Author Topic: Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?  (Read 28065 times)

lalawhoopsy

  • Guest
Ang Asawa niyo ba ay "Asikasuhin"?
« on: June 10, 2015, 10:59:10 am »
Naaasar ako sa asawa ko, para kasing masyadong asikasuhin pag nasa bahay. Alam ko naman na bilang asawa niya karapatan at tungkulin ko yun pero nakakapagod na laging ganon kulang na lang subuan mo ng Pagkain.

- Sa umaga napakahirap gisingin, laging babalik balikan sa higaan sa tagal bumangon. Ang gripo sa banyo hindi inaalis sa Shower mode kaya lagi nababasa yung susunod na gagamit ng banyo. May penalty na nga na 100pesos pero mukhang ok lang sa kanya eh.

- Tuwing gagamit ng CR, di malinis gumamit, wala naman na kami katulong para mag maintain ng kalinisan kaya ako yun lagi pagod.

- Sabi ko huli na siya magsuot ng medyas kasi nag iikot pa sa bahay naka medyas agad, ang hirap maglaba, parang bingi walang naririnig.

- Umuupa lang kami ng 2br condo, maliit lang. Ang dami niyang laruan. Ang di ko gusto wala na ko space paglagyan ng cabinet para sa damit. Kaya yung damit namin siksikan na, di ako makabili lalagyan ng damit. Pero yung laruan niya may lalagyan, may panahon at oras,meron budget. Pati sa Sala may damit kami dahil sa laruan niya na inukupahan yung pang 2 kwarto na pwede pa sana lagyan ng ibang importante.

- Yung gripo sa lababo ng banyo laging sira, di man lang magkusang ipagawa. Ako pa na babae yung inaasahan na hahanap ng gagawa. 3 taon ng dumadaan hanggang ngayon sira pa din. Pero pag sa laruan niya laging may oras yan.

- Pag wala siyang pasok, maghapon sa bahay di mabitawan ang cellphone kakalaro. Kundi laro, ka-group chat tungkol sa laruan. Kesa nga naman mambabae laruan na lang pero dapat nilalagay din sa lugar. Mas madami pa oras nabibigay sa laruan, games at facebook eh. Pagkagaling sa trabaho weekdays yan din ang pinapagpuyatan niya kaya di magising agad sa umaga.

- Pag kakain kami di man lang ako kusang tulungan maghain pag weekends, nakahiga lang nag games at fb ulit. Uutusan mo pa bago kumilos. Pag ligpitan naman di rin magkusa tumulong magpunas man lang sa mesa at magwalis. Problema din sa taong to pag inutusan di ginagawa ng maayos. May paraan siya ng paggawa pero mali. Lalo lang nagkakalat. Akala mo lumaking may yaya eh wala naman. Syempre gaya niya, ako din gusto ko magpahinga bilang all around sa bahay at sa 4 yr old daughter namin na mag aaral na sa July. Mas madali sana yung trabaho kung di na siya dumadagdag sa inaasikaso ko kasi malaki na siya. Madalas ako nagkakasakit simula nung nag all around ako mula ng umalis na helper namin, na emergency pa nga ako kasi sumakit appendix ko after maglinis ng banyo, madalas nahihilo ako pag napagod,sumasakit ang mata ko. Paano ka naman kukuha ng katulong, walang matulogan sa dami ng laruan niya sa 2nd bedroom di na mapakinabangan ng iba yung kwarto. Ako yun lagi nagtitiis.

- Minsan dadating sa gabi, pagkakain, 1 plato at kutsara di pa hugasan,itatambak pa eh kita ng nakaligpit na ako. Pati mesa di man lang punasan kahit kitchen towel gamitin na lang kung talagang tinatamad.

- Pati pag carwash ng sasakyan niya ipapaalala ko pa.

- pag nag grocery kami di man lang ako tulungan maglipat galing pushcart papuntang cashier ng grocery,nakatitig lang.

Ang dami pang nakakaasar na bagay pero nakakainis yung ganon parang minsan akala ko Anak ko yan di asawa kasi tignan mo naman parang batang lagi papagsabihan kasi pag di ka nagsalita mali mali o di yan kikilos. Tapos ayaw pa niya ng nasisita ko. Pwede ba naman di mo sisitahin? Sa araw-araw na ganyan sino ba di makunsume. May anak ka na nga iintindihin,mag aasikaso ka pa ng bahay,dadagdag pa ba siya? Eh buti sana kung may katulong ako magligpit,magkusa man lang siya kaso wala. Akala niya basta nagtrabaho siya ito sweldo bigay sa akin tapos na.. Minsan talaga iniisip ko para siyang Highschool umasta.
« Last Edit: July 28, 2015, 08:58:42 pm by lalawhoopsy »

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #1 on: June 10, 2015, 12:27:06 pm »
^feel ko ang kunsumisyon mo sis, deadmahin mo kaya ng mga minsan, as in kakain ka tapos ay andyan ka pala or tutulog ka ay andyan ka pala. Tapos bigla kang iimik na ay may asawa pala ako. Hehe hay nakakatanda yang asawa mo.

mrsonthego

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #2 on: June 10, 2015, 01:02:41 pm »
ganyan din asawa ko, pag inaway ko tungkol sa ganyang bagay mag babago ng mga ilang days, tapos pag nagkalimutan na balik na naman sa dati. hay, baka nature na talaga nila yan, mga de pukpok

nicola_juliano

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #3 on: June 10, 2015, 03:02:40 pm »
Nakakarelate ako but it's not my husband. Yung dad ko ang ganito. Kunsumisyon inaabot ng mom ko. Nakakaawa nga e. Eto pa ang mga nakikita ko sa dad ko bukod sa mga sinabi mo:
- Bibili sya ng vitamins, sa sarili lang nya. Si mama hindi idadamay.
- Kapag may sakit si mammy, di nya inaasikaso at inaalalayan at inaalagaan. Kapag si daddy ang nagkasakit, dapat send agad sa doctor para checkup. Obligadong kasama si mammy. Dapat inaalagaan sya.
- Kapag may need si mammy para sa kanya (basic necessities), dapat pang sabihin si daddy. Pero deadma lang si daddy, parang walang narinig.
- Nagagalit si daddy kapag makalat sa bahay. Akala ata may katulong sa bahay, wala naman. Si Mammy is taking care of 1 kiddo and 1 baby na anak ng sister ko so she doesn't have time to take care of it.
- Kapag kinonfront ni mama about sa ugali nya, si daddy pa galet.
- Kapag may hinahanap at di makita or kapag may nagawang mali (which is obviously is his fault), isisisi kay Mammy. Kawawang mammy.
- Kapag aalis ng bahay si mammy, dapat nakaluto na bago umalis. Kapag inutusan ni mammy na si daddy magluto (chef sya), sya pa galit.

At madami pang iba sis.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #4 on: June 10, 2015, 04:02:19 pm »
^Hay TS nakaka-stress nga yang husband mo. Hindi naman natatapos ang tungkulin ng husband mo sa pagbibigay lang ng sweldo nya. Syempre dapat tutulungan ka nya sa lahat ng bagay. Nag-asawa ka pa kung lahat ng bagay ikaw lang din ang gagawa. Napaka-immature naman ng asawa mo. Wag mo kaya imikin hangga't kaya mo para naman maisip nya, " ano kayang problema?". Btw, ilang taon ka na at ang asawa mo?

jesusadusa

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #5 on: June 10, 2015, 05:23:07 pm »
if you're just newly weds, ayusin nyo na kagad yang problemang yan.  kung di mo kayang turuan asawa mo then find someone who can talk to him at yung pakikinggan nya.  habang maaga pa itama na ang mga maling gawain.  trust me, pag pinabayaan mo yan, habang buhay mo nang kunsumisyon yan.

Shean06

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #6 on: June 10, 2015, 05:24:29 pm »
Naku sobrang nakakastress naman ng hubby mo sis!. Nakausap mo na ba siya tungkol dyan?. Kausapin mo sya sa mahinahon na paraan hangga't sa kaya mo (which is pag ganyang mga scenario talagang nakakasabog ng inis). Siguro naman marerealized din nya yan kinalaunan. Pag di pa rin madala eh wag mo na muna pansinin, wag mo kibuin, deadma hanggat kaya mo.

momentum

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #7 on: June 10, 2015, 05:33:13 pm »
Nakaka highblood naman! Yan yung mga asawa na nakakawalang gana na asikasuhin. Ayoko talaga ng lalakeng walang alam at tamad sa gawaing bahay, or lacks respect and initiative to help the person who keeps the house clean and orderly.

Alam mo sis kung ako yan at ganyan na ako kapuno, hindi ko na hihugasan ang plate niya after he eats, hindi ko na lalabhan ng maayos socks nya, minsan I will not include him sa dinner naming mag-ina, pag-umuwi siya ta walang food sasabhin ko pagod na ako mag-alaga ng bata etc. At marami pang iba.

Pero bago ko gagawin yan, I will talk to him in a very calm way and in a good mood. Make him understand what I feel about his actions and lalo sa paglaro niya sa cp and not having time for me and our kid. I will tell him I need a break and will spend a few days with my parents because I cannot take it anymore. And I will also tell him I will go back to work nalang. Hahanap nalang ng maid and make her sleep sa sala if kakailanganin, Or better a stay-out maid, huwag ko lang gagawin for the rest of my life ang maging katulong niya.

Ok naman maging housewife eh, maging maasikaso.. Kaso if ganyan naman inaasikaso mo.. Lalo sa part na parang wala rin naman siya kasi panay laro sa PC and deadma sa lahat ng pakiusap ko, eh huwag nalang. Imbes na everyday I will have to nag him and we would fight then eventually one of us would think of doing something stupid coz of the tension sa bahay, eh mag wowork nalang ako and hire a stay-out maid. Tapos.
« Last Edit: June 10, 2015, 05:36:31 pm by momentum »

Girltalker2

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #8 on: June 10, 2015, 06:47:43 pm »
Nakaka highblood naman! Yan yung mga asawa na nakakawalang gana na asikasuhin. Ayoko talaga ng lalakeng walang alam at tamad sa gawaing bahay, or lacks respect and initiative to help the person who keeps the house clean and orderly.


Pag ganyan lang, mabuti pa tumandang dalaga, at least natural ang pagtanda mo kesa naman iyan pa magpa losyang sayo.


Alam mo sis kung ako yan at ganyan na ako kapuno, hindi ko na hihugasan ang plate niya after he eats, hindi ko na lalabhan ng maayos socks nya, minsan I will not include him sa dinner naming mag-ina, pag-umuwi siya ta walang food sasabhin ko pagod na ako mag-alaga ng bata etc. At marami pang iba.


Haha

Oo nga, why do you have to wash his socks? Hayaan mong maubusan ng socks at underwear para matuto. Huwag mo sya ipaghanda for dinner, kayo lang ng anak mo kumain.


I will tell him I need a break and will spend a few days with my parents because I cannot take it anymore. 


Gusto ko ito!

Tingnan natin if he can survive on his own.

simpleemie

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #9 on: June 10, 2015, 07:14:58 pm »
Ugali na yata ng lalaki yan. Ako dati yung simple things like towel sana pagkagamit e ayusin naman hindi yung kung san san lang ilalagay. Ayun natuto din si hubby ☺. Baka kulang sa communication sis. Let him know na nabwibwiset ka na.

rizzlemanizzle

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #10 on: June 10, 2015, 08:33:07 pm »
Damang-dama ko yung inis mo sa post mo sis. Hahaha! Nakakaloka yung ganyan... Boys will be boys! Pang-ilan ba si hubby sa magkakapatid sis? Baka sobrang na-baby yan noon kaya sya ganyan.

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #11 on: June 10, 2015, 08:51:26 pm »
Baka sanay ng may yaya o mama's boy kaya lahat ng bagay may gumagawa para sa kanya. Thankful ako at asawa ko ay marunong sa gawaing bahay, perfect sya magtiklop ng mga damit at maglinis ng bahay, yun lang di marunong magluto. Lol

lilstar

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #12 on: June 10, 2015, 09:48:47 pm »
Nakaka loka asawa mo sis. Try mo siguro wag kumilos sa house. Kahit yung hugasin lang iwanan mo sa kanya. Kami ni hubby we are both working, so last year wala kaming house help, talagang ang linis ng bahay ay lingguhan., :D si hubby pa mag sasabi sakin na wag kong linisan ang bahay kasi alam nya kung gano kahirap. Sya na din ang nag lalaba, mag aaway kami pag nag laba ako. Ayaw nya kasing sumasakit ang likod ko pag napapagod ako, kasi nahihirapan din sya mag alaga samin pag nagkakasakit kami ng anak namin. Siguro kasi sis si hubby mo di nya alam kung gano kahirap ang gawaing bahay. Try not to do the chores, kalma ka lang, easyhan mo lang ang mga gawain sa bahay., Don't stress yourself. Hindi porket sya lang ang nagttrabaho e hari na sya pag uwi., Nagttrabaho ka din sis, mahirap ang trabahong bahay. Sya kamo ang gumawa para alam nya.

quennna

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #13 on: June 10, 2015, 11:15:47 pm »
sis kung ako asawa ng husband mo..
lahat ng gamit dapat disposable..
dati sa husband ko.. isang baso na lang di pa mahugasan..
sabi ko, pag di nahugasan yan.. itapon na yang mug na yan..
true enough, nakita nya sa basurahan yung baso...

hayaan mo sis mang gitata bahay mo..
hanap ka lang ng sanctuary mo.. bigyan mo ultimatum..
like pag di mo niligpit yang damit mo, tapon na yan...
at hayaan mong nakasalansan damit nya pero dapat ang damit mo.. maayos..
ibalik mo sa kanya saket ng ulo hmmmp

AVIDGOLFER

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #14 on: June 10, 2015, 11:39:24 pm »
Hahahahahaahha

Pasaway na asawa ang dating....ano kaya kung mag alsa balutan ka para ma realize nya na hindi maganda ginagawa nya sa yo...kahit pansamantala lang para matuto tumayo sa sarili nyang mga paa.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #15 on: June 10, 2015, 11:55:26 pm »
Kung ako yan sis, gagawin ko yun mga sinasabi ng mga sis natin dito hehe, hindi ko aayusin ang mga kalat nya, tas papakita ko na yung mga gamit ko maayos. Hindi ko din lalabhan ang medyas nya. Tapos yung mga damit na walang mapaglalagyan, ilalagay ko sa lalagyan nya ng laruan, yung mga laruan nya ikakalat ko hehe.. Pag magtatanong sya bat d ako naglaba or naglinis, sasabihin ko, asawa mo ako hindi katulong. Hindi mo ako sineswelduhan para maglinis ng kalat mo. Ang tyaga mo sis bilib ako syo hehe

sarsingkit

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #16 on: June 10, 2015, 11:56:31 pm »
What I suggest is for you not clean the house for a while and see how he reacts to it. I did that to my husband and he is fine with it. haha. Wa-epek. He loves to cook so at least hindi ko na problema yun but cleaning, oh boy, ang dami ko nililinis. He never did the laundry and I don't think he will ever. Pero yun nga, kung hindi man ako maglinis, okay lang sa kanya. Kaso syempre hindi naman kami pwedeng mabuhay ng ganon diba? I talked to him and ngayon, he seems to be doing an effort. Hindi nga lang up to my standards pero ok na yun at least may effort. When I nag, I do it jokingly or sometimes, I grab one of his used socks or used underwear (na nakakalat at hindi nakashoot sa hamper) and I chase him around the house and putting the sock/underwear to his face. He wants to act like a kid, then we'll be both kids. Also, I used s*x as compromise. I promise him I'd be on top if he does the chores and I get to rest. Ngiti naman ang mokong, labas agad ang vacuum.

Ang mahirap is yung lalaking ayaw gumawa sa bahay pero galit pag hindi mo ginawa. Minsan, may mga lalaki lang talaga na kailangan ng palo. Sabi mo, minsan gingawa nya pero mali. Paanong mali? baka kasi mali sa standards mo lang pero para sa kanya ok naman. When you talk about division of chores, list all the chores that you have to do in one week, and let him choose. Let him feel na dapat share kayo sa chores.

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #17 on: June 11, 2015, 01:38:21 am »
Laughtrip yung naka medyas tapos naglalakad pa sa loob ng bahay suot ang medyas. Hahaha! Ginawa ko yan nung bata pa ako ayun nakutusan ako ng nanay ko at ang hirap daw maglaba.

lonelymiss28

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #18 on: June 11, 2015, 02:32:41 am »
Kung ako naman, let him na maglakad ng naka medyas pag marumi itapon mo ang bilhin mo yung itim na medyas para di kita mantsa. Yung asawa ko puro itim medyas pag sobrang dumi tinatapon ko sayang effort na labhan pa. At sa umaga hwag mong gisingin kung mahuli sa work e di mahuli sa work masasanay din yan or di kaya gawa ka ng house rules isulat mo sa cartolina ipaskil mo sa lugar na kita nya agad para di nya malimutan. Minsan ang adult din kasi pag tinuring mong bata, nag aasal bata. Let him face consequences sa mga ginagawa nya.

gwyne21

  • Guest
Re: Asawa na masyadong "Asikasuhin"
« Reply #19 on: June 11, 2015, 10:58:07 am »
Kung ako nasa position mo sis, kakausapin ko ng masinsinan si hubby. Tell him your concerns. Ang gawaing bahay wala ng katapusan yan at hindi pwede na isa lang ang gumagawa ng lahat (laloo na at wala kayong kasambahay). Sobrang draining yan. Kung hindi siya tutulong sa gawaing bahay, wag na gumawa ng mga actions na makakadagdag pa sa hirap ng iba.
After "the talk" kung wala pa rin, daanin mo na sa pasimpleng paramdam...
Examples:
- Pag sobrang hirap gisingin, e di wag mo gisingin ng maaga..Hayaan mo ma-late sa work para magtanda.
- Yung gripo sa banyo, after MO gumamit, ikaw ang mag-iwan sa shower mode para pag siya ang gagamit, e di maranasan nya mabasa.. ewan ko lang kung di yan magtanda.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close