watch now

Author Topic: CHANGE OF PLANS about the celebration you are planning because of your family  (Read 4124 times)

Msfi

  • Guest
^Sis you need to tell your Mom na hindi mo i-invite yung mga guest na yun. Be firm with it, pwede ultimatum na wag na lang ituloy ang binyagan kung i-insist nya. Syempre pang bluff lang naman. But you need to learn how to say NO talaga at maiintindihan nyang NO talaga.

Lagi kasing magiging ganyan ang scenario nyo pag may handaan kung di ka magiging firm. Syempre be ready sa tampo ng mom mo pero ganun talaga. Kaysa ikaw naman ang ganyan ka stressed out pag may event sa buhay nyo. Instead of happy prep eh parang kalbaryo sa yo.




Purple_Power

  • Guest
UPDATE!

My mom insisted again to invite the relatives that I don't want to be there, but then I told her already na WAG NA! kasi hubby ko inaayos pa invites, ang gusto namin sa amin muna ito. Ninong and Ninang lang talaga focus namin saka yung mga kaibigan na ang tagal naming hindi nakita lalo na sa side ko, after 10 years now ko pa lang sila makikita ulit. Pumayag na yung Mama ko sa ganun set up sinabihan na lang niya ako na gandahan ko na lang ang sasabihin ko sa Tatay ko kasi nga it is his direct relatives na sasabihin ko Ninong Ninang muna ang focus namin. Dineretso ko na rin ang Mama ko na magsabi muna Tatay ko kung may isasama siya para alam ko, meaning dapat ask permission kasi ang takot ko lang rito baka biglang magbitbit o insist na magpunta dapat yung uninvited or isipin na okay lang na magsama siya ng ibang tao o hindi invited. Malinaw naman kasi sa invitation ko na binigay ko rin sa kanila na may reservation seat yun at ang laki ng gawa ko sa invitation,

http://gyazo.com/26068760387647ea120f704a2b90f693

My mom told me na kung uuwi ba kami sa Sunday sa Pasay, then she insisted na lang na maghanda siya sa bahay kahit siya na gagastos kasi magdadamdam raw yung relatives na yun which is I don't like the idea too dahil para lang sa kanila need pang maghanda sa bahay. Though yung Sunday na yun kasi ang mismong araw ng bday ni baby. Sinabi na rin ng Mom ko para sa iba rin na neighbors na hindi nakapunta. Hinayaan ko na lang pero for sure gagawin lang inuman ng Tatay ko yun. Ayoko nang kontrahin Nanay ko pero I just don't like the idea na umiikot lang sa kanila ang situation kaya siya magpapahanda.


sakura30

  • Guest
^ Sis, at least you can have the celebration na gusto mo. Compromise na lang siguro with your mom yung isang celebration. At least you've already set your foot down in a way. Konting push pa siguro masasanay na mom mo to let you plan your own celebration.

My mom also insisted to have a post-wedding dinner for me kase nga konti lang guests ko. Sabi ko wala akong time at kahit sila gagastos sabi ko bigay na lang yung perang igagastos samin, mas happy pa kami. (Ang sama ko talagang anak minsan.hehe!) Ayun, di na siya nag-insist. Kahit ayoko maging rude, ang hirap kase minsan pag alam nilang understanding ka.

lovemeagain30

  • Guest
Good TS you've set your foot down. Msasanay din parents to let you decide on your own for your child. Kung maghahanda ang parents mo sa bahay ninyo na sila ang gagastos, hayaan mo na. Pero usually parents who would say "sila ang gagastos" usually ah , hindi gagastos yan. Pang pressure lang na ipilit ang gusto nila sa couple pero sa actual na, hindi na yan maglalabas ng pera. na rerealize ng iba it's going to be a waste of money unless overflowing ang source of income ng parents.

Purple_Power

  • Guest
^Sana nga ganun hindi na gagastos mom ko kaya lang knowing her para lang sa ibang tao she will do that for sure.

Ang pakiusap ko na lang talaga ay sana huwag magpainom Dad ko and I would never tolerate it sa birthday mismo ng baby ko. I mean nababastusan kasi ako sa ganun na parang ginagamit ang birthday ng anak ko para maglasing ang iba as if they are concern sa anak ko. Ayoko rin yung fact na ginagawang pulutan yung handaan na para sa anak ko. Ang Dad ko napakadalas magpainom halos araw araw na, kaya what is special about it? kay may okasyon o wala may inom. Kaya ano ba naman yung 1 day na pagbigyan kami. Yun pa man din relatives na ayaw ko yung Tito naman na yun kapag naglasing parating nagwawala.

I am sure the next thing she will say is about our Catholic Wedding. Gusto ko na ngang pahagingan na kung hindi lang rin naman kami masusunod wag na lang, kasal naman na kami. Ewan ko ba ang dali kong uminit ang ulo kapag pinapakialaman ako na parang feeling being manipulated. Sige andun na ako ganun ang parents, pero naiinis talaga ako kapag ang gusto ipilit ay yung against sa amin siempre nakakainis talaga. Baka mamaya hindi ko na maimbita yung gusto namin kasi ang gusto nila yung sa kanila at lahat ng relatives.

bagaholic_chewy

  • Guest
^ hayaan mo na yung separate pahanda ng Mama mo, sila naman gagastos e. At least sa main party ng anak mo e ikaw ang masusunod. Since di naman kayo nakatira sa parents mo, you can always leave after lunch/dinner, pag nagkakasarapan na sila sa inuman. Magdahilan ka like wala sa mood baby mo, or masama pakiramdam mo, masakit tyan or whatever. At least di mo na ma-witness kung anuman mangyari sa pagiinuman nila. Madali na "takasan" yan.

A little compromise will go a long way. At least kahit papano ma-feel din ng Mom mo na na-respect pa din ang wishes nya, without you sacrificing what you want for your baby's actual party.

Purple_Power

  • Guest
^We are already living with my parents, it just so happened lang na yung magiging event ni baby naka pabor sa place ng hubby ko. I mean near his place.

Ill try to talk to my mom mamaya about that inuman session kung pwede mawala muna sa Dad ko. kapag Dad ko naman kinausap ko magiging issue magagalit pa. Hindi ko lang ginawan ng issue noon pero kasi nung kinasal kami tapos sa reception my Dad ordered beer tapos pinabayad rin lang naman niya sa hubby ko.  :o WTH lang.

Now nga lang nag-iisip ako ng other excuses na hindi mukhang tatakas ang dating.
« Last Edit: July 23, 2015, 10:51:00 am by Purple_Power »

lovemeagain30

  • Guest
Nangyari sakin yan nung 3rd birthday ng anak ko meron set of friends etong si father ko who took advantage of it. Nagpunta sila sa bahay at gustong makipag inuman. Medyo big party yun ng anak ko. so nung nakita ko sila paakyat ng bahay with my father dala dala ang mga alak nabad trip ako. i talked to my mom to tell those people to leave. Hindi pedeng children's party ay may nag iinuman sa tabi. My mom talked to my father and those people left the place before the party started. Mas pinili nilang wag ako maimbyerna sa araw ng apo nila.  ;)

Purple_Power

  • Guest
^Sana ganyan rin ka considerate mom ko baka kapag kinausap ko pa ng maayos ngayon ang sasabihin pa niya sa akin eh ano kung mag inuman sila?  >:( Na sound na parang kinukunsinte niya eh! Though I have second thoughts na dapat maging considerate siya dahil naalala ko bigla na may kinaiinisan siyang kainuman ng Papa ko (whereas yung specific na taong yun hindi naman issue to me Nanay ko lang may ayaw sa kanya) nung minsan nainis rin siya na nakipag inuman sa loob mismo ng bahay tapos naitable pa yung maids namin. Kinabukasan pinagsabihan niya mga maids. So sana naman this time ako naman pagbigyan niya. Sana nga matiempo ko na sa Dad ko mismo sabihin at least sinabi ko ng maayos saka kapag hindi pa rin niya sinunod then at least hindi na dapat niya sasabihin na bakit hindi ko sinabi sa kanya.

Sa amin rin nakasanayan na yang inuman sa lahat halos ng okasyon. Naalala ko 7th bday ko merong isang malaking table na nag-iinuman Papa ko kasama mga barkada niya, then nung gabi it was the same thing. Siempre bata pa ako nun kaya ang dating sa akin tama lang ang ganun o normal lang, yung walang impact sa akin.

Kaya ngayon talaga gagawa ako ng way na hindi sa bahay gagawin ang okasyon kung pwede sa resto or vacation.

sakura30

  • Guest
^ Bakit nga kaya ang hilig ng mga Tatay gawing inuman kahit anong okasyon? Kahit children's party o binyag, ginagawang inuman sa atin. Ganyan mga kapitbahay namin kaya pag may okasyon kami sa resto na lang or vacation. Hilig humirit na magpainom naman, madalas na nga sila maginuman. 

Purple_Power

  • Guest
^Oo nga ang dalas ng inuman kay may okasyon o wala parang kasing sa kanila kulang kapag walang inuman sa isang okasyon eh! Insensitive na lang sila minsan na akala or feeling nila okay lang sa celebrant or magulang ng celebrant, or dahil kapamilya feeling nila parating okay lang without asking permission.

Minsan kahit naman mismong magulang ng celebrant sila mismo ginagawa rin nila yun kasi yun ang nakasanayan kay children's party pa yun. Though decision naman nila yun kaya walang masama or hindi na dapat pakialaman ng iba. May naateran na rin kami na binyag,  ;D kasama pa nga baby namin eh! nung gabi naging inuman at pulutan na.

Kami nga noon ni hubby nung hindi pa kami mag asawa nung naisip namin yang celebration for our future kid, nagtalo pa kami about dyan sa inuman then good thing mas nanaig pa rin ang request ko na wala dapat or else I will let him choose kung sino dapat ang naandun. Then now pumayag rin siya na wala talaga inuman at all.

Purple_Power

  • Guest
ALL I THOUGHT IS OK NA!  >:( But here we go again!

Nalaman lang ng Mama ko na nabawasan invites namin then she is forcing me again to invite the relative kanina lang. Kahit anong explain ko ayaw pa rin niya makinig. She wants me na sabihan ko man lang raw. EH DI NATURAL! meaning nun I am allowing that relatives to go in event whether there's invitation or wala. Words can be taken seriously siempre. Maigi pa nga Tito ko nung nag ask na ako ng confirmation sabi pa niya na gusto niya pero baka magkagulo. I assured him na wala naman makikialam kasi ako nag invite. Naisipan na naman ng Mama ko nandahil lang andun yung isang tito sa ibaba lang at ako raw magsabi. Sabi ko sa Mama ko saka na lang. Meaning nun sa ibang okasyon na lang hindi this time. Pinilit pa rin ako pero hindi ko na sinunod. Sa sobrang inis ako nagkaroon na kami ni hubby ng plan b kapag pinilit talaga, aattend na lang kami binyag then bibilin ko na lang yung baby sa maid namin then ibibilin ko rin sa hipag ko. Malapit lang ang venue sa house so kami stay sa house. I ask my hubby nga na ako na lang pero sabi ni hubby dapat kasama siya. Now sabi ko na lang Ill prepare everything pati mga bayad ko. Dahil kapag andun ang unwanted guests then TAPOS NA ANG USAPAN. Sa sobrang inis ko I texted my mom na ayaw ko muna invite kasi gusto ko unahin yung bihira makita. Wala naman reply pero kung matatalo talaga ako sa usapan na ito then again ibibilin ko na lang lahat ng plans ko sa hosts na pamangkin ko at sa iba pang mga napakiusapan ko na take charge na lang nila event. We will not attend anymore. Iniwas ko nga sa bahay namin para walang lasenggo eh!

Msfi

  • Guest
^make sure to talk to the restaurant at ibilin mo na walang extra orders. Be strict with it, sabihin mo di mo babayaran ang mga orders na hindi mo alam.

Purple_Power

  • Guest
^It's catering so usually may buffer yun. Though malinaw na sa mom ko na hindi ko muna maiimbita yung relative na yun. So many issues about them.

Pero kung resto nga lang yan baka ganyan nga ang gagawin ko.

Pinaka nakakastress talaga yung pinipilit ako sa invites.

Purple_Power

  • Guest
Update!

The event went well last weekend. Natupad naman yung gusto ko na wala dapat yung so called relatives na yun. There were other people asking kung bakit hindi sila invited, my mom just told them na hindi daw niya alam sa akin kung bakit. My bro asked my mom too kung bakit hindi invited yung cousin na yun, my mom told him na nakakainis naman kasi yung cousin na yun saka kahit naman mom ko raw kinakalaban ng pailalim at alam ng mom ko yun, my bro just said na Oo nga eh! or he is agree on it. Kala ko my Mom would still push me na dapat ininvite ko sila kahit anong mangyari but seems that she understands now. On the personal story she even told me yesterday na kung dati every birthday nila nagbibigay siya ng 1000 pesos now she won't do that anymore after all na nangyari kasi nawalan na siya ng gana sa kanila. Good thing na natauhan na Mom ko about them. In fact biologically speaking hindi naman namin talaga sila kaano ano, yung tito ampon lang nung Lola ng Papa ko, then ginagamit lang rin nila ang surname namin, tapos partida hindi naman kasal yung tito at yung Nanay ng cousin ko na patay na. In reality noon pa namin alam na sampid o bastardo lang sila. At dahil mahirap sila my family and relatives were helping them sa lahat kahit sa education ng cousins ko sa Catholic school, hanep diba? Paano kasi yung Nanay nila ayaw pag aralin mga anak sa public school. Nung nasunugan sila tinulungan rin namin sila. But here you go sobra silang nag cross ng line sa amin, kaya what is the sense of inviting them?

I am expecting my dad will ask me pero seems that nakakaramdam na siya, but I am sure uungkatin niya sa akin ito at I am sure na nainis siya sa decision ko. Expected naman na marami siyang comments sa event ng baby ko lalo na hindi niya ako kontrolado o wala siyang involvement sa event. Although ang pinakakinagugulat ko he asked raw kung NASAAN ANG BAGYO?  :o We all prayed here na huwag mangyari yun then ito palang Dad ko wants that to happen? tsk tsk nega talaga saka clear na sa akin na he doesn't want me to succeed sa plans ko.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close