Author Topic: Babymaker  (Read 30151 times)

izabelle

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #40 on: August 01, 2015, 12:09:57 am »
Sis, this is my POV,  your husband is already CHEATING on you sa ginagawa nya. Yun nga lang pinag kaiba nito e kunyari honest.

Nung nagpakasal kayo, ano ba dahilan bakit kayo nagpakasal? kasi diba mahal nyo isat isa. Yan naman ang una at dapat na reason bakit magpapakasal ang dalawang tao and JUST BECAUSE hindi magka anak, ganyan na gagawin?

sorry sis pero i find it too mababaw. Kaya nga may marriage vows e.  Dapat kahit ano mangyari SOLID kayong mag asawa, kahit wala pang anak at kahit ano pa pagdaanan. You are partners for life e.

Walang contentment ang husband mo and to be perfectly honest, I think he is using the "he wants a baby" as an EXCUSE lang.


Kung ako nasa position mo, lalayasan ko sya! lol sorry, pero he is asking too much and sa totoo lang e parang blackmail pa nga ginagawa nya sayo!

Sis, kahit kelan hindi nadedefine ang pagiging mabuting asawa at pagiging buo ng pagkakababae ng pagkakaroon lang ng anak. You are so much more than that.

Ang problema selfish husband mo at hindi marunong makuntento. Sorry to say that.

aquacharly

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #41 on: August 01, 2015, 12:15:21 am »
Excuse me, but may I speak to you as I would if you were a real sister of mine?

What a bullsh1t story your husband is expecting you to swallow & play along with -- kasi mahal ka nya?! & he promises never to leave you?!
Marami rami na rin akong na hear na reasons for cheating, this is something new to me.
But I give it to your hubby -- makapal face to try pulling this off.

Why am I being sooo judgmental?
Eh ikaw na rin nagsabi your joint finances are tight. 
Wala nga sya pang- table ni bar girl.
Pero sige pa rin yang hubby mo pagsunod-sunog Kay bar girl,  kahit chocs lang kaya nya give -- as a symbol of his romantic interest in her.
Alam mo, sa mga bar girls -- Pera pera yan Lahat.  Deal or no deal?
Unless your hubby is sooo guapo and a hunk, puede malokaloka si bar girl at ma-in love at sya pa mag sustento kay  hunk (kahit Ilan pa GFs or wife meron  si hunk)

Yang hubby mo kung talagang business deal lang Habol Kay bar girl coz gusto lang magka anak --  eh una nyang isipin MAGKANO?  He knows he cannot possibly pay up.  So ano ginagawa nya at parang liligaw ligaw sya at chocs pa dala???   Ano ploy nya -- I love you kahit ano ka man, bar girl? Susko, how confident! How juvenile.   Yan ba ang gawa ng naghahanap lang ng baby mother? 

We have a moral obligation to take good care of ourselves: physically, mentally, emotionally & spiritually. 
Ask yourself?  Yang nagpapa manipulate ka sa husband mo ng ganyan -- is that taking good care of yourself? Alam mo, ang Common Sense eh hindi Nakukuha Lang sa  mataas na pinag-aralan.  Trust your judgment -- pag unfair & hurtful, hindi na yan tama!  Kahit quesehoda pa nya palabasin na Ikaw may diperensya:  you don't trust, you don't want the 2 of you to be happy, etc.   What bullsh1t!  Excuse me ha TS, but all that's what I will tell even my Atchi.

Ano next episode nyo? Kelangan ni bar girl financial support -- Aba! baka wala ng give to you pera tapos pilitin ka pa mag contribute.  Tapos ano susunod? He must stay with bar girl kasi delikado pregnancy at need ni bar girl ng yayo? Tapos, ayan na yung bata -- ayaw ibigay ni bar girl so need nya stay with bar girl & kid -- palakahin nya  lang yung bata kawawa kasi. Susko. 

You use your common sense & better judgement. 
« Last Edit: August 01, 2015, 04:11:32 am by aquacharly »

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #42 on: August 01, 2015, 12:16:11 am »
TS, i just want to say, kung ako ikaw, talagang i'd choose to separate with my husband na lang kung ganyan rin lang ang gusto nyang mangyari. Sa totoo lang nanggagalaiti ako sa asawa mo! He is abusing you emotionally. He's blaming you for his mistakes. Utang na loob ha, at this point mas kelangan mo ang support nya. Hindi yung ikaw pa pinapalabas nyang masama. Trust, trust sya jan. He's a load of BS, sa totoo lang.

ri-anne

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #43 on: August 01, 2015, 12:43:48 am »
this MAJOR decision in a marriage should be decided by BOTH of you, hindi lang sya!

tanungin mo sya  -- Ano ba talaga priority nya?
Your marriage? Having a baby at the expense of disrespecting you as a wife?

Pero sis kung talagang go pa rin sya despite telling him your side, at ikaw pa ang pinapalabas nyang masama (selfish, etc) you have to stand your ground...
Sabihin mo mas gugustuhin mo pang makipaghiwalay sa kanya than go along with it.

Then tignan mo kung anong gagawin nya.
Based from his answer, you'll know na talaga.


SarSi_Em

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #44 on: August 01, 2015, 02:18:22 am »
sis babykat, sobrang maling mali na, nabubulagan ka dahil sa pa kunsenya epek na ginagawa ni hub sayo, tinanong ko sa guy friends ko to dilemma mo, sabi trip lang daw talaga ni hub mo maka sex na d sya ma guilty sa ginagawa nya dahil sayo.

dahilan lang gusto nya mag ka baby, lagi pa pinupuntahan, d ka ba natatakot na ma fall ang asawa mo sa kanya, para na nya nililigawan un babae,
saka sis, now pa lang nadepressed ka na, pano na kapag ginawa na nila, d naman one time big time yan, tapos, lets say nabuntis na, un attachment ni hub sa bata at sa nanay never mawawala. mag ask pa yan na alagaan nya para sure sya ligtas ang baby nya habang nagbubuntis, ending iiwanan ka na nya.

saka maraming beses pa nila gagawin knowing bayaran si babae, per sex ang bayad nyan, so negosyo na yan sa kanya, akala nyo sa bar girls, mahina utak pag dating sa pera, sila ang pinaka magaling mambola pag pera ang usapan.  kaya ingat ka sis. natural way pa gusto nya, sex lang talaga habol ng asawa mo. nakahanap lang ng dahilan yan.

isip isip sis, d ko maramdaman mahal ka ng asawa mo, nasasaktan ka na, pinipilit pa rin nya. hay naku




« Last Edit: August 01, 2015, 02:21:10 am by SarSi_Em »

dara_01

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #45 on: August 01, 2015, 03:18:33 am »

Ultimate question -- Will having a child really make you both happy?
I ask because this is a milestone and should not be regarded as a quick fix for unhappiness. Tipong you need to be happy on your own first bago ka magdagdag ng tao (and a child at that) sa buhay mo.

^like this ultimate question -- will having a child really make you both happy?

i don't think so, baka broken ka na.  ngayon pa lang na hindi pa nagstart, depressed ka na, ano pa kaya if the sex happens na.  for me, sex is an intimate thing.  it's like having your body and soul unite. it is sacred and this should not be done casually.

if ganyan talaga gusto mangyari ng husband mo, let him be.  pero you need to attend to your depression.  seek help kahit ikaw lang magisa, isipin mo ang sarili mo kase obviously hindi ka naman iniisip ng husband mo ngayon at sobrang focus siya sa thought with that girl, hindi man lang niya naiisip para saktan ka niya ng ganyan. you need to be tough. masakit pero kailangan mong kayanin. get support from your family, kung pwede tumira ka muna sa parents, siblings mo. nakaka-burn out ang araw-araw na away with the same topic.  give your husband the space para maisip niya na hurt ka talaga at hindi mo na kakayanin, kase the more na tinitiis mo at nandyan ka sa tabi niya the more na iisipin niya na papayag at papayag ka rin sa ganung set-up.  talk to your friends. uncontrollable na if lumala ang depression mo. and the most important of all is pray the hardest. cry it all to God.  so cliche pero tried and tested. only the God can change a heart.

actually habang binabasa ko yung story mo sobrang feel ko that you are hurting right now. at kapag saakin mangyari yan ganyan din ang mararamdaman ko. so lahat ng nasabi ko yun din ang gagawin ko if saakin nangyari ito.

budzwhiz

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #46 on: August 01, 2015, 04:10:26 am »
I feel so sad for you sis. You're going through a lot. :(
There's nothing I can add as our sissies' advice and reactions here are just the same as mine. I hope your husband sees this thread so he knows how much of a douche he is! >:( Sana maka-realize at magising na sya. Buti at nakakausap mo pa sya ng maayos, bilib din ako sayo, dahil kung ako baka kung ano na nagawa ko.
Kapit ka lang. And pray, pray, pray...

akosimaiatot

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #47 on: August 01, 2015, 07:20:22 am »
Nasabi na nila lahat sis so I'm not gonna add insult to injury..Instead I want you to be strong, maging handa ka kung ano man ang mangyayare sa marriage nyo be prepared and hope na kung ano man ang maging desisyon nyo wala kayo pagsisihan doon

babykat

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #48 on: August 01, 2015, 09:17:38 am »
Mga sis, we had a huge fight ulit kagabi. Inungkat nya lahat ng mali ko - na wala ako ng trust sa kanya, na nawawalan ako ng time sa kanya, na daming pumipigil before na pakasalan nya ako kasi ten years older ako, na pride na lang sa pagkalalaki natitira sa kanya kasi emasculated daw sya sa akin.  In the end, ako na naman mali, ako na naman selfish.  He said na wag ko daw sya bigyan talaga ng dahilan para tuluyan ng mambabae.  I'm pushing him to do it kasi wala kong trust sa kanya.

He doesn't understand why I object to his sleeping with her or his choice of her.  Kahit daw mafall si girl sa kanya, sya hindi.  It's no use talking to him, he doesn't listen.  In the end, everything is my fault.

So ngayon, ganito kami.  Magkasama pero di naguusap.  Happy na siguro daw ako kasi titigilan na nya plans nya.  As usual, ako na naman daw nasunod.  I guess he feels emasculated talaga (I have higher status  and pay, higher educational degree, etc).  Kaya siguro sa pagbebaby nya gustong bumawi.

Kahapon nagtanungan na kami kung ano gagawin namin. Siguro he wants to separate na, pero ayaw naman nyang magdecide.  Gusto nya manggaling sa akin.  Pero sabi ko, if he can't be happy with me anymore, he can go.  Binabalik nya sa akin ang tanong ko - sasaya pa kaya ulit kami?  Maaayos pa kaya kami? 

Ang weird lang.  Bayaran yun. bakit di na lang nya binayaran para gamitin?  Bakit nagpapaalam pa sya?  Tapos he expects me to be ok with it.  Ayaw nya nakikita akong umiiyak at nasasaktan sa ginagawa nya.  Tapos dahil di ko matanggap na makikipagsex sya dun, titigilan na daw nya pero suddenly, it's about trust and how I don't trust him enough, etc.  Di ko alam what he really wants anymore.  He wants to f**k some slut with my blessing.  Doesn't make sense at all.

He doesn't even have the complete thing planned out.  He offered her 150k if magbuntis and madeliver in full term.  Ang pambayad, iloloan daw niya. During the pregnancy, tigil si girl sa pagwork sa bar.  Uwi sya sa kanila then bigyan nya pera for checkups etc.  Bahala na daw si girl dun sa panggastos nya during her pregnancy.  Eh may anak yun?  Pano nya bubuhayin?  Tapos pag pumayag na daw si girl, ipapakausap nya sa akin.  Sa terms ng contract namin.  Pag lumabas bata, papatest nya to make sure kanya (DNA?)  Pero bago sila magdo ng girl, papatodo exams daw nya for std, family medical history, IQ, etc.

Actually, this is typical of him.  Pag may nagustuhan sya, whether gamit o bagay o this time, anak,  sobrang focused sya makuha yun na he doesn't even iron out the details anymore.  Ilang beses na syang natanso sa ganyan.  He bought a car na flooded simply because he was so excited to get his dream car, di nya pinacheck mabuti.  He wanted to sell our ancestral house and buy sa subdivision, not thinking about financing, saan kami titira in the meantime, and which is more feasible.  Kinontra ko lang kasi income generating ang bahay. Ako lagi nagpipigil sa kanya kaya siguro he says ako lagi nasusunod.  Pag pinopoint out ko loopholes ng mga plans nya, nega daw ako masyado.

How I wish may magsabi sa kanya how wrong and how unfair he is being right now.  Di pwedeng ako kasi he goes on the defensive sa unang salita ko pa lang.  Then he won't listen na.  I can't open up about what's happening to his parents kahit pa kaclose ko silang lahat.  In the end, lalo lang sya magagalit kasi sinumbong ko sya.

I love him and I never thought hahantong kami sa ganito.  Maraming babae nagsasabi ok lang mambabae basta umuuwi lang at di seryosohan. Sinabi yang ng friend ko.  Siguro yun ang expect nya sa akin.  Taas daw ng standards ko.

Minsan iniisip ko hayaan ko na lang sya.  Gawin nya gusto nya and ilalayo ko na lang sarili ko sa kanya. It's exhausting to fight for someone who doesn't want to fight for you din. It's hard to make someone listen when he won't hear you.  Magreready na lang ako sa araw na mawawala na lang lahat ng masakit na to - either titigil sya or maghihiwalay kami. Kesa naman na ganito ginagawa nya sa akin.  Titigilan na daw plans nya pero he resents me big time over it. He's the type pa naman na mapaghiganti - if you hurt him, he will hurt you back even more.

 Wala akong support system kasi wala akong family talaga.  Wala akong kapatid kasi ampon lang ako.  Mom ko very old na and ayokong bigyan ng sama ng loob.  Friends ko puro nasa malalayo.  Kaya mahirap sa akin na maghiwalay kami. I'll be all alone.

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #49 on: August 01, 2015, 10:23:46 am »
ang hirap kasi pag mahal na mahal mo pero may hangganan din yun. Sige makipag sex sya dun sa babae tingnan nya kung magiging masaya sya pero wala na syang babalikan if ever marealized nya.

SarSi_Em

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #50 on: August 01, 2015, 10:28:48 am »

sis, usually, pag ganyan si hub o sinuman sakin, lagi ko na lang sinasabi, "what if ako nasa kalagayan mo, papayag ka ba gawin ko yan sayo?"  para ma isip din nila ano naramdaman mo.

napaka insensitive at immature ng asawa mo. d tama ipamukha sayo na pinakasalan ka kahit 10 yrs older ka pa sa kanya.. di batayan ang bata para masabi lalake sya, o mabuo ang family, mas malaki respeto ko sa lalakeng mahal nila asawa nila kahit ano pa.. asawa mo, tbh, hmm prankahan, hindi ka mahal na.. selfish sya sis. sorry pero yan nakikita ko.

feeling ko lang naman, kaya nya sinasabi yan sayo, para tulungan mo sya financially sa kalokohan nya. dahil sabi mo nga mas may pera ka sa kanya. dahil kung sya lang, d nya ma afford lahat yun gastos.
sensya na sis, pakiramdam ko lang naman.

jenny_syngkit

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #51 on: August 01, 2015, 10:34:50 am »
sis meron ba kayong common friends ni hubby mo that you can ask para kausapin siya? kase feeling ko kahit anong explain mo hindi naman niya iintindihin. baka lang maintindihan niya kung gaano ka bull Sh*t yung mga sinasabi niya pag ibang tao na magexplain.

kase sobrang abnormal nung gusto niya na makipag sex with another woman and still keep you. is he financially dependent on you?!? baka kaya siya open with his plans, takot siya na iwan mo and he'll be left with nothing (no wife, no money). syempre hindi din naman siya papatulan ni bar girl kung wala siyang pera.

babykat

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #52 on: August 01, 2015, 10:41:54 am »
^Yun nga din sana sis.  He won't listen to me, kailangan siguro kamukha nyang lalaki ang kakausap sa kanya.  But I know him, di rin sya makakausap ng matino unless sya mismo magoopen up sa friends nya.  If I tell, lalu lang lalala ang sitwasyon kasi iisipin nya sinusumbong ko sya.

he's not financially dependent on me. May work naman sya, and he's earning.  Di nga lang ganun kalaki.  I mostly pay for all household expenses and he's the ne paying for the car and other installments namin.

Evolet027

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #53 on: August 01, 2015, 10:41:56 am »
I think it would be better to be alone kesa kasama mo nga sya, palage naman kayong nag aaway over things na paulit ulit, stress and sama ng loob ang makukuha mo everyday if you choose to be with him ( dahil ayaw mo nga maging alone ), so i ready mo din sarili mo jan. It is yourself to be blamed if one day ma realize mo na stressed na stressed ka na, sawa ka na sa paninisi palage ng asawa mo, kasi nga you choose to be with him, dahil ayaw mo nga mag isa. :)

You know, reading the comments here, alam mo na ang sagot sa problema mo with your hubby. Kailangan mo na lang kumilos. :)

Umabot na din kame before sa ganyan, Sabi na sya ng sabi na maghiwalay na kame, nung time na  first time hinayaan ko sya mag impake lahat, hindi ko pinigilan, bago ako umalis papuntang work sinabian  ko pa sya na "i lock mo ang pinto dalhin mo na susi kasi papalitan ko yan bukas na bukas".

Bakit? Nagsawa na ko sa kakahamon nya at kakatanong na maghiwalay na kame eh. Binigay ko na sa kanya freedom nya, di nya kayang umalis. Eh di napahiya pa sya. Inayos namin ang buhay namin, pero sinabi ko sa kanya, ayoko ng makakarinjg ng paninisi, paghahalungkat ng past, at pag bi bring up ng paulit ulit na topic na pinag aawayan namin, hihiwalayan ko talaga sya. I guess tumatak sa isip nya na kaya ko syang i let go, so di na naulit. Bakit? Wala kameng anak, walang nag ba bind samen, oo kasal kame, pero I'll rather choose to be alone kesa me nang i stress saken araw araw. Babalik na lang ako sa magulang ko kesa me kasama akong makitid ang utak. Di ko kayang mabuhay forever na me kasamang ganun.

babykat

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #54 on: August 01, 2015, 11:48:41 am »
ang hirap lang iaccept sis.  isipin mo, lahat ng ito nangyari sa loob ng isang buwan.  eight years kami magasawa.  akala ko walang problema, masaya kami. dami namin napagdaanan. tapos in less than a month, mawawala lang pala lahat yun.

when I was diagnosed na may malaking myoma, iyak ako ng iyak.  Sya pa nagconsole sa akin.  Sabi ko baka maghanap sya ng ibang makapagbibigay na anak sa kanya.  Sabi nya hindi. Sabi nya hindi anak lang ang makapagpapasaya sa amin.  Sya nagcoconsole sa akin pag nadedepress ako na di ako makapagbuntis.  I honestly thought ok lang sya.  Sabi pa nya, mas importante daw ako. Basta kaming dalawa magkasama, ok na daw sya.

Tapos, ngayon, bigla eto na kami.  Wala pang isang buwan, nandito na kami sa point na to.  Anong nangyari sa eight years namin?  Nawala na lang parang bula?

swiTsuplada

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #55 on: August 01, 2015, 12:52:26 pm »
Hello sis. I was just actually curious sa story pero sa mga nabasa ko, una I felt disrespected kung ako ang nasa kalagayan mo. Second, naisip ko ang kitid ng utak ng asawa and sad to say-- dinadamay ka pa nya sa mga kalokohan nya.

Hindi naman tipong makikipag-handshake ka lang na ganyan ang s3x na maghugas ka lang ng kamay tanggal na ang germs. Gabi-gabi kung sino-sinong lalaki ang nakakasama ng babaeng 'yun (I'm not judging her choice of living baka dun na talaga siya nalinya at 'yun lang alam niya) and who knows kung saan umaabot ang activities niya with her clients. Ang lalaki-- hindi 'yan babalik-balik sa isang babae nang walang attachment. Na-attached na siya sa babae, ginagawa lang niyang excuse na gusto niyang magka-baby. Isa pa, bago ka niya pinakasalan he's very much aware of your age difference. Bakit ngayon lang niya inuungkat? Para may maisumbat aside sa inability mo na magkaanak?! Hindi mo din kasalanan na magka-myoma ka, sino ba namang babae ang gustong hindi magkaanak? Palagay niya ba talaga 'yun lang ang makakapagpasaya sa kanya-- ang magkaroon ng anak? Paano of nabaligtad ang sitwasyon?

Ikaw na ang selfish kamo pero isipin nga niya anong mararamdaman niya kung ikaw ang gumawa ng mga ginagawa niya sa 'yo ngayon-- for sure sasabihin niya na maiintindihan niya dahil hindi yun ang reyalidad at ikaw ang incapable sa ngayon.

Accept it sis. You have to decide rather than prolong your agony. Kung hindi na pala siya masaya ngayon lalo na't ihihinto niya ang kalokohan niya dahil daw sa yun ang gusto mo at ikaw ang laging masusunod-- tell this to his face: you're free to go because my love is not selfish at gusto kong makita kang masaya kaysa magkasama tayo pero lagi naman tayong nag-aaway dahil sa isang bagay na hindi ko kayang ibigay sa 'yo sa ngayon (who knows, pwede kang magkaanak if God willed it).

Kesa lagi ka niyang susumbatan, alam mo eventually maghihiwalay din kayo. Ayaw lang niyang sa kanya manggaling ang pakikipaghiwalay para naman wala siya kunwaring kasalanan at dahil iyon ang gusto mo.

Mahirap lang 'yan sa una sis pero bigyan mo ng respeto at dignidad ang sarili mo kesa apak-apakan ka pa niyang taong 'yan dahil lang sa isang bagay na hindi mo naman kasalanan. Para kang nakahawak sa kutsilyo para lang may makapitan kahit nasusugatan at sobrang sakit na at dugo na nang dugo ang kamay mo.

Anyway, whatever your religion is-- just pray for God's wisdom and that He may guide you whatever your decision is. Yung sa 'kin e kung ano lang naman ang gagawin ko kung ako ang nasa sitwasyon mo. God bless you.
« Last Edit: August 01, 2015, 09:41:30 pm by swiTsuplada »

babykat

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #56 on: August 01, 2015, 01:09:21 pm »
Nung pinaguusapan namin ang hiwalayan, gusto nya sa akin manggaling. Ako magdecide.  Sinabi ko na sa kanya na he's free to decide if he wants to stay sa marriage namin o ayaw na nya.  Ayokong sa akin manggaling kasi I want him to take responsibility sa pagsira nya ng marriage namin.  If maghiwalay kami, gusto ko he takes responsibility na sya ang nagtapon ng eight years namin together.  Sya sumira, hindi ako.

jan888

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #57 on: August 01, 2015, 01:43:59 pm »
sis..dont let your 'not having a family' be a reason to stay in the marriage..  that is if you're both no longer happy, trust and respect each other.
I'm happily married but I put myself in your situation..or at times, I thought of situations 'what if' because no one can really tell what the future holds..even if I came from a big family, I don't think I would go to any of my siblings as each has their own family.. I'll have to start life anew on my own..and I think that's what we all have to face given that situation.

babykat

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #58 on: August 01, 2015, 02:00:19 pm »
He says he loves me still but that I hurt him by not trusting him.  Di pa nga daw nya ginagawa, nagpapaalam pa lang sya, pero di ko na agad matanggap at kung ano ano daw iniisip ko.

jan888

  • Guest
Re: Hubby wants to have a baby with another woman
« Reply #59 on: August 01, 2015, 02:34:27 pm »
pray hard that he comes to his senses before it's too late..sis..good luck and take care of yourself

 

Latest Stories

Load More Stories
Close