Author Topic: Sama ng loob during wedding preps  (Read 44794 times)

cristinarocel

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #140 on: November 12, 2015, 06:03:12 pm »
I was 10 nung kinasal parents ko sa church kasi civil lang sila kinasal before so nung kinasal sila anak na kaming lahat. Less than 100 lang yung guests puro relatives and close friends lang. Hinding hindi ko lang talaga makakalimutan yung sinabi ng ilang tao na di din namin inasahan.

Duon sa part na magbibigay ng message yung family, friends, and mga part ng entourage yung tita ko (sister ni papa) na napakasama ng ginawa nya. In front of all the bisita naglabas ng sama ng luob sa mga magulang ko like mula simula ang punong puno ng sumbat with matching iyak pa.

Mint green and motif so lahat ng tao naka pastel if not mint green and suot, and this other tita (youngest sister of my papa) wore a black dress and red na red ang lipstick.

Yung father ko wala na kasing dad so he asked his uncle na tumayo bilang tatay, this same uncle yung pinagkuhanan ng mga baboy and chicken na niluto ng caterer after sya bayaran bago mag start ang reception umalis na sya kasi daw gagabihin sa daan. :( Buti na lang yung isang uncle ni papa na close nya talaga di namin inexpect na makakahabol kasi that time politician sya sa Tacloban so very busy talaga kasi mag election na. Sya yung tumayong father buong reception, kung nalaman lang namin ng maaga na makakahabol sya, sya nalang sana ang naghatid kay papa sa altar.

Lastly, itong isang ninang na close naman ng mama ko right after the wedding tsinitsismis agad sa mga tao na nilalangaw daw ang event meaning walang bisita at nasayang ang food.

Hay. Buti nalang sobrang understanding ng mom ko at napaka bait. Kung ako yung pinalayas ko sila or hindi pinapasok!

Purple_Power

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #141 on: November 13, 2015, 01:03:53 pm »
^Hindi man lang magpakitang tao kahit sa kasal lang. There is a proper venue and time para maglabas ng sama ng loob. Wedding usually talks about wishing all the best for the marriage life yet about happiness and positive things pa. Hindi eh! ang nangyayari parang kayong nasa supreme court kapag speech tapos kapag patay na saka pa sasabihin yung mga magagandang bagay at nangyari sa buhay.  :o How ironic lang diba?

Nasayang ang food? Mas di hamak na magagawan ng paraan ang sobrang food kesa sa kulang ang food. Anong gagawin niya kapag nagkulang ng food?

tiffany24

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #142 on: November 14, 2015, 03:26:12 am »
sobrang bait naman ng mama mo at natiis niya yun sis cristinarocel, kung ako yun baka away away na. Anyway past is past, sila na magdadala ng mga ginawa nila. At least alam mo na who to invite pag ikaw naman kinasal sis  :)

blackgreen

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #143 on: November 14, 2015, 07:51:42 am »
@corpsebride sobrang nakakarelate ako sa iyo. Meron din ako super close friend na ganyan. Alam mo yun feeling na parang hindi siya happy tapos pag magkakasama kayo ng friends niyo at napaguusapan kasal ididivert niya sa iba yun topic na supposedly kaya kayo nag get together ng friends to talk about your wedding eh ang ending yun problema na niya sa bf niya or kung anong magandang ginawa ng bf niya ang topic niyo na. I jusy let it go sis. Hinayaan ko na lang. Magmuala nung nafeel ko siyang ganun hindi ko na sya kinausap about our wedding. Dina rin ako nag open up sa kanya.

I agree na pag valid reason hindi naman test of friendship ang wedding pero some does not have a valid reason. Yun ang masasabi mong test of friendship. Nangyari yan sa akin di siya umattend for whatever reason after sometime nagdecide na lang ako na isave ang friendship and just let it go pero hindi na ganun ang level of confidence ko sa kaniya. Sabi nga ni hubby wag na daw ako masyado maglalapit sa kaniya.

Purple_Power

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #144 on: November 14, 2015, 03:09:21 pm »
^Ininvite mo ba yung friend mo na yun sa wedding mo? Kasi ako to be honest meron akong friend na pinagtabuyan ko na eh! yung nag drag me pababa saka yung nagmanipula sa akin. Nakakarelate ako sa friend na kapag may nai-open up kang topic na kahit ano aagawin niya attention mo tapos biglang puro sa lalake na yung gusto niyang pag-usapan. May isang friend pa man din ako na hindi interesado about lovelife kaya hindi sya nakikinig. Kaya sa totoo lang nung nag dream planning kami about wedding kung sino gusto kong maging witness eh! nasa abroad yung mismong close ko pero siya hindi ko talaga isasama kahit kailan.  ;D Yes naka move on na kaya lang may lamat na talaga.

blackgreen

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #145 on: November 14, 2015, 04:55:50 pm »
^ininvite ko pa rin sis. Umattend naman siya parang nung wedding nafeel ko naman na parang happy siya for me pero ayun sabi ng isa kong friend puro bf pa rin daw niya naging topic sa table nila. Tapos medyo nagreklamo daw sa init nung wedding namin. Hinayaan ko na lang. Important mas marami naman happy for us.

Totoo na magkakalamat talaga. Pero siguro ganun na yun talaga. Isa yan sa may pinakamalaking sama ng loob ko during preps. Naka move on na rin ako pero pag naalala mo lang maiisip mo na sana hindi sila ganun para everybody happy diba.

cristinarocel

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #146 on: November 15, 2015, 05:01:18 am »
Tama kayo sises kaya kahit kamag anak ko sila hindi sila invited sa kasal ko next year. Araw ko yun, ayaw ko agawin nila. Bahala sila kahit na anong sabihin nila. Mas mabuti ng ganun kesa forever ko maiisip yung gagawin nilang hindi maganda if ever.  >:( >:( >:(

corpse_bride

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #147 on: November 15, 2015, 09:13:44 pm »
Sis blackgreen yung friend ko naman mukhang walang makkwentohan tungkol sa bf niya coz wala kaming masyadong common friends. Naging close lang kami thru an ex-friend of mine. I've considered inviting pa nga a friend just so may makasa siya. But I'm thinking of putting them sa after party all together para mas casual lang. 

With comments naman what I get from her is bakit daw di ko kunin si ganyan ganito. Gulat nga ako she knew of these suppliers, while ako I've only heard of them during preps na. Siguro she badly wants to get married nga. I know kelangan natin silang intindihin if we're really good friends pero nakakapagod ng umintindi sa totoo [textspeak!].

Purple_Power

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #148 on: November 16, 2015, 05:40:48 pm »
^So true nakakapagod rin umintindi and the more you show them na iniintindi mo sila chances are they will be abusive until they are going to drag you down. Kaloka what a friend?

Tama kayo sises kaya kahit kamag anak ko sila hindi sila invited sa kasal ko next year. Araw ko yun, ayaw ko agawin nila. Bahala sila kahit na anong sabihin nila. Mas mabuti ng ganun kesa forever ko maiisip yung gagawin nilang hindi maganda if ever.  >:( >:( >:(

That is good idea! just same mentality here, I don't want inviting relatives na kailanman hindi naging concern sa akin yet they are nega to me. What is the sense diba? Mas gugustuhin ko nang may masabi sila about not inviting them kesa naman sa nakita ko sila sa venue tapos nakikipagplastikan lang kahit na alam mong ayaw niyo naman sa isa't isa, then in the end ikaw itong badtrip forever dahil naandun yung ayaw mo at mabigat pa sa kalooban mo na inimbita sila kasi pinilit ka ng magulang mo. Eh di ang mangyayari pa yung mismong celebrant ang hindi masaya sa sarili niyang okasyon.
« Last Edit: November 17, 2015, 12:49:29 am by Purple_Power »

blackgreen

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #149 on: November 16, 2015, 06:40:22 pm »
^^agree sis. Nakakapagod talaga umintindi. Kaya nga naging recourse ko hindi na lang ako nagkkwento about wedding preps sa kaniya kasi kesa naman nega vibes ako palagi. Meron din siya ganyan mga comment sa akin bakit daw tinitipid yun ganito ganyan, etc

altheabride

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #150 on: November 17, 2015, 12:28:43 pm »
May nagnakaw pala ng 3 Mac lipsticks ko during prenup shoots namin.

ece

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #151 on: November 17, 2015, 03:43:24 pm »
am I a bad daughter kung sabihin ko na medyo masama ang loob ko sa mom ko? not to the point na galit, more of nagtatampo lang? 3 years ago nagsabi na si h2b sa kanya about our plans, okay naman sa kanya, early this year napagkasunduan na ang date ng kasal. she's always there to support us naman, tumutulong siya sa preps since nasa abroad ako, ang problema ngayon, ako kase ang nag papaaral sa kapatid ko, sinabihan ko naman siya before na this sem, hati muna kame since madami gastos sa preps, ayon, nagagalit siya sakin at di nya ko kinakausap. pinabayaan ko daw kapatid ko. isa pa: mag aabay din yung kapatid ko sa kasal ng pinsan namin, sakin din pinapaisip kung pano ang damit, sabi ko, sabihin dun sa pinsan ko na ikakasal, kasi diba dapat sila naman talaga ang mag isip nun? umabot na sa sinabi ni mom na, hindi nyo pala kaya, bakit pa kayo mag simbahan? nag civil nalang sana kayo. dun ako naiyak. buti nalang anjan si h2b na umiintindi.

ayon, ang haba. hehe..

blackgreen

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #152 on: November 17, 2015, 04:36:34 pm »
^sis baka defense mechanism lang ni mom mo kaya may ganyan siya. Baka kasi ayaw pa niya ikaw mawala sa kaniya. Ikaw ba unang ikakasal?

stylus

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #153 on: November 17, 2015, 05:24:00 pm »
^^sis baka stressed lang si mom at baka may pinagdadaanan financially. suggestion ko lang kung kaya mo pa magstretch ng budget para sa tuition, pagbigyan mo na lang para di lang masabi na strictly 50/50 ang ginawa mong hatian nyo.

pero yung pang abay ng kapatid mo, kaw na magsabi sa ikakasal kung ano iapapsuot nila sa abay nila. hehe. i think di mo problema yun since may sarili ka ring kasal na iniintindi.

corpse_bride

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #154 on: November 18, 2015, 04:56:30 am »
May nagnakaw pala ng 3 Mac lipsticks ko during prenup shoots namin.

Nakakaloka naman yan sis! May suspect ka ba?

Hugs to Sis ece. Sana ma-work out niyo ng mom mo yang problem mo. Mahirap magpatampuhan more so mag-away with parents during wedding preps.

ece

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #155 on: November 19, 2015, 03:22:27 pm »
thank you sisters! hugs!

sis blackgreen, third ako sis, matagal nya na din kami 'pinagtutulakan' magpakasal actually, antatanda na daw namin.  :P elder sister ko got married at the age of 33. ako turning 30 na din. hahaha.. baka anxious din at the same time si madear.

sis stylus, if i'll stretch my budget for the tuition fee, may enrollment pa sa January, siyempre sakin ulit iyun. eh this January na din ang kasal. plus uuwi pa ko sa Pinas plus pasko at new year pa. waaahhh!! ang hirap talaga pag financial problem.  :'( :'( :'(

sis corpse_bride, totoo sis, gusto ko pa naman lahat ng preps siya kasama ko. alam kong excited din siya, first church wedding sa family namin, plus ito yung pinili namin na 'type' ng wedding dahil gusto daw nya yun.
 


yannuh

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #156 on: November 20, 2015, 11:26:42 am »
^sorry to hear that sis. pray lang and malalampasan mo lahat ng mga hardships now.

regarding sa napakarami mo pang tasks a month before your wedding, i suggest plot mo na lahat ng to do's mo and try mo na sila iaccomplish isa isa. if mas detailed at mas organized and nastart mo na sya now, mas madami at mas matatapos mo sila agad. para di ka feeling stressed a week before your wedding. yung wedding shoes, accessories, mabilis lang yun, wag ka mataranta:)

regarding naman sa uncooperative husband to be, sabihin mo sa kanya lahat ng reklamo mo sis haha :D baka naman after ng usap nyo, umayos na sya. haha. or baka mas maging supportive at mas involved si hubby. basta sis lahat nadadaan sa mahinahon na usapan, chill lang:)


Chantal89

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #157 on: November 20, 2015, 06:32:17 pm »
infinity24ever, do you have a coordinator?  By this time she should be working side by side with you.  We can't expect our hubbies to always be supportive lalo na in his situation na his dad got sick. Just pray, I'm sure everything will turn out for the better.

stylus

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #158 on: November 20, 2015, 09:50:08 pm »
lakas lang maka nega vibes pag sinasabi ni fiance na matagal pa naman daw ang wedding. 3 months pa naman daw. eh kelan kaya namin uunti untiin gawin ang mga bagay bagay eh weekends lang kami parehong free. di naman makakapag asikaso sa christmas at new year. alangang gagawin lang lahat pag next week na ang kasal. as if may tutulong eh ako lang din naman lahat.. sasamahan na nga lang ako, may side comments pa :-(

Tubby

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #159 on: November 21, 2015, 01:07:10 am »
Sis Infinity --- hugs to you! I know how you feel. I have same problems din in the family. May medyo "i deserve my happiness" hirit na din ako.

Just pray and relax. :) Take it one step at a time!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close