hi, allow me to post again.

we've just came back from Coron yesterday (6d5n). good weather dun at maaraw. Nakatatlong tour kami - Calauit (by land), ultimate tour at reefs and wrecks.

Sa Calauit Safari, andami ng giraffe at zebra. Pangalawa kaming group na dumating kaya hindi masyado mainit maglakad. Andami rin lumapit sa feeding area para magpasikat habang kumakain. Mahirap nga lang iuwi
sila. Di bale 10pax kami, 5 chinese at 5 Filipino (yung isang group taga Surigao). Dumaan kami ng falls at Malbato Church. Halos hiking ang ginawa namin tapos pag-uwi itinuloy namin ang hike paakyat ng Mt Tapyas

3rd Day was Ultimate Tour, may kasama lagoon, lake, wreck at coral garden, etc. Dahil weekend maraming tao sa Kayangan Lake. Another hike ulit pero madali na siya since nakapaghike na a day before. Picture-picture lang ginawa namin dahil maraming dumadaan. Pagbalik namin walang tao na sa view deck kaya nakapagpapicture na nang maganda at solo. Sa twin lagoon, I think mas gusto ko ang lagoon sa El Nido kaysa rito. I miss my friend na nakasama namin sa El Nido nung 2015. Sa Coral Garden, ako lang ina-assist sa snorkeling nung boatman dahil nagpa-iwan yung mga hindi marunong magswimming. Hindi na rin ako bumaba nung nasa Siete Picados kami.

4th Day was Reefs and Wreck, buti na lang mabait ang Coast Guard that day kasi pinayagan kami magtour. Nakatambay kami sa JY Travel hanggang 9am. Konti lang nagtour sa area na ito. 2 private boat at kami mixed group. Sulit siya for me kasi snorkeling ang ginawa namin sa East Tangat, Lunsong Coral Garden at Lunsong Gunboat. Mas maganda ang Coral Garden dito kaysa sa Ultimate at andaming Dory's!

While anlapit nung shipwreck at pwede tuntungan yung pinakatip. Maraming isda rin umiikot sa paligid. Ang hirap lang hulihin kahit isang ruler lang ang layo sa kanila.

Pangalawa ang coral garden na ito na pinakagusto ko. No.1 sa amin ang snorkeling site ng Dos Palmas.

At 6:30pm na kami nakauwi. Kami na lang hinihintay nung mga tauhan ng JY sa daungan at uuwi na sila.

5th Day dapat Island tour kami kaso mahigpit pa rin ang Coast Guard kaya di pa rin pinapayagan ang tour na ito since Friday pa. Since island hopping ito, hindi kami nanghinayang since marami na kaming island hopping na ginawa sa honda bay at el nido. Namili na lang kami ng pasalubong - sapsap! At nag-hot springs nung hapon.
6th Day Uwian na! though delay ang flight nang 1.5hr.

Sa food marami kaming kinainan:
Big Mamas - along the national road, maliit lang yung servings nila pero para sa amin hindi equal ang price sa food.
Carl Bbq - nagtakeout kami rito, sisig ang order. Pagbalik namin sa lodging house, chopsuey ang laman.

Sa specialty bbq nila, masarap siya.
Lolo Nonoy's- na-miss namin ang lutong bahay kaya nasarapan kami sa 2 ulam. Mura pa ang price. Full house lagi sila pag gabi kaya dun na lang kami nagtanghalian nung Monday.
The Old House- we love this place. pang retro ang ambiance tapos ang sounds eh tunog 70s,80s,90s,present. Andami nilang servings sa Salpicados at Spaghetti pomodoro. Spicy pala yung spaghetti pero carry pa rin.

Altrove- french pizza at spaghetti ang specialty nila. Kami lang yung Pinoy na kumakain that time. Ansarap nung Margheretti pizza nila. Manipis yung dough at lutong pugon. Mabait yung owner. Siya pa yung nasa pinto at nag-aasist sa customers.

Pedro's gelato- ice cream house na malapit sa Altrove.
We stayed at Balaibinda (courtyard). Accessible sa lahat nang place. Mahilig naman kami maglakad kaya halos naikot namin ang mga streets. Walang brownout at malakas ang signal ng globe.
Btw, kung customize shirt ang hanap nyo meron sa Coron. Actually, sila rin pala ang may-ari nung t-shirt printing na nasa El Nido.

Ooppss, mahaba na pala. thanks po!
