Author Topic: Petty fights with your hubby/BF/partner  (Read 7457 times)

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #40 on: December 06, 2015, 03:34:02 pm »
- kapag nagiging hyper na ang kakulitan ng aming anak, nag uumpisa na rin uminit ang ulo niya. paminsan minsan pinapatulan ko, but in the long run, hinahayaan ko na lang siya mag isa at ako ang nag aaccommodate kay baby pagkatapos ipaparamdam ko sa kanya na naiinis ako sa inaarte niya kapag nakagitna sa bed si baby boy.

yannuh

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #41 on: December 07, 2015, 10:24:31 am »
^syempre hindi mo responsibility yun sis, sya nga dapat nagseset ng alarm sa kung anong oras sya dapat magising and he should be thankful na umeeffort ka pang gisingin sya. nakakarelate ako sayo sis kasi between the two of us (hubby and i), mas conscious ako sa oras and ayaw ko nalelate. so ako me sariling alarm tapos sya nakikialarm lang sya sken, pag tumunog yun, gigising agad ako, gigisingin si hubby at kapag ayaw nya tumayo, iwan ko sya sa kama. ganun lang sis haha. bahala sya kung malate sya or hindi, kasi ako nga sis napapagkasya ko sa umaga yung magpeprep pa ng brekky namin at ligo and ayusin sarili pa tapos si hubby, babangon na lang di pa kayang gawin?

cheer up sis. nung una bwisit na bwisit din ako ke hubby, super bagal kumilos pero bandang huli, nakakapag adjust na din. dedma lang talaga at wag masyado palakihin ang mga bagay-bagay:)

Shadow Angel

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #42 on: December 07, 2015, 07:10:43 pm »
Dapat ba ipaalam lahat ng activities kay hubby. Medyo nagkatampuhan kami ni hubby. Kasi parang nagdedecide daw ako not as a couple. Ako naman reaction ko pati ganun pagtatalunan namin. Lagi pa naman ako pagod ngayon because of work. Tapos sasabayan pa nya ako ng ganyan bagay. Ang gusto nya pag usapan namin ang sabi ko hwag ngayon at pagod ako. Ang ending lang kasi alam ko lalo kami magtatalo dahil medyo moody ako dahil pagod malapit na rin period ko.. Deadma tuloy sya sa akin ngayon.

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #43 on: December 08, 2015, 04:27:19 pm »
ikatlong araw kagabi na mainit ang ulo niya sa anak niyang umiiyak. imbis na pakalmahin niya e ipinasa niya ito sa akin. at ichchallenge pa ako kung kaya ko ba o hindi. end result, nakagitna ulit si baby dahil nabadtrip ako sa kanya

simang

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #44 on: December 08, 2015, 04:58:08 pm »
trivial stuff like:

--bakit ang lalaki pwedeng umihi sa public, ang babae hindi

--Bakit ang nakakandong sa jeep/bus walang bayad, pero ang nakasabit sa labas ng jeep or nakatayo sa bus kelangan magbayad ng pamasahe eh hindi din naman sila nag occupy ng seat

--bakit ang lalaki okay lang mahaba ang buhok sa kili kili, pero pag babae ang ganun, unhygienic daw. Ibig sabihin unhygienic ang mga lalaki talaga

Mga ganyan. Inis na inis sya pag ganyan arguments namin, kaya gigive up na lang sya. Hehe

mikaelavhan

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #45 on: December 08, 2015, 05:08:17 pm »
ako naman inis na inis kay hubby kapag nakakalimutan isara yung toilet cover at yung pinto ng cr.
super inis  talaga ako , kaya sabi ko please lang naman pakisara ,madali lang naman db?. ayun mga ilang sermon bago niya nakuha..:D

Missus O

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #46 on: December 08, 2015, 06:04:00 pm »
Can I just say thank you guys for sharing your experiences.  :) Me and hubby were married nearly 6 months ago, hehe, and I think wala na kami sa honeymoon stage dahil we are already used to each others pecularities in life. Just like any other couple may mga tampuhan din and petty differences. Nagkatampuhan lang kami recently, mababaw lang na dahilan, sa sobrang babaw nakalimutan ko na yung reason, but nevertheless iyakan blues pa din yun. hehe.

@impressfiona - it is not your responsibility to wake your hubby. It should be his. Siguro, he was just placing the blame on you kasi ayaw nya iadmit that it was his fault. Wag mo syang pasanayin, just tell him in a nice manner (or joking manner) na hin di mo na alam kung san mo ilalagay sarili mo sa kanya. Ang ending ikaw pa din nasisisi kahit gisingin mo sya or hindi then explain to him na it is responsibility to wake up. Ikaw
taga remind lang. And sorry naman tao lang.. nakakatulog din hehe...;)

antithesisofbarbie

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #47 on: December 08, 2015, 06:59:10 pm »
nakakatuwa na nakakatawa basahin yun mga posts.

kami ni hubby...parang hindi naman fights parang pikon moments lang... actually ako yun pikon. :p
lalo na pag di niya sinusunod yun sinasabi ko or pag may sinabi ako tapos kinokontra niya... minsan sinasadya nalang niya gawin para mainis ako. pero saglit lang naman na pikon time hindi naman matagal.
masungit kasi ako at alam niya pag hindi maganda ang timpla ko.


FayeP

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #48 on: December 11, 2015, 02:14:32 am »
mga super babaw:

-si Erap nun tumakbo at naging mayor ng manila (he's from San Juan kasi kaya erap sila), lagi ko sinasabi pag nasa balita si Erap, yang meyor nyo sinira ang city namin (from manila ako originally), tapos sasagot siya ng "parang ang galing ni Lim ah" tapos start na un ng usapan hanggang sa magkapikunan haha

-minsan kun pano magluto ng isang dish kasi we both like to cook

-sa anak namin kasi mapang asar siya sa bata, tapos una kilitian sila magtatay hanggang sa mapikon na un bata tapos iiyak na, siyempre maasar ako sa kanya

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #49 on: December 22, 2015, 04:45:30 pm »
kaninang umaga lang, nag kwento ako sa kanya about me and my son having marathon last night sa shopping mall. natural, ang isang lalaking three years of age, malabong mapirmi yan unless masama ang pakiramdam. so hahabol at hahabol ako sa kanya. ang sabi ng asawa ko na nainis ako is, hindi ko daw alam disiplinahin ang anak namin. hindi daw ako marunong at wala daw akong alam sa pagpapatahan sa kanya. but I shut my mouth for the meantime at masasayang ang energy na taglay ko.

tapos, noong pababa na ako, gusto ko ng buhatin ang bag..tapos nainis siya sabi niya umalis na daw ako. sabi ko andoon na ang driver. ayoko kasi na pinag aantay ng matagal ang service. tapos habang naka bukas ang pinto, ayan ang lakas ng boses niya na nag rarant. hindi ko na lang siya pinatulan at walang good bye kiss since umalis kami. but I informed him naman na nakarating na ako sa destination ko. ako nag I love you pero siya, wala. which is okay lang kasi dapat sinasanay ko talaga yang sarili ko na paminsan minsan magmukhang engs. not because I deserve it, but because I need to show him na maayos akong tao. na kahit hindi niya ako I greet, magiging okay ako.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close