watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (Thread 38)  (Read 101977 times)

tinybubbles7

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #560 on: September 29, 2015, 01:33:39 am »
Hay naku nakakatamad na tuloy manood sa gma at abs kasi kahit sa facebook sila makikita mo. Kaya ako star movies na lang o hbo kaysa mga yan eh sa fb lang matatawa ka pinag aawayan as if mag thank you ng personal sayo mga yan. Sabi ko nga sa sarili ko hindi ako makikisali sa mga ‘to kasi ang pinayayaman ko itong mga artista na to,kaysa makisali eh gagawa na lang ako ng mas may pakinabang na gawain para umasenso ako imbis na ma addict dito kasi magulo lang parang ang OA na. Sana lang yung masisipag mag tweet pastillas fan o aldub pagkaisahan natin mag tweet kay PNoY na babaan ang singil sa tax diba.

jhandee

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #561 on: September 29, 2015, 04:56:18 am »
ako napapagod sa ginagawa ng dalawang shows na to, grabe siguro pressure ng management sa mga artist nila. Si Alden dapat pinag papahinga din nila yung tao 7 days a week na syang nasa tv. Baka ma burn out yan, tulad ng nangyari kay Angel Locsin and Iza Calzado, gamit na gamit ng gma kaya lumayas. Yung abs naman di na lang nila tanggapin na di naman talaga nila matatalo ang EB .Mahirap na buwagin yan. Pati asap , nakakasawa na din. Buti na lang may Walking Dead, True Blood and GOT pa .

liana

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #562 on: September 29, 2015, 09:00:32 am »
nung una naaaliw ako sa Aldub but now medyo nakakaumay na. 

about Showtime, nakakairita yang Miss Pastillas nila and the Vicerylle. Wala na ba silang maisip na bago? Nagmumukha talaga silang desperado na matalo ang EB. Bakit di na lang nila itry na magexperiment ng something new for the audience baka sakali na magclick pa

cutemama

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #563 on: September 29, 2015, 10:14:28 am »
Re: sa parinig ni vice na organic yung tweets nila...

Kaya siguro nasabi niya yun kasi tiningnan ko followers niya sa twitter 5.9M si anne naman 8M si vhong 4M (hindi ko na tiningnan yung iba like kathniel lisquen and jadine) sobrang dami nga nilang followers..

And yung kay alden 1.7M and yaya dub 1.7M lang din. Kay joey 700K something..

quennna

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #564 on: September 29, 2015, 10:44:17 am »
Kung si kuya germs walang tulugan..
Sina alden wally jose... walang pahinga!!!
Ako sa fb pag yayadub unfollow... susme!
At isa pa yang si joey.. sagad pagka hydrocephalus..

Maple19

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #565 on: September 29, 2015, 11:29:24 am »
I'm a kapamilya, but I don't watch TV shows nowadays except for Aldub or movies sa cable.

Sana kasi wala na lang ganyang mga parinigan between the two networks. Lalo lang kasing napag-aaway ang mga fans. JDL is too old para pumatol, at masakit pa magparinig. Pero I don't think na magrereact sya ng ganyan kung hindi naman puro parinig ang ABS. Si Vice naman sana di na lang sya nagreact sa REAL and ORGANIC. Insult yan sa mga fans na genuinely eh nagtitweet naman. 

Dyan lumalabas ang ugali nating Filipino na crab mentality. Why can't we be just happy for the success of other people? Tama naman kasi yung iba - pana-panahon lang yan. Ika nga ni Heidi Klum, one day you're in and the next day you're out.

Rant mode lang: I find it really demeaning that some people have to insult the intelligence of other people who watch aldub, showtime or other variety shows. You don't have to be fans of the show, pero bakit kelangan igeneralize? Ako I work in the corporate world, and may nakakausap akong mga lawyers, VPs and mga consultants na pinaguusapan din yang aldub as conversation starters pag meetings. Hindi porke nanunuod ng aldub or showtime wala ng paki sa national issues. Just saying.

unwantedP

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #566 on: September 29, 2015, 11:36:04 am »
true, dapat si joey tigil na sa social media. pati ibang artista nagtatalo talo, ang daming bitter tweets. puro na lang comparison. EB gamit na gamit ang aldub, syempre sasakyan nila yun tao, it's business.

ah, isa pa si FP, panay aldub din.

cutemama

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #567 on: September 29, 2015, 11:59:03 am »
Maiba ko..

Si kakai ba and mario naging sila ba talaga?? Taray naman ni kakai if totoo nga haba ng hair niya.. tska now si aron naman daw ang bf?


angel..

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #568 on: September 29, 2015, 12:04:50 pm »
I watched Aldub last night to understand their popularity and why people are so into them, na super trending daw everyday (daw, cause I don't have twitter).  I watched Day 1 up to, I think Day 12. Now I get why people get so kilig, napaka spontaneous kasi nung flow nila sa simula lalo na yung reaction ni Yaya Dub. I had quite a few laughs, ang ganda ng samahan ng EB, you can see that they really enjoy it din. But quite honestly, nakikita ko din na mejo nakakaumay ang Aldub. 

Ang gulo talaga ng mundo ng entertainment industry. Pero in this case, pinapagulo lang ng ABS. How I wish kasi friendly competition na lang sila. If only ABS took this as an opportunity to make their shows more interesting eh di sana walang away at parinigan.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #569 on: September 29, 2015, 12:18:52 pm »
Re: sa parinig ni vice na organic yung tweets nila...

Kaya siguro nasabi niya yun kasi tiningnan ko followers niya sa twitter 5.9M si anne naman 8M si vhong 4M (hindi ko na tiningnan yung iba like kathniel lisquen and jadine) sobrang dami nga nilang followers..

And yung kay alden 1.7M and yaya dub 1.7M lang din. Kay joey 700K something..



Yun na nga ang medyo off sa sinabi ni Vice, biruin mo ang followers ni Anne pa lang eh 8 Million na, pero ilan lang ang tweets nila last saturday = 6 Million + lang. Paano pa yung fans ni Vice, fans ni Vhong?

So diyan pa lang, masasabi natin na hindi komot followers sila ni Anne Curtis eh showtime lang talaga ang tinatangkilik nila, pwedeng fans din sila ng Aldub ;D

Kung nadadaya pala ang number of tweets just like Vice insinuated, eh I doubt na walang mechanism ang channel 2 na dayain din ang tweets para gawing 30 Million ang tweets nila at matalo nila ang EB last saturday.

It is an insult to Aldubnation, like me na nagpuyat na mag tweet. Tapos sasabihin lang ni Vice eh daya.

Tsk tsk. Bitter won't make you a better person Vice.






books_mags

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #570 on: September 29, 2015, 12:40:15 pm »
i think the purpose of the celebrities' online quarrel is to enrage fans.  i say online quarrel kasi mostly fake naman yang away and its only the fans who are really quarreling.  iba kasi ang fans na obsessed.  the more ginagalit, the more na magtwe tweet (dati text) to sort of prove na madami sila. 
hype lang ang number of tweets, 10 tweets doesnt equate to ten people, it can mean one person tweeting 10x.  may mga nakikita nga ako na nagco complain sa fb bec they were tweeter jailed.
i'll make it clear ha (bago ako sugurin ng aldub fans), i'm not saying fake yung aldub phenomenon.  it's a funny, feel good segment but it should not be a cause for people to harrass each other when the celebrities are all comfortably earning lots of cash from all this.

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #571 on: September 29, 2015, 01:03:18 pm »
Eto ha just for the sake of conversation, walang nag ke claim na yung 25.6 Million tweets last saturday eh ibig sabihin eh 25.6 Million na Filipinos ang nag tweet.

Pero ang pinapalabas kasi ng channel two eh 700 plus na tao lang daw ang gumagawa ng mga tweets na yan... come on! That's absurd.

So sabihin natin na totoo ngang 700 plus lang na fans yan... aba ang sipag nila ha.. 25.6 million compared sa millions of fans ng showtime pero 6 Million tweets lang.

haha.

Yun lang ang funny kasi, when people aren't happy for the success of other people, they pull you down, gusto nilang may kasama sa miserable state kung nasaan sila.

Why can't these haters just be happy for Aldub and EB? That's beyond me.




shegothim

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #572 on: September 29, 2015, 01:48:27 pm »
maganda kung makaisip na lang ulit sila ng bagong pakulo di iyong halos kaparehas lang ng segment ng kabila. magaganda din naman iyong mga segment at pakulo nila noon.

cutemama, i think naging sila or super close talaga sila noon ni mario. mukhang amazed na amazed si mario sa kanya noong nasa ggv sila eh. ang haba ng hair ni cacai si ahron naman ngayon na gwapo din.

cutemama

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #573 on: September 29, 2015, 01:59:55 pm »
Talaga totoo yung sa kanila ngayon ni ahron?? Aba ok si kakai ha.. haba ng hair..

MisCalculus

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #574 on: September 29, 2015, 02:08:20 pm »
makikisabat lang :)

Regarding sa twitter / trending issue, it is hard to fake 25.6M tweets. I would rather stay up late just to join the twitter party than to create multiple accounts or kung ano ano pang binibintang dyan.

Come on, guys Vice :D Let's call a spade a spade. There are winners and there are losers.

AlDub started as pure fun lang naman. Then Pastillas Girl of showtime came in...then the bashers and the fantards. Kahit anong issue lagi naman may bashers, ang tanong is, how do you respond to them?

If only we all learn to just be happy for others, mas peaceful ang existence.

---

Re Kakai, napanood ko yung tinanong sya ni Boy about Mario Maurer, dama ko yung hurt nung sinabi nya "pinagbawalan" silang mag-usap... She didn't elaborate any further, basta ang alam lang daw nya, si Mario ang (lumapit?) sa kanya.



« Last Edit: September 29, 2015, 02:31:18 pm by MisCalculus »

SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #575 on: September 29, 2015, 02:56:23 pm »
^ correct sis.

Saka let's not forget, na nung time na ang ABS ang nag te trending sa twitter, palagi nilang pinagmamalaki yan.

Pero when Aldub na ang nag trending, biglang kambiyo na ang ABS na hindi naman daw relevant ang number of tweets at hindi daw importante ;D

Parang isang student na valedictorian, ipinagmamalaki ang mga medals at pinagyayabang, tapos nung biglang napalitan siya as no. 1 student, biglang sigaw ng "Hindi importante ang medals". Hahaha

Though I agree, hindi dapat mag away ang mga fans. Wala naman dapat talagang pag awayan.

Kaso lang hindi talaga maiiwasan kasi nga sa crab mentality ng ibang tao, na kesa maging happy para sa iba, eh ang gagawin manglalait at mang mamaliit just because sila ang nasa ibaba ngayon.


Meron nga diyan mga nagsasabi "Hindi ako nanonood ng aldub aldub na yan, ang jologs ha, at ang babaw".

As if just by not watching Aldub eh validation na sosyal ang kanilang taste at nakaka angat sa lipunan.

Hindi ba pwedeng kanya kanya lang tayo ng gusto at ayaw? :)

tinybubbles7

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #576 on: September 29, 2015, 03:22:53 pm »
Dapat talaga respeto sa bawat isa. Kung maka gma o aldub mapa abs o showtime. Wala ng parinigan sa social media,pare-pareho na lang sila magtrabaho para makapagpasaya ng tao mas okay pa yun para yung mga fans di rin mag away.

At sa Abs naman sana maiba na mga segment,mas okay pa dati. Okay din naman sila dati bago nagka Pastillas Girl.

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #577 on: September 29, 2015, 03:48:21 pm »
^^
ok na sana ito sis
Hindi ba pwedeng kanya kanya lang tayo ng gusto at ayaw? :)

kaso may sinabi ka rin sa mga ayaw:
As if just by not watching Aldub eh validation na sosyal ang kanilang taste at nakaka angat sa lipunan.


SnowBall

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #578 on: September 29, 2015, 04:36:24 pm »
^ay sis, mali ang interpretation mo.

Hindi ko sinabi na ang mga may ayaw sa Aldub eh pa sosyal at feeling angat sa lipunan.

Ang sinasabi ko, HINDI validation ng pagkatao ng isang tao o ang kakayahan niya at estado sa buhay ang kung ano ang pinapanood at hindi niya pinapanood.

Paki basa ulit sis. :)

May mga tao kasi na hate daw ang aldub, tapos lalaitin ang mga nanonood nito. Na hindi naman tama. Hindi tama na isipin mo na nakakaangat ka sa iba dahil lang sa hindi ka nanonood ng aldub.

sana malinaw na :)

sunday01

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 38)
« Reply #579 on: September 29, 2015, 07:52:11 pm »
Ang ganda ng flow of discussion about this network work IS vs EB and Twitter wars.

Bakit hindi marunong rumespeto and taga ABS ng result ng Twitter o ratings pa man my gosh isang program Lang di pa sports tumaggap ng results. Gagawan at gagawan ng excuse o accusations ng pandaraya. Ang kasakiman nga naman kaya pati mga fans nila mga fantard at warfreak kasi yun ang pinapakita at gustong ispread na message.

I used to like watching primetime bida lahat mula umaga hanggang Gabi solid kapamilya talaga kami kasi parang mas sosyal mas innovative pero ngayon nakikita mo na pare-pareho nalang ang ino-oofer ng ABS. Masyado ng nagiging predictable ang mga shows. Kahit ang mga artista yun at yun din tapos kapag nags-guest sa KrisTV kapag favorite ni Kris ang guest yun at yun din walang ng bagong madidiscover. Sa GMA naman di ko kilala karamihan ng artista di ko feel yun mga teleserye nila mas sobrang recycled ang mga artista nila dahil kokonti lang. But I like their Jessica Soho program Kesa ke Korina parang insincere sobrang scripted si Korina.tapos parang di pa siya nagreresearch on her own pini-feed Lang sa kanya ang mga tanong.

Kaya mas okay pa mag-internet Kesa manood ng TV o magmovies sa cable. Sana Lang Abs matuto din tayong magcompliment sa ibang network. Respect and humility din pag me time.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close