watch now

Author Topic: I dont like what I'm doing  (Read 2171 times)

candacena

  • Guest
I dont like what I'm doing
« on: August 26, 2015, 08:28:11 pm »
So ganito yun.. may business kami restaurant business.. and ako yun taga serve at taga kaha. ewan ko kung bakit pero ayaw na ayaw ko talaga yun ginagawa ko. sineswelduhan naman ako. ayoko yung upo tapos tayo upo tapos tayo. napapagod ako feeling ko walang katapusan. wala akong pahinga. kahit mga 2-6pm pahinga na ko. I feel like the most miserable woman sa totoo lang. gusto ko man maghanap ng ibang job wala naman makakatulong parents ko sa business namin tsaka mahina ang loob ko magapply. ginawa ko na lahat . lumabas na ko para mag enjoy kahit papano pero sa tuwing babalik ako dito sa kainan namin sasabihin ko sa sarili ko "back to reality" ganun ako ka stressed. na diagnose pala ko na may depression and anxiety siguro gawa din dun. and nagtatake na din ako ng gamot. any comments na makakatulong tatanggapin ko. thanks mga sis wala na talaga ko mapagsabihan eh.

purple.strawberry

  • Guest
Re: I dont like what I'm doing
« Reply #1 on: August 26, 2015, 08:49:49 pm »
Have you done everything na talaga sis? Walang magbabago if wala kang gagawin, kung uupo ka lang diyan ang magseself-pity sa situation mo.

Trabaho din yan I'm sure makakahanap ng kapalit mo. If mahina ang loob mo mag-apply, siguro work on that. Ano bang reason? Do you think insufficient yung skills mo sa mga aapplyan mo? If so study, take courses, take jobs kahit entry level basta will provide you with experience to push you forward in your chosen career.

pret_ty68

  • Guest
Re: I dont like what I'm doing
« Reply #2 on: August 26, 2015, 09:27:53 pm »
^^
Sa tingin ko nagkakaganyan ka kasi naiisip mo kung ano ang pwedeng career mo sana ngayon kung hindi ka stuck sa restaurant business nyo. Dapat kasi nagkaroon ka muna nang experience na mag work outside sa family business nyo pero it's not too late pa naman lakasan mo lang ang loob mo mag apply. In case naman sa tingin mo kulang ka nang skills di ba sabi mo 2-6 pm off ka na. You can use that time to enroll in courses that you like.

Pero alam mo sis ang swerte mo rin dahil you work on your family business. You do not have to deal with masungit na boss or nakakainis na mga officemates. I'm sure many would love to trade places with you. Meron ngang mga nag re resign dahil gusto nila mag manage na lang nang business. Pero maganda rin talaga na ma experience mo mag work sa labas para wala kang pagsisihan anyway anytime pwede ka naman bumalik sa family business nyo. Pag hindi mo kasi yan na try mag work sa labas palagi na lang may "what if" at the back of your mind.

TomHansen

  • Guest
Re: I dont like what I'm doing
« Reply #3 on: August 26, 2015, 11:03:57 pm »
Kausapin mo rin ang family mo sa decision mo i'm sure maiintindihan nila yung nararamdaman mo ngayon. Apply online kapag nasa bahay ka and wag kang mahiya or matakot dahil lahat tayo pinagdadaanan yang pag-aapply. Ano bang ang gusto mong applyan candacena?

mysterioza_me

  • Guest
Re: I dont like what I'm doing
« Reply #4 on: September 08, 2015, 09:13:45 am »
Sis how are you na? Naiintindihan ko parents mo as to why ikaw pinagkakaha nila. Mahirap kasi ipagkatiwala sa ibang tao ang negosyo lalo na ang pagkakaha since pera yun. Alam mo naman  na maraming nasisilaw sa pera. Pero if you are not happy with what you're doing at nade-depress ka na its about time na you to talk to your parents kasi your present situation is aggravating your condition. Hindi makaka-help ang gamot kung nasa same place ka pa rin na nagti-trigger ng depression and anxiety mo. However if you really want to shift into a different career kailangan mo ng lakas ng loob at tibay ng sikmura. Hindi biro ang pulitika, backstabbing at stress sa corporate world. Sobrang swerte mo na you get to work sa sariling business ninyo kasi sa tulad namin na may mga boss nangangarap naman kami ng own business namin na kami ang boss ;D

huggykaye

  • Guest
Re: I dont like what I'm doing
« Reply #5 on: September 08, 2015, 12:24:35 pm »
hi TS, alam na ba ng parents mo yung depression and anxiety mo? kung hindi pa, impt. ma sabihin mo sa kanila yan bago pa ang lahat... magplano ka na din sa paghahanap ng ibang work kung sakaling payagan ka nilang bitawan yang work mo sa family business nyo... hindi din naman nalalayo yang nararamdaman mo sa ibang mga namamasukan :) may ganyan din kaming feeling "back to reality", "i hate this job", "monday na naman", etc etc... pero sabi nga nila, stop complaining, you can always quit... kaso dahil sa pangangailangan sa buhay, tinitiis na lang din hanggat kaya... anyway, madadaan naman siguro sa magandang usapan yan with your parents :) goodluck!

sarsingkit

  • Guest
Re: I dont like what I'm doing
« Reply #6 on: September 08, 2015, 11:39:39 pm »
sis @candacena, if you have depression and anxiety, try to seek professional help that will help you try to point out what makes you miserable about your life in general. Ano ba ang gusto mo gawin? What makes you hate your restaurant job? Is it the industry or is it because you are working for your parents? Is it you exact job description? Malaking percent ng working population will say that work stresses them out. Common phrase na yang "back to reality". Every Monday ata, ganun ako. Lol. Try to seek that factor na nagpapadepress sayo and start to work around it. Kasi kahit kung makahanap ka ng work sa labas, baka after a few months, eh same din ang mafeel mo. Hindi din masosolusyunan yung problem mo. How do you see yourself in the future? Try to reflect on it and make that your goal. Minsan kasi, yung mga routine na ginagawa natin sa araw-araw, nakakaasar talaga but it is because hindi natin nakikita yung goal in the future. Pag nakita mo na yun, magakakaron ka ng reason for your everyday life. Kumbaga, you go to work with your eyes on the prize.

Believe me, I have one of the most boring jobs. I tried to get out of it and seek a different career. Only upon reflecting did I realize na it is not the job, but it is making my work, my life. Yung routine na 8-5 job. Kadalasan, OT pa. Napaisip ako, if I follow what I want, ganun din in the end. Mabobore din ako kasi yun at yun din ang gagawin ko. So I tried to compartmentalize my life. Talagang, I manage to have that work life balance. Ngayon, hirap lang talaga ako sa paggising ng maaga. Hehe. Pero inisip ko na lang, forcing myself to wake up is part of character building. Besides, how will I see the sun rise kung hindi ako gigising ng maaga.

RoadrunnerXCX

  • Guest
Re: I dont like what I'm doing
« Reply #7 on: September 27, 2015, 08:01:16 pm »
ang swerte mo sis kasi your parents was able to establish a business that can be pass on to their future descendants. try to have a work-life balance anyway you're done with cashier duties as early as 2pm. enroll in a gym near your place kasi nakaka destress when you sweat a lot thru exercise. read a self-help book that will uplift you. reconnect with your college friends and meet them for lunch or dinner. and lastly, if you have the time and money mag  travel ka sis. travelling and seeing new places and meeting new people will surely broaden your horizons. life is good. focus on your blessings and always stay positive . goodluck :)
« Last Edit: September 27, 2015, 08:04:56 pm by RoadrunnerXCX »

naddie99

  • Guest
Re: I dont like what I'm doing
« Reply #8 on: October 29, 2015, 07:08:45 pm »
Hindi naman maiiwasan siguro yung ganung feeling towards work. From time to time dumadatig talaga sa point na nasasabi mong "nakakapagod" pero wag po kayong mag alala hindi lang po kayo ang nakakaramdam nyan. Since sabi mo wala pong makakatulong dyan ang parents mo and wala ka ding courage to apply I think you have to choose po. Either titiisin mo yung current job mo po helping out your parents or find the courage to apply na po. Or maybe bakit hindi mo po itry itangong sa parents mo if they can hire someone to help you out?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close