Author Topic: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?  (Read 28279 times)

momentum

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #60 on: June 24, 2015, 06:27:12 pm »
^correct!!

donzski_doinks

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #61 on: July 04, 2015, 07:11:29 am »
Medyo nakaka-relate ako kasj ganyan din si hubby. Pero hindi naman katulad na katulad ng hubby ni TS.

Si hubby, kasi walang off sa work so minsan naiintindihan ko naman if di sya makatulong kasi hanggang sunday ang trabaho nya. Ang ikinaiinis ko lang, sana magdampot naman ng kalat db? Hindi lahat asa sa akin. I am a busy person too. Alam nyo naman ang teacher, nasa bahay ka na nagtatrabaho ka pa. Gawa lesson plan, prepare ng visual aids...etc. kaya minsan din talaga di ako halos makagawa sa bahay. Plus i have epilepsy pa so di pwede masyado mapagod. Kaya minsan naiinis din ako kapag hindi manlang magawa ni hubby magdampot ng kalat. Ang isa pang nakakainis sa kanya, pag naghuhubad ng medyas, kung saan lang inilalagay. Di manlang maidiretso sa laundry basket. So pag maglalaba ako hahagilapin ko pa. Tapos, minsan kasi nawawalan din sya ng pasok sa work pag walang materyales so nasa bahay lang sya. Aba, imbes na maglinis e ayun nanonood lang ng TV maghapon. Kahit na nakikita nya ako na nahihirapan di manlang tumulong. Nung sunday nga ala sya pasok sa work, naglaba ako. Aba di manlang ako tulungan maski sa pagsasampay kahit na nakikita nya na hirap na ako. Minsan nga binibiro ko yun, sabi ko sa kanya, nung di pa kami mag-asawa, sinabi ko na sa kanya na burara at makalat ako...sabi nya, di daw problema yun kasi sya daw magliligpit ng mga kalat ko. E ngayon mag asawa na kame, anyare? Nasaan na yung sinabi nya na sya magliligpit nang kalat ko? E baliktad ang nangyayari e! Ako nagliligpit nang lahat at di nya ako tinutulungan. Ay naku!😥😥😥

Girltalker2

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #62 on: July 04, 2015, 08:05:21 am »
^ regarding the socks, huwag mo hagilapin. Huwag mo labhan kapag di nasa laundry basket. Pero magtago ka ng 2 pairs of clean socks. Antayin mo maubusan sya ng socks.

j.adore

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #63 on: July 04, 2015, 01:55:51 pm »
Agree ako sa medyas. Rule is kung wala sa laundry basket, hindi papalabhan. Same goes sa hugasin, kung wala sa lababo, hindi huhugasan. Pag naubusan, bahala siya gumawa ng paraan ::)

Pero sinabi mo naman sa kanya na tumulong siya sa bahay? O kaya utusan mo siya.

donzski_doinks

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #64 on: July 04, 2015, 05:45:09 pm »
^inuutusan ko naman sya sis. PEro ang sagot mamaya mamaya mamaya. Walang katapusang mamaya kaya pag di na ako makapaghintay, ako nalang din gumagawa. In fairness naman kay hubby, pag gumawa sa bahay yun, maayos talaga..hindi yung basta masabi lang na may ginawa. Kaso nga lang minsan lang talaga yun... Iniintindi ko na nga lang kasi alam ko pagod din sya sa work at di madali trabaho nya as machine operator sa zest-o.. kaya lang sana yung pagdampot ng mga kalat na madali lang naman damputin at paglalagay ng socks nya sa tamang laundry basket e magawa nya. Malaking tulong din yon.
« Last Edit: July 10, 2015, 09:35:38 am by donzski_doinks »

sarsingkit

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #65 on: July 07, 2015, 12:18:26 am »
Utos does not really work for my husband too so I always ask him to help me instead. If I do the dishes, I always ask him, "Pakiclear naman nung table para mahugasan KO na lahat ng mga plato" So he gets up and do as I say kasi alam nya pareho kaming may ginagawa. Like you sis donzki_doinks, konti lang din off days ng husband ko, kaya kung gusto nya magpahinga during the weekends, I let him be, kawawa din naman pag minsan. My husband is also burara, as in sobra. Hindi lang sa damit pati sa kung ano pang gamit. So I stretch my patience and try to do chores together.

graZiousa

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #66 on: July 07, 2015, 05:10:16 pm »
hay nako sis super relate naman ako sayo. Kaibahan lang sakin e minsan lang kami nagkikita kasi nasa ibang city sya rent ng apartment ako naman dito pa sa place namin dahil sa work. pero pag umuuwi ako dun sa kanya akin lahat kahit galing pa ako ng byahe akin pa rin lahat ng trabaho sa bahay. Umuuwi ako dun grabe ang lilinisin si, mulang banyo hangang labas pati basura grabe talaga. Pero pag uwi ng hubby ko maglalambing pa na hubaran ng sapatos, ok lang sakin pero minsan nga kahit minsan ko lang sa isang buwan nagagawa sa kanya naiirita rin ako minsa ano pa kaya yang hubby mo araw araw ganyan.. Kausapin mo lang ng maayos sis, ganyan ginagawa ko kay hubby... Maraming nadadaan sa magandang usapan...

mysterioza_me

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #67 on: July 12, 2015, 12:31:44 am »
May naalala ako dito, matagal ng nangyari to. Yung brother ng lola ko asikuhin din. Pagkagising dapat nakahanda na ang breakfast, after breakfast tatayo lang then maliligo. Dapat nakahanda na pampaligo niya, from towel, soap, shampoo pati hotwater sa tub. After maligo dapat nakahanda na din lahat ng isusuot niya at properly polished pati shoes. Magpapatulong pa magbihis yun.

One time nakaligtaan na lagyan ng hotwater yung tubig so nung nagtest si lolo kung ok ang temp ng tubig nagulat siya kasi malamig. Tinawag niya yung wife, nung paglapit sinabihan ng "P*** I** mo, DEAR!" (dear ang term of endearment nila)

Tinawag nga niyang Dear minura naman niya. Kung sa kin to sa susunod titiyakin ko na mababanlian siya sa init ng tubig


lovemeagain30

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #68 on: July 12, 2015, 04:48:03 pm »
 naku sis ang kapatid ng lola mo ay yung mga lalaki nung unang panahon, tingin sa asawang babae ay katulong. Tipong inasawa para magsilbi sakanya. Inaasahan sa lahat ng bagay. Hirap kapag ganyan ang asawa susmio.   

mysterioza_me

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #69 on: July 12, 2015, 06:19:23 pm »
naku sis ang kapatid ng lola mo ay yung mga lalaki nung unang panahon, tingin sa asawang babae ay katulong. Tipong inasawa para magsilbi sakanya. Inaasahan sa lahat ng bagay. Hirap kapag ganyan ang asawa susmio.   

True girl, tapos pag-uwi magpapa-massage pa na akala mo siya lang ang pagod :P. Ok lang sana kung malambing pagkasabi kaso pautos.

Pero what if nasa culture ng asawa ninyo na dapat pagsilbihan ang lalake, ok lang ba sa inyo?

May Tita ako nakapag-asawa ng traditional Japanese. Super asikasuhin din sa mula sa paggisising, pagkain and sa lahat. Never sila naglakad ng magkasabay, normally nauuna ang guy and nasa likod ang girl. Pagmanganganak siya, isusugod niya mag-isa ang sarili niya sa hospital kasi bawal istorbohin ang asawa niya sa work (to think na yung lalake ang may-ari ng business nila). So magbibilin lang siya dun sa secretary na pupunta na siya ng ospital kasi manganganak na siya at pupuntahan siya ng Hapon after office hours.

Yung sis ko naman Korean ang napangasawa. Mabait naman yung guy and marunong tumulong sa kanya sa gawaing-bahay kapag maaga nakauwi galing farm, kaso secret lang kasi nagagalit daw yung MIL niya. One time dumating ang MIL and nahuli na nagwa-wash ng dishes si BIL at nagluluto ang sis ko, nasermunan daw sila pareho mag-asawa. Dapat daw ang trabaho sa bahay girl lang ang gagawa. Pagwala si MIL tumutulong yung BIL ko pero pag-andyan si MIL hanggang tingin lang si BIL sa trabahong-bahay para walang gulo.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #70 on: July 13, 2015, 02:17:06 pm »
Ang tanong ko sis okay lang ba sa Tita mo at sa sister mo na ganun ang mga asawa nila at habang buhay nila kailangan etong alagaan at asikasuhin.. lets say sa Tita mo, ayaw paistorbo ng hapon kahit emergency case pa siya.. is she willing to live with that for the rest of her life.. kasi kung okay lang sakanila, i dont see a problem with that. problem starts when its no longer okay with you. yung tipong umokay lang sayo sa umpisa tapos sa huli na realize mo na hindi mo pala kaya.  ;D

kasi ako sis, honestly hindi ko kaya pakisamahan ang ganyang kultura ng lalaki. for me marriage is a partnership. it should not serve one sided only. that is the same culture i want to impart with my kids -- you help your partner at home. wag senyorito at senyorita. my son one time talked to her lola (my mom) on why is it his dad is helping me out cleaning the dishes and washing the clothes.. eh nakikita niya kasi sa bahay ng parents ko, nakaupo lang sa sofa si papa ko at si mama ko lagi ang nag aasikaso sakanya. My son said those chores daw his dad is doing are only for girls. Sabi ng Mama ko, hindi ah! tinutulungan lang ni Papa mo si Mama sa gawain bahay para hindi siya mahirapan. Then my son asked her back, Èh bakit si Lolo..  :D

Therès nothing wrong kung maging maasikaso ang asawa pero to the point na ang misis nalang lagi ang kailangan mag adjust dahil nakasanayan ng asawang lalaki ang pagsilbihan -- aba sobra naman yata yun! mag adjust din sila tumulong sa bahay dahil nag asawa sila. hindi ka naman katulong, partner ka naman sa buhay, hindi lang basta asawa.






mysterioza_me

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #71 on: July 13, 2015, 03:47:46 pm »
Well my Tita came to a point na nagfile ng divorce but hindi naman automatic na i-grant yun since may counselling pa. Nakapag-isip siya during counselling since sila pa naman ni Uncle Japanese until now. Naisip niya good provider naman daw si Uncle and hindi nambabae.  Siguro daw nasa culture na kaya mahirap na ata baguhin. I'm not sure lang if Uncle has change.

Yung sister ko at first lalo na nung bagong panganak siya, madalas mag-overseas calls at umiiyak kasi antok na daw siya tapos iiyak ang baby niya. Nasabay kasi na taniman at anihan agri-products na tanim nila kaya wala siya katulong sa pag-asikaso sa baby. Iiwanan lang siya ng food sa table para may kainin siya. Gustuhin man ng mom ko na pumunta dun, nataon naman na nagpapaayos kami ng house at may work ang dad ko. Sa ngayon nakasanayan na ng sis ko, kawawa din daw asawa niya kasi nahahati sa kanya and sa MIL (hindi sila makabukod since eldest and only son si BIL so expected na sa kanila talaga pipisan si MIL). Mabait din naman daw MIL niya yun nga lang since magkaiba ng culture may mga hindi sila pinagkakasunduan. Nung bago nanganak sis ko sa 2nd baby nila pumunta na parents ko dun para may mag-asikaso sa sis ko and sa baby. Naawa Mom ko kay BIL baka away-awayin na naman daw ng sis ko hahaha.

Ang hirap mag-asawa ng iba ang culture lalo na kung may mga non-negotiables ka na pwede masagasaan.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #72 on: July 13, 2015, 04:23:22 pm »
Siguro nga sis.  ;)

Part and parcel kasi eto sa buhay may asawa. makikilala mo lang talaga madalas mapapangasawa mo kapag magkasama na kayo sa iisang bubong. pero dapat din siguro sa mag aasawa pa lamang banggitin na agad sa lalaki na bago magsama or magpakasal palamang linawin na agad na hindi po ako mag aaply bilang alila.  ;D

naku sa kultura naman natin ngayon, mangilan ngilan nalang naman yata ang ganyang lalaki. nag evolve narin ang mga padre de pamilya satin -- di gaya nuon.. Senyor! kaya pag may kaibigan akong lalaki na may ganyan ugali sinasabihan ko rin talaga na.. Oy wag kang *censored* sa asawa mo, kumilos ka sa bahay!! nyahaha.

donzski_doinks

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #73 on: July 13, 2015, 07:53:03 pm »
share ko lang..

kanina naiyak talaga ako sobra. i was not feeling well because of my migraine. as in sakit ng ulo ko.. tapos sobrang pagod pagtuturo ako sa pagtuturo... as i have mentioned earlier, I am a teacher.. although private school sya, nakakapagod pa din. I am teaching from 7 am to 3pm with only 45mins break (15 mins morning break and 30 mins lunch). tapos pag uwi ko around 3:30, hindi pa ako makapagpahinga kahit gusto ko kasi I have to wash the dishes and prepare our food for dinner. naiyak ako sa sobrang pagod tapos nakita ko pa yung labahan ko na hindi ko maituloy kasi nga di ko na kaya...ewan ko ba parang napapagod na ako... although I have said before in this thread na naiintindihan ko din kung bakit di ako natutulungan ni hubby kasi nga pagod sya sa work... ngayon panggabi pa siya kaya tulog sya sa umaga. sobrang nakakapagod lang talaga pag feeling mo ikaw na gumagawa ng lahat at walang tumutulong sa iyo... 😭😭😭

Shadow Angel

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #74 on: July 13, 2015, 08:18:17 pm »
May tanong ako what if housewife ka si hubby lang nag wowork ibig ba sabihin nun si wife lang ang gagawa ng lahat sa bahay?

momentum

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #75 on: July 13, 2015, 08:26:34 pm »
^why not get a maid nalang to do that sis? Or get a weekly labandera.. Weekly taga general clean ng house ninyo etc if ayaw or di puwede ang stay-in?

prettydefined

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #76 on: July 13, 2015, 08:42:04 pm »
Yung everyday routine minsan nakakapagod tin talaga. Kaya minsan mag set tayo ng "me time" or labas with friends. Housewife ako. Si hubby lang working. Hands on ako sa mga anak ko. No yayas no maid eversince bumukod kami ng asawa ko. Pero ang maganda lang is meron naglalaba for us. Yun nga lang labandera ni mil ang naglalaba and we have to go to their house every weekend para dalhin ang laundry. Then balik ng Sunday sa house.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #77 on: July 13, 2015, 08:44:48 pm »
Sis donzski_doinks when you said you still have to wash the dishes kasi tulog si hubby mo sa umaga dahil may work sa gabi, you mean yung pinagkainan niya yun?? kasi kung pinagkainan naman niya yun, maybe you can tell him to clean his dishes before he goes to sleep. ano ba naman yun hugasan niya agad kesa ipisin kayo di ba.  :o nakakainit kaya ng ulo umuwi sa bahay na may hugasan pa sa sink. prone sa ipis at daga sa bahay.

donzski_doinks

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #78 on: July 13, 2015, 08:52:01 pm »
yup pinagkainan nya. antok na antok na ata kaya di nya na magawa. wala naman ako ibang reklamo kay hubby kasi sobrang loving... yun lang talaga di makatulong sa gawaing bahay.we cant afford to hire a household help kasi nagbabayad kami ng hulog sa motor at sa bahay. siguro sobrang pagod lang ako kaya ako nagrereklamo ngayon...

prettydefined

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #79 on: July 13, 2015, 09:28:51 pm »
Aww. Take a deep breath sis. Kung meron ka time. Magpa-pamper ka muna or set kayo ng date ni hubby. Or set a date witj your friends. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close