Ano ba talaga dapat ang dapat pinaprioritize ng couple sa kanilang big day? I am a bride to be. I have never been married pero eto lang ang 2 cents ko kung saan dapat lakihan ng magasawa ang budget sa kanilang kasal.
1. Bridal Cake - Ang purpose ay maipakita ang "Cake-cutting" ng magasawa.
"The bride cuts the first slice of cake to provide good fortune in the marriage. Nowadays, her groom helps in this task, to ensure that he shares the good fortune." Hindi naman kakainin ng lahat ng guests mo yung cake at iba sa kanila ayaw ng sweets kasi my diabetes or takot tumaba/magkadiabetes.
Hindi kailngan lakihan ang budget dito. 2. Wedding Dress -
Ok lang lakihan ang budget dito kung gusto mo talagang "iyo" ang gown mo at ikaw lang ang may ganong wedding dress at gusto mo ikaw ang pinakamagandang babae sa wedding mo. Basta ba may budget ka. Pero money-wise, hindi mo priority ito dahil isang beses mo lang sya isusuot at hindi naman nila malalaman kung sinong fashion designer ang gumawa ng dress mo or kung gawa ba ito sa mamahaling materials maliban nalang kung tinanong.
3. Catering - Madaming caterers sa bansa at maraming nagooffer ng makataong presyo at lasa. Ok na ang 200-350 per head. Depende rin sa guests mo kung sosyalin lahat dapat sosyal din ang foods pero kung hindi naman masyado ok na yung nasabing budget.
4. Venue -
Lagi talagang mahal ang reception venue. Syempre dyan sila kumikita. Pero kung makakahanap ng mas mura at maayos na location (maayos na parking at hindi mukhang dugyot) ay go na doon. Bawiin sa decorations.
5. Decorations - Depende sa design pero kung resourceful ka siguradong makakatipid ka. Ask friends, relatives para makatulong.
6. Flowers -
Hindi kailangan ng fresh flowers, pwede na yung gawa sa fabrics pero wag naman yung gawa sa plastic haha mukhang cheapipay. Depende rin ito sa design ng reception/ceremony mo.
7. Tables and Chairs - Mura lang ang rent nito
di kailangang lakihan ang budget.8. Wedding Ring -
Depende sa napagkasunduan ng magiging magasawa. Sa amin ni hubby, ipapasmelt lang namin yung gold na meron sya at ipapagawa sa Meycauayan. Pero kung walang iapapasmelt budget is less than 10k (mahal talaga ang gold, walang magagawa).
9. Invitation Letters -
Hindi kailangang lakihan ang budget dito. Common sense. 10. Hair and Make-Up - Maraming magagaling na freelancer ang maganda gumawa at mura pa, tyaga lang sa hanapan.
Hindi kailangang malaki ang budget dito. 11. Bridal Car- Pag may kotse gamitin nalang yung sariling kotse pero usually 3k ang service dito. Pero kung makakakuha ng less mas maganda.
12. Photo and Video -
Eto ang recommended ko na hindi tinitipid. You need a talented team to capture the biggest event in your life.
13. Music & Entertainment -
Hindi rin ito dapat tinitipid. According to Martha Stewart Weddings website,
81% ng success ng wedding ay entertainment. Aanhin ang magagandang photo at video kung hindi naman bakas sa mukha mo at ng mga guests mo ang kaligayahan na dulot ng perfect entertainment.
http://www.marthastewartweddings.com/231226/50-money-saving-tips/@center/272419/youre-engaged**Note: Hindi lahat ng reception venue pumapayag na venue rent lang, you need to avail their food kaya kung gusto makatipid humanap ng venue na pwede kumuha ng catering na di nila katie-up or which ever is better.
Pero ang pinakaimportante ay ang buhay mo after your wedding day. Hindi siya happy ending dahil magsisimula palang kayo, dapat happy start at nasa saiyo na iyon kung gusto mo hanggang sa dulo ay happy parin kayo. Aanhin ang magarbong kasalan kung nakakaisang bwan palang kayo ay nagaaway na kayo.
TIP:
Wag ipangutang ang wedding budget mo. Magpakasal ng naayon sa budget (na hindi inutang). Sisimulan ninyo ba ang buhay nyo ni mister na puro pambayad lang ng utang ang kinikita? Nasaan ang ipon?
Just sharing. Opinions and "Constructive Feedback" are welcome.