watch now

Author Topic: Ugaling Pinoy na di mo gusto.  (Read 96147 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #600 on: February 13, 2018, 02:11:05 am »
Di marunong sumunod sa labas maski for safety precautions pa ang pinatutupad. Galit kapag sinita, sila na may mali sila pa matapang. Sorry naalala ko si talaga si Ateng ulam ang laman ng Helmet habang angkas sa motor hahaha.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #601 on: February 13, 2018, 05:56:30 am »
^LOL! I saw that. Why is she not in jail for assaulting an officer?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #602 on: February 13, 2018, 06:02:27 am »
^Alam mo naman sa Pinas lahat kailangan imbestigahan maski sinasampal na sila ng ebidensya. Dapat nakulong yung babaeng yun maski 1-day lang.

hushush

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #603 on: February 13, 2018, 06:37:50 am »
Mareklamo masyado. Sa school ng anak ko, may isang nanay dun na walang araw na naaabutan ko na di nagrereklamo sa sistema ng school. Sya lang naman ang palaging nagrereklamo. Yung iba ok naman. Minsan nahahawa na lang sa kanegahan nya. Dapat itransfer na lang anak nya para matapos na pagrereklamo nya. Kairita na eh.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #604 on: February 13, 2018, 06:42:14 am »
^Sis true yan kaya ako di nagtatambay sa school ng anak ko or nakikipagkwentuhan sa ibang nanay kasi kung hindi reklamo e payabangan lang pinagkkwentuhan.
« Last Edit: February 13, 2018, 06:45:54 am by mysterioza_me »

hisana

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #605 on: February 13, 2018, 08:32:53 am »
Haha, agree ako sa social climbing at payabangan na yan. In fact, a few days ago, we met someone for the first time at walang sinabi kundi, puro kilala daw nya si ganito, nagpunta sya sa ganyan, sya isa sa may ari ng ganito, nakabili sya ng ganyan...all in a span of 30 minutes naisingit nya sa usapan! Ang masama nyan eh on the rare chance na sya naman nagtanong sa amin at hindi bongga yung sagot sa kanya, magkkwento na naman sya about how better his life is than ours. Jusko.  Inubos ko lang yung lunch ko at nag-excuse na ako sa group, LOL. Marami pa akong nakilalang ganyan over the years.

hushush

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #606 on: February 13, 2018, 03:05:16 pm »
^Sis true yan kaya ako di nagtatambay sa school ng anak ko or nakikipagkwentuhan sa ibang nanay kasi kung hindi reklamo e payabangan lang pinagkkwentuhan.

haha! Medyo keri ko pa yun payabangan sa school kasi more on acads lang naman ang yabangan. Oo lang ako ng oo hehe..
Pero yung mga reklamador talaga ang di ko ma-take eh. Stressful na nga dito sa bahay pati ba naman sa school may stressor din. Hehe! :D
Kaya siguro yun ibang nanay dun sa school either late na nagpupunta or minsan yun daddy ang pinapapunta para magsundo eh. Ako din minsan nagpapa-late ako ng 10mins. Minsan malas talagang hinihintay ako para makipagchikahan eh. Minsan di ko na nga pinapansin, busy-busyhan na nga sa phone ko. Aba talagang kinakausap ako hehe! :D :D

three8one

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #607 on: February 13, 2018, 03:49:38 pm »
^Alam mo naman sa Pinas lahat kailangan imbestigahan maski sinasampal na sila ng ebidensya.

sumobra sa democracy sa bansa natin.. imagine pag sinaway mo lang yung alam mong maling ginawa halimbawa, sasabihin mind your own business kesyo freedom nila yun ek ek... hay! pilipinas kong mahal, disiplina ang kailangan sa mga tao ditto hindi demokrasya...

shayne_12

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #608 on: February 13, 2018, 04:32:47 pm »
Di marunong sumunod sa labas maski for safety precautions pa ang pinatutupad. Galit kapag sinita, sila na may mali sila pa matapang. Sorry naalala ko si talaga si Ateng ulam ang laman ng Helmet habang angkas sa motor hahaha.

Super true eto. Kainis si ateng na may dalang ulam sa helmet. hahaha. Anyway, may naencounter din akong ganito sa SG-Changi Airport. Ineexplain sa kanila ng officer yung policy about sa baggage, ewan ko ba sa mga taong yun pinipilit nila yun gusto nila na labag nga sa policy ng Airport. Sila pa yung galit. Sila pa yung nagwalk out/ nagdabog. Nakakahiya.

« Last Edit: February 13, 2018, 05:41:28 pm by shayne_12 »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #609 on: February 13, 2018, 10:42:35 pm »
haha! Medyo keri ko pa yun payabangan sa school kasi more on acads lang naman ang yabangan.
Hay sana nga acads ang pinagyayabang e kaso yung mga bagong appliances nila with matching tag price or kung saan man lupalop ng daigdig sila nakarating ang iniyayabang. Wala naman sanang problema dun kaso sila dun ang same set of parents na mareklamo masyado sa gastusin sa school (projects, fieldtrips, school programs). Ang yayabang tapos pagdating sa needs sa school ng mga bata halos ayaw maglabas ng pera. Mga nagpaaral lang ata sa private school para lang maiyabang na naka-private school mga anak nila.

^Lol ang democracy at freedom of speech ang palaging nire-reason out ng mga pasaway.

^Sis may naexperience kami niyan sa mrt naman. High alert nung time na yun kaya mahigpit ang mga guards. Naka-giftwrap yung item ng girl ayaw siya papasukin ng guard unless buksan ayaw ng babae at galit na galit siya. Nagtutungayaw siya dun, nakakahiya kasi wala siya sa katwiran e.

three8one

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #610 on: February 15, 2018, 02:36:24 pm »
^Sis may naexperience kami niyan sa mrt naman. High alert nung time na yun kaya mahigpit ang mga guards. Naka-giftwrap yung item ng girl ayaw siya papasukin ng guard unless buksan ayaw ng babae at galit na galit siya. Nagtutungayaw siya dun, nakakahiya kasi wala siya sa katwiran e.

yan na naman yung kung hindi  kakilala nya, na experienced din nya oh. hahaha! biro lang sis.. lab u with the love of the Lord. :)

---------------

mahilig kumain ng sobra sobra....  ;D

hushush

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #611 on: February 15, 2018, 05:01:17 pm »
agree with this, parang hello kala mo naman nasa hundred thousands yan tinda. eh ni wala pa nga 10k. for me pa naman pag nagpunta mall mas gusto ko comfortable (leggings and shirt and sneakers) kase mas gusto ko maglakad ng maglakad and mag ikot-ikot muna sa buong mall (not yet entering stores), since minsan nalang ako pumunta ng malls. alangan naman mag dress pa ko para ayusin treatment nila. nasanay na den ako na hindi ako agad yun i-entertain kase mas may "mukhang moneyed", kahit ikaw yun nauna pumasok sa store. (Learned lesson, don't go to stores if you don't intend to buy, lalo na if sensitive sa ganyan). Funny lang kase, usually I'll buy naman kase talaga since kaya nga ako nasa mall kase I need something.   Tapos ciempre, i-entertain nila yun iba then paglabas nun customer saka palang lalapit sayo. For me, it works na ganun, mas natitignan ko den yun styles na gusto ko kase walang nakabuntot na SL. walang pressure sa pagpili.

Hay naku may mga ganyan talagang SL..panay chismissn na nga karamihan sa kanila even while they are serving the customer. Kahit sa banks. Bdo/bpi, while magtransact ka nakikipagchismisan sa katabing teller o biglang may napadaan janitor magtanong " o papabili ka ba ng lunch?" . uunahin pa talaga istimahin kesa sa nakasalang na depositor..hay nako grabe ang customer service sa pinas..
Kaya nakakababa ng tingin din minsan mga SL eh. Kaya mas gugustuhin ko pa magshopping online kesa makipag-usap sa mga SL sa SM. Kulang sa training eh. Hehe.

But so far wala pa ako naeencounter na bastos..kung meron man, SL ng shoes na tamad magpunta sa bodega para kumuha ng tamang size sa itatry kong shoes. Hehe.
Lalo na pag pasukan. Iritado sila magpabalik balik sa warehouse para kumuha ng stock sa warehouse hehe. :D
 Saka kahit naman bihis na bihis ako at nagmamayaman pag namamahalan ako sa item. Let say, dress ng bata, iaalok sakin mahal. Sasabihin ko : ay medyo mahal, hanap ako ng medyo mura o sale. Papakatoto lang. Kung yung totoong mayayaman nga eh sa baclaran/divi bumibili ng mga gamit para makamura. Mga artista nga sa iG bumibili ng damit, akala mo mamahalin yun ibang damit nila na sinusuot,e pag makita mo sa IG tig-300+ lang pala. Nasa nagdadala e saka artista kaya nagmumukhang mahal. Atsaka may sponsors karamihan sa kanila kaya laking tipid nila sa ootd nila.. :)

 

bratty

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #612 on: February 19, 2018, 01:43:46 pm »
Mareklamo masyado. Sa school ng anak ko, may isang nanay dun na walang araw na naaabutan ko na di nagrereklamo sa sistema ng school. Sya lang naman ang palaging nagrereklamo. Yung iba ok naman. Minsan nahahawa na lang sa kanegahan nya. Dapat itransfer na lang anak nya para matapos na pagrereklamo nya. Kairita na eh.

I used to be like this. Sobrang frustrated sa school ng anak ko, yung stress level ko as in nag-uumapaw na kaya araw araw nagrereklamo ako. Pero hindi lang ako, madaming madami kami! Hahaha! So ayun nga, nagtransfer kami ng school, at isa yun sa mga best decisions in life, char! I heard karamihan sa kaklase ng anak ko lumipat na din, pati teachers! Ang lala nila! hehe

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #613 on: February 19, 2018, 08:35:21 pm »
^Best decision talaga sis na iwanan nalang ang nagpapastress sayo kesa pagtyagaan mo afterall paying customer ka. Kalerks lang kasi yun mga nanay na ganyan sa school ng anak ko, daming reklamo tapos nagkikitakits pa kami next school year. Sana itransfer nila anak nila if madaming reklamo.

three8one

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #614 on: February 20, 2018, 12:49:33 pm »
mga patola... at mga sobrang sensitive

iluvescadasport

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #615 on: March 04, 2018, 01:23:06 pm »
1.crab mentality.

2. Sobrang sensitive kapag meron constructive criticism against fellow pinoys.

Remember when Erap banned Claire Danes?
https://www.cbsnews.com/news/manila-is-mad-at-claire-danes/
"smelled of cockroaches, with rats all over, and that there is no sewerage system, and the people do not have anything - no arms, no legs, no eyes."
It's all facts. Kaso hindi matanggap ni Erap haha

another example yun commercial ad ng malaysia or indonesia ata that focuses on attracting investment from foreigners. May comparison kasi ng data of that country and Philippines and it shows na mas safe and mas okay doon sa country na yun. Aba, nagwala ibang gov't officials and of course, mga reactions ng mga tao sa social media. During Pinoy time ito e. Truth hurts, but it is still the truth.

Frankly speaking, pinoys don't know how to handle constructive criticisms. Sanay sa sugar coating, kaya if blunt yun reaction, defensive agad, sinasabi binabash.

3. Utang ng utang ng pera. Sinasabi walang pera kaso meron pambili ng smartphone.

Whatever the attitudes na ayaw natin, isipin din natin na meron root yan.  Like yun sa pag-utang ng pera, kasi wala naman maganda program ang gov't to help pinoys be literate in finance. Kahit sa school wala. Ako natuto lang ako sa magulang ko kasi may dugo silang Chinese. nung bata pa lang, instilled na sa utak namin na kapag nangutang ka, sobrang kahihiyan yan. KAya natuto kami hindi mangutang and work hard for money instead

marge070407

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #616 on: March 04, 2018, 02:37:38 pm »
matagal hindi mangangamusta at hindi ka kilala pero kapag may kailangan or uutang kilala ka na at magmessage ng kamusta hahaha

iluvescadasport

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #617 on: March 04, 2018, 02:54:45 pm »
matagal hindi mangangamusta at hindi ka kilala pero kapag may kailangan or uutang kilala ka na at magmessage ng kamusta hahaha

so true! nakakainis yun ganyan. Pag may nagmessage sa akin ng "kamusta or how are you", reply ko is "k lang"

Shadow Angel

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #618 on: April 14, 2018, 04:33:32 am »
Un may maipost lang socmed:

-Ano ba nakukuha sa pagpopost ng namatay na kamag anak nasa kabaong.
-un kada dalaw sa puntod naka post
-un pati 1st menstruation ng anak naka post.

Ilan lang sa mga bagay na di ko matake kung bakit nakapost pa.

lalee888

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #619 on: April 14, 2018, 05:25:19 am »
Already mentioned here but will re-state:

- crab mentality
- judgmental (sa lahat ng bagay, if it doesn't fit the collective trend or collective idea, kahit ano pa yan, you would be judged negatively)
- hiya mentality: we value saying mam and sir as respect but the truth is, it's a masked social class superiority thing, it does not empower those who say it, and it does nothing for a conversation. In my wedding planning everyone treats me as mam, and I hate it. My coordinator is the only one treating me as my name and it makes me feel I'm dealing with my equal same wavelength, which I need since it's a decision making process. We don't need mam sir constantly ang weird para sakin.
- elitism; the poor seem to worship the rich and the middle class seem to follow the rich which, IMO, does nothing to balance the wealth in the Philippines

 

Latest Stories

Load More Stories
Close