Author Topic: Sama ng loob during wedding preps  (Read 44475 times)

barbillie

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #20 on: September 17, 2015, 09:09:53 am »
Na-experience ko din to!

1. Friends - Nakakasama ng loob yung ibang friends na nagconfirm pero di nagpunta! O yung mga ni-invite mo pero seen zoned lang. Wala man lang reply kahit out of courtesy. Nakakairita din yung mga nagseself-invite, di mo naman iniinvite pero parinig ng parinig na may isusuot na daw sa wedding namin. Duh?

2. Relatives - Maraming relatives na hindi makaintindi ng RSVP. As much as we want na imbitahin silang lahat, hindi naman pwede kasi sobrang dami nila. We ended up inviting yung mga talagang close namin na relatives like tito, tita, and cousins. Pero madami nag-express ng tampo kasi di sila nakasama. Pero kung titingnan mo naman, sila yung hindi naman namin close. During the wedding, kahit sinabi namin na limited yung 'plus' to the number they RSVP'd, nagsama pa rin ng iba! Buti na lang may extra tables kami para hindi magulo yung seatplan.

3. Former Fiance Now Hubby - minsan sumasama ang loob ko ke hubby lalo na pag sobrang enthusiastic ko sa preps tapos sya approval na nga lang, parang not interested pa.

Pero bottomline sis Reynamargallo, wag ka na lang pastress! yaan mo na lang sila, wedding mo naman yan. :)

blackgreen

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #21 on: September 17, 2015, 11:55:22 am »
Hugs din sa iyo sis Reynamargallo!! Let it go ko na nga lang din.

Antayin ko na lang sila na ang mag-asawa at tsaka nila maiintindihan lahat ng pinagdadaanan natin.

twinxz

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #22 on: September 17, 2015, 12:30:59 pm »
^super agree sis! haha especially #3! Nakakaloka!

catherinecaparino

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #23 on: September 17, 2015, 02:00:04 pm »
^I agree with 1 and 2. So far yung husband ko naman sobrang hands on nya at madami syang idea na sinuggest. katuwa lang. nag kakasundo din kasi kami sa mga gusto namin.

iameynjhel

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #24 on: September 17, 2015, 11:37:16 pm »
Hugssssss to all sis na nagkaroon ng sama ng loob during wedding preps!

I agree with sis Reynamargallo nakakabastos at super nakakasama ng loob yung mga friends kahit minsan yung mga relatives na seen-zoned lang. May mga ganyan akong friends ayun di ko na lang din pinansin bahala sila tutal inilabas na nila tunay na kulay nila e. :(

So far sa amin yung isa sa abay ko ang nakakainis. Sagot na namen ni H2B yung infinity gowns ng mga abay pati pouch, ang sagot lang nila is SHOES and yung MAKE UP. Ilang beses na din kasi akong naging abay kaya alam ko ang hirap at hassle sa paghahanap ng maisusuot kaya pinilit ko si H2B na kami sumagot ng damit ng entourage kahit na budget wedding lang kami.

Yung MOH ko nagsuggest nung mga pwedeng isuot isa sa mga napili ko nung una yung LUNA DRESS na kagaya nung design ni Rajo Laurel kaso yung isang abay ko ayaw niya yun kesyo lalabas daw body fats nya and di daw sya magdadiet for the wedding.

So pinalitan ng Maid of Honor ko and Man of honor ko, ang pinili is inifinity gown, which is sakto sa budget namen pero maganda tignan sa pictures, then nagsuggest din na if pwede daw same color sila ng shoes, yung isang abay ko *na una din umayaw sa luna dress* ang gusto niya kung ano lang na color ng shoes na meron sa PAYLESS na shoestore yung na lang daw pagpilian ng mga abay kasi dun lang daw may size paa niya which is size 9 and ayaw gumastos ng malake para sa wedding.
Ayun ending sila silang mga abay nagkagulo. Sumasaket ulo ko sa kanila. Sapatos na lang pinagtalunan pa. Thank God matagal pa yung wedding at least ngayon pa lang alam na nila kung ano aayusin nila pero nakakastress din kahit papano. Mas mareklamo pa sa akin yung abay ko na friend ko din haist.

Another stress for me, not sure kung may nakaexperience na sa inyo, is yung Mother ni H2B kung sino sino yung gustong imbitahin. Grabe!!! Nakakaiyak na nakakainis mga hindi pa namen kakilala. Ok lang sana mag invite kaso di engrande kasal namen budget wedding lang talaga ang sa amin and kami ni h2b yung magbabayad sa lahat ni piso wala naman ambag parents namen dahil ayaw namen. Feeling ko pagdating ng wedding date mukhang sugod bahay gang ang mangyayari. :(



Pasensya na mga sis medyo mahaba :(


Jhen & Marc
PacoParkChapel || Ibarras Garden










marchbridetobe

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #25 on: September 18, 2015, 07:40:32 am »
^Gosh sis, ang ganda at ang unique ng wedding mo! :) Deserve na deserve mafeature sa mga wedding blogs! How I wish kasing artistic mo ko! Congratulations on your beautiful wedding! :)

mindiegirl

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #26 on: September 18, 2015, 10:34:02 am »
Lovely wedding sis chinadoll6. Agree with marchbridetobe, blog-worthy fete. :) Full of character.

BTT: I feel for the brides who got seen-zoned, entourage backing out or cancelling few days before the wedding etc. Most of my friends are married already. As a frequent wedding guest, I know the couple appreciate it so much if the invitees confirms on the prescribed duration, have word of honor, dressed well, stayed until the end of the celebration. I make it a point to do this to all my friends who invited me (well unless there's life and death emergency situation). Your true friends or should I say those who value you and respect you will automatically to this. That's why I will invite only my closest friends (HAHA!!!). Maybe I'll send an invite to 'others' na mandatory mabigyan ng invi for formality but I am NOT expecting them to attend. Lumitaw or not sila, keber.  ;D more of sana hindi sila available (bad bad) ::)




sparklingjewel

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #27 on: September 18, 2015, 11:52:39 am »
Omg chinadoll6, your wedding is one for the blogs. Each place is artsy and as far as i can tell, so you. :) Definitely a unique wedding and an even more unique bride. Congratulations on your beautiful wedding and lovely marriage ahead!

120515

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #28 on: September 18, 2015, 12:10:47 pm »
sis chinadoll, i love how sweet and heartfelt your wedding is. i can see all the love from every one  ;D

marchbridetobe

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #29 on: September 18, 2015, 12:59:25 pm »
I couldn't agree more sis mindiegirl! May mga iimbitahin din ako for formality's sake pero kung di sila aattend, no hard feelings kasi di naman sila kawalan. >:) one of the advantages siguro yun ng weekday wedding, kaya yung mga ayaw kong mawala sa kasal namin ay sinasabihan ko na agad as early as nafinalize na namin yung date para mablock na nila yung date. yung mga di ko masyadong bet, saka ko na sasabihan.  :P

belle_v2g

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #30 on: September 18, 2015, 05:22:32 pm »
I have close friends who are based abroad and they are among the ones i wanted to include in the entourage. That's why i gave them an ultimatum, yes or no lang ang sagot kung pwede ba sila or hindi. Because of this, hindi sumama ang loob ko kahit hindi sila pwede.

Yung mga second choice of entourage, alam nilang second choice sila. Mabait buong entourage ko. Walang maarte at pa-star.

I have a kumare in manila, oo ng oo kapag kausap ko through chat. nung kaharap ko na, biglang ang daming dahilan. (Walang isusuot, walang magbabantay ng store) so the following day, blocked na sya sa fb.

May mga umoo na hindi dumating. that's expected so just let go. May mga dumating din na hindi invited, again, let go. hindi sila worth ng stress. nagtampo ako ng slight pero hanggang dun lang.

In law na compare ng compare sa preps namin vs wedding preps nila. (Their wedding is 6 mos before ours) nakaka umay lang coz i never compared our wedding to anyone else's.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #31 on: September 19, 2015, 10:50:04 am »
Hello mga sis,

We just had our wedding last Sept 6, and some close friends who confirmed didn't make it on our day. Merong may sakit, meron naman walang magaalalaga ng baby, at kung ano pang reason. Meron naman na hindi namin kilala pero andun.. haha.. Then yung iba naman na may dalang anak kahit pa 2 lang ang reserved seats sa kanila..

Pero you know what.. it didn't matter at all. Don't stress too much about it. Pag andun na kayo sa araw mismo, hindi mo na mapapansin yun. Just get a good coordinator to handle those then just enjoy your day with the people who took their time to be with you. Promise, hindi na yan mag mamatter pag andun na kayo. :)

^nice wedding sis chinadoll6! very unique and I agree dapat ma-feature yan sa wedding blogs.

chinadoll6

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #32 on: September 20, 2015, 02:36:18 am »
Thanks mga sis! Yun lang naman talaga ang goal namin, to have a wedding na makikita nung guests na "kaming-kami" yun at basta masaya lang and meaningful.

Kaya don't stress na sa mga guests na hindi considerate.. It's your day, not theirs. Kung mag inarte sila bahala na sila. Haha.. Kung hindi nag reply, cross-off na agad. Just add one table as buffer / supplier table just in case may mga surprise visitors.

yannuh

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #33 on: September 20, 2015, 08:11:57 am »
Ako medyo nakakatampo lang yung mga guests/friends ko na nagconfirm na pupunta pero on the day hindi sumipoT. After ng wedding lang magtext o magmessage ng reason kung bakit sila di nakapunta. Dedma na lang hai!

mommy_kimie

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #34 on: September 20, 2015, 10:08:56 am »
Hi! Ako naman, I got married last year (September 25) in Cainta. Kaaalis [textspeak!] ng Typhoon Mario tapos panay pa rin ang ulan. So ang dami kong friends na hindi nakapunta, as in sa lahat ng girl friends ko na ininvite ko, isa lang ang nakapunta. Sobrang lungkot ko na habang inaayusan ako kasi isa isa rin nagtetext friends ko na hindi sila makakapunta kasi sobrang lakas ng ulan :( Hindi ko rin naman sila masisi kasi most of my friends are from Manila so ang hirap naman talagang sumugod sa ulan papuntang Cainta. Pero syempre all's well that ends well, kumpleto naman lahat ng family and close relatives namin ni hubby and yung mga guest na malapit lang sa area, nakarating naman and tumila naman yung ulan several minutes before we headed to the church. And nung nandun na kami sa mismong ceremony, ewan ko, wala na kong pakialam sa mismong nangyayari, kung gaano kami kaarte sa details nung preparation, pagdating sa mismong ceremony, parang wala na kong pakialam sa iba, it was just me, hubby and the Lord. :)

tiffany24

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #35 on: September 21, 2015, 02:48:31 am »
pagdating sa mismong ceremony, parang wala na kong pakialam sa iba, it was just me, hubby and the Lord. :)

Nice sis mommy_kimie yun naman talaga ang mahalaga eh. This is what I keep on reminding myself. Though we want to celebrate the event with our family and family and we want to make them happy, the event, at the end of the day, is still a ceremony to honor God. Napa reflect ako sa post mo sis  :)

brendaumnas

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #36 on: September 21, 2015, 06:14:45 am »
Beautiful wedding chinadoll6 ! And ang galing na friends kayo ng mga Uy :)

Regarding sama ng loob, true na test of friendship sya. Meron akong close friend from highschool na bigla nalang akong di pinapansin after I got engaged. Out of nowhere, tinanong nya ako about my wedding budget so I answered. Tapos bigla akong sinermonan na bakit ang gastos gastos ko blah blah. Well, sabi ko, minsan lang naman ikasal and madami kasi kaming relatives and friends. And besides, kami naman ng h2b ko gagastos nun and may savings naman talaga kami. Aba sinabihan ba naman ako na mali ang priorities ko sa buhay and kung sya daw ikakasal, sa Jollibee lang daw sya magrereception para tipid. Sinabi ko nalang na kanya kanya naman tayo ng gusto sa buhay. Kami kasi ni h2b, we value our families and friends, so yung wedding is parang grand reunion na din namin. Bwiset talaga! Ayoko lang magka issue sa barkada kaya isasama ko pa din sya sa guestlist.

Buti nalang, si h2b, very supportive sa planning kaya di ako masyadong na-stress drilon :)

caleeice

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #37 on: September 21, 2015, 08:23:47 am »
That's so annoying sis! Edi sa Jollibee siya mag-reception. Haha! To each his own. Stay away from people like those. It's better to stay close to people who are truly happy for you so you can enjoy your journey to the big day! :)

edna_mode

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #38 on: September 21, 2015, 09:10:49 am »
This happened to me too pero we're over it na.  I flat out told one high school barkada that she's no longer invited sa wedding. Kase naman alam kong she never wanted to go. Pero nakaka bastos lang na everytime mag g-get together group of friends namin, she will get everybody excited for the wedding ng isa pa naming barkada then in front of everyone she will turn to me and say, "ay yung sa wedding mo not sure kung makakapunta ako. We'll see". The first time it happened, fiance and i already crossed her off our guest list. Tapos after several get togethers pa na parating ganun, I messaged her na that we've already given her seat to someone else. Sinabi ko na lang na she wouldn't miss anything sa wedding if she didn't attend. Sabi ko pa, mas abangan na lang namin yung wedding ng isang friend ko.

Sa totoo lang, our wedding was not planned for anyone else but me and fiance and to be wed in front of God.  If people are not excited for our wedding, hindi ko na problema yun 😊 And if you think about it, mas marami ang mga guests/friends/relatives ang super excited to attend and be part of the wedding than few of the 'rotten' ones. Pasintabi na lang sa mga nasasamaan sakin hahaha #sorryimnotsorry

Yes sobrang test of friendship pala talaga ito. But then again at least mas nakikilala mo ang mga tunay mong kaibigan :) basta mga girls keep your eye on the prize haha for everything else, leave it up to Him na 😊
« Last Edit: September 21, 2015, 09:12:41 am by edna_mode »

toria

  • Guest
Re: Sama ng loob during wedding preps
« Reply #39 on: September 21, 2015, 09:54:54 am »
^good riddance sis edna_mode.

Maybe isang problem din is yung mga friends na masyadong madaming alam, like ganito ang kunin mo mas better to blah blah. My point is, yes you can suggest and I can consider pero wag mo ipagtulakan sa akin ang suggestion mo. Ha ha.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close