watch now

Author Topic: Ugaling Pinoy na di mo gusto.  (Read 96111 times)

brandi

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #520 on: April 08, 2017, 04:31:44 pm »
Crab mentality
Walang disiplina
Lahat may sinasabi parang sa politics na lang. Daming nakikialam. Greedy masyado in all aspects.
And talking about politics, hypocrites. Roman catholic ako pero i truly despise how cbcp behaves.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #521 on: April 08, 2017, 09:15:02 pm »
Hindi ko ma-gets yung mahilig manghiram ng mamahalin na gadgets or gamit to use for their travels or kung para sa kahit anong dahilan. Ex hihiram ng gopro sa kakilala kasi magbe-beach. For me kasi ayaw ko ng nanghihiram ng gamit lalo na mamahalin, kung wala ako nun e di wala. Ayaw ko din ng nagpapahiram ng mamahalin na gamit kasi kapag ibinalik ng sira or may damaged sasabihin sayo na "dati ng  ganyan yan nung pinahiram mo e" kahit na you checked evertything naman bago mo ipinahiram kaya alam mo na hindi damage yung gamit bago mo ipinahiram. Yung iba pa di marunong magsoli ng kusa.

Isa pa pala yung nanghiram sa akin ng gamit tapos ipapahiram din niya sa iba ng di nagsasabi sa akin. Tapos kapag hinanap ko sasabihin "ay wala na sa akin e, hiniram kasi ni ganito sa akin, kunin mo na lang sa kanya." Hanggang sa pasa-pasahan ka na lang nila. Swerte na lang kung babalik pa sa iyo in condition. Madalas sa akin nangyayari sa mga books na ipanapahiram ko.

ohmygorjosh

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #522 on: April 12, 2017, 12:37:25 am »
1.  Crab Mentality

2. Chismosa/Laitera

3. Maghahanda pag fiesta kahit walang pera (mangungutang)

Gaysha

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #523 on: April 12, 2017, 08:43:49 pm »
Feeling mayaman halos lahat
Feeling model halos lahat. LOL (just look at FB, IG, Twitter)
Feeling maganda halos lahat :)  ;D
Feeling matalino halos lahat
Feeling superior halos lahat (as in I'm better than everyone mentality LOL)
Feeling inosente/banal
Ma el-ya  ;D
Maingay
Walang disiplina
etc..etc. ;D


« Last Edit: April 14, 2017, 02:51:04 pm by Gaysha »

TysLolakins

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #524 on: April 13, 2017, 02:23:00 am »
kinukutya ang kapwa pinoy  :o
ikinahihiya ang pagiging pinoy

lonely_dad

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #525 on: April 17, 2017, 07:45:53 am »
walang disiplina

sweetpot

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #526 on: April 19, 2017, 06:21:18 am »
Hindi marunong magbayad ng utang

Palaging sinasabi "ilista na lang sa tubig"

LABYU

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #527 on: April 22, 2017, 12:58:55 am »
Lately naexperience ko ito, cyber bully.

  • Napakabully ng ibang Pinoy na bata ngayon lalo na sa facebook, grabe na depressed ako ng slight, lahat ng salita ang sakit sakit parang mas gusto ko pang sampalin na lang ako kesa deretso ako pagsalitaan ng mga masasakit, grabe cyber bully ng bata ngayon :-[ tapos ang masama pa na cyber bully na nga umepal naman ang iba, nakisakay. Nambully na rin.
  • Pintasero
  • Mapangmaliit basta alam ng tao na ganyan ka lang
  • Mapaghila paibaba in short crab mentality to the highest level - lalo na pag OFW ka
  • Mainggitin kung meron si Tekla dapat meron din si Gukla
  • Kung magsalita parang papatayin ka na sa mga salita niya in short masakit magsalita
  • hindi humble

lonely_dad

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #528 on: April 22, 2017, 08:04:30 am »
Lately naexperience ko ito, cyber bully.

  • Napakabully ng ibang Pinoy na bata ngayon lalo na sa facebook, grabe na depressed ako ng slight, lahat ng salita ang sakit sakit parang mas gusto ko pang sampalin na lang ako kesa deretso ako pagsalitaan ng mga masasakit, grabe cyber bully ng bata ngayon :-[ tapos ang masama pa na cyber bully na nga umepal naman ang iba, nakisakay. Nambully na rin.
  • Pintasero
  • Mapangmaliit basta alam ng tao na ganyan ka lang
  • Mapaghila paibaba in short crab mentality to the highest level - lalo na pag OFW ka
  • Mainggitin kung meron si Tekla dapat meron din si Gukla
  • Kung magsalita parang papatayin ka na sa mga salita niya in short masakit magsalita
  • hindi humble

marami kasing keyboard warrior magaling lang kasi nakatago sila

ataypool

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #529 on: April 25, 2017, 01:12:30 pm »
^^ patulan mo mga cyberbullies. Sasabihan ka na huwag pumatol kasi parang bumaba ka sa kanila pero I don't believe in that. Enjoy kasi sila na tahimik ka lang pero pag binalikan mo ng talagang maaapektuhan sila okay lang. Mostly insecure people na hindi nila kaya na meron pa palang ibang taong maganda, matalino, pogi, masipag, masaya etc.

I was bullied when I was studying in Manila in the 80's by students and teachers in a Catholic school because my parents weren't 'sipsip' and didn't have the luxury to give watches to the teachers and I didn't have Sanrio toys to share with. Parents ko naman lagi sinasabi huwag patulan. Buti na lang I transferred to a public school in HS where I found lifelong friends. Kaya galit ako sa bullies.

aiden

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #530 on: April 25, 2017, 10:02:38 pm »
Misogyny
Chismoso/chismosa
Pakielamera
Padrino system

cheezecake

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #531 on: April 29, 2017, 03:16:20 pm »
hindi marunong magbayad ng utang

lonely_dad

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #532 on: April 30, 2017, 06:37:44 am »
hindi marunong magbayad ng utang

pag kamaganak kasi ang utang sa kanila parang thank you  ::)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #533 on: April 30, 2017, 04:15:19 pm »
Ang hilig magpakita ng work nila at magpa-criticize kuno for their "betterment" pero kapag nagbigay ka ng honest opinion and constructive criticisms regarding sa gawa nila, nagagalit. Gandang-ganda pala sila sa gawa nila kaya wag nila sila magpa-critic.

scruffs

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #534 on: May 04, 2017, 08:43:45 am »
Fiesta time - ipangungutang ang panghanda.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #535 on: May 04, 2017, 09:56:57 am »
^sa kasal ganyan din tapos hoping na mabawi ang nagastos sa cashgifts

three8one

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #536 on: May 04, 2017, 01:29:18 pm »
yung mga nakikisakay sa fame ng iba..

napapaplastikan ako sa iba na nagsasabing im proud to be pinoy pag may mga talented pinoy na sumisikat.  yung mga lumaki naman sa ibang bansa, susme  pag tagalugin mo hindi naman marunong. makapagsalita man hindi naman maituwid ang dila. pano ka naging proud dun? meron iba naman, proud to be pinoy daw tanungin mo history ng bansa nila, nga-nga! walang alam sa root nya.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #537 on: May 04, 2017, 11:47:43 pm »
-over mag idolize sa celebrity to the point na hindi na nakikita ang mali ng isang celebrity. Kahit walang kwenta un movie support pa rin kasi "sikat" kaya karamihan sa movie ng ph hindi mo maipagmalaki sa ibang bansa. Kung meron man tayo pang laban na movie hindi naman sumisikat sa atin in other words mahilig ang pinoy sa "in" or  "blah" lang. Parang most pinoy hindi marunong tumingin ng kalidad mga kabataan pa ngayon support puro mga pabebe ang alam.
-connected sa una kong comment over maka bash or over magalit sa isang artista lalo na if ka rival ng idol nila. Hindi naman nila personal na kilala un artista.
-gullible madaling maniwala sa mga post sa internet without verifying if true nga. Pati nga BI pinaniniwalaan ok lang mag basa or mang hula just for fun pero un iconclude na totoo over na lalo na kung galing sa hindi naman sa walang credibility.
-mahilig sa hugot daming alam hindi naman inaaply sa sarili mga post nila. Lalo na mga bible verse na makapost wagas sa totoong buhay naman hindi kaya gawin un post.

MoonshineLady

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #538 on: May 05, 2017, 12:42:59 pm »
^may i add pa mga pinoy napaka sensitive sa social media. masyadong sineseryoso mga bagay2 kahit mga jokes lang tinatake seriously. tapos kung makapagreact akala mo kung sinong mga perpekto

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #539 on: May 05, 2017, 05:42:40 pm »
^It depends sa joke sis, hindi lahat ng bagay/situation ginagawang biro kasi meron at meron maooffend. Ex rape, being a solo parent, physical disability etc, for me di dapat ginagawang biro yan. Hindi lahat ng nasa social media bff natin kaya be careful sa pagbitiw ng "joke".

 

Latest Stories

Load More Stories
Close