watch now

Author Topic: Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*  (Read 52570 times)

_shayness_

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #260 on: July 25, 2015, 12:19:58 pm »
^sis sether, maganda yan? May movie din si Lee Seung Gi. yung Love something. Watch ko din after Gumiho. Hehe..

Nakakainlove naman si Chef lalo na nung kumanta siya. Kilig! Excitinglalo next episodes. :)

Yung scholar not much pa..

ri-anne

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #261 on: July 25, 2015, 01:48:09 pm »
I'm watchinrg Iljimae again.....ang galing umarte ni Lee Jun Ki dun, he can act makulit at kenkoy and serious at the same time....andun din si Yeo Jin Goo (Orange Marmalade, Hwayi A Monster Boy) at Kim Yoo Jung (Secret Door, Thread of Lies) but still veerry young..galing din nila umarte kaaliw.

ilovejdy

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #262 on: July 25, 2015, 02:38:03 pm »
sis sether isa yan sa mga fave ko si Arang and the Magistrate. Ganda kasi ni gurl baby face. Basta type ko yung mukha nia. hahaha girl crush. Ganda din story cute ng ending. (okay iwas spoiler hehe)

sis shayness like ko din yung part na kumanta si CHEF! Pasikat eh.. haha! Obviously pasikat kay Na Bong Sun si chef kasi diba kakakita lang nila dun sa nakanta sa street. By the way may nabasa ako na itong si Chef daw pala eh gawain yung ganun, nagstreet jam/ show before in real life. Not sure how true this is. haha pero cute lang. Sana may ganyan ka pogi dito sa pinas, titigil talaga ako para manuod.


Party Sparklers

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #263 on: July 25, 2015, 08:01:59 pm »
hi mga sis. paganda ng paganda ang Oh My Ghostess. kiligness yung scenes nila Bong Sun & Chef! si Chef, para-paraan din, kailangan talaga naka back hug kay Bong Sun habang tinuturuan ng proper na pagtanggal ng stem ng kamatis?!? dami ko kilig sa scene na nila na yon =) pati yung fave cake ni Chef na bihira niya i-share, aigoo! Love is in the air

singer talaga siya in real life. sa King2Hearts may scene rin na nag-gitara at kumanta siya. kaya nga yata mas napansin ko siya kaysa kay Lee Seung Gi =P yung gf niya in real life, si Gummy, singer din kaya nga nagclick din sila =)

excited for tonight's epi. join forces na sila Bong Sun & Soon Ae for Chef's heart & body  =D

sana after this show, magka-drama ulit silang 2. lakas ng chemistry nila =)
« Last Edit: July 27, 2015, 10:09:33 am by Party Sparklers »

_shayness_

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #264 on: July 26, 2015, 02:27:30 pm »
Waaaah pasigaw!! Sobrang kakakilig yung Oh my Ghostess. Nakaka-inlove lalo si Chef.. Tagal naman ng paghihintay ulet para sa next epsiodes. Maiinip ata ako sobra!!

seTHer

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #265 on: July 26, 2015, 02:40:29 pm »
^pasigaw din sis!!!! Kyaaaahhh!!!! Kilig to the bones ang last scene ng Oh My Ghostess kaloka! Nakakainip ulit mag antay ng next episode.

Siguro si brother in law yung nakasagasa kay Eun Hee yung sister ni Chef then si ghost yung witness tapos pinatay nya. Feeling ko lang ganun nangyari. Galing ng story nito. Nakakainis lang wala ata preview ng next scene

ilovejdy

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #266 on: July 26, 2015, 03:31:51 pm »
waaah ako hihimatayin sa kilig!
aigooooo grabe si chef. feel na feel ang chemistry ng dalawa. at like ko episode na ito.

haba ng hair ni Na Bong Sun!
hindi ako makaget over!!!! more more more! hahahahaha nakakainis nabitin pa, hirap na naman sa paghihintay. huhuhu.


Oh My G talaga. hehe


seTHer

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #267 on: July 26, 2015, 03:40:03 pm »
 @ sis shayness yes maganda ang Arang and the Magistrate. Etong story ng Oh My Ghostess somehow pareho sa Arang kasi bukod sa usapang ghost din eh hinahanap nila pareho yung justice ng pagkamatay nila hehe magkaiba nga lang setting.
Next project Iljimae dahil di pa ako makarecover kay Lee Joon Ki :)

Party Sparklers

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #268 on: July 26, 2015, 04:13:37 pm »
makikisigaw din ako mga sis!

naloloka ako sa kilig sa Oh My Ghostess lalo na yung last scene. kumusta naman yung paghatak ni Chef kay Bong Sun gamit ang towel?!? at ang kiss!?! jusmiyo, parang real talaga.

natuwa rin ako sa eksena nila BS & Soon Ae nung start. parang sisters in the past, ang cute nila.

ang ok sa drama na to, makikita mo talaga ang pag-improve ng characters nila habang tumatagal. si Chef na dating masungit ngayon, ngiti pa lang ulam na. haha si BS, mas expressive na rin ngayon, thanks to SA. si Soon-Ae naman, dati puro "it" lang ang gusto mangyari, ngayon she knows how to respect others na.

gusto ko malaman bakit humiwalay si Soon Ae during the kiss? eh that kiss could have led to "it". kung paano ba talaga namatay si Soon Ae at kung may connection ba siya sa pag ka hit and run sa sister ni Chef. si Cop walang duda, bad... Saturday na sana ulit =)

16 episodes lang pala talaga to =(

pasensya na sa mahabang post. di ko mapigilan ang cells ko sa kilig eh =D

seTHer

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #269 on: July 26, 2015, 04:39:30 pm »
Parang gusto ko ulitin yung moment nila hahaha! Feeling ko hindi yun ang need ni SA para makaalis, need nya matuklasan kung papano sya namatay dahil hindi nya alam. Kaya siguro humiwalay yang spirit nya kay BS or pwede din na mas mataas ang level ng spirit ni BS that time dahil sa kiss ni Chef! Juskelerd nakakakilig hahaha!
Nakakatuwa din yung boyfriend tawag ni BS/SA kay Cordon, nagselos si chef.

ilovejdy

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #270 on: July 26, 2015, 05:01:25 pm »
^super agree ako sis.
nakakaloka si chef. At nung hindi nanalo si cordon dahil nagselos si chef sa pagcheer ni Bong Sun. tuwang tuwa ako sa kanya. super seloso ang lolo mo! 

feeling ko din na kusang humiwalay si ghostess kasi moment nga naman ni NBS yun. Saka feel niya siguro na inlababo yung dalawa sa isa't-isa kaya unfair if nakawin niya pa yung moment nung dalawa.

i also agree sis na hindi naman yung pag-do ang need niya to move on. Siguro yung sa death niya. I have.strong feeling na may kinalaman sa death niya si cop at pati sa hit & run nung sister ni chef. Baka siya yung nakabangga (or a ghost na sumanib sa kanya) and witness si Ghostess (what's her name ulit? haha) ...then she was killed because of that.


imagination ko lang naman. pero super kileeeeeeeeg to the bones
feeling teenager ako grabehan. parang last time ko na feel ito, kay healer pa. hehe

_shayness_

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #271 on: July 26, 2015, 05:16:12 pm »
Halatang di tayo lahat makarecover.. Hahaha.. Ulitin ulet naten ang episode today. :)

Sana gamitin pa ni BS si Cordon guy para magselos si Chef. Para mas maging clear kay Chef na si BS na talaga like nia kesa kay PD Lee.

Di ba like ni ghots yung Bad Cop? Den i think sinadyang pakasalan nung Cop [textspeak!] sister ni chef to cover up his crime/s. Parang dame pa ng twist ng story. Pwedeng bad ghost din yung Cop kasi di ba si Madam Suhbingo eh naging weak.

Abang abang sa teaser..

seTHer

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #272 on: July 26, 2015, 10:08:19 pm »
^pwede nga din sis. 1 week na pag aantay nanaman ito hahaha

kcac

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #273 on: July 26, 2015, 10:12:26 pm »
Tagal ko na di nakakapanood ng Kdrama! Yung last pa yung MLFTS . Ano po maganda na comedy romance na kdrama? Want to watch uli! TIA!

ilovejdy

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #274 on: July 26, 2015, 10:19:07 pm »
hay naku sis inulit ko talaga
hahahahaha!

at totoo dami pang twist nito. Pwede pa magkaroon ng love triangle between cordon, NBS and chef. Kasi diba may special treatment na si cordon kay NBS, may pa boyfriend pa na tawagan chuchu. At yung reaction ni chef dun priceless! hahaha

sarap balikan ng episode na ito
gusto ko arte ni chef lalo nung pinuna yung chopping skills ni NBS tapos sabi niya may nakilala kasi siya magaling na teacher.. grabe makapag GLOATING ang lolo mo. ganda ng smile eh. hahaha

and that last scene. I was screaming inside. pigil ang kilig ko. may bisita kasi ate ko,baka isipin nababaliw na ako. lol


hook na hook na talaga ako.
sorry sa hindi pa nakakapanuod, super spoiler na. :p

px17

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #275 on: July 27, 2015, 01:15:07 am »
sis ilovejdy parehas pala tayong gusto si shin min-ah. ay nako naiinis ako kasi wala paring siyang drama! sana magbalik loon na siya sobrang gandang gandan ako sakanya.

nako mga sis!! hindi ko binabasa mga comments niyo about oh my ghost. hahaha! ayaw kong maspoil pero shemsss natetemp na ko manood.

Party Sparklers

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #276 on: July 27, 2015, 10:17:42 am »
good morning mga sis.

di ako maka-move sa episode 8 kahapon. tapos nagbasa pa ako feedbacks sa soompi at other sites kaya ang ending pinanood ko ulit bago matulog  ;D

mas lalo ako kinilig sa kanila! yung time na tumabi si BS kay Chef para matulog, si Chef hindi na masyado pumalag at ang tingin kay BS, aigoo! kung wala lang ibang kasama sa room si Chef malamang tabi sila matulog eh  :P

kaya pala wala na preview for the next episode kasi half-way done na siya, until 16 episodes lang kasi. usually sa kanila pag ganito na yung show, pasabik mode sa viewers. tagal pa ng weekend  ::)

^ilovejdy, just like you, last ko na ganitong pagkaadik, Healer din. tagal ko di nakamove-on kay Ji Chang Wook  :-*

ilovejdy

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #277 on: July 27, 2015, 10:54:13 am »
^^sis px17 ganda niya kasi. Basta kapag nakikita ko siya parang napapasmile ako sa lalim ng dimples niya. Pero akala ko nagretire na siya, ang tagal niya kasi wala project.

^sis until now hindi padin ako makaget over kay healer. hinawaan ko nga ate ko and her friends na nasa macau na nahook nadin kay healer (ngayon palang kasi sila nanunuod)
OMG talaga ang reaction ni chef. I mean yung pagarte niya hindi pilit and natural talaga. Kaya siguro naconvince ako sa loveteam nila. hahaha. sana tuloy tuloy ang momentum since 16 episodes lang naman.

_shayness_

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #278 on: July 27, 2015, 10:54:31 am »
Haaay.. Namimiss ko na si Chef. Hahaha.. Natatawa ko sa sarili ko kc habang eating pasta last night, napapa-smile ako kasi naalala ko si Chef. Lol. Yung dating nia kasi for me di tulad nina Ji Chang or Lee Min Ho na super gwapo. Pero anlakas nia magpakilig. Hehe..

Tinatapos ko pa yung my gf is a gumiho, after nun yung Arang watch ko.

Any updates sa In time? Di ko kc sure kung paanoorin ko. Baka same na naman ang kwento..

Party Sparklers

  • Guest
Re: ASIAN KOREAN DRAMA *THREAD 17*
« Reply #279 on: July 27, 2015, 02:49:57 pm »
@ilovejdy

naku sis, may Ji Chang Wook fever pa rin ako until now. i still check his IG regularly. pinapanood ko rin fan meetings niya lately. pero i had to do something after watching Healer 2x in a row kasi nawala sa vocabulary ko ang MOVE ON after nito :P kaya binalikan ko yung Scent of a Woman. napanood ko kasi yung tagalog version nito pero yung original hindi pa. na-hooked naman ako sa lead stars nito kasi yung chemistry nila on & off screen, wagas din. nanood din ako ng mga BTS nila na parang may sarili silang mundo pag silang 2 lang. hay  :D so after Scent of a Woman, i had to look for a new show na kaka-adiktan ko. although i watch current kdramas like I Remember You, The Time We Were Not In Love & Masked Prosecutor, pero wala sa kanila yung may X factor. then came Oh My Ghost ♥

may napanood ako na BTS nung rooftop scene nila na pinagluto ni BS si Chef ng pancake. aigoo, kahit BTS nakakakilig. kung walang gf talaga tong si Chef, lalagyan ko sila ng malice =D hinahanap ko na BTS yung kissing scenes sana pero wala pa ko makita.

^shayness, just finished watching episodes 9 & 10 ng The Time We Were Not In Love in less than an hour. puro fast forward  ;D ang sarap buhusan ng juice ni Ha Na. naaawa ako kay Won na naiinis din. sana nga tapusin na nila bago pa maging worst ang story  :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close