway, baka idrawing pa nya yung ingredients ng sinigang, LOL

hayne22

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #34 on: September 17, 2015, 10:26:37 pm »
^ tawang tawa rin ako dun sa sinigang. Pag bumanat ang isa nag kakahawaan na lahat. Panalo rin si kuya sa sugod bahay, parang lasing. Nung nag matching game sila, parehas sila ng may drawing na sun same position pa..yung beach ata yun..meant to be ata talaga sila heheh

septembernine

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #35 on: September 17, 2015, 10:30:32 pm »
portion portion lang napapanood ko ng kalye serye. yung ina upload [textspeak!] ng eat bulaga sa FB.


I think alden is still playing it safe.

Pero sana magkatuluyan talaga sila ni Maine!!!


i agree. minsan parang umaakting pa rin si alden. pero yung reaction niya nung "van" ep when he saw yaya dab, i could tell very real. si yaya gusto niya talaga ai alden. :D

chinkywinky

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #36 on: September 17, 2015, 10:39:13 pm »
Sabog na naman ang social media sa Sabado nito. As for IST, wag na silang gumawa ng desperate move para tapatan ang aldub, manood na lang din sila sa Sabado  ;D ;D

Iba na kilig ni Alden, mas kilig pa sya ngayon kaysa kay Maine ah  ;D

qmoonlight

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #37 on: September 17, 2015, 10:41:47 pm »
If you don't get Joey's humor you won't really understand him. Ganyan naman talaga siya eversince. Naku, saan kaya sila mag date?

honeyblue

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #38 on: September 17, 2015, 10:42:19 pm »
i love aldub! though mas bent sakin si yaya dub kasi mas genuine sya. for me, yung reaction nya talaga sa start yung nag-establish ng love team nila. mukhang totoong type na type nya si alden e. si alden kasi minsan mukhang pilit e (pero lately medyo improving na).

can't wait sa day na ipaparinig na nila yung real voice ni yayadub. baka magcrash ang twitter. lol :D

gorgeous_me

  • Guest
Re: AlDub (Alden Richards & Yaya Dub loveteam) - Thread 2
« Reply #39 on: September 17, 2015, 10:49:04 pm »
may napanood akong interview ni Wally, sa youtube ata yun, tinanong siya ni Wally, bago pa ata magstart yung love team nila, kung sino crush nya sa EB, sabi nya si Alden daw, hehe

pero nagstart yung loveteam nila, si Allan K ang nanukso e, hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close