watch now

Author Topic: ITS COMPLICATED OR JUST A FEELING: What to do? Any advice?  (Read 1814 times)

iamMariewanna

  • Guest
ITS COMPLICATED OR JUST A FEELING: What to do? Any advice?
« on: July 21, 2015, 04:04:02 pm »
Hi, gusto ko lang ishare yung nararamdaman at nararanasan ko ngayun sa relationship namin ng live in partner ko. Lately Napansin ko parang di na sya gnun kasweet sakin, yung tipong magtext kung ano na ginagawa o nasan na ako, pero ngayun as in isa wala na, inuuna pa nya yung COC nya kesa magload. Tpos minsan yung tipong di ka nya kinakamusta about sa work puro reklamo nalang maririnig mo sa kanya. Siya kasi yung tipo ng tao na PERFECTIONIST sa lahat ng bagay, nung una napagusapan na namin about dyan pero until now gnun parin sya. Lagi na nya ako pinapagalitan yung konting galaw mo mali na sa tingin nya. tulad nalang pag naglalapag ako ng panyo sa upuan namin sasabihin nya: ''ikaw ang hilig mo maglapag ng gamit dyan sa upauan". Hay, Hirap ako balansihin nararamdaman ko kasi nga medyo alam ko na ang pwedeng mangyari, maaaring hiwalayan ko sya o hndi pero ayoko namang isipin ng anak ko na broken family kami. Right now, I dont even feel the sparks between us. Mahal ko pa sya pero parang pasuko na po ako.. lahat na po ng effort ginawa ko kinakausap ko sya pag my problema but still gnun parin sya. I dont know bakit ganun, medyo aloof na nga ako pag kakausapin ko sya. Pinagbigyan ko sya sa mga pangit na sinasabi skin but still i forgive him. but know daming pumapasok sa isip ko pero ang gulo. TANONG ko lang, ANO BA DAPAT KONG GAWIN ULIT PARA MAGWORK ULIT ITONG NAFALL-OUT OF LOVE NA RELATIONSHIP NA ITO? MAHAL NYA AKO PERO BAKIT ANG COLD NG PAKIKISAMA NYA SKIN? ANY ADVICE PO :(

Lurker_Man

  • Guest
Re: ITS COMPLICATED OR JUST A FEELING: What to do? Any advice?
« Reply #1 on: July 21, 2015, 04:43:02 pm »
isuka mo na partnert mo...COC ang inaatupag...immature!!!

prettydefined

  • Guest
Re: ITS COMPLICATED OR JUST A FEELING: What to do? Any advice?
« Reply #2 on: July 22, 2015, 12:22:34 am »
Kausapin mo sya masinsinan sis. sabihin mo lahat sa kanya nararamdaman mo para gumaan ang loob mo and at the same time malaman mo din ang dahilan ng pagbabago nya. Huwag naman sana coc nga ang dahilan ng pagbabago nya sayo. Ang dami na din nasira relasyon dahil dyan. Nakakatawa pero totoo. Usap kayo sis.

jsoberano

  • Guest
Re: ITS COMPLICATED OR JUST A FEELING: What to do? Any advice?
« Reply #3 on: July 22, 2015, 01:51:54 am »
I feel you sis.  11 yrs na kami ng partner ko and last year was the worst year nang pagsasama namin. pero ang laging kong iniisip ay yung anak namin.  at hindi ko sasaktan ang anak ko na makikita niya na maghihiwalay kami ng tatay niya.  so i made a choice to stay in the relationship and work things out.

first: i reminisced the past, what are the things i love about him? yung mga kilig moments, happy moments, hardships na naovercome namin together. kaya mo bang itapon at ipag palit yun.

second: ano ba yung mga bagay na pinag-aawayan namin? ano yung mga nagawa ko na kinagalit niya? - tried to change and wag na ulitin
ano yung mga ginagawa ko dati na kinatutuwa niya? kinakikilig niya? - yun ang ipractice at laging gawin.

naging maganda naman ang effect dahil nakikita ko parang nagreresponse siya ng maganda.

third: nagkakausap na kami ng heart-to-heart at open na niya sakin lahat ng nasa puso at isip niya.

and now nasa process na kami parehas ng healing...hopefully this is for the better na...

pero hindi madali sis.  sobrang hirap kase sakit rin sa pride, pero kelangan selfless love.  ang nasa isip ko hindi ko kaya na makita siya na nasasaktan at ako ang dahilan ng sakit na yun.

sana nakatulong ako sayo somehow :)

aquacharly

  • Guest
Re: ITS COMPLICATED OR JUST A FEELING: What to do? Any advice?
« Reply #4 on: July 22, 2015, 10:25:06 am »
Kindness begets kindness, start with that.

ANO PUEDE mong gawin to what?
To put the spark back?
Yung kilig ba?   Kasi sa umpisa Lang yang spark.  It is supposed to have developed by now into a deep love  --  yung kahit na hindi lovable eh love mo pa rin.

Yang harsh words, perfectionist etc --  it is hard to judge based on a brief cuento.  We are all imperfect -- isipin mo din ANO kaya naman reklamo nya sa yo?

May mga tao hindi nadadaan sa dakdak.  Examine mo ano kinagagalit nya. Try to avoid it, wala naman siguro masamang pinagagawa sa yo.
Sa pagka alam ko, focus ka kung ano yung very important to him.  Yung super ayos, walang kalat halos? Yung organized ka?  Yung magaling ka magluto for him? Whatever it is -- focus ka doon.  Once he gets that from you -- malamang hindi na patulan the small stuff. 

Whatever your reason para gusto mo na iwanan yan -- do it for yourself. Hwag mo gawin excuse hindi mo magawa kasi broken family ekek. 
But THINK IT OVER like a mature person.  Kaya mo ba buhayin yang anak mo if ma pikon yan after you dump him? -- at hindi mag bigay ng financial support??   Kaya mo mag work or work more if hiwalayan mo?  Saan ka pupwesto para masabi mo na you  wanted to take care of yourself better kaya you dumped him?   

Kung minsan, timing timing Lang buhay.  Dump him when you are capable of living a beautiful life on your own sipa and sipag. 

But going back to your question, about putting the spark back --
Make your personality more interesting.  Para may bago kayong pag uusapan, may paguusapan, at gana do mag usap. 
Stretch your patience. 
Try to remember why you fell in love with him in the first place. 
What made him fall in love with you nga ba? Asa yo pa ba those traits/qualities?
Get involved in a sport you 2 can do together.
Be more sexually aggressive and innovative.

Pag ginawa mo na Lahat to the best of your abilities at gusto mo pa rin dump, no regrets ka kahit ano man comes into your life after you separate. 


 

Latest Stories

Load More Stories
Close