watch now

Author Topic: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help  (Read 12511 times)

velvetdreams

  • Guest
I'm sorry guys/sis/bros ... need your opinions, suggestions ..pero if meron na tayong topic related to this kind of issue/situation, pa delete nalang po thanks much x :)

so here it goes..
My husband is an OFW presently working in Brunei and kasama nya po yung kuya nya dun bale parehas sila under contract so unang taon palang nila dun is nagkaron ng mistress yung kuya nya and nag bebenefit naman talaga si kuya (my bro in law) dun kay ate mistress tapos alam naming lahat yung about sakanila except syempre kay hipag (legal wife ni kuya) kasi magagalit talaga yun kapag nalaman pero syempre ayoko naman ng ganong situation wherein buong family is kinukunsinte si kuya na makipag rel. dun kay ate mistress kasi ang bebenefit din sila in terms of money/financial so hinahayaan lang nila..wala din sila magawa..ngayong nag renew sila ng contract sinabi saken ni hubby ko na kasama na ng kuya nya si ate mistress sa staff house nila so bale nag lilive-in na sila dun.. and nag aaway na sila minsan ng kuya nya dahil kay ate mistress and ayun ang ayoko.. :(
so alam ko namang masama itong ginagawa nila since parehas sila may anak pero ano po masasabi nyo sa gantong situation? hindi ko naman pwede sabihin to kay hipag kasi ako mapag bibintangan and ayoko manghimasok kasi hindi naman ako kadugo ng mga in-laws ko..wala din naman magawa si hubby kasi sabi nya ayaw nyang masira pamilya ng kuya nya kasi kawawa daw [textspeak!] bata.

So guys any insights po? thanks..god bless

evilwoman

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #1 on: June 27, 2015, 10:28:47 am »
^first of all, drop the ate.hindi mo ate si mistress.pangalawa,hindi ba pwede humanap ng ibang matutuluyan ang asawa mo?hiwalay sa kuya nya.pag ganyan kasi ugali ng inlaws mo na komo may pakinabang e good sa kanila, ewan ko lang kung if ever asawa mo gumawa nyan, baka gawin ka ding t@ng@ like your hipag.tingin ko din naman kahit papano nagkakakutob yang sis in law mo.ebidensya na din lalapit sa kanya.sana lang in laws mo e prepared sa consequence like posible di na makita mga apo kasi part sila ng betrayal.

Girltalker2

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #2 on: June 27, 2015, 10:45:15 am »

Put yourself sa shoes ng hipag mo. Kung Ikaw ang nasa katayuan ng sil mo, gusto mo ba sabihin sayo ng husband's brother's wife about this para at least di ka mag mukhang t****?

Basta siguaduhin mo muna na bro in law mo talaga ang may kabit at hindi hubby mo. For all you know, potentially, your hubby can easily do it din since tahimik ka lang din naman, and it is their whole family (of liars) against you.

Sorry sis velvetdreams, maybe it is not really a black and white thing, pero di ko talaga ma-take being with people like your husband and his family. Worse, they are all breeding another generation of liars, philanderers and willing victims. Sad for the kids, lalaki thinking that this is all normal and OK lang maging mistress (for daughters) at ok lang maraming babae (for boys).

Sobrang nakaka bother and I believe di ka narin makatulog malamang that's why you posted here.  It is a dilemma whether to stand up for what you believe in vs baka masira ang pamilya because of you. I'm sorry di ako nakatulong. I haven't been in your shoes, pero most people I know will just not do anything about it for fear na baka madamay at gumulo buhay nila.  But I should say, I have been in your sil's shoes (ako nga lang ang unang nakaalam).

One suggestion - Ostracise your bil, kahit di mo sinabi sa sil mo, don't socialise with bil, and demand your hubby to also not be with your bil. Make it clear to hubby, once gumawa sya ng ganyan, he will never see you and your kids anymore.


« Last Edit: June 27, 2015, 10:55:11 am by Girltalker2 »

velvetdreams

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #3 on: June 30, 2015, 04:06:54 am »
^first of all, drop the ate.hindi mo ate si mistress.pangalawa,hindi ba pwede humanap ng ibang matutuluyan ang asawa mo?hiwalay sa kuya nya.pag ganyan kasi ugali ng inlaws mo na komo may pakinabang e good sa kanila, ewan ko lang kung if ever asawa mo gumawa nyan, baka gawin ka ding t@ng@ like your hipag.tingin ko din naman kahit papano nagkakakutob yang sis in law mo.ebidensya na din lalapit sa kanya.sana lang in laws mo e prepared sa consequence like posible di na makita mga apo kasi part sila ng betrayal.

Hi po sis evilwoman,

How i wish nakakakutob na si sis in law.. and ayoko naman talaga tawaging ate yun.. :(
sinabe ko na din nga yung sa husband ko..na sya nalang sana ang lumipat.. nag kasagutan na sila ng kuya nya about that.. since company staff house yung tinutuluyan nila.. sabi nya dapat daw si kuya nya at mistress ang umalis...hindi daw sya ang pinag talunan nila yun..and sa apo naku feeling ko takot silang hindi makita ang apo nila dun sa kuya nya..pero hindi ko talaga malaman kung bakit hindi nila mai-spill yung beans pero ang katuwiran nila is napagsabihan n daw nila and ayaw na nila ulit mangielam kasi may sariling buhay na daw yun..ang tagal tagal ko na nga din iniisip ito ehh kung pano ito malalaman ni hipag..

velvetdreams

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #4 on: June 30, 2015, 04:14:23 am »
Hi sis Girltalker2

Quote
It is a dilemma whether to stand up for what you believe in vs baka masira ang pamilya because of you.

yes oo.. eto nga ang nfi-feel ko.. and oo lagi ko sinasabihan ang husband ko ehh kaya napak paranoid ko din as in.. feeling ko ang clingy ko na though may tiwala naman ako sa hubby ko and lagi ko tuloy sya tnatnong kung ano na ba balita dun sakanila sa brunei..and nakaka bothered talaga..sabi ko nga sknya sana hindi ko nalang sya pinag renew ng contract and we are working this out naman na makapunta ko dun ulit and hopefully makahanap ako ng work..kasi gsto nya din is makasama ako..and oo i'm pretty sure naman na BIL ko ang may kabit and naku yung kabit nya is inadd lahat ng family members including me.. pero d naman sya inadd...and she even created a dummy account tapos inadd nya kaming lahat including si hipag kaloka talaga i really dunno lang tlaga kung nakaka kutob to si hipag... sana may "woman's instinct" naman sya..
minsan naasar ako well di minsan pero most of the time kasi family ng hubby ko bkt ganon parang patay malisya ...

donya_dyosa

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #5 on: June 30, 2015, 08:23:53 am »
Sis pag IKAW ang nagsumbong... Magugulo ang buhay ninyong lahat...
Pero kung gusto mo talagang malaman na ng hipag, magtext ka ng anonymously...
Mahirap na kasi na kung ikaw magsabi tapos si hipag pinatawad si bil mo. Mukha ka lang kontrabida,
Bili kanalang ng sim  8) remember na ibahin ang way ng pagtext, at wag sabihin kanino man na ikaw yon...

Ive done this sa mga barkada ko na magjowa na nangangaliwa ang isa, kaya nung nagkaalaman na... Advice nalang ako hehe.. Hindi ako nahotseat..

aquacharly

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #6 on: June 30, 2015, 08:51:45 am »
Maghanap ka ng paraan ma spill the beans sa SIL mo, na hindi ma trace sa yo.
Your conscience demands you do something.
Ka walang cuentang family.  mga consintidor.  Dapat may nag squeal na.

lovely_carrot

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #7 on: June 30, 2015, 09:27:17 am »
Medyo tricky yung situation kasi usually yung "messenger" ang napapahamak or nagmumukhang masama in the end. If and when the wife learned about her husband's infidelity and they eventually found out ikaw yun, it will not sit well with either of them lalo na pag nagreconcile sila. Also, there is a risk na yung magkapatid (your husband and brother in law) ang magkaproblema syempre kanino ba kakampi yung guys kundi sa mga asawa nila.

Sino sino ba nakakaalam na may mistress yung bayaw mo? If there is a way to tell the wife na hindi upfront at di magmukhang galing sa'yo by all means do it.

If I'm in your situation and I'm really close to my hipag, what I'll do is buy a prepaid sim, text the wife, inform her that I don't mean to ruin their marriage but I just feel the need let her know that her husband is having an affair. I will also be as discreet/anonymous as I can. So what she will do about the situation is up to her. I also won't tell a soul na ako ang nagsabi sa wife. Sasarilinin ko na lang yung ginawa kong pagbuko sa husband.

Or pwede din naman na wag na lang ako makialam at all. Timbangin ko muna kung ikakapahamak ko ba yung pagsasabi sa wife or hindi. Its really not my battle. Yung tipong what she doesn't know won't hurt her. Very tricky, pero assess your situation first baka naman in the end ikaw pa mapasama, wag nalang.
« Last Edit: June 30, 2015, 09:30:35 am by lovely_carrot »

lovemeagain30

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #8 on: June 30, 2015, 02:16:50 pm »
If I were in your shoes at kunsitidor si hubby pati na buong family sa pangangaliwa ng brother niya  -- ako actually ang kakabahan hindi pa si SIL.  ;D why? Kasi baka ganun din ang sitwasyon ng husband ko. nagtatakipan lang sila pareho. Hindi malayo pede yun. ganyan ang buhay OFW dito sa abroad. "I'll scratch your back, you'll scratch mine." Sorry to be blunt. Ingat ka nalang sa pamilya ng asawa mo. Sila ang numerong uno magtatakip sa asawa mo kung sakali ( wag naman sana noh).

With your SIL  tricky yan lalo na kung plain housewife yan sa Pinas at nakaasa siya financially sa BIL mo. she needs to know though. hirap nga lang kung panong way.

 

velvetdreams

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #9 on: July 03, 2015, 12:48:42 am »
Maghanap ka ng paraan ma spill the beans sa SIL mo, na hindi ma trace sa yo.
Your conscience demands you do something.
Ka walang cuentang family.  mga consintidor.  Dapat may nag squeal na.

Hi sis aquacharly,

most of the time hindi nalang din ako nakibo but yes my conscience is telling me that "hey you need to do something or else.."
medyo weird nga ehh kasi alam naman namin lahat kung ano ngyayare pero kapag sa fb naman wagas maka like at comment yung family nila hubby dun kay SIL (with their apo) ng "i love you both and miss you both"  :-X

velvetdreams

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #10 on: July 03, 2015, 02:07:52 am »
Hi sis lovely_carrot,

oo ina-assess ko talaga yung situation pero medyo matagal na tong pag a-assess ko siguro mag iisang taon at kalahati na... anyway kapag kasi may nafa-found-out si hipag ehh lahat ng screenshot fno-forward nya dun kay BIL..

velvetdreams

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #11 on: July 03, 2015, 02:35:13 am »
If I were in your shoes at kunsitidor si hubby pati na buong family sa pangangaliwa ng brother niya  -- ako actually ang kakabahan hindi pa si SIL.  ;D why? Kasi baka ganun din ang sitwasyon ng husband ko. nagtatakipan lang sila pareho. Hindi malayo pede yun. ganyan ang buhay OFW dito sa abroad. "I'll scratch your back, you'll scratch mine." Sorry to be blunt. Ingat ka nalang sa pamilya ng asawa mo. Sila ang numerong uno magtatakip sa asawa mo kung sakali ( wag naman sana noh).

With your SIL  tricky yan lalo na kung plain housewife yan sa Pinas at nakaasa siya financially sa BIL mo. she needs to know though. hirap nga lang kung panong way.

hi po sis lovemeagain30,

abroad ka dn po ba sis? napaparanoid nga ko ehh.. feeling ko nung una ganon.. parang nag tatakipan lang sila or what.. baka lang naman.. sana hindi...
at oo napaka kunsintidor nga sobra :(

Girltalker2

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #12 on: July 04, 2015, 08:24:59 am »

Or pwede din naman na wag na lang ako makialam at all. Timbangin ko muna kung ikakapahamak ko ba yung pagsasabi sa wife or hindi. Its really not my battle. Yung tipong what she doesn't know won't hurt her. Very tricky, pero assess your situation first baka naman in the end ikaw pa mapasama, wag nalang.

Hindi ba this is just joining the kunsintidor family and just being one of them, patay malisya. Hirap ka makatulog kasi your conscience definitely will bother you.

TS, so an anonymous email or text won't work?

Well snail mail perhaps? If you have a friend abroad (say US), traveling somewhere (Canada), ask that friend to send a postcard to your sil about the affair. That way, Hindi traceable.


lovemeagain30

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #13 on: July 05, 2015, 02:41:02 pm »
Yes sissy abroad po ako and Yes madaming ganyan dito! minsan maiisip mo kung paano nila nasisikmura pagtakpan ang ginagawa ng kapamilya nila. probably Filipino mentality na ayaw makialam at baka ako masisi sa huli Or ayoko makialam at baka pati ako madamay (putol aalowance) OR hayaan ko lang siya basta yung sakin wag rin siya makialam.. ay naku marami akong kakilala ganyan!  >:(

lovely_carrot

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #14 on: July 05, 2015, 06:09:23 pm »
Hindi ba this is just joining the kunsintidor family and just being one of them, patay malisya. Hirap ka makatulog kasi your conscience definitely will bother you.

TS, so an anonymous email or text won't work?

Well snail mail perhaps? If you have a friend abroad (say US), traveling somewhere (Canada), ask that friend to send a postcard to your sil about the affair. That way, Hindi traceable.

I actually gave her 2 options di ba. And my first option was for her to tell the hipag anonymously. I just don't know lang how the whole situation will affect her and her husband's relationship with the kunsitidor family kaya I gave my two opinions sa 2 choices na meron sya

huggykaye

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #15 on: July 06, 2015, 02:32:53 pm »
TS, be brave enough to spill the beans supported with evidence... kasi kung hindi, ikaw nga ang malalagay sa alanganin... pero please have the courage sis, once you're done with it, na kay hipag mo na ang next steps... i believe that you know what to do but you just don't know HOW to do it...

velvetdreams

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #16 on: July 06, 2015, 10:42:51 pm »
 :o  :o  :o
mga sissies.. may balita pala ko sainyo..sinabe saken ni hubby nung Friday kasi nag facetime kami since restday ko naman..yung MIL pala ng kuya ni hubby aypumunta dun nung Saturday night.. nag bakasyon sakanila sa Brunei at dun nagsstay skanila ngayon (sa staff house nila) kaya ayun lumayas dun si mistress and July 5-8 ang bakasyon ng mom ni hipag dun..

Msfi

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #17 on: July 07, 2015, 11:24:03 am »
^ sayang di pa nahuli

sis you really need to find a way to let your hipag find out about what's happening.  Ang hirap naman ng ganyan na wala syang alam.  What if, pero wag naman sana, na iwan na lang sya ng bayaw mo.  At least sa ngayon so she can better prepare herself. 

evilwoman

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #18 on: July 07, 2015, 05:34:17 pm »
Patulong ka kay sis CertifiedStalker. :D

velvetdreams

  • Guest
Re: mistress issue: Alam mong may mistress yung bro-in-law mo; help
« Reply #19 on: July 08, 2015, 12:02:06 am »
Yes sissy abroad po ako and Yes madaming ganyan dito! minsan maiisip mo kung paano nila nasisikmura pagtakpan ang ginagawa ng kapamilya nila. probably Filipino mentality na ayaw makialam at baka ako masisi sa huli Or ayoko makialam at baka pati ako madamay (putol aalowance) OR hayaan ko lang siya basta yung sakin wag rin siya makialam.. ay naku marami akong kakilala ganyan!  >:(

Hi sis lovemeagain30

so ibig sabihin #trending na pala talaga yan? aww ayoko ng ganun... oo sa lagay ng brother ni hubby wala ngang syang konsensya kung ganon.. at kaya nyang sikmurahin ang situation nya..
kasi syempre kumekeme sya dun sa kabit tapos pag uwi here sa pinas kay hipag naman sya.. :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close