watch now

Author Topic: Sissies, if you were in my situation, what would you do?  (Read 9349 times)

imprincessfiona

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #40 on: June 24, 2015, 12:32:37 pm »
^Kaloka yung kwento mo TS. Grabe kung ako yan world war 2 na. Bagsak yata sa GMRC yang cousin ng hubby mo. Kairita a. Di na nahiya sa'yo personal space nyo yung matrimonial bed nyo tapos may ibang hihiga. Hay sarap tadyakan sa ngala ngala LOL!

sum.mer

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #41 on: June 24, 2015, 09:12:28 pm »
Ang fishy naman sis. Bakit ganun din kasi reaction ng husband mo? I mean diba dapat sya pa umiiwas sa ganung compromising situations.

Cheesecak3

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #42 on: June 29, 2015, 12:14:35 am »
Sana matuto ding umiwas hubby mo kasi alam naman nya na uncomfortable ka sa pinsan nya.

Lurker_Man

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #43 on: June 30, 2015, 04:25:49 pm »
ako na lang mag cling sa pinsan ng hubby mo.hehe para matigil na siya ;)

Girltalker2

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #44 on: July 02, 2015, 06:29:17 am »
Tumira yung niece niya sa amin for a week. Kelangan ko magpanggabi that time, so ang ginawa ko is I made sure na yung space na iniwan ko sa bed e para sa isang tao lang. As in kinalat ko talaga lahat ng important things ko sa side ko ng kama.


Sis, your niece is 22yo na, wala bang common sense na hindi sya puede matulog katabi ng uncle nya?

Do you have to scatter your stuff on the bed? Same with your hubby, why would he even think na puede tumabi matulog niece nya 22yo sa bed nyo overnight? Napaka improper naman.

prettydefined

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #45 on: July 09, 2015, 10:23:52 pm »
I would feel the same way sis. Nakakaloka hindi ko kinaya si pinsan. Besides ang awkward naman dun pa matutulog sa kama nyo. Pwede naman sabihin ni hubby mo na oist dun ka nga. Ano ba ichura ng pinsan nya na yan sis?

Hindi pwede sakin sis yan. Nako ha.

pepperedblue

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #46 on: July 11, 2015, 03:13:30 pm »
Siguro kung ako yun husband mo, and I just wanted to be nice sa cousins ko kaya sa bedroom ko pinatulog, de sana yun dalawang girls na lang nagtabi sa bed at sa sofa sa sala natulog ang hubby mo.

Medyo madumi ata ang utak ko hehe sorry. Kasi bakit need pa nya tabihan yung cousin nya sa bed nyo, at bakitganun reaction nya sa untimely arrival mo? De kung sana gusto matulog ng cousin mo sa bed nyo, de sana natulog sya sa ibang room na lang.

Sana madumi lang ang utak ko and wala talagang something ang hubby mo at cousin nya. Though we have to admit, nangyayari naman ang ganito sa totoong buhay.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #47 on: July 14, 2015, 01:00:05 am »
Clingy and spoiled din ako sa mga cousins ko na lalake but I don't remember sleeping beside them in a private room lalo na kung may mga cousins naman ako na girls na pwede ko tabihan. Kahit pinsan mo pa yun hindi magandang tingnan lalo na kung parehas kayong adult.

mikaelavhan

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #48 on: July 14, 2015, 11:48:38 am »
^any update sis sa makapal na pinsan ng hubby mo?
the nerve huh.ano histura ng pinsan ?bigla nacourious eh.hehe

pinklilac

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #49 on: July 14, 2015, 12:04:02 pm »
^lol ako rin sis curious sa itsura ni cousin.

On topic..nakakailang ganyang sitwasyo.kahit ako hindi ko ma imagine mag sleep katabi ng pinsan kong lalake..maisip ko lang kinikilabutan na ako..siguro kung mga bata pa medyo ok lang pero pag adult na masagwa IMO..


jsoberano

  • Guest
Re: Sissies, if you were in my situation, what would you do?
« Reply #50 on: July 22, 2015, 04:28:52 am »
sis reezlemazzle, wow kalerkey ang story mo. 

paki ask naman kay cousin kung alam niya ang salitang delikadesa? krung-krung lang siguro ang gagawa niyan pero if normal na babae hindi gagawin yan.

kama ko, unan ko gagamitin mo. no no no no.

at ang hubby mo sis super bait sabihin mo hindi pwede ganun kase baka mamis interpret ng iba.  buti nga ikaw ang nakakita pano kung iba.

nasan ang babies ninyo sis? baka magkamali ang orientation ng anak ninyo na ok lang ang ganung attitude sa ibang house.

kalerkey  ???

 

Latest Stories

Load More Stories
Close