watch now

Author Topic: Message to your in-laws  (Read 12558 times)

little.black.dress.lover

  • Guest
Message to your in-laws
« on: September 06, 2015, 08:37:30 pm »
Post na sissies! Positive or negative, carry! Uumpisahan ko na.

Hi ma, wala kami naiipon dahil sa kahihingi niyo ng pera. Promise. Tapos papayuhan niyo kami na mag ipon?! kailan pa kami naging banko ng anak niyo?

Take note, ni isang 'salamat' wala akong narinig sa inyo, ano to?

-----
Sorry sissies, medyo masama lang talaga loob ko. Dito lang ako nakakahinga talaga. Salamat ulit.
« Last Edit: September 07, 2015, 07:41:29 am by little.black.dress.lover »

csj

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #1 on: September 10, 2015, 08:29:13 pm »
Dear mother in law, ako na po bahala mag remind sa anak niyo na uminom ng vitamins at wag magpatuyo ng pawis sa likod. Utang na loob, trenta na siya at halatang rinding rindi na siyang naririnig yan sainyo. Hayaan niyong sakin naman manggaling ang words na yan. Peace!

burgundy

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #2 on: September 13, 2015, 01:01:58 am »
Im so blessed to have the kindest mother in law. She loves all her children, her children in laws, and all her apos.  Kaya we wanted to give her something naman na she deserves... gusto namin makain nya yung mga bagay na hindi pa nya natitikman, mga gamit na wala sya... :)

Ang message ko sa mom in law ko is:

" Mama, please naman itabi mo yang pera na binibigay namin syo, para yan syo, not the whole baranggay. "

My MIL kasi has this ugali na whenever we give her money, she will divide it among her other kids na hirap sa buhay.  She would rather eat daing with her kids and apos, rather than have karne by herself. Thats how unselfish she is.

Its not a bad thing. I love her more for that. Kaso naiinis lang ako minsan kasi yung mga brother in laws ko pagnagkapera paminsan-minsan, like naka-harvest sa bukid nila, hindi man lang patikman si mama. Duon ako naiinis.

TinyBubbles89

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #3 on: September 24, 2015, 10:58:28 am »
To my Tatay and Nanay,
Maraming salamat sa inyo sa pagpalaki niyo ng maayos sa asawa ko. Thank you din na kahit nakabukod na kami sa inyo tuloy tuloy pa din yun suporta na binibigay niyo sa amin. Pangako ko po sa inyo aalagaan at magiging mabuti po akong asawa sa anak niyo and of course i will take care of you nanay and tatay.


tintin19

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #4 on: September 24, 2015, 04:13:20 pm »
Dear MIL,

Please stop calling yourself "mama" in front of my baby girl. You've had your time as mom to four boys. It is now my turn to be called "mama". Don't rob me of that experience. She is mine and I'm her one and only mama, please respect that.






cadie36

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #5 on: September 24, 2015, 05:47:40 pm »
mama maraming salamat po sa kabutihan at pangunawa ninyo. kahit naghiwalay na po kami ng anak nyo, napakabuti nyo pa din po sa akin. salamat po sa lahat ng pagmamahal nyo sa apo nyo. alam ko po na hindi mararamdaman ng bata ang paghihiwalay namin ng papa nya dahil punong puno po sya ng pagmamahal mula sa inyo.

BAISANAN

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #6 on: September 27, 2015, 11:55:01 am »
To my beloved in-laws,

ang cute...cute mo...grrr!!!
« Last Edit: March 16, 2016, 09:40:13 pm by BAISANAN »

gwyne21

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #7 on: October 02, 2015, 10:17:30 am »
To BIL, sana bayaran mo na yung utang mo sa amin... tagal na nun e may new work ka na naman...

Gum Ball

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #8 on: October 06, 2015, 04:09:24 pm »
Dear MIL,

My heart is in Great Pain and agony.. at first because of how you've reacted nung narealized mo na hindi lang ikaw yung nagiisang babae na importante sa buhay ng anak mo... tiniis kong lahat kahit na wala naman akong ginagawa instead of fighting back pinatunayan ko na worthy ako for your only son may napagsilbihan pa kita kesa sa mom ko cause i didn't want it t be harder for mu husband.. syempre di nya gisto yun kahit di nya sabihin ramdam ko nasasaktan din sya ng una i kept on asking myself why??  pero walang natulong yun laolo lang ako nasaktan kasi wala akong mahanap na sagot hut nalang ngayon ramdam ko ng love and tanggap mo na ko.. salamat ma after 5 long years naramdaman ko din na mahal mo na din pala ko. :)

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #9 on: October 17, 2015, 02:30:16 pm »
To my Bro in law

You are the reason a constant reminder why I dont want to get married.  Nakakatakot makahanap ng katulad mo.

naynee15

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #10 on: October 20, 2015, 01:36:27 am »
To may Father in-law,
Sana po tumigil kana po sa mga bisyo mo..kasi wala po yang maidudulot na mabuti sayo
at higit sa lahat nadadamay pa kaming walang muang sa tuwing magwawala ka!

At sana rin matuto kayong pahalagahan ang perang nadating sa inyo.
ibibisyo niyo lahat at pag ubos na magpaparinig ka saken na kahit pambili
ng sigarilyo ay wala ka! nakakayamot kaya! kaming mag asawa nag aaway dahil sayo..
saka wag po isip bata..ang pagkaka alam ko isa lang ang anak ko..dumagdag ka pa!
para akong katulong mo, taga ligpit ng mga hinubad mong damit! tapon dito..lagay doon! may lagayan naman! pag nasa bahay ka marami kang dinadaing! keso masakit ang paa, katawan! lahat na ata! pero nagagawa mong gumala!

hahahaha..grabe na toh.. daming hugot!




velvetdreams

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #11 on: October 23, 2015, 05:14:53 am »
Dear MIL,

ang dami na nating issue kahit nung mag bf/gf palang kami ni hubby.. dahil mas boto ka dun sa ex nya at talagang pinamukha nyo saken nila SIL at asawa ni BIL na gusto nyo yung ex nya... so natanggap ko lahat yun dahil nung na found out nyo na peke pala yung anak na pinakita ng ex nya tska kayo napahiya.. so given..

ngayon byenan na kita..sana naman isipin mo naman kami ng anak mong bunso dahil super paborito mo yung panganay mong anak at panganay mong apo ... maiisip mo lang pumunta samen (kapit village lang tayo) kapag saken ipinadala yung pera padala pra sayo.. pero nung nag pabili na kayo ng mga kailangan nyo.. hindi nyo makuha sa bahay? yung totoo?? kapag pera kailangan agad agad? ni makapunta at para kunin yung mga pabor nyo saken di nyo madaaanan sa bahay? 8 mins walk lang yon!

ayoko talaga ng unfair ehh pero napaka unfair mo padin. Anyway lalo lang sumasama loob ko  :-\

sweet_chloe

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #12 on: October 25, 2015, 06:53:55 pm »
Dear Hilaw na MIL,

Sana bago mo pinagkalat na sinungaling ako at plastic ako kinilala mo ko muna. Hindi yung tinatakwil mo ang batang yung anak mo nagpupumilit na bumalik samin nung buntis ako at dahil kaya mong mando maduhan ang anak mo, pinalayo mo sya sa anak ko at pinapa sustento ng kakaramput - or should I say limos. Alam ko masyadong maaga kaming nagka anak pero sana wag mo idamay yung DUGO AT LAMAN MO sa miserable mong buhay. Kaya ka iniwan eh dahil din sa ugali mo malamang, oo magkaugali tayo kaya hindi tayo swak. At sana kung totoong "Godly" ka, ipractice mo hindi yung hanggang post lang sa FB at kung makapang chismis ka akala mo wala kang Diyos. At sayo na anak mo. ANAK MONG WALANG BAYAG!

gwyne21

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #13 on: October 26, 2015, 12:15:09 pm »
BIL, sana bayaran mo na lahat ng utang mo sa amin.. almot 1 year na kasi.. ang pangako mo ay 6 months lang mababayaran mo na kami... nakakadala ka pautangin... tsktsktsk

Purple_Power

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #14 on: October 31, 2015, 03:20:27 pm »
Dear MIL,

Please stop calling yourself "mama" in front of my baby girl. You've had your time as mom to four boys. It is now my turn to be called "mama". Don't rob me of that experience. She is mine and I'm her one and only mama, please respect that.

Nakakarelate ako rito, though sa akin okay pa kung Mama ang ayoko lang TITA as being in denial of being a Grandmother. So here's now my message for GMIL too.


LOLA,

Hahayaan ko na ang asawa kong tawagin kang TITA kahit alam naman ng karamihan na LOLA KA niya. Ikaw naman ang nagpalaki at nakasama mo siya ng mahabang panahon mas kayo ang nagkakaintindihan kaya okay lang kung tita ang itawag sayo ng asawa ko. Pero dahil may anak na kami at ako ang ina ng apo mo sa tuhod, hindi talaga ako papayag na tawagin kang Tita dahil una masyado ka nang matanda, sa magulang ko hindi issue kung tawagin sila ng Lolo at Lola ng mga pamangkin at ng anak ko kaya dapat ikaw matuto ka nang tanggapin ang katotohanan na isa ka nang LOLA kaya dapat lang na LOLA ang itawag sayo. Ako ang ina kaya ako rin ang masusunod. Ang ibang matatanda kahit walang koneksyon o relasyon sa bata LOLA pa rin ang tawag dahil matanda na. Kaya ikaw huwag ka nang magdeny hindi ka Tita ng apo mo lalo na ang apo mo sa tuhod.

Mother In Law or maybe my Monster In Law already

Unfortunately more than 1 year already and you guys don't know that you are legally my mother in law, but I have to warn you that you shouldn't be monster in law to me or else I already informed your son, no matter if you are his mom but I am now willing to defend myself and unfortunately I am not willing to shut my mouth. I can express and say anything I want if you say something about me. You want me to respect you then you should earn it from me. Show it to me that you deserve respect not because you are the mom of my husband and for being old. I have to warn you by now that you are not supposed to treat me like your possession and dictate everything I do. It is not my job to be the slave of your son. Take note I am a WIFE already as in LEGAL WIFE.

Dear Father In Law

I hope you are still alive and I can find you somewhere there in New Jersey someday. You know my parents were looking for you by the time they went there to US? They keep on calling you but it was just only the answering machine that they heard. I want you to meet in person with my daughter to acknowledge your surname because I believe you are a good person. I also want to see the presence of father in law even just once, because my dad and my bro never met their father in law for real.
« Last Edit: November 05, 2015, 06:21:40 pm by Purple_Power »

duhyan

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #15 on: November 03, 2015, 10:30:41 am »
Sabi nyo maganda tumira dito sa cavite dahil presko hangin at mala probinsya..eh puro siga at usok naman nalalanghap ko kakasunog nyo ng basura! Huhu
Gusto ko na umuwi sa amin.  :'(

xsugar

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #16 on: November 04, 2015, 05:31:14 pm »
Sana matuto kayong mag-disiplina ng anak nyo. Turuan nyo lalo na yung panganay nyo na mali ang ginagawa nyang panghuhuthot sa mga babae nya, hindi yung nakikisakay pa kayo!

imprincessfiona

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #17 on: November 05, 2015, 06:16:28 pm »
To BIL,

Naniniwala na ako sa FOREVER simula nang UMUTANG na kayo (sound of James Reid song). Utang na loob magbayad na kayo. Magdadalawang taon na yun nabayaran ko na lahat pati ang interest hindi pa din kayo nagbabayad. Mahiya naman kayo. Nung kinailangan nyo ng pera hindi ako nagdalawang isip na pahiramin kayo at alam nyo naman na ni-loan ko yun with 8% interest. Malinaw ang usapan natin na buwan buwan magbabayad kayo pero after six months wala na. Ako pa nga ang nahihiyang maningil. Dahil ba hindi na ako naniningil ibig sabihin salamat na lang yun. I did my part to help you pero sana ganun din kayo sa akin. I really need the MONEY badly. At gagamitin namin yun sa pagsisimula namin ng asawa ko so please mahiya naman kayo magbayad na kayo.

three8one

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #18 on: November 05, 2015, 07:02:35 pm »
MIL and [textspeak!]

stay cool at sana lagi kayong malakas mag asawa.. ayaw kong malungkot ang asawa ko pag may nangyari isa man sa inyo...parang hindi pa nya kayang tanggapin na lahat ng tao ay may expiration. kaya wag muna po ah... salamat.

 ;)

EllaBratin

  • Guest
Re: Message to your in-laws
« Reply #19 on: November 05, 2015, 08:30:46 pm »
SIL, once in a blue moon ka na nga lang mag-facebook puro panghihingi pa rin ang message at comment mo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close