Author Topic: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko  (Read 12085 times)

loveleah

  • Guest
Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« on: August 23, 2015, 02:53:15 pm »
Eto po yung story. Hubby ko may favorite friend na lagi niyang kasama sa mga gimiks. 3 or 4 times a week silang nagkikita, nag gigimik. Minsan uwi mga 2 or 3 AM. Minsan tinatawagan ko yung friend na yun at tini text kung totoong galing sila sa ganitong lugar. Pero hindi sinasagot mga tawag ko at hindi nag ti text back. At tuwing makita kami kasi imbitado siya sa ano mang okasyon, hindi ako binabati. Pa iba iba pa ang kasama niyang babae kahit may steady na girlfriend. So last night gumigimik kami ng barkada ko at asawa niya, sumunod sa amin ang hubby ko at itong friend niya. A few moments later may naupong 2 korean girls na nasa 30 and mid 30s . Nag co comment na ang cu cute ng mga batang dala namin, kasi kasama namin mga anak namin that time. Yun na naging opener nil, itong friend , si hubby at asawa ng friend ko nakikipag usap at nakikipag biruan na sa mga Koreana. Okay lang naman yun. Tumaas nalang kilay ko nung nag gesture na ang friend ni hubby na bigyan niya ng beer yung Koreana at palipatin ng table, cool lang yung friend ko pero nainis na din kasi yung 3 guys nasa table na nun mga koreana naka harap at nagpapa cute. Yung friend ng hubby ko bigyan na niya sana ng alak yung mga koreana. Tinawag ko si hubby at napagsabihan ko na ganun pala talaga gawain nila . Nang nakisali na sa aming usapan yung friend niya napagsabihan ko na pareho silang mga bad influence ng asawa ko. At kung kasama siya ng hubby ko may idea na ako anong gawain nila eh yun ngang andun kami/ako eh an mga mukha nasa kabilang table at gusto pang maki pag inuman ha. Nainis sa akin hubby ko sabi niya daig ko pa daw yung wlang pinag aralan kung maka pagsalita sa friend nya..I admit hindi maganda yung reaction ko but hindi rin naman maganda yung inasal nila nakakawalang respeto may mga asawa pa namang kasama . Ano take nyo dito mga sis.

chicafabulosa

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #1 on: August 23, 2015, 03:35:18 pm »
What they did is disrespectful. Sana lang kung maggaganun sila di naman yung harap harapan, nakakabastos lang. My husband used to have friends na ganyan (friends ng BIL) ko, sinabihan ko husband ko wag na wag sasama dun kung ayaw nya makita sumaboh ang world war 3.  Kasi yung mga yun okay lang na pasahan sila ng babae, then lahat may mga asawa na babaero pa kaya pinaiwas ko na husband ko. Matuto yun ng kalokohan eh. Although BIL ko single, babaero pa rin. Minsan na nya nabigyan ng chicks yung hubby ko and honestly sa takot ng hubby ko sa ginawa ko sa babae i doubt uulit pa sya.

You just did fine. I hope you did it na di ka nagtaas ng voice. You did it sana with grace. Kasi when i told my bil friends na ayaw ko sila kasama simple lang sinabi ko "i hope whatever youre doing to your wives you wont teach that to my husband. Because if you do, you wouldnt like what I will do to you"... They know kaya ko sabihin sa mga wives nila kalokohan nila at ituturo ko pa addresses ng mga kabit nila pag di nila nilubayan hubby ko. Since then, di na nila niyaya at si hubby umiiwas na rin sa kanila.

loveleah

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #2 on: August 23, 2015, 03:46:22 pm »
^ thanks Sis @Chikafabulosa.. Yep di ko naman tinaasan ng boses yung friend niya, what's bad lang eh, narinig ng friend ko and husband niya yung sinabi ko sa kaibigan ni hubby. I tried my best talaga na kimkimin at wag ma bother sa act nila, kaso di ko na kayanan pinagsabihan ko talaga siya. But I controlled my voice na parang level lang yung tone , napahiya lang siguro siya at pati hubby ko kasi totoo yung nasabi ko eh. Sa akin naman at least alam niya na hindi ko nagustuhan yung ginagawa nila , while ginagawa pa nila yun, I dont want to tell my husband alone and his friend is unknowing , baka akalain pa niya walang masama sa ginagawa niya at hubby ko lang nakakaalam na may nainis na pala.

chicafabulosa

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #3 on: August 23, 2015, 04:35:55 pm »
It's fine na narinig ng friend mo and husband nyo. If they dont like mapahiya then they shouldnt be doing it right?... :) ako when i told my BIL friends talagang clear and narinig pati ng ibang friends nila na may kasamang mga chicks. At least pati sila kasama sa warning at yung mga babae nila.

j.adore

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #4 on: August 24, 2015, 04:03:27 pm »
Ayaw sayo ng friend niya kasi hadlang ka sa "fun" nila. High probability this friend would be a bad influence to your husband and can steer him in the wrong direction in case there are problems in your marriage.

Tama lang na pinagsabihan mo sila and who cares sino makarinig? You had your children around!

Talk to your husband. Paalala mo he is a married man and a family man.

belle_v2g

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #5 on: August 24, 2015, 09:10:39 pm »
^tama! And as a family guy, your hubby should know his limitations. Di bawal makipag kaibigan pero dapat nilalagay sa lugar ang mga kinikilos lalo na't kasama pa mga anak nyo.

Girltalker2

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #6 on: August 25, 2015, 12:12:22 am »
Hubby ko may favorite friend na lagi niyang kasama sa mga gimiks. 3 or 4 times a week silang nagkikita, nag gigimik. Minsan uwi mga 2 or 3 AM. Minsan tinatawagan ko yung friend na yun at tini text kung totoong galing sila sa ganitong lugar. Pero hindi sinasagot mga tawag ko at hindi nag ti text back. At tuwing makita kami kasi imbitado siya sa ano mang okasyon, hindi ako binabati. Pa iba iba pa ang kasama niyang babae kahit may steady na girlfriend.

I think hubby's friend is bad news.
Your hubby should realise that he shouldn't be hanging around with this friend. May asawa syang tao, kung umasta eh parang binata.

Tapos, ang kapal ng mukha ni friend para di ka pansinin? Kung ganun lang, eh di ba dapat magkalimutan narin sila at package deal dapat kayo ng asawa mo.


loveleah

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #7 on: August 25, 2015, 12:38:23 am »
Thanks mga sis ha.. Sad thing is mas pipiliin ni hubby ang friend niya, kasi iilan lang daw true friends niya, and I should know [textspeak!] siyang kaibigang matino! Like most of the time, if magkasama kami, tapos tatawag mga friends niya at pa puntahin siya kung saan sila, ayain na niya akong umuwi kami ng bahay at pag katapos aalis na siya para puntahan mga kaibigan niya, or minsan, aya ko siyang kumain sa labas, tapos naming kumain, offer niya na akong ihatid at punta na siya sa kaibigan niya, grrrr lang

maiandra

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #8 on: August 25, 2015, 01:38:42 am »
Really sis? Looks like di pa nagsawa hubby mo sa pagkabinata niya at paggimik. I mean, nothing with having fun but leaving you out on purpose?

Looks like he's forgotten why he got married. Tsk tsk.

chicafabulosa

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #9 on: August 25, 2015, 02:24:19 am »
Thanks mga sis ha.. Sad thing is mas pipiliin ni hubby ang friend niya, kasi iilan lang daw true friends niya, and I should know [textspeak!] siyang kaibigang matino! Like most of the time, if magkasama kami, tapos tatawag mga friends niya at pa puntahin siya kung saan sila, ayain na niya akong umuwi kami ng bahay at pag katapos aalis na siya para puntahan mga kaibigan niya, or minsan, aya ko siyang kumain sa labas, tapos naming kumain, offer niya na akong ihatid at punta na siya sa kaibigan niya, grrrr lang


Sis if your husband will choose his friend/s over you maybe he should marry them instead of you. Kakaunti lang ang true friends?? b******t! If they are indeed true friends, dapat may respeto sila sayo rin. The mere fact they are teaching him how to disrespect you na by inviting him to party like your husband doesnt have a wife waiting at home, its an outright reason for you to stop your husband from going out with them. If the chooses them over you, let him go and have him stay there with them. In the first place "FAMILY COMES FIRST". When he married you, he should have known that he cant do certain things he was doing when he was still single. You need to stand your ground. Be clear to him that you are not stopping him to make friends but he needs to make it clear to his friends to "RESPECT" you. If they cant, then he needs to move on. Sa dami ng tao sa mundo for sure marami pa syang mamemeet na new friends.

But if he chooses them, masakit man to ha, let him go. Di pwede na mas mahal ng asawa mo ang mga kaibigan nya kesa sa pamilya nyo.

izabelle

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #10 on: August 25, 2015, 05:15:51 am »
Marmol sa kapal ng mukha barkada nya and pati husband mo. Sorry, pero yun talaga opinyon ko, nakakaloka sila as in!

iska-hazel

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #11 on: August 25, 2015, 05:52:28 am »
bad influence yang barkada ni hubby mo, ang masaklap nito si hubby lang din nya ang makakapagpaalis sa mga so called friends nya.  hay hugs TS  :'(

itcha123

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #12 on: August 25, 2015, 07:25:29 am »
Sis may I ask how old are you and si hubby. How many years na kayong married. My advice is try to attend or join Marriage Enrichment program. So you can develop a coupleness time. God Bless!!!

bonzaigirl

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #13 on: August 25, 2015, 06:33:56 pm »
@loveleah hi sis. Question lang, have you tried talking to your husband about this. I hate to tell this to you, but I can see a brewing problem here. And it is not your husband's friend. It is YOUR HUSBAND himself and You. Because you are letting him do all these things like going home at 2 or 3 in the morning, leaving you for his friends. I don't think he's realized he is married. Or he knows he is married but not for the right reasons. And he is the one who's letting his friend influence him.

Maybe it would be better if you and your husband have a talk and reavaluate your relationship and your priorities as husband and wife. Good luck sis


Girltalker2

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #14 on: August 25, 2015, 08:00:43 pm »
Looks like he's forgotten why he got married. Tsk tsk.

I agree. Sorry TS, pero I think your hubby is an *sshole. He should not have gotten married in the first place. Mukhang nagpakasal lang sya for free sex and daycare if needed.... :(


aquacharly

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #15 on: August 25, 2015, 08:18:43 pm »
Sorry to say this, but wala ka sa lugar if ang pinagsabihan mo eh yung friend ng hubby mo.
Your husband is at fault. He is an adult -- choice nya his inappropriate behavior.
It is your husband's responsibility, before it is  his friend's, to keep you from hurtful/awkward/nakakabastos situations.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #16 on: August 26, 2015, 02:21:51 am »
Although everyone here is right in saying that your husband's friend is an *censored* and a half, I think if I was in your position, my husband would have met his doomsday.

1. He is a married man and I trust that I married someone with sense and brains. Why would he do those things fully knowing that he already has a family?
2. For him to do those things with me in the same vicinity is enough to make me imagine what other things he does when I'm not there. Eto pa lang naiisip ko, naha-highblood na ko.
3. There shouldn't have to be any discussion about choices cus it's so insulting that he would have to choose between his wife and friend. Seryoso ba to?
4. At the end of the day, your husband knows what is right and wrong. Kesehoda pang criminal mga friends nya, kung alam nyang mali and matino ang utak nya, hinde sya gagawa ng mali and he would take the initiative to stay away from bad influence.

Ang dapat madisiplina eh yang mister mo.

sarsingkit

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #17 on: August 28, 2015, 01:14:47 am »
I would focus more on my husband's behavior than his friends. My husband has good and bad friends, but that is beyond my control. Whatever they do to their lives, labas na ako dun. Like what other sisters here say, your husband is an adult. He can make decisions of his own na. They may be bad influence (although I do not believe in such thing0, but texting the friends confirming their whereabouts is just annoying to boys. Hindi ka talaga sasagutin nyan. I am not saying na mali yung ginagawa mo, pero I-expect mo na, na hindi ka sasagutin.

Learn to control your anger. I understand that sometimes, nagfa-flare up talaga ang tao but things like these, better to be discussed inside the house.

simang

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #18 on: September 03, 2015, 01:05:18 pm »
Communication is tricky. Even if you think you have a valid point (which you do, really), it's not all about saying how you feel, it's also choosing the right moment to say it. If I were in your husband shoes, I would understand your point better, and appreciate your issues more, if it was laid out in a less awkward moment. Hindi ko din maiintindihan bakit kelangan i bring up yung ganun sa harap ng kaibigan ko, much worse, pati kaibigan ko napagsabihan pa. If you have issues with your husband going out with friends, going home late, hitting on girls, then deal with those with your husband, not with the friend.

tinybubbles7

  • Guest
Re: Napagalitan ko Barkada ng Mister ko
« Reply #19 on: October 11, 2015, 02:53:54 pm »
Ako gusto ko na paringgan kaso paano ko gagawin di ko sila ka fb..nakakapikon kasi..
Ayokong ayoko na pag nakikisakay mga officemates ni hubby di man lang niya sabhin na yung inuupuan nila sa likod na comforter eh higaan ng anak namin. Pag kami sasakay lagi na lang ma-buhangin,madumi,magulo yung comforter na nilalatag ko sa backseat kasama ng unan para pag gusto mahiga ng anak ko pwede. Laging ganyan nakakapikon talaga makikisakay na nga di man lang paganahin common sense alam na may nakalatag sa likod na comforter at unan di maisip na ayusin bago bumaba,libre na nga sa pamasahe nagdudumi pa sa sasakyan namin. Problema pa sa asawa ko di man lang masabi kahit sa maayos na paraan,parang kami pa ng anak ko yung kelangan mag adjust. Bakit pa daw ako kasi naglalatag sa likod istorbo lang.. Kaya sagot ko sa kanya istorbo kanino? Sa ibang tao? Anak mo yung humihiga jan tapos yung unan kung sino sino umuupo,sana man lang magkusa siya sa alisin kung may sasakay sabay sabhin niya na “teka ayusin ko muna yung unan at higaan ng anak ko,itatabi ko lang”.. Yung simpleng ganon pag sinabi niya baka kahit papaano matuto naman mag behave yung mga nakikisakay na yon.. Kakagigil!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close