watch now

Author Topic: if i get an online job... will it change my attitude?  (Read 2066 times)

kwang sun

  • Guest
if i get an online job... will it change my attitude?
« on: August 30, 2015, 09:14:01 am »
bago lang ako sa online job ko pero feeling ko parang wala na akong gana lumabas ng bahay hahahah parang gone were the days na lakwatsera ako ahhaha ... takot ako maging anti  social tulad ng sabi ng iba haha.. pwede ba machange ang ugali ng tao sdahil sa online job? xD

Hevn

  • Guest
Re: if i get an online job... will it change my attitude?
« Reply #1 on: September 05, 2015, 01:41:57 pm »
Up to you naman if papabayaan mo mag iba ang ugali mo o hindi. Hindi naman ibig sabihin na lagi ka lang sa bahay eh anti-social ka na. Baka pwedeng introvert lang muna? Introverts are not anti-social, ibang klaseng socialization lang ang trip nila.

Besides, habang tumatanda ka, mababawasan talaga yung drive mo sa paglalakwatsa. Ang tanong is bakit natatakot na mag iba ang ugali mo? Are you trying to please yourself or others if magdecide ka na mag stay sa bahay or lumabas?
 

mysterioza_me

  • Guest
Re: if i get an online job... will it change my attitude?
« Reply #2 on: September 08, 2015, 10:22:25 am »
Possible na mag-iba ang lifestyle sis pero hindi naman siguro ang attitude unless stressful ang work mo. Like for example kung dati pagpumapasok sa office highmaintenance ka since you have to be dressed properly and be presentable with full make up on then biglang nagswitch to work from home. So since you are just working at home you can be in pambahay lang with no powder at all. So from being high maintenance naging low or no maintenance ka na. Now if stressful ang work mo baka magkaron ng changes sa ugali kasi pwedeng maging bugnutin ka lalo na if di ka lumalabas ng bahay. Depende din syo if magkakaron ng pagbabago.


merchee

  • Guest
Re: if i get an online job... will it change my attitude?
« Reply #3 on: September 08, 2015, 11:00:52 am »
i didn't got to do an online job pero there were months that i had to work at home since the project was located abroad.

Indeed, it changed my social life. but i chose to maintain yung work ethics. Like being on-time (virtually) and all stuff. Also, to keep me "feeling" working. I do maintain din yung mga bagay na ginagawa mo usually before you work...like pagligo, pag-bihis ng maayos...not the usually pajama, and working at a table...not sa bed.

Goodluck! and enjoy working at home :)

kwang sun

  • Guest
Re: if i get an online job... will it change my attitude?
« Reply #4 on: September 21, 2015, 05:37:33 pm »
Possible na mag-iba ang lifestyle sis pero hindi naman siguro ang attitude unless stressful ang work mo. Like for example kung dati pagpumapasok sa office highmaintenance ka since you have to be dressed properly and be presentable with full make up on then biglang nagswitch to work from home. So since you are just working at home you can be in pambahay lang with no powder at all. So from being high maintenance naging low or no maintenance ka na. Now if stressful ang work mo baka magkaron ng changes sa ugali kasi pwedeng maging bugnutin ka lalo na if di ka lumalabas ng bahay. Depende din syo if magkakaron ng pagbabago.

omg yes sis... yan yung sinasabi ko haha.. naging low maintenance na ako since i worked at home lol....

mysterioza_me

  • Guest
Re: if i get an online job... will it change my attitude?
« Reply #5 on: September 21, 2015, 09:18:57 pm »
Kaya ayaw ko magwork from home kasi for sure maging no maintenance at all ako hahaha.

Purple_Power

  • Guest
Re: if i get an online job... will it change my attitude?
« Reply #6 on: September 21, 2015, 11:29:50 pm »
Nasa tao pa rin yan, nagagawan naman ng paraan para hindi ka maging mainitin ang ulo. At saka depende sa priorities mo kung bakit pinili mong magwork at home.

Ako gusto ko talaga work at home noon pa dahil una sobra akong stress sa traffic yung tipong papasok palang ako pagod na ako tapos kapag uwi ganun pa rin. Naiinis rin ako sa transportation na ang dami dami mong isasakay na lipat dito lipat doon, nakakapagod rin. Naalala ko in my case 3 bago pa ako makarating sa opisina tapos pag uwi ganun rin o minsan 4 pa. Ang nakakainis yung rush hour na pahirapan ang sakay minsan buwis buhay pa na makikipag stampede ka na. Yung oras nandahil sa transpo nasasakripisyo. Mas gugustuhin ko na maraming trabaho o doon mapagod kesa sa transportation. Ayoko yung haba ng oras ko nasa opisina kumpara sa bahay. Another thing problema ko rin yung pamasahe mas malaki pa nagagastos ko buwan buwan parang bale wala sa sahod ko noon.

Unlike now na work at home ang problema mo na lang kung paano mo tatapusin trabaho mo kada week. Pag gising mo pwede ka na agad magtrabaho, wala ka nang problemahin sa gastos sa pamasahe at pagkain na rin.

Kung naandyan pa rin naman friends mo pwede ka pa rin naman maging lakwatsera eh! Unless na lang mga officemates mo noon ang inaasahan mo sa mga ganyang lakwatsa.

RoadrunnerXCX

  • Guest
Re: if i get an online job... will it change my attitude?
« Reply #7 on: September 26, 2015, 12:46:56 pm »
ako when i worked from home before  napansin ko naging sloppy dresser na ako...ibang iba nung nago opisina pa ako. Jeans and shirts na lang palagi. not fully made up na minsan powder and lipstick lang or minsan wala na except when we hear mass or attend a formal or semi-formal occasions. hindi ka na masyadong mageeffort kasi nasa sa bahay ka lang naman. but i never felt that i was becoming anti-social. actually i am always welcoming to any invitation from  friends or relatives kasi i have so much time to spare kasi nasa bahay lang ako :)
« Last Edit: September 26, 2015, 12:48:37 pm by RoadrunnerXCX »

Purple_Power

  • Guest
Re: if i get an online job... will it change my attitude?
« Reply #8 on: September 26, 2015, 04:03:10 pm »
^yan pa at least kapag homebased ka no need to worry sa pag-aayos o ni kahit pa nga ligo eh! Makakatipid ka pa sa pabango at kung ano pang pabeauty. No need to retouch every now and then. No need to worry kung ano susuotin mo.

mysterioza_me

  • Guest
Re: if i get an online job... will it change my attitude?
« Reply #9 on: September 27, 2015, 12:22:53 am »
Ako I'd rather go to the office (medyo malapit lang naman kasi office namin) kesa magwork from home. Pag nasa house na ko tamad ako lumabas. Like nung isang sis natin nagiging sloppy dresser din ako, pag aalis ako dun ko pa lang mapapansin na out of style na pala mga damit ko or limited na lang ang clothes ko. Sayang naman bumili kasi di magagamit ng madalas. Nagiging less pagiging vain ko and I'm not happy about it. Unlike na pagnago-office na you always want to put your best foot forward.

kit kat

  • Guest
Re: if i get an online job... will it change my attitude?
« Reply #10 on: September 29, 2015, 11:11:48 am »
I guess mas nakakatamad talaga pag nasa bahay but, yun nga, it's up to you naman. Iba-iba din yan depende sa tao. Yung isang kakilala ko naman nagfull-time work-at-home tapos ang nangyari namimiss niya friends niya and become envious pag may mga lunch out/dinner na hindi siya kasama. Others are more comfortable sa bahay naman.

Purple_Power

  • Guest
Re: if i get an online job... will it change my attitude?
« Reply #11 on: October 04, 2015, 03:16:25 pm »
^Honestly nararamdaman ko rin minsan yang katamaran lalo na sa pag gising kasi hindi naman masyadong strict sa oras yung boss namin. Unless may urgent kami. Kahit si hubby yan ang isang bagay na ayaw niya ang homebased kasi mas tinatamad siya. Unlike office mapipilitan magwork. Ako naman napipilitan matulog sa hapon kahit anong pigil ko.

Sa system naman namin, mas nakakasipag magwork kapag maraming jobs, kapag kaunti nakakatamad kasi hourly rate kami. Which is ito naman ang baliktad kapag office, kapag maraming jobs maiinis ka or maiistress pa kapag kaunti mas masaya ka kasi makakauwi ka agad.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close