Author Topic: Parents won't let me marry. I need advice  (Read 5138 times)

dismembered

  • Guest
Re: Parents won't let me marry. I need advice
« Reply #20 on: August 02, 2015, 11:05:06 pm »
From a guy's perspective...

I don't know. Pero hindi ba dapat si BF ang gumagawa ng paraan para hingin ang iyong mga kamay mula sa iyong mga magulang? Hindi ba dapat sya ang kailangang may patunayan para pumayag ang mga parents mo? Sa situation mo, feeling ko dapat si BF mo ang lumapit at kumausap at dapat may patunayan sa magulang mo. Hindi lahat magiging madali. Syempre may resistance. Baka hindi pa nga kasi nila feel na matured si BF. Magulang mo yan, at gusto lang nila kung ano ang best para sa iyo. So dapat talaga si BF ang may gawin para ma-win nya ang parents mo na pumayag. Baka hindi lang makita ni Parents mo na ready na si BF or matured na si BF. Maaring ikaw ready na, eh si BF ba ready na? O maari ding test yan sa inyo. Sa pagkakaintindi ko, ang matutong manindigan ay sign ng maturity. So baka kailangan nyo manindigan sa gusyo nyo mangyari para payagan talaga kayo ni Parents?

lovemeagain30

  • Guest
Re: Parents won't let me marry. I need advice
« Reply #21 on: August 05, 2015, 08:34:33 pm »
Reading your story TS naisip ko bigla.. hay sarap ulit maging 23!  ;D Nowadays, 23 is still young to get married. Sa opinyon ko lang yun ah. Kasi at that age life has just begun for both of you.

I'll look at your situation from a different perspective din ah. Dun sa nabanggit mong you and your bf are technically living under the same roof now makes it "more eager" for you to get married soon. Isa yan sa nakikita kong factor ah. Bakit ko nasabi? At one point in our relationship with my ex bf (now hubby) ganyan ang setup na meron kami dito sa ibang bansa at matindi ang urge ko nuon magpakasal na kami.   Lumiliit kasi ang mundo niyo pareho (most likely kayo lagi magkasama) at the same time limited din naman ang kilos niyo mag jowa (in terms of intimacy) kasi andiyan ang buong pamilya kasama niyo sa isang bahay. Tama ba?

Me and my hubby were bestfriends pero I could say na inenjoy muna talaga namin ang pagiging single nung hindi pa kami nag decide magpakasal. Single mom pa nga kasi ako nuon eh (before I met him) so I know yung hirap ng responsabilidad maging isang magulang. Ngayon ang pag aasawa ay isang malaking desisyon din yan. Napakalaki! kaya kung hindi mo pa tuluyan na enjoy ang buhay single na kumikita na ng sariling pera or hindi ka pa nagsawa sa pagiging dalaga -- pag isipan mo muna ang ganyang desisyon sa pag aasawa. Kasi ang buhay may asawa malaki ang pagkakaiba sa buhay magka live in lang. Mag iiba siya kahit ba sabihin na matagal na kayo magkakilala. Mag iiba pa yan lalo kapag may anak ng involved.

Secondly, are you guys financially ready? Meaning yung sahod niyo pareho (if combined) kaya na bang mag sustain para bumuhay ng pamiya?Na bubukod kayo at magsasarili.  Kaya na ba ni bf mo bitawan ang commitments niya sa mga kapatid niya sa Pinas? Ok lang ba sa bf mo na kung sakaling magpamilya kayo eh hindi mo bibitawan ang commitment mo sa bahay niyo? Mga ganun bagay you also have to weigh it.

Third, emotionally ready na ba si bf sa buhay may asawa? Sa observation mo naabot na ba niya ang mga pangarap niya or pangarap niyo-- at this stage and age of your lives. Wag mo tanungin sa bf kung ready na siya kasi madalas ang sagot niya ay OO.. alangan sabihin niyang hindi eh di inaway mo siya!  ;D Kaya sabi ko sayo i-observe mo.. kasi ganyan ganyan ang hubby ko nuon panay sabi ng OO ready nako.. pero wag ka hindi naman niya ko binibilhan ng engagement ring at niyaya ng pormal! ako lang makulit ang panay tanong sakanya. It took me years din to realize na hindi pa siya ready and he still wants to achieve something for himself or buy this and that bago talaga siya mag commit ng marriage sakin. Kumbaga its all talks. Parang plano plano lang ganun. kasama lang sa usapan regularly pero wala namang singsing! ahahaha. When the day came na nagpropose na siya sakin formally-- that's the time I knew na OO eto na nga yun..He was ready to surrender himself to this commitment. Walang pilitan. Walang pressure. We we're in our early 30's na nun pero it's worth the wait.

So dear pag isipan mo mabuti. Samahan mo narin ng dasal para bigyan ka ng wisdom at guidance.




 

Latest Stories

Load More Stories
Close