watch now

Author Topic: Dear Someone (Thread 4)  (Read 43906 times)

red_yesha

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #600 on: June 30, 2018, 02:19:24 pm »
Alam mo ba naiinis po ako sainyo, porque walang work si papa, dapat ba ako ang sumagot ng gastusin para sa gamutan ng lola ko? Nagbibigay po ako every month, gusto nyo pa magpadagdag. Kayo nga itong mas malaking sinasahod.
Obligasyon po ba ng apo yun?

three8one

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #601 on: July 01, 2018, 01:22:54 pm »
pang tv commercials lang po ako. hindi po ako pwede sa full length movie... haha!

Imahinasyon ko lang.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #602 on: July 01, 2018, 06:29:17 pm »
May meryenda ba tayo?

hushush

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #603 on: August 11, 2018, 02:02:35 am »
Pasensya ka na anak at baka hindi na kita matutulungan magreview sa upcoming competitions mo.. Busy ang mommy.. hehe.. Pero ok lang yan. Bata ka pa. Importante yung exposures but you should also enjoy yourself as a child. Minsan ka lang magiging bata. Ako nga gusto kong magmukhang early 20s 😆
« Last Edit: August 11, 2018, 02:55:44 am by hushush »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #604 on: August 11, 2018, 12:26:26 pm »
Nakakagigil ka. Nanggigigil ako sa inis.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #605 on: August 11, 2018, 12:35:07 pm »
Dear someone aka SM Fairview Appliance center,

Please lang i-deliver niyo ang ref namin. Gusto niyo pati kayo isama sa DTI?  >:(

BicuriousGS

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #606 on: September 01, 2018, 08:11:34 pm »
Miss na naman kita it's been 7yrs and 17days na since huli kita nakasama. Always guide me and pray for us...be always my angel up there. Please i need someone like you that i can talk to anytime that i needed someone. I miss our conversations, everything!

hushush

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #607 on: October 01, 2018, 02:30:31 pm »
Parang alter ego lang? Split personality? Whoa! That's dangerous.. 😂
Anyways.. magpo-focus na lang muna ako sa xmas tree at decors ko.. Angmahal ng ginastos ko para maenjoy at sumaya ako at ang mga anak ko tapos gaganyanin mo lang ako. Pautangin na lang kita ng pambayad sa cc mo..then get a life! Jusmio.. 😴

mysterioza_me

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #608 on: October 01, 2018, 03:58:55 pm »
^Sis san ka nagshop ng xmas decors? Gusto ko na din sana palitan yung sa amin. Tapos gagawan ko ng diy project yung mga luma para di sayang. Iniisip ko if sa SM kami bibili or sa Divi nalang.

hushush

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #609 on: October 01, 2018, 04:43:45 pm »
^sa antipolo sis! Nako angmumura eh. Novoang name ng shop lapit sa cathedral. 50-60 per pack lang. Then magandang klase na yun decors. Send ko sayo pic nun xmas tree na may decors na. Nasetup na namin kanina. Andami nga sumobra for a 6ft tree. Yun nabili kong pangsabit worth 1500 pero may sumobra. Then naglagay ako ng ponsettia flowers na 20pcs at di na din halos magkasya ang ribbons.. Makabili pa ako ng maliit let say 3ft pang table top then ilagay ko yun excess na decors. Ang kagandahan sa novo mas convenient kasi hindi karamihan ang tao. Meron din sis 167 mall isa pa yun na divi ang presyo tapos airconditioned pa. Kaya never ako nagpunta ng divi. Antipolo lang parang divi na sa dami ng paninda! 😊

three8one

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #610 on: October 01, 2018, 06:03:27 pm »
^ yun ba yung Korean store ma'am? kulay green?

pa send na din ng mga resibo. hahaha! charot lang...

-----------

paps, pa paint ko sayo yung mags ah. tsaka papa buffing ako.

nakakaawa ka kung alam mo lang sa dating group mo, mga kups lang pala mga ibang admin doon. wala ka to defend yourself kung pag tawanan ka nila sobra. pag active na group natin mag leave na ko doon di ko gusto mga ganun klase ng tao.

hushush

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #611 on: October 01, 2018, 06:24:15 pm »
^Yesss.. Green yun novo. Why mo knows? Magkababayan ba tayo?? ☺

three8one

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #612 on: October 01, 2018, 07:02:48 pm »
^ hindi ma'am.. meron din kasi sa amin ganun. parang pareho ng dinidescribe mo kaya natanong ko. madami ngang kung anik anik na tinda dun. yung esmi ko doon nabili ng nireresell nyang mga pambatang toys. haha!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #613 on: October 01, 2018, 07:24:27 pm »
^^Sis nakita ko na pics. Thanks. Andami nga and parang same lang ng binebenta sa malalaking malls. Sana may plan sila magsimba sa Antipolo sabay daan na sa Novo. Or baka sa Divi para sabay mamili na din ng pangregalo.

hushush

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #614 on: October 01, 2018, 08:33:35 pm »
^^ay ganun ba. May branches na pala ang novo ah. Sushal! Baka magkaron na din ng 167mall dyan.

^pag sa divi sis for sure mas marami ganyan angkaso pagod, init at hassle ang kalaban mo talaga sa divi. Ayoko muna talaga magpunta dun kahit sa baclaran. Napakainit pati kasi. Tapos pag kakain ka ganun din super siksikan mga fastfood. Sobrang hassle. Kahit mga gifts dun na rin sis ako namili pati mga costume ng mga anak ko. Wala pa yung nasa cogeo sis sa mismong loc ng house namin, kalat din kasi ang divi shops dun. Nacompare ko na price nila e pareho lang naman presyuhan sa divi/baclaran. Kung may markup maliit lang talaga. minsan nga mas mahal pa yun mga nagbebenta ss baclaran eh. Like yun mga undies ng anak ko e tig-10pesos lang sa 167mall. Tapos sa baclaran e 15pesos kahit wholesale ang bibilhin mo..sesend ko sis yun pic xmas tree namin na may decors na. Para makita mo din quality. Kung swak sa specs mo.. mahal sa SM. Kanina nagtingin ako 200 yun isang pack ng xmas balls. 6pcs lang. Hehe

mysterioza_me

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #615 on: October 02, 2018, 05:53:28 am »
^Pag sa divi kami dun din kami sa loob ng mall namimili kasi super init sa labas though mas mura sa labas compared sa loob ng mall. Pero compared sa SM mas mura pa din sa mga malls sa divi. Ang mahal nga sa SM, namili ako ng xmas decors para sa 7ft xmas tree namin 5yrs ago pa ata yun inabot ako ng 6k sa decors at 2 xmas lights. Hindi pa masyadong napuno xmas tree namin nun. Nag-add pa ako ng isang xmas lights at mga crystal chenes para maganda pagnailawan.

three8one

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #616 on: October 02, 2018, 12:34:38 pm »
^^ay ganun ba. May branches na pala ang novo ah. Sushal! Baka magkaron na din ng 167mall dyan.

meron pa nga sa bandang Valenzuela, along Mc Arthur highway.  :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #617 on: October 02, 2018, 03:37:45 pm »
Kapal ng mukha mo maka-demand. Try mo kaya maghanapbuhay. Kung sino pa sustentado sila pa malakas magdemand and choosy. Mahiya ka. Nagexplain na yung tao na naka-hold ang sweldo pero gusto mo magpadala sayo as in NOW NA nakalagay sa message mo. Pinipilit mo gawan niya ng paraan. Anong paraan? Uutang para sayo? Magwork ka kasi. F na f mo pagiging palamunin.
« Last Edit: October 02, 2018, 03:44:31 pm by mysterioza_me »

hushush

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 4)
« Reply #618 on: October 08, 2018, 08:08:47 am »
Ah excuse me. Hindi ko need magpaliwanag sayo. Ikaw ba me ari? E di ikulong/ipagtatali mo mga alaga mo para hindi pakalat-kalat, hindi nagkakalat, hindi nakakaperwisyo, hindi tumatae kung san-san, hindi nagkakalat at hindi nangangagat!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close