Hi sissies pa rant lang ha?
I have this sama ng loob kasi just now lang. Our wedding will be Q4 of 2016 pa naman. We're an overseas couple, and plan namin is just an intimate wedding of 80 guests max.
Pa kwento lang mga sis! Ang bigat talaga!
I have issues with my relatives talaga, like yung sa mga titos at titas ko both sides lalo na sa mother side. To think na first degree titas and tito ko pa sila. Mas close ko pa yung mga 2nd cousins ko from my moms' cousin. Pero yung mga first cousins ko? No way! Hindi kasi kagandahan ang mga attitude lalo na nung time na teenage years pa kaming magkakapatid, since yung mother namin is a single parent. Our papa died way back 2001.
Yung isang kapatid ng mom ko, yun lang ang close samin since mabait at matulungin. She's residing in US for so long na talaga. Then yung 1 sis ng mom ko and 1 brother yun yung masama ang ugali talaga samin ever since. Yung tita ko from US pinag aral nya ako nung college ako kaso hindi ako naka grad dahil yung isang tita at tito ko, panay sulsol noon na kesyo ang mahal daw ng tuition ko, sa ibang taon nalang daw ako mag-aral hindi daw ako mauubusan ng school, etc. As in lahat ng paninira para lang hindi nako masuportahan sa studies ko. Ang ending, I wasn't able to finish my nursing course kahit 2 sems nalang ga-graduate nako, dahil nung time na enrollment ko na for 4th year, sabay sabay sila humingi ng pang placement abroad, pang bussiness, and so on. So my tita from the US have to choose kung sino ang unang tutulungan since nakarinig sya ng "Pamangkin lang sya, kapatid mo kami". My bad tita told me once nung nagkaroon kami ng confrontation dahil ginastos nila yung tuition ko sa ibang bagay and hindi naibalik on time nung kaylangn ko na ibayad sa school "Sinusumpa ko hindi ka magiging successful" So ang ending, I gave up my school and my dream to become a nurse at nag give way nako sakanila kung yun ang ikasasaya ng mga buhaynila.
Fast forward, nag strive ako na magkawork ng hindi lumalapit sakanila, and now I am blessed to be an OFW ng hindi ko sila inaabala.
Come wedding day plans, I invited my tita from the US if she could be 1 of our PS's since I owe her a lot and I really love her. I even told her that our wedding will be simple lang, intimate and secret since we don't want to splurge ng sobra sa expense since kami lang ni bf gagastos for our wedding.
Now my mom messaged me in FB na nakapag usap daw sila ng tita ko from the US thru skype few days back. Napag usapan nila yung upcoming wedding ko next year and she even mentioned na "Baka naman kung sino pa mga kapatid mo, yun pa ang hindi invited? Baka naman mas iinvite pa yung mga second cousins / relatives kesa sa first degree? Kapag nangyari yan, magagalit talaga ako sa inyo."
And my mom just replied na "Hindi naman aking okasyon yun, at hindi naman ako ang mag iinvite kundi silang dalawa. Nasakanila na yun."
And now, para akong iiyak na ewan kasi I really don't want them to be on our wedding, pero kapag nag refuse ako, my aunt from the US magagalit naman sya sakin and sa mama ko.
Na explain ko na yung side ko how sad I am kung paano ako ituring nung mga iba nilang kapatid way back, pero syempre since magkakapatid sila kahit anong bad ng iba nilang siblings talagang dun parin sila papanig.
I know I have a bad attitude na nagtatanim ng sama ng loob, lalo na sa kamag anak ko pa. Pero hindi ko naman masisi yung sarili ko dahil puro heart ache lang naman ang binigay nila sakin noon. =(
I am totally confused now. Ano ba ang dapat ko i spare? Feelings ko or yung magiging reaction ng Tita towards me and my mom? Hayyys.
