Author Topic: Atheist  (Read 8047 times)

harley18

  • Literally.
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 166
Atheist
« on: August 23, 2015, 09:51:09 am »
May mga atheist ba dito? Technically, I'm a catholic but lost my faith. Member pa nga ako ng kung ano anong religious group dati, pero eto na ko ngayon. Masasabi ko na it's very liberating to be like this, mas sensible ang mga nangyayari at mas open-minded na ko.
Ang problem lang, hindi ko pwede iexpose ang sarili ko as atheist kasi most likely I will be judged negatively; lalo na ng mother ko, baka himatayin yun! Anyone here like me?

TomHansen

  • Not a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 912
  • Wait for it..
Re: Atheist
« Reply #1 on: August 23, 2015, 11:20:39 am »
Hi harley18 dalawa na tayo..
Ako rin catholic pero di ko na maalala kung kailan nagsimula kasi bata pa lang ako(elem) tinatanong ko na ang sarili ko ng "what ifs" tungkol sa religion, tapos nasundan ng maraming questions regarding faith na hindi ko naman nakitaan ng logical answers.. Believe me I tried na maging relihiyoso and kasama na dun ang pagpunta sa church every week kaso imbes na pumasok sa sarili ko ang ang mga sinasabi ng pari sinasagot ko pa siya sa isip ko, tapos mababadtrip pa ako kapag nakikita ko yung paghingi nila ng abuloy... I feel bad nung una dahil ang akala ko masama akong tao pero nung nalaman kong marami rin palang katulad ko mas naniwala ako sa sarili ko...

Yes sis ayun ang mahirap sa bansa natin, sa fb ko ang daming posts ng friends tungkol sa religion pero ako hindi makapagpost tungkol sa views ko(that's slowly changing na). Join ka sa ilang atheist group sa fb, then try mong magshare sa wall mo ng ibang pics nila, magandang way din kasi yun para malaman mo kung sino sa mga friends mo ang katulad mo ng pananaw baka kasi sila rin natatakot mag open up..

Be proud, huwag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao sis ang mahalaga is ang sarili mong paniniwala, dont be confrontational din kapag may kumokontra sa'yo tungkol dito hayaan mo lang sila.. The sad truth is ang atheism hindi napu-push sa ibang tao, nasa sarili na lang nila if bubukas ang isip nila tungkol dito..
Cheers!!
« Last Edit: August 23, 2015, 07:11:52 pm by TomHansen »
Attraversiamo..

j.adore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3085
Re: Atheist
« Reply #2 on: August 23, 2015, 01:31:16 pm »
I was born and bred Catholic tapos may time na super religious ko I pray the rosary every night.
But when I got to my late teens, I started thinking more. May mga tanong na ang sagot ng religion doesn't add up. Then I had my philosophy class at ayun. Normal pala ako at may mga tao na gaya ko.

Unfortunately, my parents were disappointed. I was honest to tell them but we compromise. I had a Catholic wedding too. That's for the families as well. I go to mass with them for thanksgiving sabi nila at least man lang daw yun. That part I agree naman -- to be thankful in life.

The right term for me is a theist I think. I believe there is a god but the religions men have are incorrect and tainted with man's personal desires.

Normally, people wouldn't ask or discuss this pero pag may nag tanong at open minded siya, I share. Otherwise, quiet na lang kasi might end up having a heated discussion. Gets ko what you mean but ganun talaga.
I guess mutual respect for each other's beliefs na lang.

May mga atheist ba dito? Technically, I'm a catholic but lost my faith. Member pa nga ako ng kung ano anong religious group dati, pero eto na ko ngayon. Masasabi ko na it's very liberating to be like this, mas sensible ang mga nangyayari at mas open-minded na ko.
Ang problem lang, hindi ko pwede iexpose ang sarili ko as atheist kasi most likely I will be judged negatively; lalo na ng mother ko, baka himatayin yun! Anyone here like me?

harley18

  • Literally.
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 166
Re: Atheist
« Reply #3 on: August 23, 2015, 01:45:38 pm »
Madami din akong what if's dati pero dedma lang. Kasi we were thought to have faith.. trust god no matter what. At parang napakalaking kasalanan ang magduda.  :o

Nagstart to nun isang close friend ko ang nagtapat sakin na atheist sya. Shocked na shocked talaga ako nun, I even thought na he's into demons! Sabi ko sa kanya, I will pray for him, kaso naoffend ko sya. So pinilit ko syang intindihin, may pinanood sya saking videos sa youtube. I watched with a very open mind and heart. For the 1st time, everything makes sense. After that, binasa ko yun bible from the start, lalo akong naliwanagan na myth lang lahat ng ito. Kung susuriin, madaming mali. I kept it for myself for a very long time. For now, my husband and very few close friends ko lang nakakaalam na I'm very much different now.

Gusto ko na nga ipagsigawan sa lahat, iniisip ko lang yun judgement ng tao, hindi lang sakin, pati sa anak ko. Kaya gusto ko malaman point of view rin ng iba.

pinklilac

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 955
Re: Atheist
« Reply #4 on: August 23, 2015, 05:53:48 pm »
The right term for me is a theist I think. I believe there is a god but the religions men have are incorrect and tainted with man's personal desires.

100% agree.

I can not really call myself an atheist dahil  naniniwala ako sa God/Universe.
I sincerely pray and give thanks everyday but hindi na ako naniniwaka sa religion.  More on personal relationship na lang ako. Hindi rin ako nagsisimba.Nanay ko hindi rin pala simba dahil na rin sa mga nakikita nyang pag uugali ng ibang pala simba (although hindi naman lahat)
Same kame ng husband ko hindi siya naniniwala sa organized religion dahil pera pera lang daw .agree naman ako kaya nga maraming namumuno ng mga relihiyon buhay mayaman..
si husband naman naniniwala sa Universe.

I'm glad na kahit papano bukas na ang kaisipan nating mga Filipino.


j.adore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3085
Re: Atheist
« Reply #5 on: August 23, 2015, 06:16:49 pm »
harley18, why do you want to shout out or "come out"? Sa circles mo ba laging napaguusapan ang religion and you feel trapped?
We're in a Catholic country. Cannot be avoided na may masabi mga tao kung "iba" ka. It's just a matter of perspective na kaninong opinion ang importante para sayo.

Nung ako kasi, I only told my husband and my parents. People don't regularly ask you naman what's your religion hehe.

red_yesha

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 813
Re: Atheist
« Reply #6 on: August 23, 2015, 06:40:39 pm »
Nanahimik nalang ako ngayon kapag tinatanong kung ano ang religion ko.Mangilan ngilan sa mga nakakasama ko ay  pinipilit akong magsalita kung ano nga ba talaga ang relihiyon ko, After kong magsalita  e hinihusgahan nila ako agad na isang Atheist which is not.Atheist ba agad porque hindi relihiyoso? Medyo may unting kirot lang sa puso ko yung judgement nila. Kasi naniniwala naman talaga ako na may God.

Marami talagang hindi marunong magbigay ng respeto sa paniniwala na ibang tao.Marami pang hindi nakakaintindi.
If you compare yourself with others, you may become vain and bitter;
for always there will be greater and lesser persons than yourself. :)

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2145
Re: Atheist
« Reply #7 on: August 24, 2015, 03:43:29 am »
I believe na may God pero non religious din ako. Tama ginagawang negosyo ang religion non tax pa naman kaya ok na ok talaga. Lalo na ang mga religion group na nag eendorsed ng politician alam na alam mo pera pera lang minsan naiisip ko nakikita na ng tao ang nangyayari nagbubulagan lang ng so called faith.

pinklilac

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 955
Re: Atheist
« Reply #8 on: August 24, 2015, 06:50:16 am »
^^tama sis. Pati pag hindi ka pala simba masama agad tingin sayo ng tao.
Naalala ko I was going through a hard battle then si friend ko sabi ba naman "hindi ka kase nagsisimba"
I was like WTF!
May isa rin kameng neighbor noon at na question ang hindi pagsisimba ng nanay ko.
Di ko lang masabi na minsan mas makatao pa nga ang hindi palasimba.

^ oo nga sis. Bibilib siguro ako sa mga namumuno sa ibat ibang sekta o relihiyon kung mamuhay sila ay payak pwera na lang kung sa simulat sapul eh mga pinanganak sila with a golden spoon.

Ako mismo nakakita ng tipo na mga de kotse, maganda tirahan, may mga maids,
Sagana sa pagkain etc pero lahat galing sa  simbahan nila.
Tas etong mga miyembro halos  kakainin na lang I aabuloy pa.
Minsan iuutang pa ..

Kukunsensyahin ka pa ng mga yan sa tithing. Lol



harley18

  • Literally.
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 166
Re: Atheist
« Reply #9 on: August 24, 2015, 06:55:45 am »
harley18, why do you want to shout out or "come out"? Sa circles mo ba laging napaguusapan ang religion and you feel trapped?
We're in a Catholic country. Cannot be avoided na may masabi mga tao kung "iba" ka. It's just a matter of perspective na kaninong opinion ang importante para sayo.

Nung ako kasi, I only told my husband and my parents. People don't regularly ask you naman what's your religion hehe.

Member kasi ang mom ko ng isang religious group na nagseserve sa church. Most of my friends nakilala ko sa Youth/Singles for Christ. Husband's family is very religious too. So sa family, kami lang ni husband may alam na ganto ako. Wala naman ako pakielam sa sasabihin ng iba, pero hindi kasi iba ang family e, lalo na si mother, naimagine ko pa lang, hihimatayin yun. hehe
We still go to church because of the family's tradition, in my mind, sayang sa oras. Pero syempre tahimik lang ako.

Naniniwala ako sa ability ng tao, at sa universe in general.

caterpillar-girl

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1282
Re: Atheist
« Reply #10 on: August 24, 2015, 08:51:50 am »
Your mom will get over it. My mom had a hard time when my brother stopped going to mass. Eventually she just got over it. Now he still doesn't go to mass, she just prays for his soul, everybody happy.

I'm a Catholic, and always will be. My husband and I also have atheist friends. Some of them plan pa namin kunin as ninong/ninang sa binyag ng baby namin. Hehe. I'm sure they might think it's just a silly little ritual, but they're nice about it. So, so what. They're good people and we love them and they love us. Hehe. Some people will comment, and some really just won't care. And that goes for whether you're the religious one, or whether you're the atheist.
"Like a bird on the wire / Like a drunk in a midnight choir / I have tried in my way to be free."

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2145
Re: Atheist
« Reply #11 on: August 24, 2015, 09:11:07 pm »
Ang importante alam natin paano maging mabuting tao makitungo sa kapwa may respeto sa lahat ng may buhay sa mundo...

TomHansen

  • Not a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 912
  • Wait for it..
Re: Atheist
« Reply #12 on: August 24, 2015, 10:07:00 pm »
^ yup, sa akin ang problema ko pa sa religion is nakikisawsaw siya sa politics ng bansa.
Attraversiamo..

pinklilac

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 955
Re: Atheist
« Reply #13 on: August 25, 2015, 08:45:59 am »
Ang importante alam natin paano maging mabuting tao makitungo sa kapwa may respeto sa lahat ng may buhay sa mundo...

Ganitong ganito husband ko  kaya mas lalo lumawak isip ko tungkol sa mga taong walang relihiyon.


Ano kaya kung ang mga namumuno sa ibat ibang sekta ay pagbawalan mamuhay nang marangya? Ewan ko na lang kung hindi maglahong parang bula mga yan..






Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2145
Re: Atheist
« Reply #14 on: August 25, 2015, 07:07:22 pm »
Naranasan ko rin ang ganyan ang mga nagaask kung saan ako nagsisimba sabi ko hindi ako religious. Tanong nila bakit sabi ko hindi ako naniniwala sa priest at santo. Tao rin sila nagkataon lang na skilled  napag aralan nila magaling magsalita sa tao pero hindi ibig sabihin nun hindi sila nagkakasala. Saka dami ko tanong sa kanila na hindi nila masagot like bakit need humingi ng donation alam naman nila karamihan na member ay mahirap lang din. Ang sabi sa akin may mga bagay daw na hindi kailangan tanungin at sagutin. Gusto ko sana barahin pa pero ayaw ko ng makipagtalo. Sa isip ko na lang i stand kung anong pinaniniwalaan ko.

harley18

  • Literally.
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 166
Re: Atheist
« Reply #15 on: September 01, 2015, 09:19:37 am »
^ yup, sa akin ang problema ko pa sa religion is nakikisawsaw siya sa politics ng bansa.


This. Yun issue between the government and religion groups, parang sa INC ngayon. I don't get their point. Mas lalo lang nagiging complicated ang mga bagay bagay.

karenvillaflor

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 50
Re: Atheist
« Reply #16 on: September 03, 2015, 01:44:31 pm »
^^Sis shadow, my husband also not believe in a priest or church but he believes that we have a God. Di lang talaga sya palasimba.
We we're born to be real not to be perfect.

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2145
Re: Atheist
« Reply #17 on: September 03, 2015, 06:49:18 pm »
^hindi pa ako Masyadong ma question about God... Pero sa religion priest, santo o kahit ano pa doon talaga ako walang tiwala.

burgundy

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1205
Re: Atheist
« Reply #18 on: September 06, 2015, 12:07:56 pm »
I dont belong to any organized religious groups pero I am not an Atheist either. I believe in God, pero when somebody asks what is my Religion, I tell them na my religion is Kindness (Dalai Lama). Ang importante eh maging mabait ka sa kapwa mo. Jesus' last commandment nga is "Love One Another". If people will just be kind, respect and love one another eh our world will be a better place.

My relationship with God is between me and Him, walang third party, walang pastor or priest or santo na kailangan maging bridge. I bow my head and close my eyes and pray to Him directly.  What is important is what is in my heart and my deeds.

 

« Last Edit: September 06, 2015, 12:36:41 pm by burgundy »

cosmochick

  • Not Your Average
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1530
Re: Atheist
« Reply #19 on: September 06, 2015, 06:42:54 pm »
^ganito rin ako sis. I don't believe in any religion but I believe in God. i dont believe in saints rin and I dont pray din kay mama Mary.

I was born a Catholic but I was baptized din as INC when I married my INC ex husband. Don nabuksan ang isip ko na andaming mali sa religions. Hubby ko now is Catholic so we go to Catholic church sometimes.. I don't believe in any churches ... sinasamahan ko na lang sya.
« Last Edit: November 01, 2015, 06:13:41 pm by cosmochick »
I want a life that sizzles and pops and makes me laugh out loud.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close