Author Topic: Sama ng loob during wedding preps  (Read 44499 times)

tiffany24

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #80 on: September 28, 2015, 02:15:52 am »
wow sis gumdrops26 that's too much. Grabe ang pagiging insecure nung old friend mo ah. Hindi kasi mapakali sa sariling buhay pati buhay ng iba pinapakialamanan. Malas niya you know how to fight. At least nalaman mo what they are doing pag nakatalikod ka.

KarLei12916

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #81 on: September 28, 2015, 11:27:09 am »

Pakiramdam ko, wedding is a test of friendship din.


And family ties... my sis-in-law answered "Maybe attending" in my FB event invitation. And she is part of the entourage. kaloka.  ::)

Purple_Power

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #82 on: September 28, 2015, 12:36:51 pm »
I can't totally believe na just because of the wedding preps pwede na itong makasira sa relasyon ng pagkakaibigan, pamilya o kamag-anak. Whereas as isang araw lang yan minsan kung ilang oras lang. Kung ako nga may friend na mag invite sa akin na SSA tapos blue leaf ang reception magiging excited pa ako saka feeling comfortable pa kasi aircon pareho yan eh, tapos expecting big event pa. Hindi ko lubos maisip kung bakit hindi na lang maging masaya? Sana man lang siya inutangan sa bonggang kasal.

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #83 on: September 28, 2015, 01:01:01 pm »
yes... kaya I really agree it's a test of friendship. 20 yrs of friendship down the drain :( bridesmaid ko pa sya dapat. Nakakahinayang kung tutuusin. Lalabas talaga yung true friends mo in this situation. Kung may insecurity man or what. And pinili ko rin lang Blue Leaf kasi ang lapit nun sa SSA... ayoko na bumyahe sila ng malayo kasi naman sakit sa ulo ang traffic sa Manila right? But nope... she thought the worst and pinili ko daw yun kasi dun nagpaparty mga artista ::) hindi ko naman alam sino nagpaparty nun...

anyway, ganyan talaga... blessing in disguise :) we get to see who our real friends are diba? So chin up ladies! We really don't need these people in our lives.

Purple_Power

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #84 on: September 28, 2015, 06:43:51 pm »
^Bridesmaid pala dapat siya, tsk tsk tsk!!! sinayang niya lang ang pagkakataon. Kung ako ng baka nai-suggest ko pa Manila Polo Club  ;D para mas malapit. Blue Leaf ang alam ko sa loob pa yan eh! Although I must say maganda talagang venue run. Ako nga wala akong pagkakataong maging abay sa ganyang simbahan at ganyang kagandang venue. Kung pagyayabang rin lang bakit hindi na lang niya ginawa eh ipagmalaki niya na naging abay siya sa isang friend na kinasal sa SSA and Blue Leaf. Kung ako nga sa kanya magiging excited pa ako. Pero tingnan mo yan kapag budgeted naman wedding mo magrereklamo pa yan, sasabihin na parang ayaw niyang maging abay sa ganito at ganyan. Buti nga may friend siyang ikakasal sa Simbahan ng Forbes Park at kakain sa Blue Leaf. Ako nga ni hindi naging invited sa second cousin ko dun sa North Forbes Pavillion. Though I don't have hard feelings for it.

Megantaur

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #85 on: September 28, 2015, 06:53:54 pm »
Ako masama ang loob ko sa Auntie ko. Siya pa naman ang favorite ko na auntie, sinasamahan nya pa nga ako dati maghanap ng work sa Makati, lagi niya ako tntreat sa labas at pinapasyal nya kami sa magagandang lugar. Siya para sakin ang pinakamabait na auntie ko. Until namatay ang aso niya. Baby nya yun, since then ang gulo na ng utak nya. lahat inaaway nya. parang nagbreak down. Nagoffer sya maging wedding planner ko. E since relative ko siya masmasstress ako, more likely magkakaroon ng drama between her, me and my mom . At hinde ko type ang taste nya. Ang gulo ng wedding ng anak niya two years ago at nagaway pa sila. Riniject ko siya at siguro dahil dun masama din loob niya sa akin. Nagrereklamo siya sa pinili kong date, wala naman talagang dahilan para magreklamo siya. She is free sa date ko at hinde siya busy. Tapos nagreklamo siya sa gown ko, bakit daw ako mag-gagastos ng gown e isang beses ko lang gagamitin. Hinde naman siya ang gagastos ng lahat. I try to be understanding, intindihin ko na lang na may problema siya. Nakakasama lang ng loob, siya kasi ang ineexpect ko na masmasaya para sa kasal ko.

shygirlme

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #86 on: September 28, 2015, 07:03:52 pm »
^^^sis yan friend mo ba kinasal na? Bitter lang sya. Hehe. Ako kasi ma suggest akong tao to think sinuggest ko pa sa friend ko na wag magmahal ng gown. Eh sa mahal na designer pala sya nagpagawa hehe di ko naman alam na ganon gusto nya kaya simula non di na ko nag suggest. Ika nga kanya kanya tayo ng trip.

^^naku sis may friend ako na since commute sila papunta sa church namin panay reklamo nya mainit eh aircon naman church at venue namin dami pa nya reklamo .kaya nung may kinasal kami na isang friend at both di aircon venue at church tsaka nya na appeciate kasal ko.

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #87 on: September 28, 2015, 07:30:15 pm »
Purple_power, actually we considered Manila Polo Club too. Meron naman kaming sponsor and all. Super lapit nga kasi sya sa church... But my Dad (who was terminal then) ayaw nya dun kasi may connotation na pang mayaman (I don't think so naman but ayoko makipagargue kasi nga he was dying)... another reason bakit hindi kami nag hotel reception nearby because ganun din tingin nya ;D so shempre, pagbibigyan ang Dad. Yung Blue Leaf, bago bago palang nun so he didn't know much about it. For him, it's just another venue.

shygirlme, she was planning on getting married DAW nun... pero hindi naman pala ::)

it's true na may sasabihin at sasabihin talaga ang mga tao... you can't please everyone... pag bongga, may komento... pag nagtipid, may komento... it's hard!

sparklingjewel

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #88 on: September 28, 2015, 08:19:37 pm »
^gumdrops26 Yung reaction ko when i read your post was, ano to, grade school? May inggitan, may siraan? Haha. She could use a little bit more maturity! And i agree, there are people who just want to be able to say something, no matter what the situation, may masasabi parin. And those are the type of people I wouldn't take seriously if I were you.

Meron din yung mga tao na regardless of the effort you put in to make things pretty and comfy for the guests may mapipintas padin.. just ignore it, it's our day after all :)

lippiequeen

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #89 on: September 29, 2015, 06:57:14 pm »
Madami talagang inggitera sis! Kahit so called "friends" e ganon talaga. Pag sa wedding ng ibang tao, ang dami napipintas. Yung sariling wedding e buhat bangko hay

corpse_bride

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #90 on: September 30, 2015, 03:45:24 am »
Eh yung start from scratch all your preps & planning 10 mos. Before? #fun :)

tiffany24

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #91 on: September 30, 2015, 07:01:13 am »
Wow nakakalungkot naman yang friend mo sis blackgreen inuna pa ang boyfriend. sana maging sensitive naman sila kahit papano.

I feel guilty din kahit papanu kasi nung hindi pa ko ikakasal hindi ko alam ang mga do's and dont's of weddings. I remember leaving my bestfriend's wedding after the SDE was played. I should have known better, mas ok kung hangang umuwi na lahat andun pa din ang mga closest friends to wait patiently and hug them. Hindi ko na na-hug si bestfriend kasi na overwhelm ako sa mga bisita eh. Now i know better but unfortunately, the realization is too late.

Gusto ko nga mag post ng mga article about guests etiquette on weddings in my FB to give our guests at least an idea on how to attend weddings (for those clueless guests)

kaso baka ma misinterpret ng iba, Alam mo naman medyo sensitive ang mga pinoy haha.
« Last Edit: September 30, 2015, 07:05:11 am by tiffany24 »

yannuh

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #92 on: September 30, 2015, 07:08:54 am »
add ko lang pala sa sama ng loob e yung mga akala mong close friends mong ininvite mo sa wedding, nagRSVP at nagconfirm pero on the day hindi sumipot. mababasa mo na lang at mag addvise after ng wedding mo na kesyo may sakit, kesyo babawi. nakakadisappoint talaga. sana inallot na lang yung slot nila sa ibang relatives/friends na willing pumunta sa wedding ko. haii.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #93 on: September 30, 2015, 08:53:11 am »
add ko lang pala sa sama ng loob e yung mga akala mong close friends mong ininvite mo sa wedding, nagRSVP at nagconfirm pero on the day hindi sumipot. mababasa mo na lang at mag addvise after ng wedding mo na kesyo may sakit, kesyo babawi. nakakadisappoint talaga. sana inallot na lang yung slot nila sa ibang relatives/friends na willing pumunta sa wedding ko. haii.
^sis yannuh I can feel you. Tama ka dapat nag-confirm sila ahead kung makakapunta o hindi para inalot na lang sa ibang tao na gustong gusto pumunta. Sarap deadmahin nang ganyang mga tao. Hay still I cannot get over sa mga taong hindi alam ang ibig sabihin ng RSVP. They will know once na sila ang ikasal.

yannuh

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #94 on: September 30, 2015, 09:17:38 am »
^true sis! e kakapasok ko lang nung Monday, nakasalubong ko yung 1, todo greet sken, dedma nga haha. nakakatampo kasi sis. Inaway2 ko pa yung parents ko before na gusto mag invite ng iba pang relatives, sabi ko kako yung slots kasi nireserve ko na sa friends ko. haii. Di bale, ba-bye sa bad vibes tayo at dapat puru happy thoughts lang hehe :p

peachlipstick

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #95 on: September 30, 2015, 01:28:00 pm »
Eh yung start from scratch all your preps & planning 10 mos. Before? #fun :)

Anong nangyari sis corpse_bride? Virtual hug sis :)

meixin

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #96 on: September 30, 2015, 01:40:50 pm »
^ oo nga what happened??

blackgreen

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #97 on: September 30, 2015, 01:53:23 pm »
True sis tiffany24, until now di pa kami ulit naguusap nung friend ko na yun. Hindi ko talaga alam ano naiisip niya. Hindi naman ako naghahanap ng kakampi pero nung nagtatanungan mga friends ko sino sino pupunta nalaman nila na hindi na siya aattend at nung malaman nila side ko, lahat ng friends ko sabi mas inuna pa talaga ang bf.

corpse_bride

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #98 on: October 01, 2015, 04:53:58 am »
Sis meixin & peachlipstick si fiancé kasi thought na bibigyan siya ng dad niya for our wedding ( old Chinese tradition). Tapos hindi pala. We were planning a traditional Chinese wedding because of that. But now, total opposite na yung plan namin since kami na babayad. Blessing in disguise for me coz hopefully I'll get my intimate dream wedding. Kaso panic mode lang at mahirap pala maghanap ng venue na gusto ko talaga. & sana ok lang with the restaurant (naka-reserve na kasi kami) that we'll be cancelling.

Half of initial budget but half lang ng guests uang nabawas namin. Hopefully makakuha kami ng suppliers na mas mura than what we've projected.  Big help talaga dito sa girltalk. Daming options from low end to high end. Parang better pa nga than going to a bridal fair :)

meixin

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #99 on: October 01, 2015, 09:57:59 am »
^ Yan nakakakaba pag sa chinese tradition e.. parang sa amin sabi sagot daw ng family ni fiance pero wala kasi binibigay na clear cut na budget sa amin, parang hirap tuloy kumilos..

Ilan ba balak nyo initially na guest count? at saan yung unang venue, baka makatulong pa kami :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close