Hello po sa inyong lahat. I'm 25 years old, at nadiagnose po ako of having PCOS nung 2nd year college ako (so mga 19 years old po ako noon). I was having one month of continuous mens/bleeding. Nagpa transrectal ultrasound po ako (virgin pa kasi ako noon, so hindi transvaginal), consultation, tapos nagtake po ako ng hemostan para matigil ang bleeding. Umepekto naman po at natigil yung bleeding, bumalik naman sa dati yung menstrual cycle ko. That was 2009 po.
Tapos nagkaroon po ako ng boyfriend, and we were having sex. For 3 years magkasama po kami. Pero 2 and a half years ago, he left to work abroad. Pabalik na siya sa Pilipinas in 6 months time. Bale 3 years po kami magkasama sa Pinas, tapos magkalayo rin po kami for 3 years. During sa 3 years na magkasama kami, hindi po ako nabuntis. Minsan we have protected sex, minsan unprotected sex pero following the calendar method, tapos may times na unprotected talaga (cum inside, not minding the calendar). Umiinom po ako ng pineapple juice after magsex. We were both studying nursing po, kaya medyo may knowledge po kami sa ganun. At bata pa lang kami noon, kaya pag negative po ang pregnancy test, sigh of relief para sa amin. Pero we always wondered po kung bakit walang nabubuo.
Ngayong pabalik na po siya from abroad, gusto na naming magstart ng pamilya. Since nung napatingin po ako nung 2009, hindi na nasundan ng checkup. Every month naman po ako nagkakaperiod, pero hindi ko po alam kung pareparehas ang agwat ng days, hindi po kasi ako nagtatrack ng menstrual cycle. Basta alam ko, every month meron ako.
I feel so bad na naging negligent ako. Ngayon ko lang naiisip ito kasi gusto na namin magkapamilya, kaya I am very worried. I am self-employed po at wala pa akong health card.

Sana po wag niyo ako ijudge. Kailangan ko lang po talaga ng advice.
Ang gusto ko pong tanungin, possible pa rin kaya na may PCOS ako? May extra hairs po na tumutubo sa face at abdomen ko, pero lahi rin po talaga kasi namin ang balbon. Thick hairs po yun sa may jawline at abdomen, saka nagkakabigote rin po ako. Overweight din po ako. Kahit nung college po ako, overweight rin ako. Mas tumaba po ako after nung treatment ko for irregular bleeding nung 2009.
Pauwi na po yung boyfriend ko after 6 months. Kaya ngayon po, gusto ko ready na po ako.
Ito po yung mga importante kong tanong, sana po masagot ninyo:
1. Saan po ako magsisimula? Anong klaseng doktor ang pupuntahan ko, gynecologist po ba o endocrinologist?
2. May marerecommend po ba kayong doktor sa Quezon City, preferrably sa may northern part like Fairview?
3. Ano po kayang mga test ang kailangan kong gawin? Any insight po kung magkakano iyon?Sana po talaga matulungan niyo ako. Please please please po, if it isn't too much to ask, sana po may magreply. Sobrang laking tulong po nun sa akin. God bless po sa inyo!