awww sis akosimaiatot, natuloy pa rin pala break up nyo

yung letter mo, ang sakit sakit, gusto ko maiyak, ramdam ko gano mo sya ka love pero gusto mo pa rin maging happy kahit nasasaktan ka.
almost same story tayo, kaya lang guy yung sakin, isa sa mga reasons nya need nya ko iwanan dahil gusto na nya mag ka family na kanya, pwede nya pagmalaki asawa nya, kasal kasi ako sa una at may anak din, hindi nya masabi sa family nya about sakin, mama's boy kasi, feeling nya mapapahiya sya, which ang sakit sakit sakin syempre ikahiya at itago for 4 yrs.
sis handle hindi ba mahirap mag move on kapag friends pa rin kayo?
nagawa ko kasi to last year, almost one year and half ako nag paka bff aka fwb sa ex ko and pinagsisihan ko now yung decision na yun. una, andyan ako lagi pag kailangan nya, akala ko pag binuhos ko na lahat hindi na sya aalis pero umalis pa rin sya, yung time pala available ako sa kanya, ginamit nya ko para maka move on sya ng todo, dahil pag wala ako di nya alam if rebound o mahal na nya talaga un new girl nya. so ayun successful naman sya, happy na sya sa new gf nya.
pano ba makalimot?
isa lang alam ko, di mo makakalimutan, mawawala lang yung pain, darating time wala na tayo maramdaman sa kanila, never natin malilimutan, magiging part na lang sila ng past natin. and sila rin ang reason para maging better tayo sa next relationship natin at pati na rin reminder na dapat mas mahal natin sarili natin.
nasa process parin ako ng moving on, nasa stage ako na galit sa sarili ko at sa kanya, and wishing him na ma karma, unti unti nagagawa ko na i block, sabihin ko na lang di worth, masaya na sya, dapat maging happy ka na rin, mahirap pero kailangan na gawin.
kaya natin to! aja!