Author Topic: Petty fights with your hubby/BF/partner  (Read 7463 times)

simang

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #20 on: October 15, 2015, 11:11:19 pm »
^for us naman it's baliktad, i'm usually the one who's very hard to wake up in the morning, may one weekend na we stayed at my parent's house and may aasikasuhin kami dapat ng 9am, so he started waking me up at 8am and hindi ako nagising, so na-late kami sa appointment namin.. then the next time naman na we stayed there, nagising ako 10am na, pagbangon ko he was in the living room already watching tv. i asked him bakit hindi nya ko ginising, sabi nya, ayaw nyang mainis sa akin pag hindi ako agad bumabangon haha. so i guess that's his solution to it para hindi na namin pag-awayan, hayaan na lang nya ko matulog. hehe

sarsingkit

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #21 on: October 15, 2015, 11:46:37 pm »
Driving mostly. Eh kasi may GPS na nga, inuulit pa yung sinasabi nung GPS.

GPS: In 100 meters turn right to Blank Street.
Hubby: Oh, kanan ka pagdating dun sa kanto.
Like wow, ang sakit sa tenga.

Another is what movie to watch. Ang hilig nya kasi sa depressing movies. Ok lang naman pero pag Sunday night, sana naman medyo feel good and light diba. Another thing is who snores the loudest and who drools mostly on the pillows. As in minsan may recording pa ng hilik and picture ng basang unan.  ;D

Shadow Angel

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #22 on: November 30, 2015, 10:04:47 pm »
Toothpaste minsan napapailing na lang ako. Turuan ba ako kung gaano lang kadaming toothpaste ilalagay ko. Tapos minsan ang gulo gulo kausap. After ng badtrip namin tinatawanan na lang namin.

hypergalactix13

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #23 on: November 30, 2015, 10:16:16 pm »
netong weekend lang nag away kami dahil sa paghuhugas ng plato. hehe. kasi ako ang nagprepare ng breakfast, ako ang naghain and everything, so usapan namin sya ang magliligpit at maghuhugas ng pinagkainan. after namin kumain, dumeresto si husband sa sofa at nanood ng TV. ni-remind ko sya na magligpit pero sabi lang nya "oo liligpitin ko yan." di ko alam kung OC lang ba ako or ayoko maghintay so niligpit ko na, huhugasan na lang nya yung plates. nakagawa nako ng iba pang house chores hindi parin kumikilos si husband. sa inis ko, sinimulan ko na tapos bigla sya lumapit, "o bakit naghuhugas ka na?" tapos sabi ko "eh kasi hindi ka kumikilos pinatatagal mo pa!" ayun. hahaha

px17

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #24 on: December 01, 2015, 12:00:28 am »
most recent na na-aalala ko ay nagalit ako kasi sinabi niyang ihahatid na niya ko sa bahay. Bigla nalang na hindi ko siya pinansin. Alam na niyang galit ako kaya bigla siyang nag turn right papunta sa bahay nila.

Nung nandun na kami sa bahay nila bigla nalang ako umiyak. Nakakaloka ako! Siguro dahil wala pa kong tulog o stress, ewan baliw lang ata ako. Tapos ang tagal namin nagpilitan kung bakit ba ko nagagalit, nahihiya ako sabihin na gusto ko pa makipagyakapan sakanya kaya ayaw ko muna umuwi (babaw noh), pero nasabi ko rin namin while crying (pababy lang ang peg). Kaya lately lagi akong inaasar. Pag tinatanong niya ko kung ihahatid na ba niya ko sasabihin niya "oh baka umiyak ka nanaman alika na hug na kita."

ay tapos pala eto ang palagi namain pinagaawayan for 10 years na ata. Yung sobrang gutom na gutom na ko tapos tanong parin ng tanong saan ba kami kakain. Kaya sabi ko nalang "ikaw na mag-isip! jusko naman" tapos maya maya tatanungin nanaman ako "dito o doon?" hahaha kaines lang.  Tas babanat siya ng "hangry nanaman tong kasama ko, sinisigawan nanaman ako" tapos maiisip ko ang sama ko, kaya todo sorry ako na nasigawan ko siya, lambing mode.

blackgreen

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #25 on: December 01, 2015, 12:50:12 pm »
^hahahaha.. parehas tayo sis. May mga ganyan moments din kami na nagtatantrums ako kasi gusto ko pa yakap pa kami. Tsaka lately pag sumusungit na ako palagi na siya nagtatanong kung gutom daw ba ako dahil usually dun nagsisimula umiksi pasensya ko pag gutom na daw ako

iam_me

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #26 on: December 01, 2015, 01:18:04 pm »
last night , ayaw nya kong samahang manood ng a second chance  >:(

imprincessfiona

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #27 on: December 01, 2015, 03:19:53 pm »
^sis blackgreen same tayo. Nagiging beast mode na ako pag gutom na ako hahaha. Sa umaga pag magbre-breakfast kami ni hubby gusto nya naka-ready na lahat yung bread, palaman at yung coffee. Talagang nanghihinayang sya sa every minute or every second ng pagtulog nya. Si Mister Masan yun eh (Masandal tulog LOL).

lordknight_aiz.18

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #28 on: December 01, 2015, 04:39:23 pm »
pinag awayan namin na nakipag chat ako sa elem classmate ko na guy.. nagselos siya.

px17

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #29 on: December 01, 2015, 09:19:39 pm »
sis blackgreen salamat naman normal pa ko. kala ko talaga ang arte arte ko na tsaka papansin msyado. Para sa hug iniiyakan ko. hahaha

pag babae talaga nagbeabeast mode pag gutom ha! Apir tayo mga sisters!

blackgreen

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #30 on: December 01, 2015, 11:21:27 pm »
Oh diba imprincessfiona and px17! Hahahaha.. sabi pa nga ni hubby indirectly proportional daw ang patience and hunger ko. Hahaha..

skela96c

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #31 on: December 02, 2015, 11:12:50 am »
he gave me his Christmas gift early - a new tablet. naappreciate ko naman though i don't really badly need it at this point. eh sabi nya sakto daw pag nagmaternity leave na ko.

sabi nya iseset up nya daw. aba two days di ko nahawakan since binili. nakanood na sya ng mga gusto nyang movies/series sa iflix at kung ano ano pa. hello, yung totoo, gift ba yun saken o sa sarili nya?

bwahahaha. ang babaw pero nakakapikon lang.  ;D

yannuh

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #32 on: December 02, 2015, 11:20:51 am »
^haha babaw nga sis pero nakakatawa :p parang si hubby ganyan din. sabi nya new phone daw bibigay nya as birthday & christmas gift pero wag ka,parang mas excited pa kesa sken. HAHA

lovemeagain30

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #33 on: December 02, 2015, 03:42:31 pm »
^^ganyan ako pag may gusto ako gadget pero ayokong bilhin para sa sarili ko kasi magastos, ang gagawin ko bibilhin ko as a gift para kay hubby! bawas guilt. pero mas excited pakong buksan kesa sakanya. hihi

gharz412

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #34 on: December 03, 2015, 02:27:15 pm »
Kame ni hubby madalas dahil sa pagkain...ahaha konti nalang kase tinitira niya saken kaya naaasar ako...ahaha parehong matakaw kase...^^_

EllaBratin

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #35 on: December 03, 2015, 04:31:32 pm »
sis blackgreen salamat naman normal pa ko. kala ko talaga ang arte arte ko na tsaka papansin msyado. Para sa hug iniiyakan ko. hahaha

pag babae talaga nagbeabeast mode pag gutom ha! Apir tayo mga sisters!
Aw. Normal lang din pala ako! Isang umaga nagising na lang ako na gusto ko magpayakap. Tumabi ako sa kanya pero dedma lang. Hanggang napansin niya na naiyak na ako, bigla ako niyapos at akala daw niya nanaginip ako. Tapos sabi niya ang laki na ng braso ko, sabi ko naman e hindi mo na nga alam kasi hindi mo na ako niyayapos. Ayun, tampo na nga ako pinagtawanan pa ako. Yakap lang daw pala ang iniiyakan ko.

creamypeach

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #36 on: December 05, 2015, 10:53:58 pm »
considered petty fight ba yung nahuli ko hubby ko na nakikipagflirt sa mga girls using tinder application?

junetwentythree

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #37 on: December 06, 2015, 04:12:23 am »
^ Nope. That's not petty at all. That's pretty serious. Flirting with women online can lead to meet ups and escalate from there. Perhaps you can tell him -- how would he feel if you did the same?

cybelekronos

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #38 on: December 06, 2015, 04:47:47 am »
me
-hindi sya kumain ng niluto ko
-maingay sya habang nanood ako ng tv series
-kapag nasa mall, kami at mag start pa lang ko mag shopping tapos ang haba ng pila sa counter maiinip na sya tapos dami sasabihin, kailangan ba yan? baka pwede next time na yan etc etc ay beastmode nako
-umutot sya usually sa loob ng kumot
-umuwi na lasing

him
- makulit ako habang nanood sya basketball
- palipat lipat ng channels
- pag d ako pumayag umalis like mag gym, basketball

mas madalas ako un maraming kinaasaran o reklamo sa kanya  ;D


tischarmedlife

  • Guest
Re: Petty fights with your hubby/BF/partner
« Reply #39 on: December 06, 2015, 06:06:21 am »
sakin naman, I get pissed off when he does any of this:
- spents too much time on gadgets
- matagal bumaba pag tinawag ko sya para kumain
- when he goes out para tumambay kasama mga barkada nya without my knowledge (usually naman three hours tops lang sya pero naiinis pa rin ako  ::) )

 

Latest Stories

Load More Stories
Close