Author Topic: Sama ng loob during wedding preps  (Read 44740 times)

Chili1113

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #180 on: November 25, 2015, 12:52:58 am »
^You mean 9 weeks or 9 months to go till your wedding? I assume you meant 9 weeks. Anyway, sad to say here in the Philippines malayo pa talaga ang 9 weeks for people to properly RSVP. I think people start responding around 4-6 weeks to go. =(

I hate this, but I am honestly guilty of this when I RSVP for weddings. To be honest kasi, sometimes Im not sure if I want to attend... or I am still waiting to hear from our other friends if they will attend before we say "yes." I know this is NOT NICE, but that's the reality hehe People really do that.

THATs why I keep telling my fiance wag na namin invite some friends we arent super close to. The types who will be on the fence pa trying to decide if they will attend our wedding or not. But H2B thinks we should just invite them kesa sa may masab pa daw.

sparklingjewel

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #181 on: November 25, 2015, 05:34:22 am »
^Chili1113 4-6 weeks is a bit of a stretch.. im already there haha and friends havent RSVP-ed. I think we'll send out follow ups at 3 weeks so that its close to the date and they would have decided by then.

stylus

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #182 on: November 25, 2015, 06:45:33 am »
sis iameynjhel.. naloka ako sa 9 months mo. kami we're planning to get the final list (deadliest deadline of rsvp) 2 weeks before wedding day. dun din namin gagawin table assignments. chill lang kayo sis. marami pa palang months para makapagreply yung 3 friends nyo.

iamyourangel08

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #183 on: November 25, 2015, 07:40:34 am »
share ko lang din mga sis yung experience namen nung wedding namen,.Yan din isa sa mga kinakaasaran ko yung mga friends mo na nagreply sayo na pupunta sila pero nung event itself e mga "no show"..nakakainis lang yung ibang friends ni hubby, to think sobrang pili lang, as in yung super close lang yung pinili namen para invite..dapat nga maging proud sila kasi of all the people na kakilala namen nakasama silang iinvite sa wedding namen..(yung mga hindi kasi namen super close hindi na namin ininvite to give way dun sa mga importante din smen)..so nung tinext na sila nung coordinator namen lahat sila ng yes na pupunta sila and one of his friends requested pa nga na may isasama siya, so xmpre effort smen yun kasi magdadagdag kami guest or magbabawas kami..then a day before the wedding nagtext yung isang friend niya na baka daw hindi siya makapaunta kasi ganito ganyan..my biglaang team building daw sila..yung isa naman hindi daw pinayagan sa work niya..nakakainis lang kasi parang gumagawa lang sila ng dahilan pero ang totoo wala [textspeak!] talaga silang balak pumunta..nung last time pa naman na nagkita kita kami kung makapagsalita sila parang super excited sila sa kasal namen yun pala puro kplastikan lang mga sinasabi nila..eto pa nakakasama ng loob dun..after namen meron pa kaming 2 friends na kinasal, at pareho silang present dun sa kasal na yun..imagine mga sis..tapus nung nakita nila kami sorry lang sila ng sorry..pero parang kamj ni hubby nawalan na ng ganang makipagfriends sa kanila..so markado na sila smen ni hubby na everytime na may event sa family namen hindi na namen sila invite kasi namimili naman pala sila ng pupuntahan..nakakalungkot lang din na yung akala mong importante sayo e importante ka din sa kanila, yun pala nagkamali ka..

mikky21

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #184 on: November 25, 2015, 08:04:35 am »
^sis iameynijhel tapos na ba deadline mo ng RSVP? I like the idea of sis stylus, save the date muna. Ganyan din siguro gagawin ko. But then again if close friends ko ill do my best to reach out as much as i can kasi gusto ko andun sila on my wedding. Kung close mo naman sila pwede mo naman sabihin siguro na "nakakatampo naman kayo" then mention their names.

stylus

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #185 on: November 25, 2015, 09:02:45 am »
^Sa mga friends namin na nagreact sa save the date, nagrereply kagad kami na "punta ka ah" or "magfile na ng leave yung mga may pasok" or "wag kayo magpapabook ng gala nyo sa wedding date namin" yung mga close friends talaga namin sinasabihan namin na pag di umattend sa wedding, automatic di na invited sa binyagan. Hehe. Pang asar lang. Marami naman ways para maiparating natin sa friends na gusto natin sila makasama magcelebrate sa special day ng buhay natin.

mikky21

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #186 on: November 25, 2015, 09:16:51 am »
^ako din ganyan gagawin ko pag may save the date na kami. Haha.  Or kukulit kulitin ko na lang sila. Even the boys kasi pareho naman kami ng circle of friends ni h2b. Pano ba yung sainyo sis? Binigyan kayo ng save the date photo ng P/V niyo tapos yun yung sinend niyo?

stylus

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #187 on: November 25, 2015, 09:55:13 am »
^diy save the date namin sis. Ako lang nagdesign and layout. Saka puro soft copy lang sinesend namin para no need to print :)

bzbee

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #188 on: November 25, 2015, 10:07:01 am »
@iamyourangel08 nakakalungkot yung mga ganito. sa totoo lang, h2b and I are already expecting something like this to happen. everyone is saying how excited they are and that they won't miss it pero on the wedding day mo na lang talaga malalaman kung sino yung talagang magbibigay ng effort para inyo. nagpustahan na lang kami ni h2b kung sino ang mas maraming bisita na hindi pupunta lol

charmed30

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #189 on: November 25, 2015, 10:20:26 am »
More than a year of preps, at more than a year na din akong nagkakaaltercation with my parents. Lagi na lang ako sinasabihan na hindi naman daw kelangan na bongga ang wedding, need pa din isipin yung life after the wedding. Hindi ko naman daw kelangan sagutin pati crew meals and entourage gowns. Not necessary na the venue is super mahal.
I totally understand them. I get their point na life after the wedding is more important. That we need to save up money. They are right.
But then, that's what we are exactly doing. Apart from the wedding expenses, we are still saving up. That's why medyo higpit-sinturon kami ngayon kasi i don't want to put all our money on the wedding. Life after the wedding is as equally important to us. Lagi ko sinasabi naman yan sa kanila for assurance. Wala din kaming utang with regards to the wedding.
Sana lang kahit once, maging proud naman sila na yung mga anak nila can pay for their own wedding. Hindi naman kami humingi ng money sa kanila. I hope that they can see na responsible naman kami.
One of reasons that's why we are doing this is because of them naman. A little appreciation or a pat in the back will be so much valued.
Tsaka, hindi naman mura magpakasal ngayon. Ayoko naman yung parang nairaos lang.
Hay. Parents talaga.

mikky21

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #190 on: November 25, 2015, 10:26:33 am »
^sis stylus DIY na lang din ata yung save the date ko. Haha. Balak ko nga sa invites PS lang ang meron tapos 3(1 for us tapos 1 each sa family namin) patingin naman ako ng save the date mo sis. If you dont mind. Kahit pm mo na lang sakin. :)

shygirlme

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #191 on: November 25, 2015, 10:36:42 am »
^^hugs sis! Naalala ko ang daddy ganyan din nung wedding preps panay remind samin na wag gagastos ng malaki. Akala ata eh tulad pa din ng dati na kahit mura ok na. Simple lang wedding namin pero malaki din nagastos namin kasi mahal ang church at caterer namin.after the wedding wala ako narinig sa parents ko, kasi nakita nila maayos at maganda ang wedding namin. At alam din nila na hindi kami problemado kahit tapos na wedding namin kasi alam nila may ipon kami at wala kaming utang. Let it go nalang sis pag nakita ng parents mo yung wedding mo mawawala na din yan alam mo naman matatanda hehe

stylus

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #192 on: November 25, 2015, 10:43:19 am »
^check mo sa diy wedding at diy invitations thread sis. Nandun din ibang diy save the dates at invitations ng ibang sis. Diy lang din invitations ko sis. 100 pcs lang ginawa ko :)

Tehsee

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #193 on: November 25, 2015, 10:46:36 am »
Kaunting sama lang naman ng loob sa 'rents kasi tanong ng tanong kung ready na ba daw talaga kasi 'bata' pa at 'bago' (1 year!) pa lang, engaged na kagad.. e sila nga less than that magkakilala, tapos late 20s na kami, sila early 20s nagpakasal! :( kelangan pa ata ng time mag let-go pero sana bilis bilisan para di na ko mahiya magpatulong sa preps

mikky21

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #194 on: November 25, 2015, 11:25:47 am »
Nice. Sana pag gagawa na ko invites makakaya ko ng DIY hindi kasi talaga ako creative. Haha

Purple_Power

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #195 on: November 25, 2015, 03:16:02 pm »
iamyourangel08 Nangyari na rin sa akin yang (non wedding event) yung hindi man lang nagconfirm hanggang sa No Show pero nung kinausap ko yung friend siya pa itong excited rin pinakita pa sa facebook yung invitation ko yet Ninong pa siya pero nakakagulat na no show siya. Tapos nung kinakausap ko kung bakit hindi nakapunta, deadma lang. Mas naiinis ako sa ganun na walang pasabi. Mas tatanggapin ko pa nga yung nagpalusot na lang kasi hindi ko control yun kesa naman sa walang pasabi. Basta sabihan lang ako whatever their reason okay na ako run. Kesa naman sa pinaasa tapos hindi naman pala pupunta. Eh di sayang yung slot. May mga sinakripisyo na rin kaming gusto namin imbitahin pero dahil sa budget hindi namin magawa.

stylus

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #196 on: November 25, 2015, 03:38:15 pm »
^true sis. Kahit sino naman kasi na gagastos ng "peso power" per head tapos biglang no show.. sasama talaga ang loob. Kung nagsabi na di pupunta.. sana makakapag invite pa tayo ng ibang tao na mas pinapahalagahan yung event natin

dr.thereal.joy

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #197 on: November 25, 2015, 07:09:49 pm »
yung sobrang research ka sa suppliers tapos di pala nila type kasi gusto nila yung lahat ng suppliers ulit nila. =/ lalaglag ka pa ng h2b sa kanila. haha echos. makinig na lang ako ng mga kanta ni adele.

Purple_Power

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #198 on: November 25, 2015, 09:59:46 pm »
^Sayo ba nangyari yan sis?

iameynjhel

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #199 on: November 25, 2015, 10:56:55 pm »
Sis Chili1113 its really 9 months hahaha super paranoid si h2b as in gusto niya me final list kasi dami pang gagawin.  ;D

Naku Sis stylus kung alam mo lang super pinepressure ako ni h2b na pilitin alamin kung pupunta ba talaga yung 3 friends ko or hindi  :(

SIDE KWENTO lang sa situation namenNI H2B, both busy kasi kami sa work parehong mon-sat 9-10hours shift. And tuwing SAT-SUN lang kami nakakapaggawa and tutok sa wedding namen. Nagbigay pa ng sample computation si h2b saken kung gaano kaikli lang yung prep namen. Technically parang 80days lang yung prep time mula ngayon hanggang sa week bago ang wedding. Hindi pa kasama yung mga araw na may iba kaming lakad at sideline pag sat or sun.

DIY couple kami, so talagang hanggat maari gusto lahat personalized and handcrafted yung designs sa wedding namen. From the Grassbackdrop,Giant Flower stands ,lahat ng pwede i DIY up to the smallest detail na thankyou cards lahat DIY.
Isa sa mga souvenir namen is yung Caricature ng bawat guest na included sa pinaka main souvenir nila. Biglaang naisip ni h2b na idagdag sa souvenir namen kaya need ng confirmation kung sino pupunta or hindi.

My h2b is an Architect and gumagawa siya talaga ng mga caricature so we thought of giving each guest their own caricature sa wedding. Kaso kelangan daw ginagawa niya yung drawing kapag naka "artist cap" siya hindi daw basta basta yun kaya ako naman iniipit sa mga guest namen. Pag architect ata ganun talaga gusto lahat planado lahat naiinis pag me nababago or hindi nasusunod sa gusto  :-\

As of this writing,we already have 138 confirmed guest. Yes confirmed kasi lahat kilala kami as a couple as in nung naengaged kami August 2014 inisa isa na namen sila and ayun nagconfirm naman. Kaso itong 3 mula nung 2014 waley kaming news kung pupunta ba or hindi. Kaso gusto ko sila pumunta, kaso sabi ni h2b wag na daw papuntahin parang di daw tunay na friends.

Medyo nakakarelate ako kay sis iamyourangel08 hehe malalaman talaga kung sino yung mga true friends sa hindi.

Ayun sorry ang haba.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close