Author Topic: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?  (Read 28263 times)

rics

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #160 on: October 11, 2015, 11:31:46 am »
^yan din sabi ko sa kanya na kawawa sila when I get sick.
Nangyari na before, ang gulo ng bahay sobra . puro pizza yata kinain ng anak namin. Na-aawa din naman ako if hindi ako nakapagluto, kasi ang tamad naman niya lumabas, lalo na during winter. so he eats boiled/prito eggs and rice -  yan lang alam nya lutuin or noodles.

At times during weekends, we just buy sa Pinoy store cooked food which I put sa freezer, that way atleast there is food if Im really tired from work. I dont eat dinner naman, sila lang 2. Or naawa din naman siya sa akin so we eat out or buy takeout for dinner.

Right now I am waiting for the laundry to finish while I do GT.
Sabi ko sa kanya tulungan ako magtupi. He playing ps4 right now with the kiddo.
And because we had an argument this pm, he didnt go out to play basketball.

Sabi nya nagwawalis-walis din naman daw siya sa bahay minsan, eh I said, sino ba nasa bahay  most of the time. Kanino ba kalat yan? Pag talagang badtrip na ako, I would ask him to mop or vaccum saka pa lang nya gagawin.

One more thing, yung closet side nya, ang gulo. I fix it every week. Told him one time I will just put all his newly washed clothes in a bin para hindi na ako magtupi and doon na lang siya kukuha.

Infairness naman he works a lot and earn good money. Pero lagi na lang work, work and more office work. So ako na lang toka with most of the housework, eh stressful din naman ang office job ko.

This coming winter, he said he'll buy a snow blower para hindi na daw siya manual mag pala ng yelo.
He even mentioned one time kuha kami live-out maid para hindi daw ako masyado ma-stress :P
 


lovemeagain30

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #161 on: October 11, 2015, 02:34:31 pm »
While reading your comments I can already imagined your stress!nyahaha.  ;D

Susmio may ganito pa palang asawa in this generation.  Ako nga tinutulungan na ni hubby sa gawaing bahay pero kakaiba ang level ng pagod ko parin! No yaya. No househelp at all. No cook. Full time working mom and wife here. There are days when I feel good doing the stuff's but there are times I feel extremely tired. Toddler kasi si bunso so you can imagine her energy.hahaha. Ang nakakawala ng pagod eh when my children will kiss me at my husband will hug me at night. Yun nga lang paglapat ng likod ko sa higaan, plangak nako!


tinybubbles7

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #162 on: October 11, 2015, 02:42:12 pm »
Bakit ba ganon pag SAHM ka parang akala nila hindi mo kelangan ng tulong sa ginagawa? Akala ba nila di nakakapagod yon? Pag sinabing SAHM ka parang maliit ang tingin sayo pero aminin natin yung iba sa atin o sa kilala natin sa working mom eh may mga nanay na SAHM din dati  .Imagine kung sa mga nanay nila ganon ang tingin na porki nasa bahay lang wala karapatan mapagod,bawal mag complain pag naiinis ka na. Kahit nag work ka.obligasyon pa rin tulungan ang mga asawa sa bahay esp.kung wala aasahan na helper,buti pa ang mga nag office may SL/VL pero ang all around mom wala.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #163 on: October 11, 2015, 04:53:21 pm »
^^ truth. kasi ako during weekends, kapag wala ang mister ko and i do all the stuff at home plus taking care of kid/s -- nakakaramdam ako ng kakaibang pagod na hindi ko maipaliwanag!hahaha.  parang hindi ko matapos yung gawaing bahay kasi nag aalaga at nagpapakain pako ng anak.. gusto ko nga minsan sabayan ng tulog si bunso kaso maiisip ko kailangan ko pa pala magluto,,, by the time tapos nako magluto, gising na ang baby at kakain naman siya! then maghuhugas pako ng pinaglutuan habang pinapapakain siya tapos maghuhugas din ako ng pinagkainan pagkatapos. Lilinisan ko pa yung baby after every meal. Pasusuhin at patutulugin ulit. Maiisip ko pa may mga damit akong tutupiin at papalantsahin! Ganyan buhay ko kahapon kasi buong araw nasa labas si hubby for errands. Pagdating niya sa bahay pagod na pagod ako, nilafang ko ang isang gallon ng ice cream! muntik ko ng maubos habang nagkukwentuhan kami over dinner kung anong nangyari sa araw namin.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #164 on: October 13, 2015, 10:44:47 am »
I feel very luck din tulong kami lagi ni husband sa lahat.. Hindi ko na rin sya kailangan utusan. Hindi rin sya mautos.

donya_dyosa

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #165 on: October 13, 2015, 12:28:26 pm »
Sooobbrraa... Ang tamad at kailangan pa utusan...
Kaso naman free massage naman ako every night tapos sa sexy time siya in charge hehe...
Kaya ok narin.. Miss ko na siya.. :(

caterpillar-girl

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #166 on: October 13, 2015, 01:09:00 pm »
Between the two of us, ako yung mas maasikasuhin. We both go to the office, and we have no househelp. My husband cooks and he also cleans the house. Ako tiga wash ng dishes, tidy up. I can cook very basic things like tinola, adobo, pasta. But wala talaga akong hilig. So when he gets sick usually we just have food delivered.

Now that we're having a child, I want our child to see that a marriage is a partnership. So I will try to be more adept around the house na rin.  If our child is a boy, sana makuha nya yung abilidad ng daddy nya, and that kapag nagka asawa sya, sana tratuhin nya asawa nya na prinsesa. If girl, I want her to learn that women are not simply utusan sa bahay.
« Last Edit: October 13, 2015, 01:11:38 pm by caterpillar-girl »

yannuh

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #167 on: October 14, 2015, 07:21:11 am »
thank God hindi ganito si hubby. may sariling kusa and masipag din sa bahay. OC din (mas OC nga lang ako haha). Wala kaming formal na usapan pero kapag ako magluluto ng food, automatic sya na maghuhugas ng dishes. or sya maglalaba pag naglilinis ako house. maayos sa gamit and malinis sa house:)

RoadrunnerXCX

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #168 on: October 14, 2015, 10:41:20 am »
hubby was fully trained with household chores while growing up. forte nya maglaba at magplantsa. mas magaling pa sya kesa sa akin sa ganyang gawain sa bahay. he can manage to change diapers and  wash lampin with poopoo of our baby when diapers were so expensive then. he makes an ideal houseband  :D

googoo

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #169 on: November 23, 2015, 04:46:26 pm »
Next time, sagutin mo din. Ah ganun?! Buti sana kung di kakarampot kinikita nya, puede ka magluto at sya lang magtrabaho.

Next time pag ganyan umasta, huwag mo na ipagluto. If ok lang sayo, just drop everything and go out nalang for a meal for yourself and the rest of the family. Hayaan mo sya magutom after manood ng TV. Bukod sa tamad, tama ka, gusto pang mag hari harian.

Naku sis you might offend some of the wives who stay at home  :o  Very bad hubby. 

iam_me

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #170 on: November 23, 2015, 05:02:32 pm »
hindi naman , mas gusto ko lang talaga syang asikasuhin  :)

Girltalker2

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #171 on: November 24, 2015, 12:20:18 am »
Naku sis you might offend some of the wives who stay at home  :o  Very bad hubby.

Sorry did not mean to. What is offensive in that statement?

Point ko dyan eh dapat matuto lumugar ang mga hubbies na mayayabang but still feels like a king at di na-appreciate ang efforts ng wife nila - regardless if working or SAHM.

May mga lalaki kasi na ubod ng yabang, insensitive. Ni di nya afford mag maid, tapos kung umasta, para syang may personal assistant (the working/breadwinner na wife).

I'm not saying if the hubby is rich, may right sya mag maltrato. But what I'm saying is dapat matuto din ang babae not to accept a situation whereby the guy would literally make her his personal slave.
« Last Edit: November 24, 2015, 12:22:27 am by Girltalker2 »

FayeP

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #172 on: December 02, 2015, 12:56:23 am »
-actually ako ang mas asikasuhin..di dahil sa nagpapaasikaso ako sa kanya, but ako kasi un working tapos stay at home siya, so pagdating ko sa morning, he would fix me coffee, prepare breakfast for me, then ililigpit nya un bag at shoes ko...ang toka ko naman is magpaligo at maghatid sa panganay namin na daycare na...but sometimes pag nakikita nyang pagod ako, siya na magpapaligo at maghahatid sa bata at ang aasikasuhin ko na lang is un bunso namin na 7months na..

siya kasi ang taga laba, luto at hugas sa house, toka ko maglinis, which I get to do only during weekends...siya din alaga ng mga bata lalo na sa gabi, pero pag nasa house na ko ako na...

pag bago ako matulog, hihilutin nya mga binti ko or back ko, tapos ihahanda nya un isusuot ko pagpasok, tapos hahandaan nya din ako ng baon ko since siya nga nagluluto...

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #173 on: December 02, 2015, 03:43:43 am »
^Ganyan din dad ko sa mom ko, though may work din ang dad ko nun. Siguro nagkataon lang na mas maraming free time si daddy since hawak niya ang oras niya sa work compared kay mommy. I remember si dad ko pa magpe-prepare ng breakfast and pamligo namin sa umaga. Tapos pag-uwi niya sa hapon siya pa magluluto ng dinner kahit may maid. Mas busy pa si mommy sa work kesa kay dad

ivy u.

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #174 on: December 02, 2015, 07:59:20 am »
^hindi naman, minsan mas ako ang inaasikaso niya. minsan sha narin gumagawa ng gawaing bahay kapag sinipag.  :)

googoo

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #175 on: December 18, 2015, 08:09:04 pm »
Sorry did not mean to. What is offensive in that statement?


May mga sensitive na SAHM  :)  Sa bagay if hubby and wife are both working, kung kaya naman to get a maid or in the case of those working abroad, stay out na maid, better to get help nalang para wala ng issue.  It's hard naman talaga to work and then to have to do everything pa pag uwi.

moiselle.sarrate

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #176 on: April 06, 2017, 06:51:17 pm »
I'm getting married next year and as I read your stories nasstress ako. Nakakatakot mag asawa?
Haha. Ganyan din kasi katamad at mahilig sa pag games yung fiance ko. Pero pag naman halimbawa inutusan ko sya, gagawin naman nya. We talked about the "Pagkukusa" thing, pero sabi nya nung una pa lang, ganun daw sya talaga. Better na utusan ko raw sya para makatulong sya para di daw ako mahirapan. He prefers to be ordered to do things, instead of waiting for him to guess what you want him to do.

Communication siguro ang kailangan? Take chore assignments? Check on each other's chores? Ewan hehe. Good luck to me HAHA.

Pero hindi ako papayag na kaysa mapaglagyan ng cabinet ng damit o gamit namin e paglalagyan ng toys nya. Di uubra sakin yun.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #177 on: April 07, 2017, 12:54:40 am »
2 years ago pa post ko, mag 7 years na kami this coming June. Same pa din, pagkain pa din. To be specific paghihimay ng ISDA.  ;D Eh yung anak ko, pinapakain ko din ng isda, so can you imagine? Anong oras pa ako makakakin? Hindi naman lahat ng isda boneless.  :P

The Lioness

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #178 on: April 07, 2017, 02:00:11 am »
nakakaloka talaga pag tamad ang lalaki. i live with my husband and my brother sa bahay. we have a 2-year old son and his yaya. also, im almost 6 months pregnant.

hindi magkasundo ang kapatid ko at hubby ko. (hubby gambles and brother hates it). hubby is tamad. where he has his coffee, he leaves his coffee mug. never sya naglaba ng mga damit ng anak ko or ng beddings namin. never sya naglinis ng banyo. 5 years together, mga 4 times lang sya naghugas ng dishes. if you need him to do something, you will have to tell him. but i can only ask him to cook, the rest he doesnt do. sobrang nakakagigil talaga. he tells me how tamad my brother is, and my brother would tell me how tamad my hubby is.

my brother, when at home, only eats and sleeps and never bother about anything. so i guess mas tamad brother ko.

i do the rest of the tidying uo. if hindi ako kikilos, sobrang dumi ng bahay namin. nakakaloka ang ganitong buhay.

yannuh

  • Guest
Re: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« Reply #179 on: April 07, 2017, 06:27:36 am »
hubby is not maasikasuhin. masipag sya and gusto nya talaga naglalaba. understood na din na kapag ako nagluto ng food, sya maghuhugas, hindi mo na kailangang utusan. though may mga maliliit na bagay na naiimbyerna pa din ako sa kanya like these- nagugulo lagi ang sofa, gusto ko maayos ang mga throw pillow pero nagagalit sya kasi humihiga daw sya dun and pag wala na lang daw nakaupo saka ayusin. pati center table laging tabingi din. yung floor mat sa shower, laging ang gulo gusto ko ayos sya every after maligo. yung tubig sa mga tumbler hindi nirerefillan. AS IN NEVER ata. imbes mairita ako na lang magpupuno. and also lahat ng gamit including phone charger, pakalat kalat sa loob ng bahay. simple things lang naman na minsan kahit punung puno na ako, aayusin ko nalang para di kami mag-away. masipag naman sya in totality so dedma na haha.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close