watch now

Author Topic: in-laws asking for money  (Read 5330 times)

seamans.girl

  • Guest
in-laws asking for money
« on: August 03, 2015, 01:51:38 pm »
Hi mga 'te. Is it our job to give money to our in-laws? Ganito kasi iyon mga sis... last month, nag PM sa akin ang in-law ko need ng BIG (as in yes, big) amount of money para sa isang seminar.. mataas posisyon nila sa work nila at kering keri nila na magpalabas ng ganoong pera, pero sabi nila, malaki daw ang gastos nila these past few months. Binigyan ko, thinking that'll be 'one-time, big-time' at may basbas ng partner...

ngayon, may nanganak daw sa pamilya at need ng malaking pera nanaman. Kung last time, nahintay nila ang basbas ng partner ko, ngayon urgent daw. Wala partner ko, nagbbyahe...

What to do, mga sis...

OK lang naman kasi mag bigay sa akin, kaso maluho kasi sila... if you know what i mean, di ko na dedetalye.. pero maluho.

lovemeagain30

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #1 on: August 03, 2015, 03:39:11 pm »
Sino ba sa pamilya ng partner mo ang nanganak? Kapatid ba niya? Saka pala why do you call your husband 'partner'? hindi ba kayo kasal? Kaya ko naitanong eto kasi if your civil status is Single, the more my guts ang parents ng partner mo humingi ng pera sakanya since legally hindi pa siya Married, pero kung may anak na kayo siyempre priority niya ang needs ng anak niya.

When I wasnt married yet to my hubby now, nag open siya dati ng investment sa isang bank and lahat ng beneficiaries niya ay parents at kapatid niya -- hindi ako kasali nun kahit sabihin pang live in couple kami. kung may anak kami sabi ng banko -- anak ang pedeng isali sa list pero hindi parin ako kasama. Dun ko na realize na malaking difference ng Single sa Married Status. Nagbe benefit talaga ang considered immediate family.

Maybe.. maybe lang naman ah, ganun din ang iniisip ng in laws mo. Kung hindi pa kayo in Married status, mas may guts talaga sila mang hingi or mag demand sa kinikita ng anak nila. Minsan yung sa iba makakarinig pa ng mga komentong 'pera ng anak nila ang hinihingi nila at hindi yung SAYO.' kainis man isipin pero ganun talaga ang kalakaran ng ibang magulang.
« Last Edit: August 03, 2015, 03:57:16 pm by lovemeagain30 »

seamans.girl

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #2 on: August 03, 2015, 05:14:08 pm »
^Hello, sis! Yes, di kami kasal.  His side knows that the money he sends me is mine. He sends din pera to them, actually, sobran liit ng natatanggap ko compared sa pinadadala nya sa kanila kasi nga kinonsider namin sila. It's like I am a 'damned-if-you-do-damned-if-I-don't' situation. Masama ang litaw ko kapag di ako nag bigay... pero natatakot naman ako na sumige sila sa pag hingi pag nagbigay ako.

seamans.girl

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #3 on: August 03, 2015, 05:19:18 pm »
This is not an issue abt money naman. Baka kasi isipin ng ibang readers, mukha akong pera sa post ko. No. Savings namin 2 yun for the wedding, or kung mag ka buntisan man kami, may panggastos. So yun, kung sisige ng sisige yung in laws ko (dahil siguro di ako kasal sa anak nila) wala talaga kami maiipon.

lovemeagain30

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #4 on: August 03, 2015, 07:28:21 pm »
Sis better kung si partner mo ang kumausap sa partido niya kesa ikaw with regards to money. Lalabas kasi niyan eh ikaw ang madamot lalo nat hindi pa kayo kasal ng partner mo so mas wala kang say pagdating sa family niya.

seamans.girl

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #5 on: August 03, 2015, 07:38:10 pm »
Thanks, Sis lovemaegain30. Oo, antayin ko na lang partner ko. Hay. Hard naman. Nag papalusot na lang ako, para di ako kulitin. Thanks sis! :-*

j.adore

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #6 on: August 03, 2015, 09:54:48 pm »
Hmmm so preview na ito ng ano mangyayari sa inyo in the future hehe. But right now, that is the correct thing to do - ask your partner.

Saka pag nagpapahiram kahit kanino, make sure na excess funds niyo yun at hindi ipon like para sa wedding etc. I've read so many stories na inutangan at nagsabi maibabalik on time para sa wedding kaso di nangyari..

I think your future in-laws are also testing you.
Napagusapan niyo na ba ng partner niyo ano arrangement pag kasal na kayo? I suggest to give monthly stipend and stick to it unless matter of life and death. Otherwise, do not budge. Nagkamali sa pagbudget is not valid reason para manghingi sila more than what's allotted.

Remember, you are about to start your own family. Yun ang priority niyo. Pag may extra kayo then by all means, give money to your secondary families.

Msfi

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #7 on: August 05, 2015, 12:25:59 pm »
IMO, hindi mo kailangan bigyan ng pera dahil lang may nanganak. Responsibility yan nung buntis at asawa nun.  At hindi din pwedeng i-classify as urgent/emergency case dahil 9 months yan dinala sa tyan. 

Kakayanin nyo ba yung ganyan lagi sila? Lahat ng may problem sa pera eh kayo ang sasalo?  Wag nyo sanayin na maging ganyan ang future in-laws mo, at mas magiging malaking problem lang yan sa furture.

seamans.girl

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #8 on: August 05, 2015, 01:55:12 pm »
^oo sis, maybe. Tama din yung baka yun na ang future set up namin. Pero nope, di ako papayag sa ganun... pinapadalhan naman sila ng partner ko (mas malaki pa ng bonggang bongga sa natatanggap ko). Pero di nila ma budget, considering na magaganda ang positions nila sa work nila.

Yung family member na nanganak ay matagal nang walang communication sa amin, at ugali na niya na mag paramdam kapag may need kasi alam niya na gagawa at gagawa ng paraan yung in-law ko.

little.black.dress.lover

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #9 on: September 04, 2015, 11:11:33 am »
Hi sissies, update. Eto nanaman. Tumatawag nanaman yung nanay ng partner ko. Pocket money naman daw nilang mag-asawa papuntang abroad.

Last month, hindi siya nagparamdam. Ngayon nag paramdam siya, at nakakabigla nanaman ang reason niya. Punta daw sila sa ibang bansa mag-asawa (parents ni partner)  bilang nag retire na itong isa at wala silang pocket money.

Yun daw, official na utang at babayaran nila. Syempre ayoko, umiyak na ako kay partner, sabi ko, ginagawa nila tayong ATM. Sabi naman niya, kakausapin niya yung parents niya at ipapaalala na mas malaki ng bongga ang nakukuha nila kaysa sa akin.

Hindi ko pinagdadamot yung pera ng partner ko, pero para sa amin kasi talaga yun.

Nakaka lungkot. Grabe.

Ako pa ang lumilitaw na walang respeto dahil nagmamatigas ako.

Kung sana inaani ko yung mga pera sa likod ng bahay namin, anytime mag bibigay ako, pero hirap din ako sa pag budget noon. Sila naman gastos ng gastos.

Nag uumpisa pa lang kami, pero ganyan na pinakikita sa amin.

Cheesecak3

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #10 on: September 04, 2015, 02:49:15 pm »
ok lang magbigay as long na meron kayong extra.

donya_dyosa

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #11 on: September 06, 2015, 11:17:54 am »
malamang iniisip ng inlaws di naman kayo kasal bakit ka binibigyan or pinapadalan.

sis, say NO... sabihan mo si common law husband na kung ano ang sainyo; sainyo. if husband defends them.. magisip - isip kana. mas malaking inis ang papasukin mo kung ang loyalty nya ay sa family niya kesa sa wife(future) niya.

Noylabmay

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #12 on: September 06, 2015, 03:37:40 pm »
Hindi emergency ang panganganak ito dapat ay pinag iipunan...
meron palang planong mag ka anak dapat pinag ipunan
at meron pa silang 9 months para mag ipon hello...
ganyan din  mga sister in laws ko nung binata pa asawa ko
sagot nya ang c-section expenses
pero nung mag asawa na kami nag bigay kami ng konti as in 10k lang "tulong" lang
at hind namin obligasyon un...
ok lang tumulong sa parents in law i mean konti pero hindi sa kapatid

andreil_19

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #13 on: September 06, 2015, 05:23:49 pm »
Sis, sana ipaliwanag din ng partner mo sa parents nya na ang pinapadala nya syo ay para sa wedding nyo.you can reason it out to them also ayaw nyo naman kapusin kayo at baka sa huli mangutang pa kayo sa kanila. Nagpapadala naman pala partner mo sa kanila pero bakit humihingi pa rin sila syo? Nakakaloka lang. :)

little.black.dress.lover

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #14 on: September 06, 2015, 08:31:00 pm »
Hello mga sis! Salamat at dahil sa forum na ito, eh nakakahinga ako. Oo, malaki ang frustration ko sa pamilya ng partner ko, sobraaaaa sobraaa! Naloloka ako kasi malaki talaga ang sweldo ng mga yun bilang matataas posisyon nila sa respective companies nila. Hindi ko lang din talaga maintindihan kung bakit, saan, at paano nila ginagastos ang pera nila.

Nag-aaway kami ng asawa (partner) ko dahil dyan. Naaawa din ako kasi ipit siya on both sides. Sabi niya sa akin, malaki daw utang na loob niya sa parents niya dahil pinaaral siya.. blah-blah... tapos iba daw mag tampo yung matanda. Haay mga sis, buti pa dito, may mga kasangga ako.

Wala din ako nagawa kung hindi ibigay ang gusto nila. Last na iyon, mga sis. Nilakasan ko na loob ko na ipost sa Facebook (na of course mababasa ng pamilya niya, pero naka filter, as in family lang niya ang makakabasa... hindi buong Facebook-landia ko) na naaabuse na ako.

Sinabi ko din sa partner ko na kaya hindi ko sinasagot mga phone calls at texts ng pamilya niya kasi alam ko na hihingi sila ng pera (na by the way, hirap na hirap akong ibudget). Alam ng partner ko na masama ang loob ko sa pamilya niya at wala siyang magagawa.

Msfi

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #15 on: September 06, 2015, 08:53:09 pm »
Tibay Ng dibdib sis any need mo, lalo na at Na fb mo. Sigurado kA Ng makaka-receive Ng di magagandang salita, don't ever let it affect you. Just learn the art of dedma.

sarsingkit

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #16 on: September 06, 2015, 10:22:08 pm »
I am all for giving the in laws money pero wag idaan sa akin lang tapos kailangan bukas meron na unless emergency. Kung they want money, give me time na mapagusapan namin ni hubby yun before maglabas. At hindi lahat ng pera nasa ATM at walang kaming cash sa bahay. Thankfully, hindi naman nanghihingi ng malaking pera, mga allowance lang minsan ng lola ni hubby so that is fine.

Tell your husband to talk to his parents, not just on their behaviour on asking money from you but on their spending habits in general. Sabi mo kasi maluho sila.

Sometimes kasi, parents can't help themselves but be possessive of their kids especially yung benefits ng career. Looks like your husband was sent to a good school considering maganda ang career ng in laws mo. With the many stories here in GT, may mga magulang kasi na feeling nila asawa ang nag-eenjoy ng pinaghirapan nila. May mali at some angle but it is what it is. So prove them wrong or like other sisters here, deadma na lang.

Priceless

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #17 on: September 07, 2015, 08:56:30 am »
Unfortunately, like what the others have said here, because hindi ka kasal sa partner mo, wala ka talagang habol sa pera na binibigay sayo. In fact kung tutuusin, unless may kasulatan kayong dalawa, it would appear na "pinapatago" lang sayo ang pera na iyon. If things turned sour, pwedeng pwede kang habulin ni "partner" sa mga naibigay nya sa iyo.

Now we know na bigay nya talaga yun for the purposes of your joint savings. He needs to make this clear to his family na nagiipon sya at yung money na iniipon nya is off limits to them. Unless he says this and puts his foot down, they will never respect his decision to save money. Regardless of whether he keeps it in the bank, in a secret account, or naka-intrega sayo. In fact, he has made you the easy target dahil kung pina alam nya sa family na na nagbibigay sya ng money sa iyo, they will easily think, ano ang karapatan mo sa pera na yun kung girlfriend ka lang naman?

So, the point here is, you tell your partner to handle his family. If he doesn't want to send you money, that's fine - bahala sya to handle his finances as long as you know na nag-iipon sya for your joint savings. Saka nalang nya isend sa yo, tipong one-time big time once malapit na ang kasalan para hindi ka i-harass ng parents nya.

And avoid posting stuff on FB even if it's only for a limited number of people to see. You have to be dignified in all this. Kaya keep your distance and keep silent nalang. Less said the better.

cupcakejane

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #18 on: September 19, 2015, 07:44:15 pm »
The only person who really has a say to all these is your partner because it boils down to you not being legally married yet.  I hope you can settle this amicably so there won't be any bad blood between you and your future in-laws  :-[

lovemeagain30

  • Guest
Re: in-laws asking for money
« Reply #19 on: September 20, 2015, 09:48:26 pm »
Sis piece of advice , no matter how you feel on your soon to be in laws, please Dont FACEBOOK it! Even if it's only selected people who can see it. sorry for the term pero "kabastusan"siya. remember these are people who are important to your fiance and will also be part of your life. i hope you don't do it again because it will be a bad start of your married life if you continue on this. Better sabihin mo nalang ng direkta sakanila but don't use social media for your cryptic messages (it's not a right platform for family issues). Again these people will be your in laws, your soon to be family, and not just regular friends.
« Last Edit: September 20, 2015, 09:52:18 pm by lovemeagain30 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close