@marlachua- You can try Ms. Jamie Saquilayan (Host Jam in facebook), she's a Cavite or Tagaytay based.
Reposting my dream team suppliers
Caleruega - Unang Makita ko pa lang tong church na’to, sinabi ko sa sarili ko na dito ako ikakasal, and after 7 years natupad talaga ang wishes ko. My husband (wow husband na, di ako sanay) and I waited for our wedding day and lahat ng papers namin maayos naming naasikaso, wala nakong hahanapin pa sa church , si Father Allen sobrang favorite ko rin. He really gave advises about life and other LQ problems na dapat naming gawan ng solutions agad-agad. Ok din daw ang sound system sa church so hindi na naming kailangan ng tulong from our L/S provider.
Rating: 15/10
Reception venue:Balai Taal – Same with Caleruega, Ive always want to get married on this beautiful garden set-up venue, wala ng backout backout kahit very dreamy ang price ng Balai Taal. Nung una, hesitant kami to get the 2 houses, but ng makita namin yung loob, kinuha na talaga namin even though plano naming sa 1 place tagaytay talaga. Maayos din ang parking for the guests and my immediate family were treated as VIPs.
Rating: 15/10
Caterer: K by Cunanan – We got them during Getting married bridal fair and smooth sailing lahat ng transactions namin. Very elegant and very alluring ng venue because of them. They are one of my favorite suppliers. Sobrang sarap ng lahat ng food, natuwa talaga lahat ng guests namin, at talagang binibida nila samin even the desserts. Sabi pa ng friend ko, sila rin kukunin nila sa wedding nila next year, at gagayahin nila lahat ng suppliers ko. Honey nut praws were superb for my guests, too bad di ko natikman ng maayos kasi wala akong gana kumain gusto ko lang magcelebrate talaga.
Rating: 15/10 HIGHLY RECOMMENDED!
P/V: Studio101 and Jake Olaso – one word, SUPERLOVETHEM! Favorite ko lahat ng pics at SDE namin, dramatic effect. Napamodel ako ng di oras kahit hate na hate ko magpopose sa camera, nakakatuwa kasi nageemote rin husband ko kahit hate na hate din nya magpopose. Di talaga kami photogenic pero napapogi at napaganda nila kami. Sobrang satisfied kami. Hindi nakakasawang panoorin ang SDE naming, upto now naiiyak pa rin kami kapag pinapanood namin, kinikilig din mom and dad ko.
Rating:20/10 HIGHLY RECOMMENDED!
Gown:Francis Libiran- one WORD, AMAZING!!! Pinakafavorite ko to! Worth the budget, pinag-ipunan ko talaga to ng Makita ko mga gawa nya na sinusuot ni Anne Curtis (im really a fan of Anne Curtis) so binook ko talaga sya after ko makaipon for my gown. Everybody loved my gown, mukha daw akong dyosa ng mga dyosa. Dinaig ko pa si Anne , feeling ko sobrang sexy ko ng araw ng kasal ko.
Rating:20/10 HIGHLY RECOMMENDED!
Ceremony and Reception Music: Infinite Soul Acoustic- They don’t deserve their rate, because we got more than what we paid for! They were highly recommended by our OTD and Lights and sounds. They were on time and one of my favorite supplier ko sila sa lahat ng suppliers ko(music lover kami pareho ni husband), you’ll never go wrong with them, I swear!
A year ago, Nakakahilo maghanap ng maayos na banda kasi gusto ng husband ko marami talagang alam na songs na pang-oldies at marami ding alam na modern songs para sa mga kids daw. Naku we haggled a lot and nahiya naman kami sa kanila kasi marami kaming requests na wala sa list nila. We were able to watched a lot of bands at the weddings and beyond and getting married bridal fair, I even pencil booked another band but when I saw them live, Infinite soul agad binook namin! Sobrang natuwa ako at guests ko dahil sa mga songs na nirequest ko, ganda ng renditions nila, oldies man or modern songs ang galing ng renditions. Eventhough we were very late to send our requested songs, they still delivered those songs and assisted my niece during her song of “Love on Top” and “So Young”. They truly set the right mood and great crowd for the afterparty, super party party talaga. Dati inaraw-araw ko talaga pagvisit sa facebook page nila kasi ang gaganda ng wedding pics na ginagawa ni Monica for their marketing. Naging friend ko na rin sila sa facebook until now and very thankful din sila kasi mabait at warm treatment daw lahat ng friends and family namin during our wedding. They even said goodbye to us and had some super kwelang group pictures kahit nasa taas na kami at nagkakatuwaan with my friends and family.
Rating: 20/10 HIGHLY RECOMMENDED!
Lights and Sounds :JS Mina – We didn’t experience any problems with them. Ang cute ng mood lights nila may designs pa. Madaling kausap mga staffs nila lalo na si Sir Joneal, very prompt kausap and walang hassle. Sound system and lights were great, mabilis daw kumilos mga technicians nila sabi ng band and OTD coordinator ko, nasa timing lahat ng music lalo na mga execution ng grand entrance naming, sakto lahat. Wala rin kaming bad feedback sa kanila from my band. Binigyan din nila kami ng free upgrade .
Ratings: 15/10 HIGHLY RECOMMENDED!
OTD Coordinator: Apple Events – Ours was closest to perfect wedding because of them, dream team talaga. Hassle free kami dahil sa kanila. Malaki talaga utang na loob naming sa kanila and they executed well, and very friendly ng staff nila sa family and friends ko. Wala naman silang nakaligtaan sa lahat ng dapat nilang gawin and I trusted them a lot during my wedding. They 100% did a job well done! Super inalagaan nila ako at ang family ko kahit napapraning nako kakahanap sa iba kong kamag-anak, sila na nagtetext for me and even called them isa-isa kapag nawawala na lang sila at lumalabas yung iba para magyosi. May nalasing akong friends pero pinayuhan pa nila na hinay-hinay lang , concern talaga sila sa mga guests. I love them!
Ratings: 10/10
MY BELOVED HMUA: Sarah Pascual – One of my closest friends but unexpectly made me a radiant and glowing on my wedding. Hindi ako naging mature sa makeup ko kahit sa mga pictures and videos. Sabi kasi ng OTD ko, usually nalalaman daw na magaling ang HMUA kung nagagawa nyang mukhang bata ang bride, and wow ang pretty pretty ko talaga nun, halos ayaw ko ng hilamusan mukha ko. Wala rin akong masasabi sa mga entourage ko, lahat sila fresh na fresh ang peg. Mahilig ako sa makeup at ayaw ko talaga magpamakeup sa iba kasi natatakot akong magmukhang matanda, pero sobrang natuwa ako sa ginawa nya gandara ang peg naming lahat. Maasikaso din sya sa pagtouch-up sakin at sa ibang entourage.
Ratings: 10/10
Entourage Florist- Ill Fiore – Wala namang bad feedbacks about them, I had fresh flowers, wala namang mga lanta-lanta effect. Kahit sabi ng husband ko, hindi raw bagay sa dress ng entourage yung ginawa nilang bouquet pero ok naman for me. Super ganda ng arrangement sa church, as in I was so impressed.
Ratings: 9.5/10
Emcee- Via Reynoso – Lively and craziest host indeed! Medyo may problema sa diction pero kwela sya. Masyado lang akong OC sa mga diction diction pero natuwa ako dahil nagstay lahat ng guests ko hanggang after party, sanay na sanay syang magjoke na classy pa rin naman ang dating . Siguro dahil na rin sa music ng acoustic band ko kasi maraming gustong makijam .
Rating: 9/10
Cake by Vienna cakes – Simple yet elegant nga ang peg ng cake ko, hindi ko na masyadong naappreciate ang sarap kasi wala nako sa sarili pero masarap naman daw sabi ng husband ko. Sobrang sarap daw sabi ng mga pamangkin ko, inubos nga nila agad.
Rating:10/10
Candy Buffet: ℅ Ms. Ernie Macupol (my bestfriend) – Medyo hindi nasunod yung gusto ko, pero ok rin naman ka Casi mas marami pa sa expected kong candies ang binigay nila samin. Worth it!
Rating: 8/10
Photobooth: Baicapture – Sila talaga ang una kong nabook sa lahat ng suppliers kasi natuwa talaga ako sa pictures at booth nila sa bridal fair. Ang ganda-ganda at infairness kahit mahilig sa pictures mga kids, di pa rin sila nawawalan ng patience to accommodate the makukulit kids. Bilis ng printing at malinaw mga pics nila compared sa ibang natry namin sa bridal fair.
Rating: 20/10 HIGHLY RECOMMENDED!