watch now

Author Topic: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help  (Read 12456 times)

pinklilac

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #40 on: November 03, 2015, 05:43:59 pm »
Ay sis.share mo.pls hihi

velvetdreams

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #41 on: November 04, 2015, 06:41:39 am »
SUPER LONG READ ITO GUYS sorry tyagain nyo nalang po.

so eto na nga ang update.. feeling ko nakahinga ko tska atleast di saken nanggaling ang ugat ng impormasyon.. so eto na dumating na ang "tamang panahon"
nagkaalaman na.. nalaman na ni hipag na may mistress si BIL..   :o  :o  :o

Nung Sunday night while I was waiting for my husband para makapag facetime kami..habang nag bbrowse ako sa FB nakita ko na nag upload si mistress ng profile pic at naka "world" ang privacy setting nito at di nya pinalitan at ang pinalit nyang profile pic is yung picture nila ni BIL at habang nakita ko to sinabe ko sa husband ko na baka makita yun at mabuko na ang utol nya at mukhang official na ata sila maging public (jnoke ko pa nga sya) so eto na naka sleep na nga ko at kinabukasan Monday lunch time nag message na saken si hipag sa viber.

going back, sabi saken ni hipag: "(nickname ko), may friend ka sa FB (name ni mistress) kilala mo ba yan?"

Hindi ko naman dine-ny ang sabi ko: "OO bakit may nais ka bang malaman?"
tapos sabi nya: "pakisabi nalang lahat ng alam mo salamat."
sabi ko: oo kilala ko sya friends sya nung dumidikit kay (name ng husband ko)" -
- blame it to me guys pero kahit gustong gusto ko sabihin ayoko talaga manggaling saken since tnitignan ko pa kung may alam na sya.

Kung nasundan nyo yung kwento, naalala nyo yung gumawa ako ng dummy account tapos minessage ko si hipag para bgyan sya ng idea? at NGAYON may gumawa ng isang dummy account I can assure you guys na hindi na talaga ako ito feeling ko someone who is also concerned about what is going on .. at etong dummy account na eto ehh inadd din pala ko sa fb pero d ko lang napansin kasi d ko din naman inaccept.

so nag open up na nga sya at sinend nya mismo sa fb messenger ko yung screenshot ng profile pic ni mistress na kasama ang asawa nya.. so nagulat ako para kong sinabugan ng langit at lupa at di ko alam kung maniniwala ba ko or what pero nakahinga ako sabi ko sa sarili ko this is it eto na un nalaman na!

tapos sabi nya: gusto nya na daw makipag hiwalay  at di na daw kailangan mag usap kasi nag usap na daw sila noon nung unang uwi ni BIL at ginawa nanaman daw (kase eto si BIL nahulihan dn babae pero fake photo ang pinakita nya kasi si mistress na talaga ang kinekeme nya) for nearly 3 yrs ang kanilang rel.

minessage nya lahat ng co-workers sa staffhouse at tnanong kung kilala ba etong si mistress with the screenshots.. may mga co workers sya na nakaaway at may mga co workers na umamin.

yung dummy account na nag message sknya ay sinend ang FF:

- Facetime convos screenshots ni mistress at BIL
- pictures ni mistress at BIL sa fb

kaya nya nalaman ang lahat lahat!
umamin naman daw si BIL sabi skn ni husband at ni hipag pero
yung pag kaka kwento saken ni hipag at ni mistress is somewhat different.

ang explanation ni BIL kay hipag is:
- si mistress daw ang lapit ng lapit sakanya
- nag papainom daw si mistress lagi
- nag sstay daw dun lage sa staffhouse (PERO di inamin ni BIL na nag lived in sila kundi mpapatay talaga sya)


ang explanation ni BIL kay mistress is:
- kinomfront daw sya kaya umamin sya

hindi natahimik si hipag 24 hrs na ata syang gising kaloka syempre khit sino ba naman.. minessage nya si husband.. at tnanong nya kung natulog daw ba dun sa mistress.. ang dami pang explanation netong asawa ko ehh sasabihin dn naman na oo.. biro nyo guys yun lang ang gusto nya malaman oo or hindi lang..

ayun nung nalaman nya ng Monday nag pa book sya agad papuntang Brunei, Tuesday night (technically kagabe ito) sumibat sya papuntang Brunei.. wala dun si mistress nasa iloilo at sinabe ko saknya na wala dun sa mistress if gusto nya maabutan. Sinabe ko sakanya frankly na gusto ko talaga sabihin at ikwento pero dapat cgro sila ng asawa nya ang mag usap.. ganon din si husband ko..

at mind you girls.. isa sa mga una nyang sinendan at tnanong si MIL at SIL.. syempre patay malisya si MIL at SIL panggap na walang alam dn.. so yun ang akala nya.. gustong gsto ko sabihin lahat kung alam nyo lang kaso iniisip ko kasi mali lang etong strategy ni hipag kung pano umattack ehh at wala ko sa position..talaga..
--> nag punta pa dun si MIL at SIL kahapon binisita si hipag at sila pa nag hatid sa airport naku mahiya dn naman sila at buti ginawa nila un  >:(

nag away pa sa facetime at naghamunan si hipag at si mistress.. tapos sinabe lahat ni mistress na galing sakanya lahat ng sinusuot, ginagamit at pera na extrang pinapadala ni BIL sakanya.. kahit pambayad ng credit card nya si mistress dn ang nag bbyad..
- andun ngayon si hipag sa brunei babalitaan ko nlng kayo..

> to be continued...
« Last Edit: November 04, 2015, 06:47:53 am by velvetdreams »

pinklilac

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #42 on: November 04, 2015, 07:36:53 am »
^hello sis.magandang  balita ito ha.
At tama yan na hindi sayo nang galing.
Natawa ako don sa 24 hrs gising hihi
 Tama ka hindj talaga  marunong  dumiskarte  si hipag mo.
Ang palpak nong halos  buong ka trabaho  ni BIL eh tanungin.
Kumbaga  andon na ang detalye. Siya na bahala mag imbestiga ng mas malalim.
Gusto  yata eh lahat isusubo sa kanya.
Happy ako sa naging takbo ng isyorya TS.
Buset ako sa mga ganyang kabitan..
Kung ako bilas mo makikipag hiwalay talaga ako ..
Hindi na magbabago yang bayaw mo.
Titigil  lang yan pag magkasakit na.
Sana lang hindi na magpa uto ang bilas mo.
To be continued ha...lol
Para akong nag aabang ng teleserye nito  lol

momentum

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #43 on: November 04, 2015, 07:49:55 am »
intense velvetdreams..

I think overwhelmed na talaga si SIL mo kaya puro ganun na ginawa niya..syempre ikaw ba naman na lahat kakonchaba ng asawa mo tapos wala ka man lang masabihan or mahingian ng advice, natural sa emotions siya mapapadala kaya sugod agad duon and ask everyone else. she doesn't know kasi what she should do..nakaka awa siya actually :(

matagal na ako lurker sa thread na ito.
i really knew it na hindi forever ang pagtatahimik ni kabitch. sooner or later magsasalita na siya and magiging brutal (posting her and SIL's husband's pic in public)..ganyan naman lahat usually ng mistress...sa umpisa tahimik lang but kapag threatened na place nila sa buhay ni guy or maybe nakikita na niyang puro false promises si guy about them being "legal"..si mistress na gagawa ng step para ipaalam sa lahat na "legal" na sila ng she doesn't want to be in hiding anymore. kaya naging palaban na sila lalo when confronted by their worse enemy...the wives.


bluish_mommy

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #44 on: November 04, 2015, 09:01:00 am »
tama, nakaka-awa ang hipag mo. knowing na pinaliligiran sya ng mga taong alam ang totoong nangyayari. just imagine kung ikaw ang nasa lugar nya. she's so desperate to know the truth. i also understand bakit ayaw mong sabihin kay bilas ang lahat, syempre ayaw mo ring "makisawsaw" sa problema ng may problema. sana lang may isang maayos na kaibigan/closest relative ang bilas mo na pwede mong pagkatiwalaan sabihin ang lahat at ito ang pwedeng mag-guide sa kanya on what to do.

but still, if i were in your shoes, gagawin ko lahat ng posibleng paraan para malaman ng bilas ko ang katotohanan. hirap kayang matulog ng may dinadala sa konsiyensya di ba.
« Last Edit: November 04, 2015, 12:53:55 pm by bluish_mommy »

Girltalker2

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #45 on: November 04, 2015, 12:25:00 pm »
TS, ano gagawin ni hipag sa Brunei?

With her current state of mixed thoughts and emotions, Hindi advisable na mag punta sya doon. Baka makapatay pa sya or makulong doon.
« Last Edit: November 04, 2015, 12:33:16 pm by Girltalker2 »

velvetdreams

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #46 on: November 05, 2015, 11:22:22 pm »
Hello guys i'm back..sorry na delay ang pag update..
nako 7 days pala dun si hipag Tuesday ata balik nya

at oo momentum feeling ko nga kaya na provoke na gumawa ng gulo si mistress ehh marami ngang false promises etong si BIL..tska naku maling mali nga talaga yung strategy nya

and oo talagang ayaw na nga namin makisawsaw ng asawa ko sa issue lagi lang nga kami nag uusap about dun.. hanggang sa ayun nga sumugod na dun @ bluish_mommy

and @ pinklilac , oo maling mali nga yung strategy ni hipag na lahat ng co-worker tinanong at naku may nakaaway na tuloy syang tenant sa staff house dahil sa ngyare.. galit na galit sya dun sa asawa ng co worker nila husband at BIL.. feeling ko nga ganon ehh imbestiga sya ng imbestiga pero iba yung way nya gusto nga siguro isubo lahat ng info sakanya.


@ Girltalker2 - wala naman dun si mistress i think di na babalik yun..or what..


-> pero guys eto na ang latest update, nung pagkadating dun ni hipag.. sabi nya sinampal nya daw [textspeak!] ng bonggang bongga si BIL at naku tinadyakan nya daw at wala na daw tumulong luha saknya natira nalang daw galit.

inamin nga ni BIL lahat lahat and sinabe nya na willing sya mag bago and kung hindi daw ito matatanggap ni hipag ehh ma-aaccept nya naman daw ang consequences na hiwalayan sya..

so ayun bottomline OK NA SILA ULIT. Nag kabalikan sila..
ang odd kasi nag inisan pa si mistress at hipag at inggit lang daw si mistress.. and sabi naman ni mistress she has everything naman daw bat pa daw maiinggit. so ayun nga.. mauuwi din naman sa balikan eh..

ano opinion nyo about dito??

donya_dyosa

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #47 on: November 06, 2015, 02:43:51 am »
Nagmukhang malaking T si hipag mo..
sana kung malambot lang naman din pala siya at bibigay rin.. di na siya nangaway ng mga tao don
for sure pro kabit na mga taga brunei.. at pinagtatawanan na siya.
Ngayon, kung nagwala siya doon.. dapat pinanindigan na niya.. hiwalay na diba??
(di naman masisi si hipag,..naiintindihan ko siya, happend to me narin)
nung nakamove on nako narealize ko nakakainis pala ginawa ko.. sana may marealize niya na yun.

p.s. lolokohin siya ulit niyan at buti nalang di sayo nanggaling TS.. magbabalikan rin pala.. hahaha

velvetdreams

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #48 on: November 06, 2015, 04:57:21 am »
ayun na nga ehh donya_dyosa   .. nagmukhang t**** lang..

- nagsayang lang sya ng pamasahe papuntang Brunei
- nang away pa sya ng co-workers & minessage nya pa lahat at pinakita mga screenshots
- take notes guys: 3rd chance na ito ni BIL

and oo nag kabalikan nga sila hindi ko alam kung bakit pero bago pa man dumating si hipag sa buhay ni BIL marami na talagang kalandian tong si BIL nakakaloka nga sobra hindi ko alam kung ano na nga m susunod na mangyayare.

naku yung side nila husband at BIL naku since alam naman nila and patay malisya sila sa ngyare.. hino-hope pdn nila nga na magkabalikan at wag daw mag let go at wag daw masyado padala sa emotion at mga nangyayare.. naku kung ako yun naku talaga ang dali lang nila sabihin yun ehh.

kung ako parang mahihiya na ko mag punta dun sa staff house kalokaaaa

pinklilac

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #49 on: November 06, 2015, 05:04:34 am »
^i agree.
Sana sa ginawa nyang  mala Gabriela  Silang approach eh  pinanindigan na niya.
Siya tuloy lumabas na kahiya hiya.
Mag maskara na lang siya tuwing pupunta sa asawa niya lol
Nakita mo  na TS? Eh di nagkabalikan din sila.
Kung sayo nanggaling ang impormasyon tiyak buong pamilya ng husband mo galit sayo..
At si bilas ha hindi nakuha yung sinabi ng husband na more or less  tatanggapin nya kung ang desisyon  ni wife eh makipag hiwalay.
Jusko ateng bilas malinaw na inaantay na lang ng asawa mo na ikaw mismo ang umiwan sa kanya.

Hindi na ako magugulat  TS na after ilang months lang ang update mo is may bagong kabitch na naman si BIL.


momentum

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #50 on: November 06, 2015, 06:14:24 am »
ask ko lang velvetdreams may trabaho ba si SIL or 100% umaasa sa asawa niya?
baka kasi yun dahilan bakit hindi niya maiwan iwan..and they have kids?

sana maliwanagan na siya na at maging strong siyang tumayo sa sarili niya.
3 times na pala eh nasa kanya na talaga yung problem kasi hindi niya matanggap na hindi na magbabago si husband

Girltalker2

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #51 on: November 06, 2015, 08:07:45 am »
weird nga ni bilas sil. TS thanks for sharing. May natutunan din ako. Depends pala sa personality ng 'victim' kung need mo ba ipaalam sa kanya - as a witness o hindi.

I went through the same ordeal of being the victim of infidelity. Pero sinarili ko at never ko binandera sa madla. Only person na sinabihan ko ay si mil. Kasi hoping pa ko maayos. I told myself if ever I would go public - announcing na babaero sya or minumura sya (or ini-imagine kong with matching sampal or tadyak hehe), there will be no turning back.

Back then,  I wished I had 'witnesses' to affirm things for me, but no one dared approach me. kasi they said I appeared happy naman (after the fact - nung kinwento ko wala na kami etc) and they don't want to be the cause of a big issue. Kasi nga I don't show publicly mga sensitive issues na ganyan (kahit feeling mo araw araw kang namamatayan - no exagg pero ganyan parang everyday ka in grief and pain).   

Para sakin, kung totoong kaibigan, they would tell me. And true enough, close friend/s told me, kasi some acquaintance told them kesa iderecho sakin.

Pero naman, kung iskandalosa naman pala si bilas or yung 'victim', dapat tingnan ang track record. Kung replay lang lagi yung mambabae si mister - magawawala si wife - magtatago si mistress - everyone happy - then the cycle goes on, eh di bahala na sya sa buhay nila. Tutal it's their life naman. Titigil lang siguro iyan kung mapagod ang isa sa kanila.
« Last Edit: November 06, 2015, 08:16:36 am by Girltalker2 »

velvetdreams

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #52 on: November 07, 2015, 01:46:32 am »
ask ko lang velvetdreams may trabaho ba si SIL or 100% umaasa sa asawa niya?
baka kasi yun dahilan bakit hindi niya maiwan iwan..and they have kids?

sana maliwanagan na siya na at maging strong siyang tumayo sa sarili niya.
3 times na pala eh nasa kanya na talaga yung problem kasi hindi niya matanggap na hindi na magbabago si husband

Meron pa sya work.. nag wowork din sya sa BPO tulad ko pero along MOA sya..
pero nalaman ko din saknya na nag rerender na pala syaand til next week nalang sya dun sa company nya kaso nung nag kaalaman nga niretract nya! kaloka.. siguro kaya.. isang baby girl ang anak nila 3 yrs old..

pinklilac

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #53 on: November 07, 2015, 03:57:36 pm »
Sis Girltalker2  pareho pala tayo na piniling i handle ang sitwasyon ng may privacy.
Sa akin chosen  friends lang sinabihan ko.
Hindi ko sinabi sa family ko.kase natural magagalit sila sa ex ko then if magka ayos  man kame eh may inis na ang pamilya ko.
Dumating  na yung time na marami na ang nagtataka bat hindi na umuuwi si ex.
Ultimo  anak ko tinatanong na ng mga kalaro niya.
Don ako nag decide na eto na once sinabi ko na hiwalay na kame..wala nang bawian ..tipong pag isinuka ko na eh hindi ko na isusubo  ulit.. May respeto kase ako sa salita ko.
So ayun nalaman na nga. Lahat sila nagulat  kase nga wala man lang naging balita na may problema na kame ni ex.
 Pasintabi kung may tatamaan ha.
Major turn off sa akin yung mega press release  na hiwalay  na then  sweet sweetan ulit.

TS  may work  naman pala si bilas. At palagay ko kaya niya buhayin  sarili niya.
Bakit nagtitiis pa siya sa babaerong asawa niya

Girltalker2

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #54 on: November 07, 2015, 06:48:06 pm »

^ sana nga yung mga niloloko ng hubbies nila, think 100x muna bago gumawa ng iskandalo. Huwag yung bahala na kasi ito nararamdaman ko. Hindi lang ikaw affected, pati mga anak nyo at pamilya.

Tsaka sana have some dignity rin. Huwag mag mukhang desperate housewife na habol ng habol or bantay ng bantay sa asawa. Tapos aawayin publicly then sweet-sweet an sa FB. 😒

pinklilac

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #55 on: November 07, 2015, 06:56:21 pm »
^tama ka sis.
Naiimtindihan naman natin  sitwasyon nila dahil galing na tayo sa ganyan
Nakaka galit talaga at kulang na lang eh makapatay ng tao pero sana matuto ang mga babaeng nasa ganitong sitwasyon  na paganahin ang isip at hindi lang yung  kasalukuyan ang titingnan at puro  emosyon.
 Isa pa yang aawayin ang asawa sa social media tapos  magbabati at akala mo mga honemooners ulet.
Ewwwness!! Lol

Sana talaga  TS mauntog na yang bilas mo.

momentum

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #56 on: November 10, 2015, 06:32:53 am »
hay eskandalo kung eskandalo..scorned wife eh..hindi narin tama na ipost pa niya sa fb pero buhay naman niya yun..

I bet kabit didn't see that coming..akala niya siguro tahimik type lang sis misis  :P

sana umuwi nalang siya and wag na magparamdam kay BIL. hiwalayan na kagad niya.
tama na siguro yung paghihiganti na ginawa niya kasi pati dignity niya at self-respect sinira narin niya.
sana magising na siya na this is not the life she wants and that she sacrificed so much already for her *censored* husband..
 

velvetdreams

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #57 on: November 10, 2015, 11:50:11 pm »
sila padin naman..i think etong si hipag she is really trying to patch and work things out between them..
last update that I have is sinira, binasag and tinapon nya lahat ng pinundar na gamit ni mistress dun sa place ni BIL at husband.. like yung mga appliances and i dunno if sinira nya din yung Roshe and Jordan shoes ni BIL pero yung Ipad Air ni BIL na galing kay mistress binasag nya sa harapan ni BIL..ayon sa kay husband and puro about hate and anger ang post nya sa fb..
and ang nasasabe saken lagi ni hipag is habol daw ng habol si mistress sa asawa nya baka daw ngayon lang nakatikim ng pogi..kakaloka..  :P

anyway pinaka latest update is nag extend si hipag ng stay nya sa Brunei and she is supposed to go back today pero na move yung uwi nya.. Nov 4  til 22 sya dun..
nag exit sya sa malaysia tapos upon arrival ulit sa Brunei nag patatak sya ulit ng visa.. ehh 14 days lang ang bnibgay na chop ng immigration ng brunei kaya ayun.

inistalk nya lahat ng info infairness ngayon lang sya naging aktibo sa pag stalk pero sabi skn ni mistress nasabi na daw sknya ni hipag n matagal na daw may idea at alam ngayon daw lang nag react.. yun daw ang sinabe sknya ni hipag.
« Last Edit: November 11, 2015, 12:15:34 am by velvetdreams »

velvetdreams

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #58 on: November 11, 2015, 12:21:31 am »
I think hindi na grant yung pag retract nya ng resignation kasi nakapag extend pa sya ehh

momentum

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #59 on: November 11, 2015, 04:21:57 am »
Inistalk nya lahat ng info infairness ngayon lang sya naging aktibo sa pag stalk pero sabi skn ni mistress nasabi na daw sknya ni hipag n matagal na daw may idea at alam ngayon daw lang nag react.. yun daw ang sinabe sknya ni hipag.

May communication kyo ni mistress?? Hmmm maybe I missed something pero paano kayo naging "close"?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close