Author Topic: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?  (Read 28277 times)

Girltalker2

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #80 on: July 13, 2015, 10:41:04 pm »
May tanong ako what if housewife ka si hubby lang nag wowork ibig ba sabihin nun si wife lang ang gagawa ng lahat sa bahay?

Di ba ganun before, husband lang nag work at yung wife in charge sa house?

So I guess kung ayaw natin maging alipin, maraming paraan:

- make sure we are capable of earning our own living to afford a maid, so we can focus more on quality time with family and on ourselves

- if both of you can't afford to hire help, make sure your hubby equal ang contribution nyo sa house at di lang isa ang alipin. Ano sya pinakasalan ka para may free caretaker?

« Last Edit: July 14, 2015, 08:19:24 am by Girltalker2 »

prettydefined

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #81 on: July 13, 2015, 11:35:01 pm »
Naaasar ako sa asawa ko, para kasing masyadong asikasuhin pag nasa bahay. Alam ko naman na bilang asawa niya karapatan at tungkulin ko yun pero nakakapagod na laging ganon kulang na lang subuan mo ng Pagkain.

- Sa umaga napakahirap gisingin, laging babalik balikan sa higaan sa tagal bumangon. Ang gripo sa banyo hindi inaalis sa Shower mode kaya lagi nababasa yung susunod na gagamit ng banyo. May penalty na nga na 100pesos pero mukhang ok lang sa kanya eh.

- Tuwing gagamit ng CR, di malinis gumamit, wala naman na kami katulong para mag maintain ng kalinisan kaya ako yun lagi pagod.

- Sabi ko huli na siya magsuot ng medyas kasi nag iikot pa sa bahay naka medyas agad, ang hirap maglaba, parang bingi walang naririnig.

- Umuupa lang kami ng 2br condo, maliit lang. Ang dami niyang laruan. Ang di ko gusto wala na ko space paglagyan ng cabinet para sa damit. Kaya yung damit namin siksikan na, di ako makabili lalagyan ng damit. Pero yung laruan niya may lalagyan, may panahon at oras,meron budget. Pati sa Sala may damit kami dahil sa laruan niya na inukupahan yung pang 2 kwarto na pwede pa sana lagyan ng ibang importante.

- Yung gripo sa lababo ng banyo laging sira, di man lang magkusang ipagawa. Ako pa na babae yung inaasahan na hahanap ng gagawa. 3 taon ng dumadaan hanggang ngayon sira pa din. Pero pag sa laruan niya laging may oras yan.

- Pag wala siyang pasok, maghapon sa bahay di mabitawan ang cellphone kakalaro. Kundi laro, ka-group chat tungkol sa laruan. Kesa nga naman mambabae laruan na lang pero dapat nilalagay din sa lugar. Mas madami pa oras nabibigay sa laruan, games at facebook eh. Pagkagaling sa trabaho weekdays yan din ang pinapagpuyatan niya kaya di magising agad sa umaga.

- Pag kakain kami di man lang ako kusang tulungan maghain pag weekends, nakahiga lang nag games at fb ulit. Uutusan mo pa bago kumilos. Pag ligpitan naman di rin magkusa tumulong magpunas man lang sa mesa at magwalis. Problema din sa taong to pag inutusan di ginagawa ng maayos. May paraan siya ng paggawa pero mali. Lalo lang nagkakalat. Akala mo lumaking may yaya eh wala naman. Syempre gaya niya, ako din gusto ko magpahinga bilang all around sa bahay at sa 4 yr old daughter namin na mag aaral na sa July. Mas madali sana yung trabaho kung di na siya dumadagdag sa inaasikaso ko kasi malaki na siya. Madalas ako nagkakasakit simula nung nag all around ako mula ng umalis na helper namin, na emergency pa nga ako kasi sumakit appendix ko after maglinis ng banyo, madalas nahihilo ako pag napagod,sumasakit ang mata ko. Paano ka naman kukuha ng katulong, walang matulogan sa dami ng laruan niya sa 2nd bedroom di na mapakinabangan ng iba yung kwarto. Ako yun lagi nagtitiis.

- Minsan dadating sa gabi, pagkakain, 1 plato at kutsara di pa hugasan,itatambak pa eh kita ng nakaligpit na ako. Pati mesa di man lang punasan kahit kitchen towel gamitin na lang kung talagang tinatamad.

- Pati pag carwash ng sasakyan niya ipapaalala ko pa.

- pag nag grocery kami di man lang ako tulungan maglipat galing pushcart papuntang cashier ng grocery,nakatitig lang.

Ang dami pang nakakaasar na bagay pero nakakainis yung ganon parang minsan akala ko Anak ko yan di asawa kasi tignan mo naman parang batang lagi papagsabihan kasi pag di ka nagsalita mali mali o di yan kikilos. Tapos ayaw pa niya ng nasisita ko. Pwede ba naman di mo sisitahin? Sa araw-araw na ganyan sino ba di makunsume. May anak ka na nga iintindihin,mag aasikaso ka pa ng bahay,dadagdag pa ba siya? Eh buti sana kung may katulong ako magligpit,magkusa man lang siya kaso wala. Akala niya basta nagtrabaho siya ito sweldo bigay sa akin tapos na.. Minsan talaga iniisip ko para siyang Highschool umasta.


Sis pareho tayo kalaban ko sa asawa ko. Games, laruan. Mga gundam din ba laruan ng asawa mo sis? Or mga collectors figure? Ako din gumigising sa asawa ko everyday. Para maghatid sa anak namin sa umaga sa school. Hay nakaka -stress isa-isahin. Kung pwede lang magpalit ng asawa ginawa ko na.

sarsingkit

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #82 on: July 13, 2015, 11:47:33 pm »
May tanong ako what if housewife ka si hubby lang nag wowork ibig ba sabihin nun si wife lang ang gagawa ng lahat sa bahay?

If I am this, I would do all the chores I think kasi that is my share in the maintenance of the household. My husband brings the money, and I do the labor part. I see nothing wrong with it. Others really find fulfillment in tending to the house. My husband earns waay more than I earn and it is because he works more days and longer hours so I try do more in the chores naman and he does less. Basta productive both husband and wife eh yun ang mahalaga. 

mysterioza_me

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #83 on: July 14, 2015, 12:09:29 am »

Part and parcel kasi eto sa buhay may asawa. makikilala mo lang talaga madalas mapapangasawa mo kapag magkasama na kayo sa iisang bubong. pero dapat din siguro sa mag aasawa pa lamang banggitin na agad sa lalaki na bago magsama or magpakasal palamang linawin na agad na hindi po ako mag aaply bilang alila.  ;D


Dapat talaga isama ito sa non-negotiables natin sa pakikipagrelasyon or pag-aasawa lalo na kung may career ka outside your home. Its either tutulungan mo ko sa gawaing-bahay or ikukuha mo ako ng maid!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #84 on: July 14, 2015, 02:24:32 am »
Sis ang mahirap kasi if parehas kayong working tapos asikasuhin pa si hubby. Kung halimbawang housewife ako, hindi naman ako aangal na ako gagawa lahat ng household chores at pag-asikaso sa kanya since lambing ko na sa kanya yun and tama na pwede ka mag-rest in between. Pero if both of you are working tapos instead na tumulong si hubby e uupo lang siya sa isang tabi at mag-antay na gawin mo lahat nakakainis nga yun. Plus ikaw may take home work din na need i-meet ang deadline tapos "mangagalabit" pa si mister, goodluck naman. May lakas ka pa ba nun?! :o

sarsingkit

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #85 on: July 14, 2015, 02:41:25 am »
^Haha. I'd take the "pangangalabit" anytime than household chores. Hehe.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #86 on: July 14, 2015, 02:55:17 am »
^Haha. I'd take the "pangangalabit" anytime than household chores. Hehe.

Me too, kahit na puyat na puyat pa go lang hahaha!

donzski_doinks

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #87 on: July 14, 2015, 06:34:12 am »
fyi lang mga sis ha, okay naman all in all si hubby ko. eto lang talaga problema at reklamo ko sa kanya... di maasahan makatulong sa gawaing bahay.

mikaelavhan

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #88 on: July 14, 2015, 11:27:26 am »
^ ako din sis, di rin si hubby masyado maasahan sa gawaing bahay, maybe kasi nga working sya at ako waley.pag naguutos ako like  yung ilaw sa stairs ,pundido na ,2weeks na waley pa rin.(hirap na hirap gawin )pero ginagawa namn iyun nga lang mga 10 years bago gawin ok na yun kesa naman hindi gawin forever. haha. pero ok na yung di masyado maasahan sa chores  kesa naman mambabae or what.carry na iyun..

^medyo mahirap yung both working nga sis,so dapat magusap kayo about kung paano hatian niyo sa household chores.kasi total parehas naman  kayong pagod sa work eh.:-)

Girltalker2

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #89 on: July 14, 2015, 12:12:56 pm »

mas nakakapagod ang outside work ni hubby kesa sakin,wala kang hinahabol na due ,you can rest in between naman eh.mas mahirap kumita ng money "for me"kesa maglinis ng house and the rest.:-)

This is subjective siguro. Most housewives are led to believe mahirap mag work, but if you ask me, mas mahirap ang household chores.

Sa office, you can always dress up, air conditioned. Yes there are deadlines pero hindi araw araw. You get to earn your own living, and sa society natin, kahit papano they treat you differently pag housewife or nag w work.

Tapos pag housewife ka, minsan tapos na yung araw pero di matapos tapos ang kailangan mo gawin for the house. You always look forward to sa pag uwi ni hubby as sya Lang Yung adult Na close mo Na you can say anything under the sun. Once he gets home, Ikaw ang expected na umintindi sa kanya at pag silbihan sya kasi pagod sya sa office. Pero bakit di ka nya kelangan intindihin at mahirap din naman ang manual labor sa house (not to mention kids), mainit, walang aircon whole day, buong araw sa house ka lang nakakulong doing menial jobs.

Kasi, Worse, if you need to ask for money pa na parang nanlilimos ka. And the worst of all, if he has the guts para mambabae, drinking with friends, mag games magdamag because he DESERVES (or feels privileged) that he needs to relax. Bakit Ikaw? Hindi mo ba kailangan din mag relax?

Kaya mas mahirap maging housewife, Imo. Lalo pa Kung walang pakialam ang hubby.

« Last Edit: July 14, 2015, 12:25:41 pm by Girltalker2 »

blackgreen

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #90 on: July 14, 2015, 02:19:36 pm »
Dapat talaga isama ito sa non-negotiables natin sa pakikipagrelasyon or pag-aasawa lalo na kung may career ka outside your home. Its either tutulungan mo ko sa gawaing-bahay or ikukuha mo ako ng maid!

Agree sis! Before kami nagpakasal pinagusapan namin ito na hindi pwedeng ako lang gagawa lahat sa bahay. So far okay kami ngayun sa hatian ng household chores. Kaniya pagpplantsa then konting linis the rest akin na. Nababawas bawasan na rin yun pagsasampay niya ng kung ano ano.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #91 on: July 14, 2015, 08:31:50 pm »
Thanks sa lahat ng mga sumagot. Eto kasi pinag iisipan ko ngayon if carry ko bang maging house wife galing sa pagiging career woman... Minimal pa naman alam ko sa house

sarsingkit

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #92 on: July 15, 2015, 12:17:23 am »
buong araw sa house ka lang nakakulong doing menial jobs.

Napalunok naman ako dito.  ;)

I think perception lang to. You become what you think you are. I understand that in most societies, iba ang tingin sa housewife than other people that are working. But if you are a housewife, do not let that get in to you. Do your chores with pride. Besides, tending to your own home is not menial. Have pride in what you do. May mga housewife din kasi na they belittle their own self. Pag minamaliit mo sarili mo, ganon din maiisip ng kasama mo sa bahay sayo. Wag sana ganon.  :)

It maybe just me, ewan ko lang. Siguro wala pa kasi kaming kids kaya hindi pa ako stressed ng sobra. But instead of uminit ulo ko dahil pagod ako sa kakalinis, I let him feel that chores are tough but I did a great job.  Kahit washroom, tinatanong ko sya kung anong feeling maligo sa malinis na washroom or ask him kung nasarapan sya sa ulam. Sinasabihan naman nya ako ng "good job". Hehe. Most of the time, I really fish for compliments when it comes to me doing the chores. I just want it to be a habit inside the house, that we appreciate all the things that we both do.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #93 on: July 15, 2015, 12:39:51 am »
Sa totoo lang ha mas mahirap ang house chores kesa sa work well depende sa work madalas ang problema sa work stress and mentally tired sa house combination house physically and mentally tired.

SarSi_Em

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #94 on: July 15, 2015, 06:13:36 am »
more na pala utos, heto kasi ang work nya, nadadala nya pa rin sa bahay.

kelan uupo ka pa lang saka may iutos,
kapag naka upo ka naman na, bigla naman iabot kamay nya para i massage.
tapos pag nakita na nya nasa harap na ko ng laptop, sabay banat, d daw ba ko napapagod puro ako fb, e katapos ko lang sa kusina  ;D

pag matulog na sya, need ko itimpla ng tea or coffee, pag hot nights, juice, tapos pag nakahiga na massage uli til makatulog na sya, tapos need ko pa hintayin totally tulog na sya bago ko patayin tv.

then, mauna uli ako gumising dahil breakfast naman...hintayin ko pa anong trip nya polo saka ko pa lang iron,  so pahinga ko lang pag nasa work na sya.. pahinga means, laundry, grocery, cooking lunch and dinner.. house chores pa rin, tho, masaya naman ako.

yung lang hiwalay na kami, ayun, nakaka miss rin pala  :P

mysterioza_me

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #95 on: July 15, 2015, 07:12:08 am »
Thanks sa lahat ng mga sumagot. Eto kasi pinag iisipan ko ngayon if carry ko bang maging house wife galing sa pagiging career woman... Minimal pa naman alam ko sa house

Try to weight in things sis. Parehas naman kasi na may pros and cons ang pagiging career woman at housewife. Pero kung ako ang tatanungin Career woman pa din ang pipiliin ko kasi:

1. I love the feeling of being financially independent. Ang sarap ng feeling na nakakabili ako ng things for my son using my earnings.

2. Ayoko ng nanghihingi ng pera for my luho partner ko or basta bibigyan lang ako ng pera.

3. Ayoko ng basta label na asawa or nanay ni ganito/ganun. I want to have my own identity.

4. Sayang naman yung pinag-aralan ko if mag-stay ako sa bahay, pinagkagastusan pa naman ng parents ko ang pag-aaral ko and pinaghirapan ko din naman yun.

5. Hindi ako masyadong marunong ng gawaing-bahay. Kahit rice cooker hindi ko alam gamitin. Linis-linis and konting plantsa alam ko.

Ang mahirap sa pagkakaron ng career is pagnagkababy na :(. I went back to work right after my son turned 4-5mos and I'm on the night shift so natutulog siya sa tabi ng mom&dad ko pag may shift ako. When he started to walk at tabi kami matulog iniiwan niya ako sa kama pagtulog na ako at lilipat siya sa room nila dad kasama yung favorite pillow niya. Partly nakakasama ng loob since hindi siya sanay sa akin pero nagbago din naman siya. I just see to it na may bonding time kami. Ngayon parang anino ko na siya (he's 7yrs old). Nakakatawa kasi kung kelan lumaki saka siya natuto humabol sa kin.With regard sa nag-aalaga, kampante naman ako since mom and dad ko ang nagbabantay sa kanya. Ok din naman ang working sked ko kaya hindi nasasagasaan ang study time namin ng baby ko.
« Last Edit: July 15, 2015, 07:16:59 am by mysterioza_me »

lalawhoopsy

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #96 on: July 16, 2015, 10:08:13 am »
PART 1


Bilang TS, Thankful po ako na madaming nag-reply,nagbigay ng suggestions at magagandang comments dito. Meron din akong mga nakuhang tips sa inyo at alam ko na hindi pala ako nag-iisa sa dilemma na ito..

So dumaan yung ilang weeks bago ako naka-reply dahil nga sa dami ng ginagawa ko,hanggang sa pumasok na rin yung anak namin sa School na ako ang taga hatid at sundo although sumasakay kami sa School Service naman. Ayan nag away kami 2 weeks ago yata.

yun yung magsasampay ako,kinuha ko yung mga damit sa c.r kasi andoon yung w. machine namin pero kumatok ako ng maayos since di naka-lock ang pinto at sabay sila naliligo ng anak namin,di naman ako tumitingin sa kanya kasi ang pakay ko talaga kunin ang isasampay dahil nagmamadali akong maglaba dahil nung time na ito magkaka bagyo eh. Nagalit sa akin kasi basta na lang daw ako pumapasok,dapat daw mamaya na. lagi ko naman ginagawa yon di naman siya nagagalit tapos di ako nagsalita. Ayon nagbubuhos siya nakatalikod parang sinasadya niya na mabasa ako, sa galit ko dahil punong-puno na ako napagtaasan ko siya ng boses na naiiyak na ko. Ang dami namin palitan ng salita hanggang sa sinabi ko sa kanya na masyado siyang asikasohin kasi kaya lagi mainit ulo ko. "Ang laki laki mo na asikasuhin ka pa". Totoo naman, wala naman akong reklamo sa gawaing bahay kung di niya dinadagdag yung sarili niya na para siyang bata. Aasikasuhin ko siya pero di yung mararamdaman kong parang masyadong "Baby"siya tapos pag napapagod ako nagagalit siya dahil mainit ulo ko. Ang Unfair lang.

Kung di lang talaga may pasok na yung anak ko kinabukasan uuwi talaga ako sa amin nung time na yon sa inis ko sa kanya. Ang style niya ayaw ng iinit ulo mo sa kanya o sa kahit anong bagay dito, Oo sabihin na nating daanin sa lambing,ano 'to araw-araw lambingan?Pawis na Pawis ka na,pagod na katawan mo paikot-ikot sa dami ng gagawin tapos pag makikisuyo ka sa kanya na pa games-games lang eh kelangan lalambingin lagi? eh hindi naman siya halos tumutulong. Kahit ba sabihin na nasa bahay lang ako,palit tayo diba,try mong 1 month sayo lahat tapos ako gaganyan baka nainis ka na din diba. Ikaw na nga pagod sa gawain, pag uminit ulo mo, magagalit pa siya.

magrereply pa po ako sa mga sinabi niyo,iisa-isahin ko po,meron din po akong idagdag maya konti sa Part 2 :)

lalawhoopsy

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #97 on: July 16, 2015, 12:16:10 pm »
ito na po yung

Nagkabati din po kami after 24 hours hanggang sa ayun nakita ko naman po na tumutulong na din siya paunti-unti at natutuwa naman ako kasi nagkukusa siya paminsan-minsan na magpunas ng lamesa o mag refill ng tubig sa ref. Saka di ko lang po nasabi dito, malambing po akong Asawa,lagi nga ako nag Thank You sa kanya tuwing tumutulong siya,ang ulam pag nag request siya ginagawa ko naman.

kaya lang kanina nung nagising siya parang nainis. Di ko tuloy alam kung may ginawa na naman akong masama dahil ba nagligpit ako ng nakahiga pa siya? Sa sahig kasi kami natutulog magkakatabi yung mattress namin pati yung sa anak namin. Sabi ko lang naman kanina ang ililigpit ko yung kabilang side lang isasandal ko lang yung higaan ng anak namin tapos aalisin ko yun lang unan at ibang gamit na nasa tv rack,paunti-unti ko ginagawa saka as in dahan-dahan nga ako wag lang siya maistorbo. Nag okay naman siya eh,tapos parang nung huli nakasimangot na mukhang galit. Hindi ko alam kung nagalit ba siya dahil nagliligpit ako?Nagpaalam naman ako ng maayos,saka alam naman niya na kaya ko ginagawa yun kasi matatambakan ako ng chores, isa pa 9:30 na aalis kami papunta School ng 1130,maliligo pa ako,paano naman gagawin niya sa akin para na naman akong Trumpong paikot-ikot sa hapon pag ganyan tanghali na naka-latag pa mga higaan.

Di na siya kumain kahit may naka prepare ng Lunch,akala niya yata di ko siya pinag plantsa ng pamasok lalo sumimangot na mukhang inis,di niya kasi hinahanap maigi nasa upuan lang ng dining yung plantsadong polo,ang sinuot yung lukot. Sanay kasi yun na iaabot lahat nagkataon parang nagtitmpi ako kaya imbis na ibigay ko yung Polo,hinayaan ko siya tinitignan ko kung maghahanap kaso hindi. Ganon talaga hinayaan ko na lang.Kinausap ko siya na bakit yung lukot ang suot may plantsado naman ayun di sumagot hinayaan ko na lang ayoko masira araw ko madami pa kong gagawin. Ubos na energy ko sa araw-araw na kakasuyo tuwing aasikasuhin ko siya eh.

mikaelavhan

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #98 on: July 16, 2015, 12:21:15 pm »
^hmmm sis, moody ba hubby mo?
nabasa ko stories mo.

lalawhoopsy

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #99 on: July 16, 2015, 12:47:00 pm »
Di naman po ako ganon ka-OC, Siguro bilang All  Around sa bahay, ang trabaho ka ay maging maayos at malinis yung bahay,laging may pagkain lalo na pag nandyan siya. Ganon yata talaga eh, hingang malalim na lang. Minsan hinahayaan ko na din na makalat yung ibang part ng bahay except sa kwarto kasi andito lagi anak namin nakahiga lalo na ngayon tuwing uuwi galing school natutulog siya.

- sa pagkuha ng Maid,afford rin naman pero wala kaming mahanap na gustong mag Stay-Out,kahit dito sa Condo nakausap ko na ang Mngmt. wala din sila ma-refer so tiyagaan lang. Di ko naman ipapagawa sa kanya lahat dahil alam kong siya na yung gumagawa ng paraan para magka pera kami pero sana kahit konti lang,di naman iinit ulo ko kung may pagkukusa. Ang hirap ng laging sasabhin ko pa kung anong gagawin.

Ang huling masasabi ko lang po ay mahirap talaga ang maging all around,pag umalis na yung mga tao sa bahay lahat sayo maiiwan. Yung mula umaga hanggang sa matutulog gumagawa ka pa di gaya sa nasa office na 9AM-6PM lang O depende rin kung anong trabaho niyo sa office,may OT pay pa nga minsan,naka aircon,may sick leave,dami benefits,nakakalabas kasama officemates,may outing,bago at paguwi mo aasikasuhin ka. Eh yung nasa bahay mula 6AM hanggang 11PM gagawa,di nakaupo maghapon yan,pawisan,haggard,masakit ang katawan,dry ang mga kamay sa sabon,maglalampaso ng sahig,minsan nga iniisip ko ayus para na akong Katulong :P Di din naman ako makakuha ng Social life sa iilang friends ko dahil di ko sila maiwan,nangyayari kasing pag iniwan mo parang dinaanan ng bagyo tuwing dadating ako,walang pagkain. Nung nag attend ako ng Parents orientation maaga yun so nagsaing na ako,sabi ko mag gisa na lang siya ng corned beef kasi bukas pa mag grocery,aba pagdating ko ang pinakain sa anak ko yung hilaw na corned beef ininit lang sa microwave,tapos kanin. Gusto ko talaga magalit,sabi ko bakit naman hilaw pinakakain sa bata?May tira pang Chicken Curry pwedeng pwede initin sa kalan. Naku sabi na eh,parang  2 talaga anak ko..grrrrrrrrrr

 

Latest Stories

Load More Stories
Close