watch now

Author Topic: Ugaling Pinoy na di mo gusto.  (Read 96095 times)

iamyourangel08

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #540 on: May 05, 2017, 06:00:29 pm »
plastik, traydor, mga inggitero , at yung mga taong lahat na lang ng bagay pinapansin..
nakakainis din yung mga mahilig mangissue.. Kabwiset!

hunny_ally

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #541 on: May 05, 2017, 09:39:13 pm »
^may i add pa mga pinoy napaka sensitive sa social media. masyadong sineseryoso mga bagay2 kahit mga jokes lang tinatake seriously. tapos kung makapagreact akala mo kung sinong mga perpekto

It more that Pinoys lack sensitivity. Lahat ginagawang joke. There's a time for everything. Hindi lahat ng oras eh naka-comedy bar mode.

airish_2

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #542 on: May 07, 2017, 12:15:02 pm »
Karaoke mode everyday walang pakealam kung may natutulog na kapit bahay :( grabe!

lonely_dad

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #543 on: May 09, 2017, 09:47:18 am »
mga mahilig umasa, tapos pag di mo binigyan ikaw pa masama

layladesilva

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #544 on: May 09, 2017, 10:06:05 am »
wala sa lugar kung mahiya. dun sa mga sitwasyon na dapat mahiya, nagwa-walanghiya. sa mga sitwasyon na hindi dapat mahiya, dun pa umiiral ang hiya.

Gaysha

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #545 on: May 09, 2017, 09:28:23 pm »
^Can you give examples? It sounds so vague or encompassing kasi.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #546 on: May 09, 2017, 10:25:45 pm »
^Example nyan sa utangan. Yung nangungutang di marunong mahiyang di magbayad. Yung nagpautang hindi makasingil dahil nahihiya.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #547 on: May 09, 2017, 10:58:44 pm »
Isa pa yan about pera mahilig sa pera, luho o uso kahit utang kulang naman sa tamang management ng pera. Mangungutang pakapalan ng mukha hindi magbayad. Nakakapag inom or lakwtsa pero priority dapat na bayaran hindi inuuna. Mahilig sa enjoyment of life actually hindi inuuna ang future instead na gawan ng paraan ang situation dinadaan na lang sa tawa o inom or gala. Lagi daw naka smile ang pinoy kahit may problema kaso nasobrahan. Isa pa pinaka ayaw ko mahilig umasa sa relatives lalo na if nasa ibang bansa or may asawang f. Ang iniisip mayaman o mapera na. Hindi marunong magbanat ng sarili buto imbes na silipin un relatives or kapamilya medyo angat pinaparesponsibilidad sa kamag anak na angat ang buhay nila. Kapag hindi mo tinulungan o minsan mo lang mahindian ikaw na pinaka masama kahit ang dami mo ng naitulong.

ultimatehousewife

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #548 on: June 20, 2017, 11:16:50 pm »
Senior citizen na nanggugulang sa kapwa senior citizen. Hay nako. Para sa senior na yun who tried her way para sumingit sa pila ng grocery ng seniors lane, shame on you.

unicorn_ChicMD

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #549 on: June 21, 2017, 03:10:48 am »
mahilig sa tsismis
payabangan galore  ;D

hisana

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #550 on: June 25, 2017, 11:39:52 am »
Madaming ayaw sumunod sa simple rules and regulations. Ang masama pa nyan, kapag sinita naman sila, sila pa yung galit. For example na lang yung napakasimpleng pumila papasok sa mall. Yesterday there was this woman in front of me who suddenly moved to the men's line kasi ubos na yung mga nakapilang lalaki. Syempre pinabalik sya sa line namin. Sobrang na-offend sya sa ginawa ng guard na yun, I even wanted to come to the guard's defense because ang unreasonablr nung babaeng yun. To think 2 lang naman yung una sa kanya sa pila namin, kaya naman siguro nya maghintay ng 1 minute or 2. I always see this...sa pila ng grocery, pila for PWD/elderly, on the road, etc. Why oh why.

ultimatehousewife

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #551 on: June 26, 2017, 06:45:30 pm »
^ korek sis. Hay naku! Habang tumatanda, nawawala ang manners at pagiging magalang sa kapwa. Rules are rules. Pumila dapat sila ng maayos. Muntik pa makipag away asawa ko nung may isang lalaki na sinigitan siya sa pila. Kala naman nila e their time is more precious than others. Diba? Kaloka!

hisana

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #552 on: June 27, 2017, 10:27:44 am »
^
Yan din iniisip ko, sis. Medyo pa-importante  yung mga ganito, gagawin lang basta yung gusto nila,  rules and other people be damned. Sa MRT/LRT rin nga raw, may sumisingit pa rin hanggang ngayon. Grabe naman, ang tagal pumila nung iba tapos may sisingit lang. Ang tigas ng mukha nila, haha! Sorry, yun talaga naiisip ko.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #553 on: June 28, 2017, 06:30:43 am »
Ako sis ang napapansin ko may mga tao na masyadong inaabuso yung "The customer is always right". Kung sino pa yung nakaangat lang ng konti sa buhay sila pa yung maaarte at mareklamo. Konting bagay nirereklamo, pagalit pa.

ataypool

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #554 on: June 28, 2017, 12:08:09 pm »
Ano ba ang rules diyan sa Seniors/PWD line? Based kasi ako and family overseas, kasi sister ko una sa pila sa taxi at Megamall, dumating na and sasakay na sila then biglang may tumatakbong senior citizen and her apo, sasakay din ng taxi. Lola said 'I'm a senior citizen and a lawyer'. My sister replied back 'I don't care if you're a fuc....ng lawyer'. Pinasakay na ng guard sila lola sa taxi then si apo dirty finger sa sis ko, my sis did the same to her. The guard told my sis senior citizen kasi kaya dapat nauna sila so ang sabi ng sis ko pero paano na iyan kung another senior citizen gawin uli iyan in a few minutes sa akin so siya and the people behind her will be stuck for another hour or so.

dismembered

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #555 on: June 28, 2017, 02:07:24 pm »
^ That's the rule. Priority ang mga PWD dapat. Pero if not, dapat may separate line na lang for waiting ang mga PWD.

Dito sa Pinas, hindi masyado honored yung law regarding PWD. Sa buses, yung 1st 2 rows ng seats dapat reserved sa PWD yun. Occupy mo lang sya if walang PWD around. In case magka PWD na sasakay, obliged ka dapat tumayo at paupuin sila. Well, pag PWD kayo, at nakita nyo mga nakaupo dun ay di PWD, sabihin nyo sa conductor sa bus and sila mismo dapat ang magpaalis sa mga nakaupo dun. Experienced that. Possible naman. Just learn to exercise your rights.

Gaysha

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #556 on: June 28, 2017, 02:37:10 pm »
@ataypool

Hindi sa kinakampihan ko ang senior but the purpose of the law is to give convenience and privileges sa mga senior, for the reason na maliit na panahon na lang ang ilalagi nila sa mundo  (60 years old ang entitled sa seniors card), give back dahil nakapag silbi sa society at bansa thru a long time paying taxes not just direct but indirect taxation like buying goods etc., and most of all, wala na silang lakas na katulad ng mga bata. Yan ang intent and purposes ng batas. http://www.officialgazette.gov.ph/services/senior-citizens/express-lanes-privileges/

Kahit sa America naman or any other civilized country, merong senior citizen law, at matagal na sya, dito bago lang. And mas binibigyan nila ng respeto ang batas at ang nakakatanda kahit wala pang batas na ganito. 

Sa totoo lang, eto ang isa sa di ko gustong ugali ng Pinoy. Wala ng respeto sa nakakatanda. Kasi dati hindi ganito.
« Last Edit: June 28, 2017, 02:40:27 pm by Gaysha »

hisana

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #557 on: June 28, 2017, 03:41:23 pm »
Just to clarify no, yung sinasabi kong sumisingit sa LRT/MRT are not senior citizens.

Regarding senior citizens here, I'm not sure also what the strict rule is, but yes, pinapauna nga in most cases. But I will be honest, no...I think that if there's no clear designated line for seniors, nasa discretion na lang talaga nung sisingitan and/or staff kung papaunahin and hindi yung basta na lang they will demand to be at the front of the line. I observed that people usually defer to them din naman kung sabihan lang ng maayos.

Kaya lang ang problema kung seniors sinisingitan yung other seniors, sabi nga ni sis ultimatehousewife. Tsaka yung mga hindi seniors na sumisingit sa seniors' line--kasi daw maikli lang naman yung pila, eh dun daw sa regular line na mahaba na. So minsan, nagkakaroon ng non-seniors who use the seniors' line, tapos kapag may dumating na seniors, hindi na sila agad naa-accommodate.

And wow, that "I'm a lawyer" comment.  Pinapauna na rin basta lawyer? LOL.

ataypool

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #558 on: June 28, 2017, 04:02:01 pm »
Wala issue sister ko about the PWD and senior citizens law. They were about to get into the taxi but mabagal nga kasi her daughter was 3 years old that time and they were folding the umbrella stroller while my niece was about to get into the backseat. Walang pila sa seniors that time, bigla na nga lang lumitaw ang 2 bruha. Nakipagtalo na nga sister ko sa guard, her point is dapat pumila or nakapila si lola, besides, ang guard nag-sabi na sa sister ko na sila ang sasakay sa taxi bago dumating ang 2 bruha.

hunny_ally

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #559 on: June 28, 2017, 04:11:23 pm »
But some people abuse that senior citizen privilege. Example: during my son's recital, we made sure to be there 2hrs before the start so we can be first in line and get good seats. There was a designated line for SCs. Nung pasukan na, pinauna nila papasukin yung SCs, which is fine with me. Kaso naman each SC may kasamang at least 5 family members with them. One even had 12 relatives with her. At that rate, by the time makapasok lahat ng nasa  SC lane, nakuha na lahat ng magagandang seats. A lady behind us in line, nagreklamo na sa usher. An SC should only have 1 companion. Eh if papauunahin nila lahat ng nasa SC, balewala  yung maagang pagpunta namin. We were waiting at least an hour before we saw any SCs arrive.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close