Author Topic: Nagtatampo at ayaw akong kausapin.  (Read 6673 times)

mimiku

  • Guest
Nagtatampo at ayaw akong kausapin.
« on: July 25, 2015, 03:25:39 pm »
Question to the guys out here: Ano ba ang pwedeng gawin para di na magtampo si fiance sa akin. Minsan nakakairita na siya kasi ako na lang laging nagigive in. Kapag siya ang nay kasalanan, tinatangap ko naman kaagad yung apology niya pero pag ako ang hirap hirap niyang amuhin. Nagsorry na ako kahapon pero sabi niya ayaw niy akong kausapin at nakukulitan daw siya. Nagsimula lang naman yung bicker namin dahil namali ako ng finger size na binigay nung nagpagawa siya ng wedding ring namin. Mahal kasi talaga nagastos niya so naiintindihan ko naman yung disappointment niya. Pero alam ko pwede namang iresize yun. We are on a long distance relationship and I am 8 months pregnant. Isang buong araw ko na siyang di kinakausap at di rin siya nagpaparamdam. Ayaw kong mastress at maselan kalagayan ko. Ano ba usually ang ginagawa ng gf niyo na nakakapagbati sa inyo. Sa mga ladies naman, ano naman ang ginagawa niyo para magbati kayo. Do you stay silent until he/she gets to their senses or do you still initiate the conversation. Thanks!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Nagtatampo at ayaw akong kausapin.
« Reply #1 on: July 25, 2015, 07:14:07 pm »
Give him space sis. Habang mini-message mo siya lalo maiirita yun. Makikipagbati din yun wait ka lang.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Nagtatampo at ayaw akong kausapin.
« Reply #2 on: July 25, 2015, 07:53:46 pm »
Ako sis o give space. Minsan kahit buong araw or hangang kinabukasan. I try to get preoccupied by watching tv or kahit ano, i get my mind off the fight tas pag ramdam kong ok na ko yan medyo kikibuin ko na sya pero may space pa rin, pag may tinanong ako tas d sumagot deadma. Hehe Tapos hangang sa ok na.. Balik lambingan na ulit hehe 

airish_2

  • Guest
Re: Nagtatampo at ayaw akong kausapin.
« Reply #3 on: July 25, 2015, 08:46:48 pm »
Sa akin ng apat na araw eh, napuno na sya hehe... space lang ayaw nila ng kinukulit sila.

SarSi_Em

  • Guest
Re: Nagtatampo at ayaw akong kausapin.
« Reply #4 on: July 25, 2015, 10:22:30 pm »
sis, kapag nasabi mo na lahat sa kanya, tumahimik ka na next  ;D
makukulitan na sya pag lagi mo rin papansinin.

ako ginagawa ko, hindi ko sya papansinin din, pero andun pa rin ako sa tabi nya, tahimik lang, tapos pag matulog na yakap na lang ako. sya rin pag alam nya di ako makakausap, pag natulog na lang yakap na lang saka kiss.

pero ldr kayo, wait mo na lang sya unang makipag usap. feeling ko na stress din yun sa gastos hehe

saka gusto ng guys ng space promise, lalo na pag maraming issues sa work, gusto nya pag dating sa bahay wala ng problema. kapag naman may time sila, sila naman ang makulit  ;D

three8one

  • Guest
Re: Nagtatampo at ayaw akong kausapin.
« Reply #5 on: July 26, 2015, 01:01:52 pm »
rules daw sabi dun sa isang nabasa ko:

pag ang lalake ang may kasalanan,

1. todo effort si lalake sa paghingi ng sorry kay babae.pakipot si babae kaya susuyuin din at kung minsan magmamakaawa pa para lang magkaayos.

pag si babae naman ang may kasalanan,

2. hihingi ng sorry. siyempre pakipot din si lalake magmamatigas. ang mangyayari maiinis si babae, magagalit at hindi na kikibuin si lalake.

3. bandang huli, balik sa rule no.1 si lalake na ang may kasalanan panalo si babae.


 ;)

baliwsayo

  • Guest
Re: Nagtatampo at ayaw akong kausapin.
« Reply #6 on: July 26, 2015, 04:54:52 pm »
^Not true. Wala sa gender yun.. nasa personality ng bawat isa. Meron lang talaga mas ma-pride.

Anyway, TS, pag ako may atraso, lalo pag matindi, I buy him something that will melt his anger. Since mahilig siya sa pabango, binibili ko siya ng pabango. Guaranteed tanggal galit or tampo niya. Since LDR kayo, try mo ebay or flora2000 kung gusto mo sha regaluhan.

Pero pwede din hintayin mo na lang lumamig ulo niya kung wala kang budget. :-)

dismembered

  • Guest
Re: Nagtatampo at ayaw akong kausapin.
« Reply #7 on: July 26, 2015, 10:55:56 pm »
Nakakapraning yan kasi LDR. Andali sana ma-gauge ng level of tampo at inis if malapit lang, pero pag LDR, ni hindi mo nga alam kung ano ang totoong pinaggagagawa kapag galit o nagtatampo ang tao.

Best thing eh, give him space and don't talk about it muna. Normal talk lang kayo.. pero dagdagan mo ang lambing mo.

mimiku

  • Guest
Re: Nagtatampo at ayaw akong kausapin.
« Reply #8 on: July 27, 2015, 05:37:29 am »
Thank you ladies. We're ok na.
Di ako nagparamdam ng ilang araw, siya din nagconnect sa akin. Appreciate all your replies.

three8one

  • Guest
Re: Nagtatampo at ayaw akong kausapin.
« Reply #9 on: July 28, 2015, 01:12:05 pm »
^Not true. Wala sa gender yun.. nasa personality ng bawat isa. Meron lang talaga mas ma-pride.

hehe... okay sis, sabi mo eh... :whistle:

on topic.

good for both of you TS okay na kayo. kung may next time (wala na sana) just make him feel how much you appreciated yung effort na ginagawa ni bf either thru email, post ng status sa fb without mentioning directly kung para kanino yun para hindi naman lumabas na pinapangalandakan mo ng husto (to avoid na din yung mga inggeto/inggetera na mga makacomment lang sa status) leave voice message, etc. mawawala na yung galit nya.. it works sa amin ng wife ko, we do the same stuff kung sino ang may mali. sana sa inyo din.


 ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close