watch now

Author Topic: ABS-CBN: PBB 737  (Read 25328 times)

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #180 on: September 30, 2015, 10:32:15 am »
Ako din sis feeling ko totoo kasi ang hirap magpanggap pag nasa loob kasi daming camera..
Kinikilig din ako sa tomiho grabe..dati hindi ako masyado nanonood ng pbb pero ngayon inaabangan ko talaga..

Iba daw talaga pag nasa loob, kayo kayo lang dun walang ibang tao kaya nagkakadevelopan talaga sila.. parang si bianca gonzales before diba, bf niya si cayetano that time pero parang nagkadevelopan sila ni zanjoe sa loob ng bahay..


Msfi

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #181 on: September 30, 2015, 12:59:42 pm »
^yup napanuod ko yung konting episode nung kay bianca

bago lang ako nanunuod ng pbb this edition naaaliw din ako dun sa dalawa

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #182 on: September 30, 2015, 01:33:14 pm »
Ngayon ko lang napanood yung ngyari last night.. hindi ko kasi napanood kagabi.. nakita ko now sa fb yung video ni tommy na nagsswimming.. grabe mga sis.. nakakakilig.. naiyak din ako.. haha

Nahohook na talaga ko sa tomiho.. sobraNg kilig sila.. goodvibes lang..
Ang haba ng hair ni miho.. and si tommy sobrang lakas ng hatak sa tao.. marami na nanonood ng pbb dahil sa kanya.. pati mga tita ko na may mga edad na eh kinikilig din sa kanila..

Tanong ko lang ano ba work ni miho sa japan?

Mlabable

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #183 on: October 01, 2015, 02:52:29 am »
^Customer service ata tawag sa Japan pero parang entertainer. Open naman buhay niya sa ibang housemates. Nakwento na rin niya nung mga naunang weeks kung ano ginagawa niya sa trabaho. Pero sabi recently nabasa ko sa PEX, pinalabas sa LS tinatnong siya ni Franco kung ano work niya sagot niya agogo dancer. Dun ako mas humanga sa kanya kasi di siya nagpapanggap. Sabi niya pa lagi siya umiinom sa trabaho niya kasi di daw niya kaya makipagtable sa customer ng di nakainom. Makikita naman din sa Instagram niya (hinanap ko talaga, hehe) yung work niya dun. Parang yung ibang fans ng housemates sinisiraan siya sa Twitter, nilabas lahat ng pics niya as entertainer.

quennna

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #184 on: October 05, 2015, 09:47:50 am »
ang ganda ng episode kagabi..
ginaya ni bailey si tommy sa pool.. ang kulet
nagbago tingin ko kay zeus.. dati di ko sya feel.. parang CB lang ang dating
but now after watching his story, nakaantig ng puso..
tama di sya tapos ng HS, nag sacrifice sya para makatulong sa family nya thru dancing..

karla estrada daw papasok... kaka excite pbb now hehe

cheloucustodio

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #185 on: October 05, 2015, 12:34:08 pm »
nakakaadik panoorin to lahat ng episode ng PBB simula palang sinusubaybayan ko talaga. when kaya papasok si Karla Estrada?

Mlabable

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #186 on: October 06, 2015, 12:06:08 am »
Si Karla Estrada aka "Queen Mother" ang CHG pero I think 3 days lang siya sabi niya sa livestream. Grabe nawindang ang housemates sa pagpasok niya sa bahay. Napanood ko sa livestream, halos pinaglinis sila ng buong bahay. Sabi pa niya sa girls linisin ang girl's room kasi parang basurahan dun pa naman siya matutulog. Haha. Pero feeling ko sinabihan na yan ng management na magtaray sa housemates. Sabi niya pa marunong siya magbasa ng tao alam niya kung sino masipag at tatamad tamad. Tingnan natin kung may mag step-up na parang pang big winner moment.

BB Zeus sana muna. Madami pa siyang pwedeng ganap sa bahay.

mysterioza_me

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #187 on: October 09, 2015, 07:10:51 am »
Di ko alam if bakit naiinis ako sa Tomiho.

Si Miho napaka-inconsistent. Nag-iingat na daw siya sa love kasi nga nagkamali at nasaktan na siya dati pero hindi ko naman nakikita na nire-resist niya si Tommy or pinahihirapan man lang ng konti. Sa mga actions nila kulang na lang formal na usapan na sila na. Hinahayaan niya na hina-hug at kini-kiss siya ni Tommy, di na need ni Tommy mag-effort ng husto kasi super obvious na gusto siya ni Miho.

Si Tommy naman (kung tama ang dinig ko) nagsabi kay Queen Mother na hindi siya sure sa feelings niya since nasa loob nga sila ng house. Then sinabihan siya ni Queen Mother na mag-lie low muna sa lovelife sa loob pero di naman niya sinunod ang payo.

Pati mga teens luma-lovelife na din.

Mlabable

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #188 on: October 10, 2015, 07:37:03 am »
Feeling ko naman si Miho go with the flow. Pero tingin ko guarded pa rin naman ang feelings niya at di pa ganun kalalim. Kay Tommy talaga ako naguguluhan. Yesterday morning sa livestream napanood ko na may sinasabi siya kay Dawn. May kinukwento siya about a certain girl which is definitely not Miho. Describing the very beautiful and she's an angel. Ok lang yun syempre malay natin humahanga lang. Pero may sinabi pa siya na if ever magkita (not the exact words) to kick things off? Masyado na tuloy nafocus sa LT nila.

Pero part pa rin si Miho ng Big 4 ko. Pero I'm definitely voting for Dawn talaga na mapasama sa Big 4. Wag sana siyang manominate since delikado siya kasi maraming haters. Di pa rin nakalimutan ng tao yung issue with James. Si Dawn kita mo yung gusto niyang manalo sa mga weekly tasks, kaya si BB sa kanya din binibigay pagiging task leader. At ginagamit din niya ang utak yung tungkol sa kanila ni Zeus, alam niya kung ano limitations niya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #189 on: October 10, 2015, 11:13:30 am »
Di ko kasi nakikita na guarded si Miho unlike Dawn na kahit papaano umiiwas kay Zeus. Kung titingnan kasi ang actions nila miho and tommy, MU status na sila. Formal na usapan na lang ang kulang. Kung guarded si miho as much as possible iiwas siya sa relationship na may Malabong Usapan kasi baka maiwan siya sa ere ng walang kalaban-laban at ma-hurt na naman siya.

Msfi

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #190 on: October 11, 2015, 12:57:08 pm »
I still want Miho and Tommy sa Big 4, hindi sila nag uusap ng masama tungkol sa ibang housemates unlike Roger, Dawn and Richard. Nakakapagtaka nga na di pa na FE yung isa sa tatlo na yan, kasi nag uusap tungkol sa nomination.  If only may ibang choice, sige na pang 3rd si Zeus. Sa pang 4th mukhang either Dawn or Roger, although prefer ko sana si Richard sa big 4 but it looks like sya maaalis dun sa tatlo with the revival of vote to Evict.

cutemama

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #191 on: October 12, 2015, 09:24:10 am »
Ako rin I like tomiho kasi never sila nagsalita ng negative against other housemates.. unlike dawn and roger pagnakatalikod kung ano ano na sinasabi... di lang kasi pinapakita sa primetime yung mga sinasabi nila roger and dawn sa ibang housemates..

Miho naman I think gusto niya na rin talaga si tommy kasi sino ba namang hindi maiinlove kay tommy, super gwapo, mabait and super sweet.. tska 24/7 sila magkasama sa loob ng bahay kaya may chance talaga na magkadevelopan pero kahit super like niya si tommy, nagpipigil pa rin siya kaai nga hindi siya sure kung totoo ba talaga si tommy.. takot na siyang masaktan...lets see na lang pag lumabas sila if ipursue pa rin ni tommy si miho..

Mlabable

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #192 on: October 13, 2015, 01:00:28 am »
Nasabi kong guarded si Miho kasi before pa nasabi na niya kay Mikee na di siya naniniwala kay Tommy. Kasi model nga daw di siya sure baka nasabihan lang si Tommy before pa siya pumasok, yung parang pa-showbiz ba. Sa online lang to pinalabas hindi sa PT.

Tama naman si Dawn sa mga sinasabi niya kay Miho. Na mag-focus siya kung ano ba yung goal niya kung bat siya pumasok sa PBB which is yung anak niya. Nakakamiss pa rin yung old Miho na mali-mali na nakakatuwa. Past few days kasi nakafocus sa LT nila ni Tommy. Yung naninira daw si Dawn and Roger yung iba gawa-gawa lang sa Twitter. Magkaibigan si Dawn and Miho makikita naman sa LS na close sila.

Last weekend, di ba pinalabas sa PT na sabi ni Miho di siya naniniwala kay Tommy kaya feeling ko maingat pa rin siya sa nararamdaman niya. Tama naman si Miho di kailangan madaliin. Kung mahal ni Tommy si Miho patunayan niya sa labas ng bahay, mahirap kasi sa loob kayo kayo lang magkasama. Mahirap pinagdaanan ni Miho 16 years old palang nabuntis at iniwan. Sa trabaho niya rin being entertainer alam na niya galawan ng mga lalaki.

Ang sabi ni Robi sa online, hindi pwede i-FE si Dawn, Roger, Richard kasi hindi sila ang nagnominate kundi ang mga teens at si Karla.

Tanggap naman ni Richard at Dawn na baka di sila mapasama sa Big 4. Alam nila kung gano kalakas ang Tomiho. Pero sana mapasama pa rin si Dawn sa Big 4, she deserves it. Natatabunan lang ng mga haters. BW ko pa rin si Miho.

quennna

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #193 on: October 16, 2015, 12:57:07 pm »
ang ganda ng epi kahapon.. naiiyak ako sa miho-aimee epi..
ang mature mag salita ng bata... good luck, miho...

mysterioza_me

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #194 on: October 16, 2015, 04:56:07 pm »
Gusto ko masama si Dawn sa big 4. Siya ang big winner for me, she knows the game and she's playing well. Sa kanilang lahat kahit, may attitude problem pa siya, si dawn ang deserving na maging BW  for me. Pero sa pagpasok ni Aimee naging malaki ang chance ni Miho na maging BW. Sila siguro ni Roger ang maglalaban sa pagiging BW.

Mlabable

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #195 on: October 17, 2015, 01:06:21 am »
Di pa kasi nasusubukan voting power ni Roger. So pa natin alam kung ganno siya kalakas sa labas. Si Dawn deserving talaga, kaya lang yung pagiging outspoken/straightforward niya namisinterpret ng mga fans ng ibang housemates. Parang target nga siya ng BBE ngayon, wag naman sana. Gusto ko siya mapasama sa Big 4. Basta Miho and Dawn bahala na sa 2 slots kung sino. Eto e kung di pag-iisahin ang Big 4 ng teens at regular.

geekgurl

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #196 on: October 24, 2015, 01:00:02 am »

Buti naman nagsorry si Tommy kay Dawn. Pero naturn off ako sa kanya kasi why does he have to do that? eh puro housemates naman nagvote. Everyone in the house is deserving to be in the big four pero dapat sport lang siya kasi fair naman yung pagboto.

Para saan ba ang debate? para siraan si dawn.
I'm pretty sure nakabase yung vote ng housemates dahil marunong makisama si dawn at sa leadership skills niya. Super focus din siya sa task. Hindi puro lovelife. Eh si tommy puro pacute at loveteam kay miho. Fine cute sila minsan tignan pero according to roger medyo matigas ulo ni tommy.

Mlabable

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #197 on: October 24, 2015, 01:19:57 am »
Woohoo! Mukhang Si Dawn at Miho ang last standing! Sabi sa PEX si Dawn daw nakakuha sa Big Jump. Sana nga.. She badly needs that.. Si Miho kayang kaya yan sa votes kahit BW pa. Ok na sa akin mapasama si Dawn sa Big 4 kahit pa 4th placer pa yan.

geekgurl

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #198 on: October 24, 2015, 10:09:04 am »
ang sexy nila dawn at miho. Si miho parang hindi nanganak.

mysterioza_me

  • Guest
Re: ABS-CBN: PBB 737
« Reply #199 on: October 25, 2015, 12:32:29 am »
Si Dawn nga ang last man standing, happy ako na may sure spot na siya sa Big 4. I admire her na pumayag siya na ituloy ang challenge despite the fact na dapat natalo na niya na agad si Miho. Kung ako yun siguro i would have said na wag na tuloy.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close