watch now

Author Topic: All About Braces - Thread 4  (Read 83525 times)

imagodei082990

  • Guest
All About Braces - Thread 4
« on: June 02, 2015, 10:32:47 am »
Nag start na po ako new thread naka locked na po kase yung sa kabilang thread paki inform po ako kung nakagawa na ng thread 4 thanks!!!

7 days palang yung braces ko. wala akong molar band hindi ko natanong kung bakit wala :D ang case ko ay overbite at sungki sa taas (yung 2 front teeth ko naka forward then yung 2 pangil. inexplain ng dentist ko na papantayin daw muna niya yung mga sungki bago hilahin. 37k pala singil niya sakin kase complicated daw case ko 5k down then every 3 weeks ang adjustment then mag babayad ng 1k.

ano po ba ang ginagawa pag inaadjust ang braces? and san po makakabili ng murang ortho kit pack? hindi na masydao masakit pero ramdam ko na higpit ng mga ngipin ko. anong floss gamit niyo mga sis? bumili ako ng floss nakakaloka sa di nakakalinis .. thanks po!!!






































super bratinella

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #1 on: July 04, 2015, 04:53:52 pm »
^Sis nagaadjust ang rubber dun kasi nakakasalalay ang pag pantay ng ipin mo hinahatak ang dapat hatakin..

Akin naman sa case ko gusto ko na ipatanggal braces ko hindi na ako natutuwa at gusto ko na lang pa jacket ipin ko.. baka this month or next month papatanggal ko na talaga..

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #2 on: August 03, 2015, 11:45:30 am »
Ordinary floss lang gamit ko, Colgate Mint Dental Floss. Saka bumili ako ng I Type interdental brushes sa Watsons (5 pcs/89pesos) para dun sa hindi abot ng floss and toothbrush.

May naka-try na ba ng clear ligatures? Parang ang ganda kasi, yun sana ipapalagay ko kaso baka kumukulay yung food. Personal favorite ko ang black and gray ligatures.

pret_ty68

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #3 on: August 03, 2015, 12:24:16 pm »
Gumagamit ako nang floss threader para madaling maipasok ang floss.

Evolet027

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #4 on: August 03, 2015, 12:38:44 pm »
Kaka adjust ko lang 3 days ago, ito na ata pinaka masakit na adjustment ko. Bukod dun sa grouping ng ngipin ko, yung may alambre na manipis na nakatali ng paikot sa likod ng mga brackets ko, after nun, naka powerchain pa ko. grabe to..as in grabe.. grabeng sakit.. pahupa na yung sakit nya unlike nung sat at sun. talagang mega laway ako. ang laki naman na ng improvement ng ipin ko to think na 6 mos pa lang braces ko. This adjustment. yung lower teeth ko ang inaayos ang spaces, bago ulit galawin yung taas since yung pangil ko na lang ang hindi alam kung saan i poposition. nag close na din diastema ko sa unahan so yung four front teeth ko wala ng spaces. dun na na lang sa may pangil. :)

Bonus, cute at malakas appeal ng dentist ko. Nung minsan. mejo naka kwentuhan ko sya, dati syang varsity player sa Mapua. di ko lang alam what year. kahit masakit, tiis na lang. tiis ganda talaga! :p

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #5 on: August 03, 2015, 01:00:13 pm »
Naka-powerchains upper teeth ko since April and may coil spring din yung ngipin ko para mag-open yung space at mailabas yung 1 teeth sa loob. Hindi gaano masakit yung powerchains. Yung lower teeth ko medyo ok na, yung upper na lan ang super inaayos.

Evolet027

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #6 on: August 03, 2015, 02:55:35 pm »
Coil spring pala tawag dun? yung pang 'group' daw ng teeth. :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #7 on: August 04, 2015, 04:37:13 am »
Coil spring pala tawag dun? yung pang 'group' daw ng teeth. :)

Oo sis yun nga yun. Yung iba kasi dapat sa left side and yung iba pa-rightside naman ang direction para magka-space at lumabas yung teeth na nasa likod. Nilagyan muna ng powerchain for 2months then nung nagkaroon na ng enough space nilagyan na ng coil spring sa gitna. Pag may enough space na lalagyan na rin ng brackets yung sungki sa likod yun talaga ang major problem ng upper teeth ko.
« Last Edit: August 04, 2015, 05:39:01 am by mysterioza_me »

Evolet027

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #8 on: August 04, 2015, 11:08:54 am »
Thanks sis. Puro singaw ako ngayon, so far ito ang adjusment na nagkaron ang ng singaw kabi kabila ng bibig ko. hahaha! ilang araw na ko naka oatmeal at lugaw. nakaka help mag diet. :p

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #9 on: August 05, 2015, 12:17:14 am »
Ako lagi may orthowax, panget lang tingnan kasi parang tinga pero mas ok n yun kesa may singaw.  Take vitamin C din para mas mabilis magheal ang singaw

sneezes

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #10 on: August 08, 2015, 12:04:17 am »
Hi guys. Ask ko lang...i have metal braces 2 weeks pa lang...normal ba na meron parang white glue around the bracets? Nung nagrrsearch kasi ako di daw maganda ang white spots kasi parang cavities or plaques un. Regular naman ako mag brush 3x a day...and 2 weeks pa lang yung braces ko meron na agad cavities?? Nag wworry lang kasi ako. Pag kinukutkot ko ayaw naman matanggal...will visit din tom un dentist ko to check if normal nga ba to...di kasi lahat meron..un iba lang...and mukhang wala naman ito nung unang lagay...or di ko lang napansin kasi masakit pa last week.

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #11 on: August 08, 2015, 03:53:49 am »
Sis baka glue or cement (?) lang yan. Meron din ganyan yung sa kin. Infairness dito sa pinandikit sa brackets ko matibay, never pa ko natanggalan ng brackets.

akosibulinggay

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #12 on: August 08, 2015, 10:56:56 pm »
Oo sis yun nga yun. Yung iba kasi dapat sa left side and yung iba pa-rightside naman ang direction para magka-space at lumabas yung teeth na nasa likod. Nilagyan muna ng powerchain for 2months then nung nagkaroon na ng enough space nilagyan na ng coil spring sa gitna. Pag may enough space na lalagyan na rin ng brackets yung sungki sa likod yun talaga ang major problem ng upper teeth ko.

Same case pala tayo sis! Yung akin yung left pangil ko nasa likod ng mga ngipin ko, ngayon nakalabas na siya hehe. 2 and 1/2 years nako naka braces. Yung bagang ko nalang ang inaayos kase hindi pantay sa baba, may mga nabunot kase akong mga molar dati kaya siguro hirap talaga pagpantayin. Forever nako naka elastics para lang magpantay ang baba at taas na molars. Sana matapos na hehe..

mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #13 on: August 10, 2015, 09:40:21 pm »
Sa kin naman yung tooth na katabi ng pangil ang nasa likod. Lower teeth ko so far ok na. Gusto ko nga every 2 weeks na paadjust para bumilis na, nakakatuwa kasi pagnakikita ko na may improvement na ang teeth ko. Pero sabi ng dentist baka daw ma-trauma so ok na daw na every 3 weeks-1month ang adjustment. Excited na ako na maging align na teeth ko

sneezes

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #14 on: August 12, 2015, 04:10:52 pm »
Sis baka glue or cement (?) lang yan. Meron din ganyan yung sa kin. Infairness dito sa pinandikit sa brackets ko matibay, never pa ko natanggalan ng brackets.

thanks sis! cement lang daw, tinanggal na nung dentist nung nagpunta ako..heheh....
next week magpapaadjust na ko pero di parin ako makakagat sa front teeth ko  :o :o :o
balik oatmeal/soup na naman ba pag nagpaadjust...


mysterioza_me

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #15 on: August 13, 2015, 10:44:03 am »
Sa kin sis tolerable na ang pain kahit bagong adjust ako unlike nung 1st time ikabit na halos ayaw ko magtoothbrush kasi masakit pagmasagi lang ng konti. Super kain pa din ako, derecho lunok na lang pag di ko talaga makagat

michipoo

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #16 on: August 13, 2015, 11:02:32 am »
hi can you recommend a good ortho in buting pasig area? and yung affordable ang rate for braces? thanks!

CookieReid101

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #17 on: August 13, 2015, 11:28:35 am »
Magkano ba usually down payment ng pagpapabraces?

akosibulinggay

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #18 on: August 13, 2015, 11:44:05 am »
Usually 10 to 15k, pero pag may mga promo 5k to 10k.. Then 1500 per month dun sa balance..

jengc

  • Guest
Re: All About Braces - Thread 4
« Reply #19 on: August 13, 2015, 06:23:44 pm »
hi. meron ba kayo iniinom na pain killer kapag bagong adjust ang braces nyo?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close