hi sir ch!
the day after i did salt bath nabawasan ang bigat tho i still am little feverish. but the 3rd day it was gone. I really should have recharged. i forgot to play church music when i did that salt burning and really rest first since I just arrived from work that time..
also, i notice the next days specially last week i was having a hard time sleeping and end up late for work since i wake up late.. i started placing holy oil on my forehead in a form of a cross middle of last week to try to control my anxiety..
and currently puro religious music muna ako while i work and while i travel to and from work.. it really helps to calm me.
+++++++++++++++++++
I checked out the link you shared on the poem Desiderata.. the cartoon illustration did helped to understand it better. Thank you for sharing...
the line i like most is ----Therefore be at peace with God,
whatever you conceive Him to be.
And whatever your labors and aspirations,
in the noisy confusion of life,
keep peace in your soul.
With all its sham, drudgery, and broken dreams,
it is still a beautiful world.
Be cheerful. Strive to be happy.
== its still God who we can hold on to no matter what and how heavy things and our worries are... which you keep reminding us the power of the sacraments for catholics. and for other religions hanging to their faith.
I was also able to get a filipino version - still with deep filipino words..
http://www.emanilapoetry.com/writersgroup/index.php/mga-naisin/Payapa kang humayo sa gitna ng ingay at pagkukumahog
at alalahanin ang kapayapaang maaaring nasa katahimikan.
Hanggang makakaya nang walang pagsuko,
pakitunguhang mabuti ang bawat tao.
Ipahayag ang iyong katotohanan sa tahimik at malinaw na paraan;
pakinggan ang iba.
Maging ang mangmang at ang walang malay,
sila man ay may salaysay.
Iwasan ang mga hambog at palalo.
Kayamutan lamang sila sa kaluluwa.
Kung ihahambing ang sarili sa iba,
maaari kang magyabang o mainggit
dahil laging may hihigit at may kukulang sa iyo.
Namnamin ang iyong mga kagampan at balakin.
Lagi mong pagtuunan ng pansin ang iyong hanapbuhay; gaano man kaaba,
ito ay isang tunay na pag-aari sa pabagubagong galaw ng panahon.
Pag-ibayuhin ang ingat sa iyong pakikipag-ugnayan,
Ang daigdig ay tigib ng panlilinlang.
Nguni’t huwag mong hayaang bulagin ka nito sa kabutihang nalalabi.
Maraming nilalang ang nagsusumikap abutin ang tugatog ng kanilang mithiin,
at saan pa man, ang mundo ay hitik sa kabayanihan.
Magpakatotoo ka. Lalong hindi dapat ipagkunwari ang pagtingin.
kawasa’t pag-alinlanganan ang pag-ibig,
dahil sa harap ng lahat ng pagkatigang at panghihinayang,
ito ay kasinggulang ng damo.
Buong kabaitang tanggapin ang pangaral ng mga taon
habang mabiyayang isinusuko ang mga bagay ng kabataan.
Pagyamanin ang katatagan ng kaluluwa bilang kalasag sa biglaang pagkabigo,
nguni’t huwag kang magdalamhati sa mga madilim na pangitain.
Kadalasan, ang takot ay bunsod ng pagod at pangungulila.
Sa kabila ng lahat ng maayang kaganapan,
maging mahinahon ka sa sarili.
Supling ka ng sanlibutan.
Higit pa sa mga puno at mga bituin,
may karapatan kang manahan dito.
At kung maliwanag man sa iyo ay o hindi,
walang alinlangang ang sanlibutan ay lumalatag nang marapat.
Kung magkaganoon, maging mapayapa sa Maykapal
sa kung anumang pagkakakilala mo sa Kanya.
At anuman ang iyong mga pagsisikap at adhikain
sa maingay na salimuot ng buhay,
pamalagiin ang kapayapaan sa iyong kaluluwa.
Sa lahat man ng pagbabalatkayo, kawalang-saysay at gumuhong mga pangarap,
maganda pa rin ang mundong ito.
Maging masayahin. Pagsikapang maging maligaya.