watch now

Author Topic: On The Wings Of Love  (Read 59185 times)

Miss Taken

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #160 on: August 26, 2015, 11:42:16 pm »
Grabeeeeeeee nakakakilig yung mga sinabi ni Clark kay Leah kanina sa last episode na siya lang daw dapat paglulutuan kasi siya na yung hubby. Si Clark talaga unang mai-inlove kasi sweet at maalaga si Leah eh ngayon niya lang nararamdaman na may nagaasikaso sa kanya.

goldengoose

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #161 on: August 27, 2015, 01:56:43 am »
fave kilig scene of tonight's ep: clark's (wet?!) dream! yung kiss!

hann-hann

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #162 on: August 27, 2015, 02:45:19 am »
oo nga naman clark, saan nga ba nanggaling yung panaginip na yun? hay buset na alarm clock! ;D

mukhang si clark nga yung unang maiinlove. naku, paano na kaya magiging setup nila with tita jack pag nagka inlovean na sila. ang bait pa naman nun sa kanila.

mylene628

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #163 on: August 27, 2015, 03:44:26 am »
fan na din ako ng dalawang ito kesa sa kathniel sa pangako sa yo. I don't know san nanggaling itong 2 na ito pero magaling sila. hehe gwapo pati yung guy.

witch_goddess

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #164 on: August 27, 2015, 03:56:33 am »
excitingggg ang episode laterrrr kasi magseselos si Clarkieeee! Wahhhh grabe ang kilig na nararamdaman ko para sa CLeah lol

izabelle

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #165 on: August 27, 2015, 04:31:28 am »
Grabe ang chemistry ng dalawa na 'to.. Sa edad kong ito e para akong teen ager na kinikilig pa din hahaha!

My goodness, ang swerte ni Leah :)

goldengoose

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #166 on: August 27, 2015, 04:54:16 am »
marunong magpiano si james reid. tama na naman!! sobra sobra ka nang perfect anuba! lahat na lang!

sabi nga ni daniel p-- "neseyo ne eng lehet..." 

i've seen them both in person, in fairness kay nadine. she's beautiful. TV doesn't do her face justice. ang pretty!

at si james, mas bagets in person. though as clark, he's more mature. parang mas mahal ko si clark, siguro kasi  hindi ko naman masyado kilala si james. (pwede makipagkilala, james? lol)

tomorrow's episode should be kiligworthy again! leah, mainlove ka na namna kasi! ilang buwan pa lang kasi silang break ni jigs kaya siguro medyo sarado pa ang puso nya. char!

mikaelavhan

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #167 on: August 27, 2015, 07:14:46 am »
ganda ng episode kagabi!. mukang malapit na mainlove si clark kay leah..:)
kala ko totoo yung magkikiss sila..panaginip lang pala hehe..

zee87

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #168 on: August 27, 2015, 08:13:10 am »
question about nadine. bakit parang may super slight siyang cleft lip?

brandi

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #169 on: August 27, 2015, 08:46:38 am »
Ganda ng story and light lang! I hope pag palitin ng timeslot ng PSY nakakatamad mag antay at sayang sa kuryente. 😝

Can't wait for episodes na enter na si Jigs kahit na di ko siya type umarte kulang pa sa workshop. Im excited for more selos and kilig moments.

sofiameredith

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #170 on: August 27, 2015, 09:17:09 am »
eeeeee......yung panaginip ni Clark, akala ko talaga totoo na. sabi ko pa "sobrang bilis naman ng phasing" hahaha...

nakuuuuuu....every episode worth it talaga. kilig talaga!!!! sarap baunin pagtulog si clark. :-*

manhattanite

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #171 on: August 27, 2015, 03:02:54 pm »
Grabe yung episode kagabi, grabe laaaanngggg!  Ang galing nila sa mga titigan romantic scenes, feel na feel mo talga.  Naiisip ko baka nga may halong real feelings na din yun.  Wishful thinking  ;D

Nakakatuwa na pinagluto ni Lea si Clark!  Hay ewan ko ba kung bat parang napaka-authentic ng dating ng characters nila compared sa ibang serye to the point na affected tayong lahat hahahaha.  Breath of fresh air talga ang story nila.  Galing din ni Direk Tonette.
« Last Edit: August 27, 2015, 03:07:34 pm by manhattanite »

sofiameredith

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #172 on: August 27, 2015, 03:19:03 pm »
bet na bet ko rin yung scoring nito, yung acoustic instrumental lang ng on the wings of love. ang light light na ang sarap sa tenga. even yung version ni kyla sobrang swak and perfect sa feel ng teleserye na itey...

Diane

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #173 on: August 27, 2015, 03:46:46 pm »
tindi ng kilig ko dito! winner sa puso ko! #puyatan :D

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #174 on: August 27, 2015, 04:03:57 pm »
Nakaka-miss din ang mga tantrums ni jigs. Haha! Parang welcome distraction for me kapag naririnig ko si Jigs. Sarap makaasra. Haha!

mitcha15

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #175 on: August 27, 2015, 04:32:00 pm »
nakaka-baliw iyon panaginip scene. napapa-nganga ako sa pag-amin ni clark.  alumpihit un pagkatili namin sa bahay.kakaloka!  ;D :-*

thamei

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #176 on: August 27, 2015, 07:36:30 pm »
I soo love this serye. Good vibes and its as if the stars are not acting. Natural and endearing. Waaa ang gwapo ni james! Ngayon lang ulit ako kinilig sa isang loveteam/show for the longest time. At hindi ko na maalala kung kanino at kelan yun ☺

manhattanite

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #177 on: August 27, 2015, 07:45:46 pm »
bet na bet ko rin yung scoring nito, yung acoustic instrumental lang ng on the wings of love. ang light light na ang sarap sa tenga. even yung version ni kyla sobrang swak and perfect sa feel ng teleserye na itey...

Check sis.  Nakakadagdag nga sa kilig feels yung theme song and overall scoring.  Love Kyla's version esp yung pag fade sa dulo.

witch_goddess

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #178 on: August 27, 2015, 09:10:47 pm »
Until now hindi pa rin ako makaget over sa conversation nila noong ipinagluto ni Leah si Clark! Para na talaga silang tunay na mag-asawa.  Papatayin tayo sa kilig ng dalawang ito. Haha First time ever ko talagang makilig sa love team dito sa Pinas. Lol

izabelle

  • Guest
Re: On The Wings Of Love
« Reply #179 on: August 27, 2015, 11:09:59 pm »
Ang ganda ng episode kanina. (as always). nakakatuwa. Ang cute cute ni Clark haha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close