watch now

Author Topic: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera  (Read 11080 times)

red_one

  • Guest
Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« on: August 17, 2015, 01:15:40 pm »
I just want to get your views and opinions regarding this issue. My hubby used to give money to his nephews every time we visit my in-laws. So parang nasanay yung mga bata, to the point na yung mga bata na mismo ang nanghihingi ng pera, na kinukunsinti pa ng mga parents nila. I just don't like the thing na ang bata-bata pa eh panghihingi na agad ng pera ang natututunan. Maybe sa family namin ke sa mother side or father side di namin nagging ugali ang manghingi. We waited na yung mga tita/tito namin ang kusang magbigay, pero never na nanghihingi kami. And kapag may gusto kaming hingin sa kanila ibibigay nila yun in a reward manner. Kelangan mataas ang grades namin, kelangan may honor kami during recognition. Basta dapat may achievements before ibigay yung request namin. Meaning pinaghihirapan naming bago naming makuha yung gusto namin. Eh kaso sa case ng mga pamangkin ni hubby, eh di ganun. Basta hingi kung hingi, supported by parents, lolo and lola pa. San ka pa?
Ang sa akin lang naman, ang bata bata pa eh panghihingi agad ng pera ang natututuhan, baka lumaki yung mga bata na ganun ang maging asal at di na magbanat ng buto. (between 3-9 yrs yung mga bata). And yung parents nila ay di naman hardworking type, dahil may asawa at anak na eh nakasiksik pa sa in-laws ko. Gusto ko rin na maintindihan ng mga bata na ang pera ay di lang basta basta hinihingi, pinaghihirapan yun. Yun lang I don't have a voice in their family.Kaya naiinis ako.
Kung kayo ba ang nasa sitwasyon ko, ok lang ba sa inyo yung panghihingi ng mga bata? Or there's just something wrong with me, that's why I get irritated with the kid's manner?

j.adore

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #1 on: August 17, 2015, 02:32:54 pm »
It's because of difference in family culture and it's normal if there are stark contrast of values.

Talk to your husband kung talagang bothering and explain how you feel. Ask him why he's going along with it. Baka ganun din sila nung bata?

wife2be

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #2 on: August 17, 2015, 02:52:19 pm »
Ganyan din ang relatives ni hubby. Nag cri-cringe ako na kahit 2 years old nanghihingi ng pera. Nung bata kasi kami, bawal kami mag solicit ng gifts or money. Sabi ng tatay ko reflection daw yun sa kanyang ability to provide for us. Kaya nung nag-asawa kami grabe talgang culture shock.
Last summer, may mga pangking teens na nagbakasyon sa house namin. EvERYTIME nasa mall kami, maghihingi ng basketball or rubber shoes. magyayakap yakap kay husband.. kaya nakakairita kasi they feel so entitled. Pag di nila feel ang ulam, magyayakap yakap nanaman gusto daw ng lechon or sisig.

Kaya ako pag nasa gathering nila, sinasabihan ko na "I don't give money." Siguro paminsan minsan kung hindi nakaagready ng gifts for occasions, pero never randomly. At sinasabi ko din na hindi ko papalakihin ang anak ko na nanghihingi. Alam na ni hubby yun kaya manghihingi pa lang sa amin ang mga pamangkin nya, sasabihan na nya.


AbiGrace

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #3 on: August 17, 2015, 02:59:18 pm »
Hello mga sis! Relate much ako dito. Although hindi sa mga pamangkin. Nakasanayan na kasi nila. Feeling ko sumasama loob nila kapag hindi binibigyan or isipin na pinagdadamutan. Paano nga kaya magandang way para masabihan na hindi madaling kumita ng pera.

Obachan

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #4 on: August 17, 2015, 05:34:42 pm »
sis red_one, talk to your hubby and sabihin mo na hindi  mo nagugustuhan un ginagawa ng pamangkin nya.

Baligtad naman samin ni hubby, sya ang nagbibigay sa mga anak ko (pamangkin) everytime na uuwi kami ng pinas. Pinagbawalan ko sya, katwiran ko ayaw ko masanay mga pamangkin ko at kahit anak ko na everytime makikita sya eh expected na nabibigyan sila ng money.
I only give money to my daughter and my pamangkin as a reward.
Para malaman nila ang value.

bhmomma

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #5 on: August 17, 2015, 11:26:07 pm »
I am not a perfect parent pero ito yung isa sa mga bagay na ayaw kong matutunan ng kids ko. Ang manghingi ng pasalubong o regalo much more pera kahit sa mga tito/tita ninong/ninang nila. Para sakin ang regalo ay kusang binibigay yan hindi mo kailangan hingin. Mahirap masanay sa pera mga bata.

Mga bata pa naman mga pamangkin ng hubby mo sis sana maturuan pa ng mga lolo/lola at magulang nila.

skela96c

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #6 on: August 18, 2015, 12:46:08 pm »
TS, if i were in your shoes, kung ayoko magbigay, hindi ako magbibigay.  PERO i am not in the position to tell these kids na mali yun.  Well, oo, dahil adult ako pero still parents/grannies nga nila hinahayaan sila so sino ako to tell them otherwise.  kung asawa ko magbibigay, for as long as wala namang nakokompromiso, then i think keri na. 

Iba iba talaga ang parenting style, i guess. kung yung inlaws mo ganon, eh ganon talaga sila. the best you can do is to raise your child/ren the best possible way you know, at dun wag ka din nila papakialaman.

red_one

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #7 on: August 18, 2015, 01:23:04 pm »
thanks sa inyong reply and advice mga sis. Well ganun na nga di ako nagbibigay, and still quite pa rin ako. Pero gaya ng inyong advice I'm trying na maipaliwanag sa hubby ko yung reason kung bakit di ko gusto yung panghihingi ng pera ng mga pamangkin nya. Hopefully...hopefully ma-gets nya yung point ko. At least naliwanagan ako at meron din palang nakakarelate sa situation ko.
Godbless!

lovemeagain30

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #8 on: August 18, 2015, 05:07:07 pm »
Ganyan na ba ang mga pamangkin ni Hubby mo even before kayo mag asawa? Binibigyan na ba sila dati pa? Kasi kung ang sagot ay OO I think mahihirapan kang mapabago pa yun unless si hubby mo mismo ang magsabi sa mga kapatid niya na pagsabihan ang mga pamangkin niya.

Plus may chance din sumama ang luob ng in laws mo sayo like yung mga kapatid niya at mga magulang niya. Bakit ko nasabi? siyempre mga anak at apo nila yun. if you are still a new member to their family, this is something you will need to adjust to their culture.

cosmochick

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #9 on: August 20, 2015, 04:19:00 pm »
hay naku ganyan na ganyan pamangkin ng hubby ko... everytime we go to malls, may ituturo and ipapabili.. di rin nahihiya to ask for gifts and money.. and kahit gipit sila, gusto pa mag bday party ng bongga eh 11 years old na.. gusto pa bonggang kiddie parties...syempre sino gagastos? eh di hingi sa uncle and tita..

Niloloko ko nga hubby ko, I always tell him, kawawa magiging bf nito, bilmoko eh. My hubby is aware naman na ganon kaya minsan na tuturn down na nya 'some' big gift request. I'm more disciplined kasi when it comes to mga ganyan.. hubby ko is a spoiler kasi.

annieq

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #10 on: August 20, 2015, 06:48:04 pm »
Pag sa akin, depende sa kung saan yung pera (if it's money). Yung kapatid ko kasi and my bayaw are hindi ganun ka-well off, so I make it a habit na ipag-shop sila or ibili ng grocery once in a while. I even give a portion of my monthly salary sa schooling nung isa kong pamangkin. Pagdating sa luho, dun ako kuripot. One time nun humingi ang nephew ko, gagamitin daw sa school project, pero nalaman ko na pinang-Dota lang pala. Yung mga ganung bagay ang iniiwasan ko. But generally, I am a giver sa mga kapamilya, malambot ang puso ko sa mga ganun. Ewan ko ba.  :)

argento

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #11 on: August 22, 2015, 09:22:07 pm »
dapat sa mga batang yan bigyan ng counterfeit  :) para madala.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #12 on: August 23, 2015, 02:18:14 am »
Baka sa parents din naman nakuha yung ganung ugali. At 2yrs old anong alam nun sa money? Possible kasi na na-orient na ng parents na manghingi kasi kung ako magulang ng mga batang yun sasawayin ko yun if ayaw ko ang ginagawa nila at baka mapalo ko pa (kahit ayaw ko ng namamalo).

One time nagpunta kami sa province yung isang malayong kamag-anak nakita ko na pasimpleng sinabihan yung anak niya na lumapit daw sa akin at manghingi ng pera, nakita ko umiling yung bata pero kinulit pa din ng nanay. Tumalikod na lang ako at pumasok sa bahay.

rics

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #13 on: August 23, 2015, 06:35:29 am »
recently nagbakasyon kami sa pinas and there is this one pamangkin of hubby na first time ko lang nakita and ang unang sinabi ba naman sa akin is - "nasan pasalubong ko?"

marami pa sya sinabi like - "bakit si ganito binigyan mo ako wala", "buti pa si tita binigyan ako ng barbie". The girl is just around 6-7yrs old, sobrang tabil. Parang ako pa nahiya since she said those in front of her mother. sabi na lang ng mother binigyan si other pamangkin [textspeak!] inaanak nya. at the end i just gave money.

told hubby about this kasi hirap naman pagsabihan infront of the parent.
siguro next time hindi ko lang to-torelate para hindi masanay.

hisana

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #14 on: August 23, 2015, 10:36:32 am »

Oo, parang nasa culture talaga, sad to say. Even my own mother used to tell me and my brother to ask for stuff from my very rich aunt. We are not particularly close to her and we only visit her every few months or so pag may reunion lang, tapos hihingi pa agad ng gifts. Even at that young age, I found it off, kaya mura lang pinapabili ko. Siguro book lang or a cheap trinket. Tinuro kasi ng ate ko na wag masyado makapal ang mukha pagdating sa mga ganung bagay, haha. My brother and other cousins, on the other hand...shoes, clothes, toys, food, the whole shebang. Yung ibang adults humihingi pa nga ng furniture, LOL! Hindi naman kami mahirap and we could afford these things back then, pero ewan ko ba, basta as long as may mas mayaman na relative, ganun ang nangyayari. There's an expectation that she will share her money with everyone.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #15 on: August 23, 2015, 12:51:28 pm »
There's an expectation that she will share her money with everyone.

Totoo to akala ata nila madaling kitain ang pera, paglumapit sila gusto agad bigay. Pagtinanggihan or hindi ibinigay agad ang gusto sabihin madamot ka. Its not bad to share pero may relatives talaga na abusado. I remember a relative na nung pauwi na kapatid ko ng Pinas naglista ng gusto niya akala mo nagpatago ng pera, nung binigay ng bro ko pasalubong niya agad nagsabi kung ano gusto niyang pasalubong sa susunod na uwi. Natawa na lang ako.

karenvillaflor

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #16 on: August 29, 2015, 01:23:42 pm »
Instead of giving money bigyan nalang sya ng gamit. Masasanay din kasi kung lagi nalang pera ang ibibigay. So since bata pa sila mangungulit talaga yang mga yan.

baby.girl

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #17 on: August 31, 2015, 07:12:43 pm »
Hindi naman uso samin ang hingan and manghingi ng money so this is not a problem with me.  I just think it's not nice to see kids asking for money these days kahit konti lang kasi it will reflect badly nga sa parents, sa capability nga nila to provide.  It's really embarrassing unless birthday or christmas, and the kid has to learn to be appreciative kahit pa konti lang ang ibibigay ng ibang tao.  Whatever kakulangan, pwd naman punan ng parents un pero avoid parin spoiling the kids.

red_one

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #18 on: September 07, 2015, 12:25:50 pm »
Instead of giving money bigyan nalang sya ng gamit. Masasanay din kasi kung lagi nalang pera ang ibibigay. So since bata pa sila mangungulit talaga yang mga yan.

I did that thing last year nung birthday ng isang pamangkin ni hubby. I bought clothes for the kid. I gave it a week before his birthday. Kasi naging habit na nya na every year nanghihingi. So dahil nagbigay na nga ako ng gift, so I was expecting na di na manghihingi. Pero on his birthday mismo, yung hipag ko nagtext kay hubby pahingi daw ng pang-jollibee ng anak nya kasi nga daw birthday. Si hubby nalang ang nagbigay, ako deadma.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Batang pamangkin na ugaling manghingi ng pera
« Reply #19 on: September 07, 2015, 01:00:11 pm »
Pero on his birthday mismo, yung hipag ko nagtext kay hubby pahingi daw ng pang-jollibee ng anak nya kasi nga daw birthday.

Yaan mo na sis baka lambing lang sa hubby mo yun hehe. Minsan ganyan din bro ko sa akin e, mag-pm sasabihin niya sagutin ko naman cake para sa bday ng anak niya pero bukod pa dun gift ko sa anak niya. Ok lang naman sa kin yun, lambing lang niya yun, ganun din naman ako sa kanya pagpauwi na siya ng Pinas, super request ako ng pasalubong. Basta sa mga kapatid ko or kahit sa kapatid ng ex ko nun no prob sa kin na manghingi sila, naiinis na ko pag pati malayong kamag-anak nakikihingi ng sobra. Binigyan na magulang pati anak nila gusto bigyan din ng bukod.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close