watch now

Author Topic: Canada Thread 6  (Read 81908 times)

luckypal

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #80 on: November 08, 2015, 10:01:34 am »
wow, thanks mga sisies..mukhang matatagalan nga ako sa restroom kapag ganyan, hehe

buti may closet each employee sa ibang work :)

anyway..sino po dito sa Toronto? kasi ako lang mag-isa maglaland, and probably, walang susundo, haha..may kakilala ako don, pero hassle naman sa kanila, kung papasundo pa ako...taxi lang ba ang way from airport to destination? since may luggages ako...mahal ba taxi dyan?

Hi gorgeous_me :) you can also take the train going downtown which is the Union Pearson express. Mga $27.50 lang one way.

http://www.torontopearson.com/en/toandfrom/upexpress/#
https://www.upexpress.com

Good luck and God bless in all your endeavors here in Canada :)

gorgeous_me

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #81 on: November 08, 2015, 05:33:46 pm »
^wow thanks sis @luckypal :)

kapag sure na ako sa place, ask ulit ako kung pwedeng i-train yung place, kahit may luggage, LOL

anyway, may brown rice ba sa Toronto, Canada, LOL...

rics

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #82 on: November 08, 2015, 11:20:41 pm »
^brown rice you can find at any chinese grocery store

ri-anne

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #83 on: November 08, 2015, 11:37:25 pm »
^^just the other day nag-grocery kami sa Loblaws, meron din silang mga brown pati red rice.
so when you're in toronto hanap ka lang ng Loblaws.

crzysxycl

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #84 on: November 09, 2015, 01:42:46 am »
Hi sisses! Finally tapos na ako mag backread. :) Tanong ko lang po..

1) Ang FSWP ay under ng EE diba? May nabasa kasi ako na yung FSWP ay EE na ngayon. Pwede po pa explain?

2) May nabasa ako sa cic site na kailangan ng COE from previous employers. Pano kung may issue sa isang employer at hindi ako mabibigyan ng COE?

3) Yung current job ko under NOC 2174, pero meron ako previous jobs under a different NOC. Pwede ba ako mag apply ng job na hindi under NOC 2174? Iniisip ko kasi kung hindi agad makahanap ng job na related sa current work ko, pasok muna ako kahit saan.

4) How much po ang car sa canada? Kahit range lang. :) Gusto ko sana Alberta, Manitoba or Saskatchewan. Dito raw kasi medyo mababa ang tax compared sa ibang provinces.

5) Kung mag apply ako as principal applicant, kasama ko po hubby ko, may chance bang makuha ko parents and siblings ko? Over 18 na kasi mga kapatid ko. Should they apply on their own?

6) Pano kung may findings sa medical? Meron po bang may asthma pero na approve ang application? Though matagal na last attack ko, nagworry lang ako baka masyado mahigpit sa ganito hehe.

Sorry dami tanong.. Thank you! :)

lonelymiss28

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #85 on: November 09, 2015, 07:56:12 am »
^wow thanks sis @luckypal :)

kapag sure na ako sa place, ask ulit ako kung pwedeng i-train yung place, kahit may luggage, LOL

anyway, may brown rice ba sa Toronto, Canada, LOL...

Merong brown rice dito, nabibili sya sa sobeys, loblaws, no frills, walmart nasa $5.00+ isang bag mga 2-3 kilos na yun.

gorgeous_me

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #86 on: November 09, 2015, 08:34:52 am »
^^just the other day nag-grocery kami sa Loblaws, meron din silang mga brown pati red rice.
so when you're in toronto hanap ka lang ng Loblaws.

^brown rice you can find at any chinese grocery store

Merong brown rice dito, nabibili sya sa sobeys, loblaws, no frills, walmart nasa $5.00+ isang bag mga 2-3 kilos na yun.

wow, thanks mga sisies :) anyway, isa pa, haha, anogn gamit nyong napkin kapag may period kayo? hindi naman ako pwede ata maghoard ng napkin at pantiliners, LOL
how about feminine wash? mas gusto ko kasi yung PH Care, LOL

Vans

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #87 on: November 09, 2015, 12:18:20 pm »
^stayfree ultra thin at kotex lightdays pantiliner.
Sa femwash, either summer's eve or vagisil.
Yung mga phcare at lactacyd meron sa mga filipino stores.
Kung gumagamit ka ng Betadine feminine wash, yun ang hoard mo kasi wala nun dito.

gorgeous_me

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #88 on: November 09, 2015, 12:52:11 pm »
^stayfree ultra thin at kotex lightdays pantiliner.
Sa femwash, either summer's eve or vagisil.
Yung mga phcare at lactacyd meron sa mga filipino stores.
Kung gumagamit ka ng Betadine feminine wash, yun ang hoard mo kasi wala nun dito.

thanks sis, i-nonote ko yan :)

Hi sisses! Finally tapos na ako mag backread. :) Tanong ko lang po..

1) Ang FSWP ay under ng EE diba? May nabasa kasi ako na yung FSWP ay EE na ngayon. Pwede po pa explain?

2) May nabasa ako sa cic site na kailangan ng COE from previous employers. Pano kung may issue sa isang employer at hindi ako mabibigyan ng COE?

3) Yung current job ko under NOC 2174, pero meron ako previous jobs under a different NOC. Pwede ba ako mag apply ng job na hindi under NOC 2174? Iniisip ko kasi kung hindi agad makahanap ng job na related sa current work ko, pasok muna ako kahit saan.

4) How much po ang car sa canada? Kahit range lang. :) Gusto ko sana Alberta, Manitoba or Saskatchewan. Dito raw kasi medyo mababa ang tax compared sa ibang provinces.

5) Kung mag apply ako as principal applicant, kasama ko po hubby ko, may chance bang makuha ko parents and siblings ko? Over 18 na kasi mga kapatid ko. Should they apply on their own?

6) Pano kung may findings sa medical? Meron po bang may asthma pero na approve ang application? Though matagal na last attack ko, nagworry lang ako baka masyado mahigpit sa ganito hehe.

Sorry dami tanong.. Thank you! :)

yung iba lang masasagot ko, hehe, hindi pa ako sure sa iba

1. medyo naguguluhan din ko s bagong program, hindi ko na kasi nababasa, hehe

2. yup, need ng COE.
kung yung years of experience mo sa company na yun e matagal, sayang din yung points mo don. kung hindi mo yun idedeclare, ok lang naman, pero need mong maglagay ng reason, kung anong ginagawa mo sa span of time na yun.

may ganyan kasi ako, 2mos lang ako a company, hindi ko na dineclare, kasi nawala ko na din yung COE, haha..kaya nilagay ko na lagay ko n lang na reason, unemployed..parang ganon.

3.pwede ka naman pumasok sa ibang work, yung friend ko kasi, nung andon, hindi siya agad nakakuha ng work na related sa course nya, so iba muna kinuha nya, after 2yrs, don lang siya nakakuha ng work as graphic artist.

yung ate din ng friend ko, chem engineer sila, pero hindi yun ang work nila agad don, after 2yrs din bago sila nakapgwork sa lab

pero sa case natin, as IT, sana maraming opportunites at hindi na need ng canadian experience. yung iba kasi na nakausap ko, nakakuha ng work related sa IT e :)

5. Lam ko, nagstop muna ata sila sa parents sponsorship e, ang pinalit ata muna nila, e yung super visa, 10yrs visa ata yun, para pwedeng pabalik balik, hindi pa sure kung kelan mag-oopen ulit :)

sa kapatid, pwede naman, kasi ganon din ginawa ng sister ng friend ko e, kaso yung isang kapatid pa lang, last 2012 nila inapply, siya, may plan din ata pero pinaplan na rin nya na mag-apply on his own, kasi matagal yung sponsorship e. ganon din, Provincial Nominee.

6. hmm, actually, depende sa medical mo, kung i-aallow ka ng doctor. pwede siyang magbigay ng maintenance mo, or pwedeng hindi nila ipasa yung medical. may iba, na-approve naman, pero need nila ng maintenance, kaya bago umalis, ayun, may prescription sila na need ipovide.

crzysxycl

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #89 on: November 09, 2015, 05:12:08 pm »
^Hi sis! :) Maraming salamat sa sagot.

Regarding COE, you mean ba pwede yung binigay nila sa akin nung nag resign ako? Tenure lang kasi nandun saka position. May nabasa kasi ako dito na ibang COE pa dapat, parang irerequest ata uli sa employer kasi kailangan din may number of hours, etc. Ayaw ko na sana declare, kaso may nabasa rin ako na makikita raw kasi SSS contributions so ganun din, wala akong takas pala haha.

Ah pwede isponsor kapatid kahit over 18 na? Ayos :)

Sana naman hindi na pansinin yung asthma ko hehe.

eischied_21

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #90 on: November 09, 2015, 08:15:27 pm »
^^ sis, how about kun isasama mo yun parents and siblings (below 18) as dependent mo during application, pwede ba yun if applying for EE or FSWP?

gorgeous_me

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #91 on: November 09, 2015, 09:17:34 pm »
^Hi sis! :) Maraming salamat sa sagot.

Regarding COE, you mean ba pwede yung binigay nila sa akin nung nag resign ako? Tenure lang kasi nandun saka position. May nabasa kasi ako dito na ibang COE pa dapat, parang irerequest ata uli sa employer kasi kailangan din may number of hours, etc. Ayaw ko na sana declare, kaso may nabasa rin ako na makikita raw kasi SSS contributions so ganun din, wala akong takas pala haha.

Ah pwede isponsor kapatid kahit over 18 na? Ayos :)

Sana naman hindi na pansinin yung asthma ko hehe.

yup sis, pwede kahit over 18, yung sister kasi ng friend ko at yung friend ko, over 29 na :)

ganyan din yung isang COE ko, tenure and position lang, what I did, is I made an affidavit, stating the requirements from CIC, signed by my TL/Manager.

yun din pinagdasal ko, na sana hindi nila tignan yung sss contribution, or hindi nila hingin, lalo na yung embassy dito, kasi panigurado, makikita nila yung 2mos na work ko don, na hindi ko dineclare, kaya kinakabahan din ako non, siguro, hindi na sila nagtaka, kasi 2mos lang naman yun. so yun, wala namang hiningi sa akin na additional documents.

:)

^^ sis, how about kun isasama mo yun parents and siblings (below 18) as dependent mo during application, pwede ba yun if applying for EE or FSWP?

ay hindi wede sis yung parents and siblings as dependents, ang definition nila sa dependents:
- spouse
- children
- common law partner

so sponsorship na lang sa ibang members :)

crzysxycl

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #92 on: November 10, 2015, 12:36:30 am »
^Salamat sis! :) Waah, hindi kami OK nung manager ko dun sa dati kong work. May attitude problem yun kaya nga naubos kami sa team nya haha. Hay, paano kaya yun. I'm thinking si hubby nalang gawin ko principal applicant so dependent nalang ako. Pag dependent ba sis kailangan pa rin ng mga COE? Sorry ha, dami kong tanong. Thank you!

sarsingkit

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #93 on: November 10, 2015, 12:49:33 am »
siblings do not fall under family sponsorship category kaya kahit anong age. Sa provincial nominee sila if the province allows it.

4) How much po ang car sa canada? Kahit range lang. :) Gusto ko sana Alberta, Manitoba or Saskatchewan. Dito raw kasi medyo mababa ang tax compared sa ibang provinces.


Sis, malaki ang tax here in Manitoba but properties are quite cheap compared to Ontario and British Columbia. Depends which city, Alberta has expensive properties too. PST here is 8% plus GST of 5%. Income tax is 10.8% for the first 31,000, 12.75 on the next 36,000 and so on. May federal income tax pa. Sa kotse, depende sis sa model. Maraming Filipinos working for auto dealers, it should be easy to find good deals. Nancy Castiglione (if you guys remember) works for Honda. Hehe. Not sure is she is still there. For used cars, you can check kijiji so you have a ball park.

^stayfree ultra thin at kotex lightdays pantiliner.

I also use stayfree ultra thin. It is the same as modess ultra thin sa Pinas. Iba lang name dito. Both made by Johnson&Johnson.

crzysxycl

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #94 on: November 10, 2015, 01:05:32 am »
^I see, thanks sis! :) wow talaga, Nancy Castiglione. :) Check ko kijiji sis.

gorgeous_me

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #95 on: November 10, 2015, 09:24:22 am »
^Salamat sis! :) Waah, hindi kami OK nung manager ko dun sa dati kong work. May attitude problem yun kaya nga naubos kami sa team nya haha. Hay, paano kaya yun. I'm thinking si hubby nalang gawin ko principal applicant so dependent nalang ako. Pag dependent ba sis kailangan pa rin ng mga COE? Sorry ha, dami kong tanong. Thank you!

yup pwede naman yung hubby mo, tapos ikaw na lang dependent pati kids.

tama si @sarsingkit, haha, hindi ko nasabi, provincial nominee nga pala yung friend ko at yung sister nya, thanks @sarsingkit for mentioning it. ang daing program sa canada e, hehe

crzysxycl

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #96 on: November 10, 2015, 10:09:42 am »
^Thanks sis! :)

sarsingkit

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #97 on: November 10, 2015, 11:47:29 am »
Oo nga sis gorgeous_me eh eh. Hindi ko na din actually nafofollow yung mga changes. Lalo na ngayon may bagong minister for immigration.

gorgeous_me

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #98 on: November 10, 2015, 05:07:16 pm »
^oo nga, parang yearly nag-uupdate, hehe

ang bata pala ng new prime minister ng Canada, kala ko nasa 50's hehe

eischied_21

  • Guest
Re: Canada Thread 6
« Reply #99 on: November 10, 2015, 05:18:27 pm »
thanks @gorgeous_me and @sarsingkit, I thought pede ko maging dependents ang parents and siblings kun single pa ako during EE application. Papano yun siblings na below 18 no other means isama ko sila sa application ko? Dapat sariling apply sila when they get old and sponsor ko na lang?
« Last Edit: November 10, 2015, 05:19:59 pm by eischied_21 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close