Hello. I don't know if this is the best place to post my marital problems but there's no harm naman siguro in trying.
You can view my posts so that you may have an idea how me and my husband met.
We were married December 2013. I have a kid, my hubby is not the real father but sa birth certificate ng baby ko pinaayos ko na at pinagawang sya talaga ang ama.
I loved my husband. Yes, I really do. It was not just because of despair kaya ako nagpakasal sa kanya. Ewan ko sa kanya. Sabi nya oo, mahal daw nya ako.
Marital problems started to become worse this 2015. Ito pala arrangement namin: He works at their family business (water station) sa Calamba while me and my kid are living with my parents here in San Pedro. Every Wednesday ng hapon umuuwi sya sa aming mag-ina then we will go sa aking own house somewhere in San Pedro also. Then ihahatid nya ako papasok sa work kinabukasan ng Thursday then sya uuwi ulit ng Calamba. Uuwi uli sya sa amin Saturday ng hapon (minsan gabi na because minsan nakikipaginuman sya sa mga barkada nya doon) then balik uli sya sa Calamba ng Monday morning. Gulo no?
Honestly, for the past 1-1/2 years naming mag-asawa, ni minsan wala syang inaabot na pera panggastos. Although he would volunteer to pay some bills like electricity or water. He would also say na sya daw ang sasagot sa tuition ng anak ko who is now a nursery pupil (which is hindi pa nangyayari).
This May, while I was in my own house dumating ang Meralco and right in front of my eyes tinanggal ang metro. Yes, 5 months na pala di nagbabayad ang husband ko pero nilihim nya sa akin. Naputulan na kami noon tapos naging okay na akala ko binayaran na nya. My parents knew about this dahil narinig nila kami na nagaaway nung inaamo na nya ako. There was another issue wherein nung umuwi kami mag-ina sa Calamba, piyesta kasi, so napakialaman ko phone nya at nakita ko na may kachat/kaflirt sya sa FB. Nung kachat nya yung girl na yun ay petsa kung saan pumunta kami sa Bataan nang kaming dalawa lang at matutulog na sana kami.

After the incident of the girl, the Meralco meter, issue of not giving financial obligations, I decided to give him the cold shoulder. Two weeks ko syang iniwasan. I blocked him on the phone. But ayun, inamo nya ako, sabi nya magbabago na raw sya. Sige, I thought, baka maging okay pa. Nangako sya na give him until June para maayos ang kanilang family business at lilipat na sya sa bahay ko para maging isang buong pamilya na kami. Mag-aapply daw sya ng work near San Pedro para araw araw na raw syang uuwi (or so I thought again).
Now last week, ito na naman.. I talked to him about applying. He was so negative about the idea, kesyo di na daw pwede edad nya, may problem daw sya sa mata, etc. Sabi ko just pass your resume, halika magresearch tayo sa jobstreet. Pero ayun very hesitant. Inaway ko uli sya last week dahil overnight naiwan nya bukas ang gripo nakamaximum pa. Laking issue to sa akin kasi nagtitipid nga ako dahil ako lang talaga kumakayod.
Yesterday, Saturday, expect ko uuwi sya man lang ng maaga kasi nung Wednesday hindi sya umuwi, may inaasikaso daw sya sa Calamba. I called him yesterday because may kakilala ako sa Binan at hiring daw sila sa isang company sa Cabuyao. Based dun sa kakilala ko ay pasok na pasok sya sa mga qualifications in terms of age, degree, etc. Pero hindi sya umuwi kagabi. Reason? Wala lang. Kanina lang madaling araw sya umuwi dumiretso sa bahay ko while me I'm here at my parents' house. I went to my house kinuha ko duplicate keys nya. Sabi ko akala ko ba gusto mo magapply ng trabaho tapos ito na nga di mo pa grab yung opportunity. Mga sis, sa totoo lang wala nang linggo na hindi kami nagtatalo. Hindi ko alam ano talaga yung pumipigil sa kanya para tuluyan na kaming magsama-sama bilang isang pamilya. Ako lang ba nangangarap ng ganoon? I decided kanina na makipaghiwalay na. Yung mga damit nya inayos ko na sa isang sako sabi ko sa kanya ay idedeliver na lang ng kasambahay ko dun sa bahay nila sa Calamba which freaked him out.
I really didn't know what to do. He was asking for another chance pero pag binibigyan ko ng chance umaabuso. Pagod na pagod na ako. Pasensya na kung mahaba ang post ko. Need ko lang talaga ilabas ang sama ng loob ko.