Hello mga sis! Ngayon lang ulit makakapagpost.. Medyo mahirap magreply sa mobile hehe..
Checkup ko pala yesterday @ 36w5d. Nagpa-Urinalysis ako at in-IE ako ni OB. Wala na daw mucus plug ko at 1cm dilated na ako

Inaalala ni OB baka mapaanak ako this week, ayaw nya 37 weeks kasi minsan daw 36 weeks lang ang baby - premature pa. Kaya for good measure, target namin umabot man lang ako at least 38 weeks. So strict bedrest ako for one week, tigil muna sa work..tas pwede na patagtag ulit by 38weeks. May UTI ako at di na sana nya ako resetahan meds kaso open na nga cervix ko so i'm taking cefuroxime 2x a day. Although may mga cases na umaabot ng weeks 1cm pa din sila, e andun pa din possibility na matagtag lang ako onti e magtuloy na into labor. Please pray for us mga sissies! Sana umabot kame ni baby ng July.
Dapat work pa ko til end of June kaso napaaga na nga leave ko

Gusto ko pa nga bumalik sa work after a week kahit 2 days man lang kaso ayaw na ni bf at MIL, sobrang tigas daw ng ulo ko baka sa Makati ako abutan e Laguna pa hospital ko.
Share ko lang, sabi ni OB automatic sugod agad sa hospital kapag nagleak na waterbag or dami dugo parang nireregla na. Kala ko rin nagleleak na waterbag ko dahil may onting watery discharge ako - pero hindi daw. Ang waterbag daw pag pumutok may pressure na nagcause ng pagputok, tas aagos talaga.
Yung natalac p9.15 sa mercury drug. Tinanong ko si OB bakit once a day lang - e kasi sayang lang daw dahil di pa naman naglalactate talaga ang moms before childbirth, after na lang nun taasan daw nya frequency.
Ako rin mga sis di ko na madifferentiate movements ni baby sa contractions. Nasanay na kasi ako iignore yung BH ever since. Basta pinapatime na din sakin ni OB at pag napadalas na daw at masakit na eh labor na nga yun.
Di ko pa nakikita pempem ko pero naging matambok sya haha. Gusto ko ishave kaso takot naman ako masugatan dahil di ako marunong.
Question mga sis bakit bawal betadine fem wash? Yun pa naman napack ko sa hospital bag ko..tia!
Hay ang lakas pa naman ng loob ko na di ako maselan, tas biglang ganito. Kinakabahan ako mga sissies. Mga 30+ weeks extra ingat na din po kayo. Kahit walang nararamdaman eh di pa din tayo nakasisiguro. Safe and healthy pregnancy to us all!
Sis @o9kristin ikaw ba yung na-CS na sa fb? Congrats!

naka-sched ka ba talaga for BPS? Nag-utz kasi ako last week lang, normal naman AF, tas hindi na daw ako iu-UTZ ulit ni OB..deretso panganak na..