watch now

Author Topic: Ugaling Pinoy na di mo gusto.  (Read 96163 times)

ultimatehousewife

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #560 on: July 02, 2017, 12:26:56 am »
Grabeng bastos naman ng mag lola sa kinuwento ng isang sis natin. May seniors na saksakan ng bastos. Gaya nga ng grocery incident namin. Mom ko is a senior. May 1 basket of grocery kami. Then heto si other senior who asked na mauna siya since isa lang naman dala niya. E haba at tagal ng pila namin. Sakit paa na ng mom ko na 78 years old. That senior was about 60s lang at malakas. Then i said "no, sorry. May kasama akong senior din o! " then nag dabog ang senior na yun. Papatulan ko pa sana pero enough na sa akin na napahiya siya. Lalamangan pa ang kapwa senior. Grabe siya.

tischarmedlife

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #561 on: July 09, 2017, 08:18:48 am »
I experience that senior citizen situation too. I was with my uncle sa pila sa SSS (he's about to get his ID) and naghintay kami ng ilang mnutes before kami ma-entertain ng SSS personnel. Then may biglang sumingit na SC din, wala man lang pasintabi sa aming mag-tiyuhin; sa uncle ko na nakaupo na sa chair. Derecho lang nyang binigay yung papel nya and then naglitanya ng concern nya.
I came from work nun so antok na ko and wala talaga akong pasensya sa mga bastos na tao, que SC or hindi. So I said "Excuse me, nauna po kami." Sagutin ba naman ako na 'Senior Citizen ako". Di kase halata na 60 na si Uncle so sumagot ako na 'Senior Citizen din po yun uncle ko'ng kasama ko. Hindi lang kayo ang SC dito." So binalik nung personnel ang papel nya and sinabihan syang hintayin syang tawagin,
Nakakainis lang yung mga taong tumanda pero parang walang pinagkatandaan. Nakita nang may nauna sa pila, maano't magtanong ng maayos.

Chili1113

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #562 on: July 11, 2017, 01:54:26 pm »
Please don't be quick to judge when you see young women in the senior lane. They could be pregnant and are entitled to use the lane for seniors/pregnant/PWD.

I get weird nasty looks when I line up sa senior lane now because I am only 4 months preggy and I don't look preggy pa. But  because I have a delicate pregnancy and have a tendency to bleed, I line up there.
« Last Edit: July 11, 2017, 01:57:54 pm by Chili1113 »

greenpease05

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #563 on: July 25, 2017, 05:33:37 pm »
Pala- asa - pag di mabigyan masama ang loob. e.g. OFW - pinoy family, o ibinigay mo na lahat pero sa huli ikaw pa arin ang masama.

Feeling entitled- parang laging sino ka ba? Di mo ba ako kilala?

Unsupportive- pagmakitang nakaka angat ang kapwa imbes na matuwa ang tulungan pa ito lalo makaangat eh sila pa itong uang unang magpapabagsak. 


girlwhohustle

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #564 on: September 05, 2017, 02:49:11 am »
Nakakainis na titig parang ignorante. Pet peeve!

TysLolakins

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #565 on: September 07, 2017, 01:05:18 am »
masyadong obsessed sa mga artista/celebs,  fanaticism and overzealous levels to the max.


easily duped/fooled by sob stories and fake news.


quick to make excuses for screw ups.








jakh

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #566 on: September 07, 2017, 05:13:38 pm »
Yung mga mahihilig magpadala sa  mga pauwi ng pinas. Magtatampo pa pag di mo sinabing pauwi ka kasi hindi tuloy sila makakapagpadala. Once lang ako tumanggap ng padala, hindi ko na inulit kasi nahassle lang ako.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #567 on: September 07, 2017, 08:12:49 pm »
^Sis yung bf ko last na uwi niya may nakipadala ng sabon. Sabi sa kanya konti lang daw yun and bibigyan daw siya ng free soap. Tinanggap ni bf kasi konti lang naman daw. Pero bes 4kls na sabon ang ipinadala sa kanya tapos binigyan siya isang pirasong sabon pagdating doon. Tapos itong same person umuwi ng Pinas. Nakiusap si bf kung pwede na makipadala ako pagbalik ng tao doon. Nung una sabi ok. Nung magpm ako na nasa lbc na ako aba ang sabi paalis daw siya. Sabi ko naiprocess ko na yung parcel e. Di na nagreply yung tao. Sabi ko sa bf ko pag yang padala ko iniwan niya talagang ip-pm ko yang tao na yan, 4kls pinadala nya sa bf ko tapos ako 1 sweater at tumbler lang papadala ko para kay bf di niya bibitbitin.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #568 on: September 07, 2017, 10:08:12 pm »
Mahirap kausap minsan nga Pinoy. Last weekend, we had a weekend getaway with friends. So, ako yung nag-book ng two rooms for me and another family. But because it's a special rate, once booked, it can't be cancelled. I wasn't sure kung tutuloy ako kasi, tinuli ang anak ko at di ako sure kung okay na sya to travel at that time. Anyways, so merong dalawang Pinay na gusto sumama. So, I told the organizer that they can take my reservations and they can just pay me later. Aba, ayaw kasi daw gusto nila credit card ang ibabayad nila. Kesyo meron daw silang paggagamitan ng cash. If you think about it, it's win-win situation for all of us. First, my booking is not wasted. Second, they can pay me later without interest. Third, since it's a long weekend booked na lahat ng hotels sa Calgary so it gave them a sure booking. Feeling ata free money ang credit card at walang balak bayaran. Masakit sa bangs kausap ang mga Pinoy!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #569 on: September 07, 2017, 10:35:03 pm »
^Sis baka walang extra cash to pay for accomodation kaya CC ang gusto gamitin, saktong pang-pocket money lang ang available cash. Uso kasi yan nowadays, travel goals muna maski walang extra cash.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #570 on: September 07, 2017, 10:43:06 pm »
^I understand that pero bayad na yung room using my card. Kumba, instead of the credit card company yung babayaran nila later, ako na lang without interest at kung kelan sila me cash. Kung ako yun, I will take it because it will end up cheaper. Next time our group will not invite them dahil magulo kausap.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #571 on: September 07, 2017, 10:49:48 pm »
^Sabagay. Sayang ang offer. Ayaw ko din na may kasamang magugulo kausap. Lalo na yung sasama daw tapos kapag malapit na or sa mismong araw biglang aatras.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #572 on: September 07, 2017, 10:59:03 pm »
^^Ganyan na ganyan. Last minute, di sumama kasi meron daw gagawin. Alam mo yung walang pake sa time and effort ng ibang mga kasama? Luckily, nagyaya ang anak ko na tumuloy. Okay na raw sya so, last minute travel to Calgary. He loved it though kasi adventure daw.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #573 on: September 07, 2017, 11:15:00 pm »
^True sayang time and effort sa planning. Saklap pa kadalasan panira sa budget kasi imbes na na may ka-share ka sa gastos you will be left alone to shoulder the cost kasi bigla silang nag-iba ng plano. Kaya nito namimili na ako ng kasama aalis pati ng taong aayain.

AprilGal26

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #574 on: September 07, 2017, 11:16:21 pm »
Sorry about this ha, ayoko yung pagiging too conservative ng mga Filipino.  :(
We always tend to compromise yung happiness, what will be best for you for morality sake. One classic example was when I told my parents na I have decided to part ways with my ex-husband. Pero they insisted, (specially my mom) na we should try pa, e nakailang try na kami na ayusin yung relationship  ??? and we're really not good anymore. At naging napakatagal na pilitan pa ng mother ko to stay with my husband  ???
When I got pregnant, ganito yung scenario,
Me: buntis po ako
Parents: ok, e dapat na nating makausap si __________ para mapag-usapan ang kasal
Me: ayoko munang magpakasal. Gusto ko sana kahit live in na lang muna kami
Parents: nagkasala na nga kayo (because of premarital s*x), tapos di pa kayo magpapakasal. Baka isipin ng mga tao ayaw kang panindigan  :o

ako e, OK. Until hindi nga nag-work yung relationship and I really consider marrying that guy as the biggest regret of my life  :-\

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #575 on: September 07, 2017, 11:27:48 pm »
Pagiging double standard, nakakainis lang.

jakh

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #576 on: September 08, 2017, 01:00:45 am »
^Sis yung bf ko last na uwi niya may nakipadala ng sabon. Sabi sa kanya konti lang daw yun and bibigyan daw siya ng free soap. Tinanggap ni bf kasi konti lang naman daw. Pero bes 4kls na sabon ang ipinadala sa kanya tapos binigyan siya isang pirasong sabon pagdating doon. Tapos itong same person umuwi ng Pinas. Nakiusap si bf kung pwede na makipadala ako pagbalik ng tao doon. Nung una sabi ok. Nung magpm ako na nasa lbc na ako aba ang sabi paalis daw siya. Sabi ko naiprocess ko na yung parcel e. Di na nagreply yung tao. Sabi ko sa bf ko pag yang padala ko iniwan niya talagang ip-pm ko yang tao na yan, 4kls pinadala nya sa bf ko tapos ako 1 sweater at tumbler lang papadala ko para kay bf di niya bibitbitin.


O diba?! Kainis yan sis ha kapal ng mukha ng nakisuyo ng padala sa bf mo🙄  Madaming ganyan sis kaya ako no-no talaga sa padala-padala na yan.

----------------------------------------------------

 ang hilig magpalibre  at ang masama nito hihiritan ka na ilibre sila instead na antayin ka magkusa. 🙄
.


mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #577 on: September 08, 2017, 09:34:15 am »
^Nainis ako talaga. Alam ko naman maraming sweater at tumbler sa kung saan man sila naroon pero iba yung padala ko kasi gift ko yun sa bf ko. Sabi ko kay bf next time wag siya maingay na uuwi siya ng Pinas para walang pakipadala pauwi dito and pagpabalik dun sabihin niya puno na bagahe niya.

Same tayo diyan sa palibre lalo na pagbirthday. Sinasabi ko lilibre ko sila pero bilhan muna nila ako ng gift na gusto ko, ayaw naman nila magsipaglabas ng pera para sa gift kaya di ako nanlilibre haha.

sweetpot

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #578 on: September 08, 2017, 08:07:40 pm »
Mahirap kausap minsan nga Pinoy. Last weekend, we had a weekend getaway with friends. So, ako yung nag-book ng two rooms for me and another family. But because it's a special rate, once booked, it can't be cancelled. I wasn't sure kung tutuloy ako kasi, tinuli ang anak ko at di ako sure kung okay na sya to travel at that time. Anyways, so merong dalawang Pinay na gusto sumama. So, I told the organizer that they can take my reservations and they can just pay me later. Aba, ayaw kasi daw gusto nila credit card ang ibabayad nila. Kesyo meron daw silang paggagamitan ng cash. If you think about it, it's win-win situation for all of us. First, my booking is not wasted. Second, they can pay me later without interest. Third, since it's a long weekend booked na lahat ng hotels sa Calgary so it gave them a sure booking. Feeling ata free money ang credit card at walang balak bayaran. Masakit sa bangs kausap ang mga Pinoy!


Ayoko rin ng magulong kausap. Isa pa yung pabago bago ng isip. Mahilig makinig sa opinion ng iba hanggang sa nagkalito lito na.

bratty

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #579 on: September 08, 2017, 09:26:01 pm »
Pag may nasita ka at guilty sya, aatakihin ka ng personal (weight, hitsura, yaman, etc!) dun pa lang the guilty party lost already! As in roll eyes na lang!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close