Mahaba ang pila nun VIP opening kasi 45mins before mag-open nandun na mga tao pero nun nag-open naman mabilis na rin plus hindi siksikan.
Mas excited nga mga adults nun

Maraming nai-try ang daughter ko kasi gumawa sya ng list ano mga gusto nya na puntahan kaya pag mahaba ang pila, yun next na gusto nya ang pinupuntahan namin.
Pag-pasok, parang check-in counter sa airport c/o cebu pacific. Bibigyan ng boarding pass, map and BPI check. After makaakyat, may option kung gusto na kumuha ng passport or hindi na.
** Mas marami yun hindi kumuha ng passport kasi may bayad na 250 pesos

pero kumuha na rin ang daughter ko. Kapag may passport, less ng $2 ang payment sa mga activities na may bayad. Plus $2 naman ang earnings. For example, sa magnolia $15 ang bayad para magawa mo yun activity, kapag may passport ka $13 lang yun activity.
Ipa-encash ang check kasi yun money ng kidzania ang pambayad sa mga activities. Sa map, naka-indicate anong activities yun may bayad at anong activities yung makaka-earn naman ang kids.
Marami ang pumipila sa hospital (SLMC) kasi may ambulance na sasakyan at umiikot sa kidzania kaya nakakatuwa sa small kids. Hindi kasi interesado anak ko dito kaya hindi ko napanood if tinuruan mga kids ng iba pa tungkol sa emergency situations na kailangan ng first aid.
May music studio, salon, publishing house, theater, radio (lahat halos abs-cbn), may LBC (tuwang-tuwa ibang kids dito kasi mga nagtutulak ng trolley at as if may delivery), may mercury drug, healthy options, pet express (?), tapos ang hotel e holiday inn pwede na magjoin sa group ng reception, catering or housekeeping.
Sa 2nd floor naman yun baking c/o goldilocks, ice cream making ng magnolia, may purefoods pa nga ako na nakita. Katuwa yung pascual lab
Maraming pwede na gawin kaya I hope maienjoy nyo rin ang kidzania