watch now

Author Topic: Feeling down and lonely  (Read 5478 times)

prettydefined

  • Guest
Feeling down and lonely
« on: July 22, 2015, 01:30:26 pm »
What to do when you're feeling down, lonely, vulnerable. Minsan meron araw na pakiramdam mo ang bigat, na parang napakalungkot mo.

Ano mga bagay na ginagawa nyo para mabawasan at gumaan pakiramdam nyo tuwing darating ang ganitong araw sa buhay nyo bukod sa magdasal at magsimba?

pret_ty68

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #1 on: July 22, 2015, 01:53:16 pm »

Read a book
Magbabad sa net pero hindi ako nagbubukas nang fb or ig mga informatives sites and gt ang pinupuntahan ko
Sleep the whole day
Meditate
Travel
Outreach

dara_01

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #2 on: July 23, 2015, 03:12:56 am »
ako sis try kong change yung state of mind ko by nakikinig ng music, nanonood ng mga feel good movies for me rom-com.  naglalaro ng games sa phone. tapos hindi ko na iisipin hanggang sa gumagaang na yung pakiramdam ko.

tska hindi ko tolerate yung sarili ko, minsan kase bigla na lang ako malulungkot, maiirita hindi ko alam kung maarte lang talaga ako or hormones e.  kaya nilalabanan ko, minsa sinasabi ko sa sarili ko na wag akong masyadong emotera at maarte, wala naman talaga akong problema.  ;) 

yasbabyangel

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #3 on: July 23, 2015, 03:40:06 am »
sis ako niyayakap ko lola ko. gumagaan kase pakiramdam ko pag yakap ko sya. tapos nakikipaglaro sa dogs. nakakatanggal kase sila ng stress. tsaka natutulog buong araw...at syempre nagpepray ako...share ko lang tong bible verses na toh: matthew 11:28 "come to me all of you who are weary and burdened and I will give you rest" tsaka 1 peter 5:7 "cast all your worries and cares to God because He cares for you"

dara_01

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #4 on: July 23, 2015, 04:02:03 am »
^ang nice naman sis yasbabyangel. 

awww...i miss my mom and dad tuloy. you are very blessed na kasama mo ang lola mo.  pero ganun kase talaga if you have your own family kailangan you build your own home as partners (ayan umaarte nanaman ang emotion ko. hahaha.)

yakapin ko na lang ang anak at si hubby later paguwi ko sa house. ;)

yasbabyangel

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #5 on: July 23, 2015, 09:55:49 am »
Uu sis. Si lola na kase nagpalake saken since iniwan ako ng parents ko nung 6 months palang ako kaya super blessed ako na kasama ko pa sya. 70+ na si grandmudra pero super lakas padin. Thank God. Isa pa palang gawain ko is magbasabasa dito si female network ng random topics. Dati pabasa basa lang ako ngayun ngayun lang ako nagrereply sa topics dito. Ansarap din pala na may nalalabasan ka ng thoughts mo...

mikaelavhan

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #6 on: July 23, 2015, 11:24:30 am »
lately nafefeel ko toh..down ,feeling lonely.kaya naapektuhan si hubby ..im soo moody at parang tamad na tamad kumilos.sa umaga pagkagicing ko(si hubby pa gumigising sakin).bukang bibig ko lagi , tinatamad ako.pagod na ako.ngsasawa na ako sa everyday gawain.hehe.cgro super bored na ako.sabi ko kay hubby, need ko ng vacation.(go somewhere)at walang gagawin ..rest lang..(pwde ko naman daw gawin sa bahay, wag nalang  daw me kumilos.sabi ko ,no!. ibang environment kako.
dahil hindi pa ako makpagbakasyon, ang ginagawa ko now lagi me nagddasal kay padre pio..
nakakatulong para gumaan pakiramdam ko. tapos pumpunta ako sa mall, nagtitingin ng mga gamit sa house, like curtains, panluto..decorations..naaliw ako kahit paano..

lately nga pla, nakikinig ako ng mga classical music, nakakarelaks nga siya for me..

prettydefined

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #7 on: July 23, 2015, 04:24:28 pm »
Thank you mga sis. Ewan ko ba meron talaga araw na ganito ako. Wala naman akong napakalaking problema. Ako naman trip ko manood ng mga lumang pelikula yung mga comedy. Babalu days , doplhy. Haha. Ang jologs ko pero totoo gumagaan pakiramdam ko.

Minsan siguro hormonal imbalance din ano? Ngayon nga parang ganun pa din ako. :| 

dara_01

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #8 on: July 23, 2015, 11:24:32 pm »
^it's a girl thing nga talaga sis prettydefined.  meron mga instances na super ang daling magchange ng mood, tapos nakakatawa lang kase I ask myself why I am so affected, na dati hindi naman. kalurkey lang.

prettydefined

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #9 on: July 23, 2015, 11:30:00 pm »
lately nafefeel ko toh..down ,feeling lonely.kaya naapektuhan si hubby ..im soo moody at parang tamad na tamad kumilos.sa umaga pagkagicing ko(si hubby pa gumigising sakin).bukang bibig ko lagi , tinatamad ako.pagod na ako.ngsasawa na ako sa everyday gawain.hehe.cgro super bored na ako.sabi ko kay hubby, need ko ng vacation.(go somewhere)at walang gagawin ..rest lang..(pwde ko naman daw gawin sa bahay, wag nalang  daw me kumilos.sabi ko ,no!. ibang environment kako.
dahil hindi pa ako makpagbakasyon, ang ginagawa ko now lagi me nagddasal kay padre pio..
nakakatulong para gumaan pakiramdam ko. tapos pumpunta ako sa mall, nagtitingin ng mga gamit sa house, like curtains, panluto..decorations..naaliw ako kahit paano..

lately nga pla, nakikinig ako ng mga classical music, nakakarelaks nga siya for me..


Sis we're on the same boat. Ganyan na ganyan din ako. Pagkagising ko at wala ako sa mood, hindi talaga ako maglilinis ng bahay. Hinahayaan lang ako ng hubby ko sa gusto ko kase alam nya nga na eto na naman yan days na yan. Ask nya din ako ano gusto ko gawin. Sa dami ng gusto ko gawin wala din ako masimulan at hindi ko masinulan kase iisipin ko nakakatamad. At wala ako sa mood. Ang gulo ko daw. Sabi ko gulong gulo din ako sa sarili ko.

prettydefined

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #10 on: July 23, 2015, 11:30:55 pm »
^it's a girl thing nga talaga sis prettydefined.  meron mga instances na super ang daling magchange ng mood, tapos nakakatawa lang kase I ask myself why I am so affected, na dati hindi naman. kalurkey lang.

True sis. Ang hirap talaga din maging babae. Pasalamat na lang din ako sis at understanding asawa ko.

mikaelavhan

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #11 on: July 23, 2015, 11:43:21 pm »
sis buti nalang understanding hubby ko din
(Buti nalang di pa nauubos pasensya niya)

Ang dami dami ko din gusto gawin ..sa dami di ko na lam uumpisahan ko..

Lately  pala ngnonovena ako.
Ewan ko ba sis.sabi ni hubby wala naman ako dapat daw problemahin din.nasstress daw ako sa wala.
Pero lam ko matatapos din toh
Pray lang sis.at identify yung cause ng sadness/emptyness.

dara_01

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #12 on: July 23, 2015, 11:50:52 pm »
^si hubby ko rin super understanding...nung sunday lang ganito eksena namin. nung ok na yung mood ko kinausap niya ako at niloko niya ako na baka daw buntis ako. haha.

we are so blessed to have an understanding hubby. kase kung iba iba lang yun e world war 3 na. haha. nakakatulong makawala ng emo moments.

mikaelavhan

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #13 on: July 24, 2015, 09:47:15 pm »
^hi ts, musta kna?im a bit okay na.hehe.sana tuloy tuloy .haha

^Sis dara, ttc ka din ba?sana nga ako din buntis kaya topakin lately kaso malamang hindi.haha

dara_01

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #14 on: July 24, 2015, 10:21:41 pm »
^sis mikaelavhan, ano yung ttc? sorry slow lang. 

gusto ko nga rin magbaby ulit. sana nga matuloy na ito. yung sunday mood ko ay siguro effect nung Flu vaccine ko nung friday night. haha.

mikaelavhan

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #15 on: July 24, 2015, 10:27:19 pm »
^trying to conceive sis.my thread dito niyan.:)

dara_01

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #16 on: July 24, 2015, 10:39:38 pm »
^thanks, sis mikaelavhan.   lagi naman sis ttc ako. haha.

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #17 on: December 15, 2016, 10:41:23 pm »
ang malas malas ko naman sa love. i feel so lonely and down. Swerte sa lahat ng bagay pero sa love hindi ako swerte... nakakaiyak bugbog na bugbog na ang puso ko.

Ihadelaluna

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #18 on: December 16, 2016, 02:19:10 am »
have you ever thought of chanting and meditation? that usually works for  the lonely and unhappy soul, you have to see the world with the beauty that it has, the world is full of doubts and temptations, you just need to learn how to shoo the negative vibes away and learn to be happy on how life is, your problem is dissatisfaction.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Feeling down and lonely
« Reply #19 on: December 16, 2016, 10:11:47 am »
I talk to myself..hehe emote emote or just vent out my frustrations to myself when i'm alone haha and then i shake it off. May times naman that i listen to songs that lift my spirits up like unwritten by natasha beddingfield or three little birds by bob marley, i sing along to that and i imagine myself sunbathing and relaxing on the beach with a glass of a frozen drink in hand lol! I know weird but it helps, i feel better afterwards

 

Latest Stories

Load More Stories
Close